Wednesday, March 23, 2016

South Cebu Trip

Sabi ng officemate ko, kung gusto mo mangyari ang inaasam mo, isulat mo ito. As in long hand. At lagi nangkakatotoo ang mga sinulat niya. Last January, I did that. Wala naman mawawala. And one on those list is to travel more.
 
Hindi ko naman aakalain na wala pang 2 months ang lumipas, ko-quota pala ako sa pagtravel. Pagpasok pa lang Feb, isang week lang ko nabakante then the rest of the month wala ako sa bahay. Most of my travel are work related. But this particular trip, nataon na holiday. So we decided na instead bumalik pa uli sa Manila then balik uli since may need pang daanan, we used our free day for the lakwatsa day.
 
It's not my first time in Cebu. My first airplane experience in 2014 was my 3 days stay in Cebu. First flight, then ako lang mag-isa ang mag travel. I still remember that day na para akong Grade 1 pupil in her 1st day of class. Hinatid pa ako ng Mudra ko sa airport hahaha kasi 5 am ang flight and since 1st time nga, 3 am pa lang nasa airport na ako (2 hours before the flight diba). I just followed the people around me and matiwasay naman ako na nakasakay. Hindi nga lang pinalad na mapunta sa window seat. Pero super nerbyos ako  nung mga panahon na yun hanggang sa paghahanap sa pilahan ng taxi at pagpunta sa hotel.
 
Fast forward to 2016, I was back last Feb sa Cebu dahil sa work. That week, 2 days kami sa Bacolod then diretso sa Cebu. Kung nung first trip ko, I saw the whole Cebu City and Lapu-Lapu City, this time around, I got to experience the rural side of Cebu province. I realized in this trip na there are so much more to explore sa Cebu.
 
The official 1st day sa Cebu, we went agad sa Dalaguete - a 3 hour drive away from Cebu City. After we passed Carcar, you will see on the left side of the road the sea. So what's so special sa dagat, e we have Manila Bay naman. Ang linis ng dagat sa Cebu! It's like the blue sea is inviting you to swim agad agad. While looking nga for a computer shop, nakikita ko na yung dagat, sabi ko na lang sa kasama ko, ikaw na lang maghanap, gusto ko na mag swimming, hahaha. Syempre hindi ko naman ginawa yun. I just have to wait.
 
After the work sa Dalaguete, we decided to stay in Oslob instead na we go back pa sa Cebu City. Oslob is 1 hour away to Dalaguete. Lumapas pa kami sa sunod na town which is Sandater, kaya nakarating na kami sa resort na pinagstayan namin ng 7 pm. Dahil siguro holiday kinabukas, fully book ang mga private room and we have no choice but to stay sa dorm type room. Then after we settle, we planned naman our itinerary for the next day.


 
Day 2 in Cebu - Oslob.


We started our day with the whale sharks. Shocks pag kasama mo na sila sa dagat, feeling mo kakainin ka nila pero hindi naman. Super laki lang ng butanding na ayaw mong lumapit sa kanya. Swimming with the whale shark costs P 500 per person. And if you just want to watch lang sa bangka, you will have to pay P 300. Since nandun ka na rin, edi swim with the whales na ang piliin dapat. Kailangan pa ba pag-isipan? If you want to have souvenir photos, you may rent action camera for P 500, for that specific activity lang. Pero parang wala lang din naman kasi wala kami matino na photos, so sad.
 
After namin magpakasawa sa whale shark (chos lang, 30 minutes lang namin siya nakapiling), sa pool naman kami ng resort nagpakasawa lumangoy while waiting sa kasama namin na galing pa Manila for the Canyoneering. Medyo nagkaroon pa kami ng confusion sa canyoneering na yan. So tip sa mga magbabalak, ang retail price (parang sari-sari store lang) is now P 1500 including na environment fee, local taxes, tour guide (though may voluntary tip pa depende sa feelings niyo sa guide), vest, helmet and shoes (if you don’t have and may kasya) - this price is effective March 15 daw sabi ng tour guide namin.  For us, ang budget for each is Php 1100 plus 250 each kasi nagrent pa kami ng sasakyan from Oslob to Alegria. The travel is roughly 1 to 1 and a half hour, depende sa driver.
 
The real highlight ng Cebu experience, hindi lang sa akin kundi sa buong group, was the canyoneering. Kung ano yung hindi ko ginawa sa Sagada, which is the cave connection, sabi ng officemate ko, level 1 lang yun compared sa ginawa namin sa Cebu. Actually wala talaga akong idea sa gagawin namin. Alam ko lang may tatalunan na falls pero parang may choice ka kung tatalon ko or hindi. At isang beses lang. Pero I was wrong. I did not imagine na buwis buhay pala ang activity na ito!
 
Pagdating sa Alegria, nagchange outfit kami then lagay yung mga safety gears. Then 10 minute habal-habal ride papunta sa ilog. Actually hindi ko alam yung area na yun. Gow with the flow na lang. We arrived around 2 pm. Pagbaba sa motor, lakad ng slight pababa hanggang sa makarating sa ilog na puro bato. Pinagpost kami saglit ni Kuya Guide (I forgot his name, my bad) for a picture (special thanks kay kuya driver na nakalimutan ko din ang name, sorry naman, pinahiram niya kami ng action cam. Buti may micro SD kasama ko) then start na ng pagtalon. Yes, walang pasintabi, talon agad. Wala ka choice kundi tumalon. I was the 3rd one to jump. Feeling ko nun, shet baka tumama ulo ko sa bato, or baka yung paa o mainjure pagtalon. Pero bahala na. Jump na lang kasi pag mas pinatagal mo pa, aayaw ka na. So I jumped and ouch, ang higpit ng vest ko (no further explanation here). Ouch talaga ang una kong nasabi pero ang saya lang, you feel liberated after the jump.
 
Dahil nagjump, you have to swim, buti na lang nabanat sa swimming ang katawan ko earlier kasi laking tulong na nasanay ka sa pagkawag ng paa at kamay. Hassle nga lang kasi if you are in eyeglasses, you have to remove it everytime magjump at swim ka. The priceless moment here was you get to enjoy the surroundings while swimming. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig, malamig, malilim pa, at higit sa lahat, super linis ng tubig! Hindi lang yung paikot ikot ka lang sa pool or dagat (dahil di marunong lumangoy). Lahat ng phobia mo dito mawawala. On my part, I'm really afraid to swim na walang naapakan. Kaya kahit I somehow know how to swim, I never tried to go beyond 6 feet. Feel ko nalulunod na ako nun. I never tried din ang mag jump, kasi nga baka ma injured ako, or malunod uli.
 
So for 3 long hours, jump, swim, walk, jump, swim, walk, rock climbing, slide, swim, repeat until fade, nakarating din kami sa 3rd level ng Kawasan Falls. This time, wala ng jump pero may swim pa rin para katulay sa kabilang lupa. Then lakad uli sa 2nd level then 15 minutes later, finally, nasa end na kami ng Kawasan Falls! Pagdating sa dulo, super pagod to the maximum levels. That was 5:30 pm na. Sabi nga sa amin ni Kuya Driver, ang bilis daw namin. Sabi ko, bawal kasi ang pabebe. Nagmamadali mga kasama ko kasi baka dumilim na. Canyoneering, to date, is my top 1 best experience in my life, not only in 2016. Parang isang milestone ang na-achieve ko on that moment.
 

Day 3 - Sibonga, Cebu


After ng work-related activity for that day, we went to Simala Church, in Sibonga, South Cebu, 1 hour away to Oslob. Medyo paloob pa yung Simala Church pero once nandun ka na sa façade, feel mo nakakita ka ng isang palasyo. Super lawak niya na may garden pa sa gitna. Mahigpit ang mga bantay dito at kailangan sumunod sa dress code.    Hindi pwede ang naka tsinelas or shorts. Pinatapis nga ng guard yung shoal sa isang babae na naka dress na above the knee. Isa lang ang reklamo ko sa Cebu, mapa town or city - super init. Iba nag init sa kanila.
 
Anyway, pagpasok sa loob ng simbahan, patapos na ang rosary in Cebuano. Hindi ganun kalaki yung simbahan, unlike sa lawak ng buong palasyo. Then mga 10 minutes later nagmisa na. Syempre Cebuano version uli pero ang nakakatuwa yung katabi ko, ang lakas ng boses, feeling ko dinadamay na niya ako  every time need ng response. Yun nga lang, hindi ko na-gets homily. Keri na rin kasi I feel blessed na, thanks kay Nanay na katabi ko.  After the mass, nag-lit kami ng candle then meron sila doon na malaking prayer room. Nasagot na rin yung big question ko, may malawak silang entrance going to the prayer room then need na tangalin ang sapatos. Hindi na kami pumasok sa loob dahil hassel pa magtanggal ng shoes, and we were bound to Cebu City na. I never imagine yung laki ng funds nila to make that church. Maski nga sa Manila, we don’t have like that.
 
After our South Cebu trip, I can say that this was the most adventurous trip ever. I didn’t expect na kaya ko palang tumalon sa falls with 30 feet high, or got to swim with whale sharks. If I were to ask if I will do it again, I will definitely say YES!
 
 

Love, 
Cherry



*Sabi pala ni Mars Google, Kanlaob River sa Alegria pala yung binabaan namin and we do the downstream canyoneering. Taray may pa trivia pa diba? Then yung end ng stream is in Kawasan Falls in Badian.

Sunday, January 3, 2016

Feeling Sad

I am sad.

Natapos  na ang holiday feels. Yung tipong dapat default na masaya ka. Kasi lahat ng nasa paligid mo, feel mo ang kasiyahan. Kahit na ikaw deep inside hindi magawang magsaya. Ika nga ng sa status sa FB: "Cherry is feeling :) - happy," pero feeling lang. Hindi "Cherry is happy." See the difference?

Sometime in highschool, habang waiting sa teacher namin for the next subject, one classmate asked me randomly: "Cherry bakit parang wala kang problema?" Sabi ko na lang, "huh?". Chill-chill lang daw kasi ako. Sabi ko na lang, "Ano ka ba, meron din naman, di lang halata." Pero napaisip na lang ako, ano ba ang dapat pinoproblema ng mga ka-edad ko noon? Boyfriend? Well, technically, may nagpapakilig sa akin noon, di ko naman masyadong inidibdib. Pera? Hindi man kami mayaman, sapat naman na yung pera namin para sa aming pamilya. Studies? Pwede dahil dito kasi kailangan ma-maintain ang grades kasi strict ang parents. Hindi e. Sa totoo lang wala. Until makagraduate ng ako at magsimulang magtrabaho, steady lang talaga.

Fast forward to my 25th birthday. I'm still in denial na I reached the quarter life assuming na I will live for 100 years. Another milestone na dapat. Pero bakit ganun, wala man lang akong na-achieved? Yung mga ka-age ko, kung hindi nakapag travel around the world, married na (yung iba with kids pa), or nakagraduate na ng MA. For 2 months, I immediately dismissed the thinking all of that. Kung baga sa Sims 3 (na currently kinaadikan ko ngayon), nagawa ko yung isa sa goals ko kaya ecstatic ang mood ko for 2 months. And now, wala na yung effect ng ecstatic mood, kaya I'm feeling sad. Nagiging matampuhin ako agad. I seek attention. Bakit ako wala nun? :( Bat di niyo ako niyaya. Sa mga naka mute sa FB Message and di ko nirereplyan, now you know.

Sana like Sims, 48 hours lang ang effect ng "feeling sad mood" ko. At para maging happy uli ang Sims kailangan may ma-achieve na Lifetime Goals.  And one of my lifetime goals is to maintain my blog. Hay nako, ang drama much ng post na ito. Give niyo na ito sa akin.

 Looking forward for more good vibes year. I won't list promises or resolutions para hindi na naman ako mabigo. I don’t know, pero pag I failed something I feel brokenhearted. Parang nakipag break lang sa jowa. </3. I'll just embrace this new year with open arms. GV and Love, love, love lang.


Love,
Cherry