Friday, December 30, 2011

Thankful

As of this writing one day na lang before New Year at honestly, super tinatamad akong gumawa ng new post ngayon. Obvious ba na 2 post lang ako this December. Paninindigan ko na lang ang aking pagiging self-confessed writer, yes, may writer's block ako. I don't know why, pero super daming happenings this month, pero heto kahit marami akong nakaimbak na mga drafts waiting to be posted, ayun, hanggang ngayon drafts pa rin sila. Or maybe it's because I'm still on "vacation-mode". Ako na ang binabayaran para magbakasyon... Oh, this is one of the things I like in my job... Christmas Vacation... Can't wait for the Holy Week break...

Enough of so much "non-sense" introduction, like Anne Curtis, I claim that 2011 is my lucky year. There are so much reasons why I feel lucky this year, to the point na maging nobela ang post na ito kung hindi ko iti-trim down to 10 ang aking list to be thankful and iiklian ang intro nito. So here are my 11 things why I am thankful this ’11:


1. Pagkapasa sa Thesis

Our thesis defense happen sometime in March.  Super late na, pero super gahol pa rin kami sa time ni Florence. Dalawa lang kasi kamisa thesis and yet, ang dami naming ininterview and super tambak an gaming itatramscribe na intrtviews. Buti sana kung simpleng 5 minutes interview lang, e umaabot ng 2- 3 hours ang interviews naming. Daig pa ang talkshow. Hindi naman namin masisi an gaming interviewee kung napasarap ang kanilang pag reminisce and pagkwento sa kanilang AP experience. Ang pinaka-epic pa dito is may pahabol na email from our respondent at 5 am, the same day na magpapasa na kami ng aming manuscript. 
Number 1 sa list ko ang pagkapasa naming sa aming thesis dahil kung hindi dahil dito, hindi niyo mababasa ang post na ito and worst is wala itong blog na ito. Bukod pa diyan, siguro kasalukuyan akong gumagawa ng thesis at siguro warla na kami ni Florence ngayon.

There are so many people na gusto kong pasalamatan, yung iba nasa acknowledgement ng thesis namin. I am so grateful sa AP Staff 2010-2011, namely: Benj, Vberni, Gia, Mina, Fleur, Mita, Jeff, Angelica, Krystine at Ecean,  sa kanilang participation sa thesis namin. Contrary sa akala ng iba na 2 lang kami ni Florence na gumawa ng thesis, sa totoo lang, 12 kaming gumawa ng thesis na iyon. Kasama namin sila sa pagtranscribe, pag analyse, pag interview, pag pupuyat, kulang na rin isama na rin sila sa defense.
Hindi lang naming thesis yun. Thesis yun ng AP Pub Staff 2010-2011.  Kami lang ang humarap sa panellist.

2. Graduation

Dahil napasa na namin an gaming thesis, sure na sure na an gaming graduation. Tapos na ang report, quiz, projects, shoot, practice at kung anu-ano pang anek-anek. Sa wakas, nakagraduate na ako.  I am looking forward to have my masters and hopefully my doctorate in the near future. 

3. AP Turn-over

I am thankful dahil success naman an gaming turn-over sa bagong AP Staff. And so far, alive and kicking pa naman sila.Ayun nga e 4 issues na narelease nila. Sila na. I’m so proud of them.

4. 1st Job

I am lucky kasi kahit hindi ko pa totally hawak ang diploma ko literally, may trabaho na ako. I already stated my reasons why I like my job sa post ko noong naka-6 months na ako. Basahin niyo na lang yun.


5.  Good Health

Ginawa ko ang list na ito early December. Yung mga time na malakas-lakas ang resistensya ko. Unfortunately as of this writing, may ubo at sipon ako. Ka-imbyerna. Nonetheless, this whole year, aside from ubo at sipon, infairness hindi ako nagkalagnat or nagkaroon ng serious disease.


6. Forever 21
This year marks my 21st birthday, which means I am no longer teen. Pero itong taon na ito nagsimula ang aking pagiging Forever 21. So next year 21 pa rin ako.


7.  New Friends

Miss Friendship ako. Sa school, hindi na mabibilang ang aking mga stop-over with matching "Hi-Hello wave" pa ako habang naglalakd sa corridor sa dami ng aking mga friends. And since I now living in the "real world" I gain more friends courtesy of my boss and officemates. 


8 Time

Siguro nagtataka kayo kung bakit kasama ang time sa aking list. This year is so kind to me to give me enough time to spent with my family and friends. Unlike noong nag-aaral pa ako, na maski sa aking sarili wala na akong time, ngayon naman super nag uumapaw na to the point na ako pa ang naghahanap ng gagawin ko to spent that extra time. I can now meet my friends regularly and have a plenty “me” time. Kaya sa mga readers ko na nag-aaral pa, sana stay focus sa studies, saka na ang kung anu-anong anek niyo jan dahil darating ang tamang panahon para magawa niyo rin ang mga gusto niyong gawin.


9 Natupad ang aking Wish List

Since time immemorial, lagi akong gumagawa ng resolution at lagi koi tong hindi nagagawa. Kaya before this year started, binago ko ang aking list, hindi ko na ginawang resolution kasi hindi ko naman nagagawa. Instead I make a wish list- things that I need to accomplished befor the year ends. And hindi pa man natatapos ang taon natupad ko lahat ng ito! I love it! 


10.   Our Baby Harren Nigel

Siyempre hindi mawawala sa aking list ang pagdating n gaming angel, ang aking bebeng na si Harren Nigel. Nephew ko si Bebeng. Dumating siya sa buhay naming noong January 10, and since then siya na ang aking nagging lucky charm. Syempre hindi lang naman sa aking pero maging sa aming lahat. Medyo na delay nga ang paglabas niya e kasi Decemeber 2010 palang inaabangan na naming siya, at ayon nga sa mga kasabihan, pag hinihintay, lalong hindi magpapakita/lalabas, kaya hayun January na siya dumating sa amin. Sa totoo lang, mayroon siyang 5 mommy: ang mommy niyang tunay na si Jassie, si ate Love at kaming 3 magkakapatid. Imagine na lang kung gaano kami na protective sa kanya. I consider him as my lucky charm kasi, sino ba naman ang hindi mararamdamang lucky kapag tumatawa siya. Super bait pa niya, pero lately, super likot na niya. Pag nasa mall kami, hindi pwedeng hindi kami hahanap ng things for Nigel (especially kapag kasama si Michelle) pero kahit hindi pa naming mabili yung iba (dahil medyo bongga ang price) pasasaan ba’t mabibili din namin yun.  Sana, kahit deadma lang sa kanya ang kanyang biological father (na tinatawag ko nga na sperm donor), maramdaman niya ang nag uumapaw naming love, hindi lang kaming mga mommy niya, pati na rin ang kanyang sangkaterbang lolos at lolas. Thoug minsan nag-aalala ako dahil namana niya siguro sa akin ang aking pagiging gala at pagtili. (bebeng, pag nababasa mo na ito, sana alam mo ng bad yun, ok? Love you, bebeng!)



Wednesday, December 14, 2011

Review-Reviewhan: Lumayo Ka Nga Sa Akin by Bob Ong (2011)

Side Comment: December 10, 2011. NBS, Robinson's Place Ermita.


Accidentally ko lang nakita ang book na ito. Timing nga ito dahil kakatapos ko lang basahin ang Si Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee. Actually, kaya lang naman ako pumunta sa NBS bukod sa it ang shortcut palabas ng Robinson's Ermita, ang balak ko talagang bilihin ang Kapitan Sino ni Bob Ong para sa aking comparative review with Amapola. Ako na ang best in effort sa paggawa ng post. Sana po dumami na ang views sa blog ko at madagdagan po ang fans ko dahil sa effort ko po na ito. Hanggang sa mapansin ni Jomar ang pink na libro na parang cover ng Precious Hearts Romance. Ang mas kinagulat ko e si Bob Ong ang author. So next time ko na lang bibilhin si Kapitan Sino (which also means, next time na muna yung review ko kay Amapola). Kahit nasa Cashier na ako para magbayad, hindi pa rin ako makapaniwala na may new book si Bob Ong. Hindi kasi masyadong matunog ang new book ni Bob Ong unlike sa book launch ni Ricky Lee na bongga. After mabili at makauwi, mega text ako kaagad sa aking mga fellow Bob Ong fans and tinanong kung kelan pa narelease ang book. Ayon kay Vberni, kakarelease lang nito nung day na yun. Kaya pala 2 copy na lang ang nakadisplay. Ayaw ko pa rin maniwala sa kanya, so nagsearch ako sa net, at tama nga si Vberni, kakarelease lang. Hindi lang talaga ako informed. 










Telesineseryenobela?


Kung teleserye at sinenovela, alam ko yan. Pero ayon sa synopsis ng bagong labas na pink na libro na ito, na mala-teleserye at dramang pampelikula ang ganap, ito na daw iyon.


Pink na libro?


Kung pamilyar ka sa Precious Hearts Romance, mapagkakamalan mong ito ang pink na libro na ito. Hindi tipikal na pabalat ng libro kung avid fan ka ng awtor na ito. Hindi Comic Sans ang gamit sa libro na ito, na siyang paboritong font ng may-akda.


Love story?


Telesineseryenobela + Pink na Libro = Love Story. Unang maiisip ko bago ko pa basahin ang libro. Pero isang malaking ekis. It's for you to find out.


Lumayo Ka Nga Sa Akin ay ika-9 na libro ni Bob Ong. Gaya nga ng sinabi ko, kung ikaw ay kanyang avid fan, maiisip mong may niluto na namang kalokohan si Bob Ong. Nabasa ko (hindi ko na matandaan kung saan), love story daw ang next book niya. Bob Ong  Love Story. Pero sige na nga pagbigyan na siya. Nakagawa nga siya ng horror e (Mga Kaibigan ni Mama Susan).


The book is not a typical book format. The text is written in a script format, the ones used in films. Divided ito sa tatlong mini-film. So nasagot ang aking unang tanong. May bago ng genre- Telesineseryenobela. Kung genre ng libro o pelikula, hindi ko alam kung saan ito maihahanay. Pero love story, no, huwag kayong umasa.


I will not discuss the entire book dahil bagong labas pa lang nito. Pero isa lang ang masasabi ko: BOB ONG IS BACK! Honestly, I am so disappointed with his last novel, yung Mama Susan. In this book, pinagsama-sama ni Bob Ong ang kanyang mga libro Mula sa ABNKKBSNPLAko hanggang sa Kapitan Sino. However, unlike sa mga naunang niyang nobela na anything under the sun ang kanyang mga dinidiscuss- mapa-pangkaraniwang buhay ng ordinaryong Pilipino o mapa-pulitika man yan. Dito sa LKNSA, nagfocus si BO sa isang topic na malapit sa puso nating lahat- ang teleserye at pelikula.


Muli na naman akong napatawa ng libro na ito. Pero hindi lang ito simpleng patawa lang. Knowing BO, forte na niya na sulat ang mga seryosong isyu na mas madaling maintindihan ng kanyang mga mambabasa- and mga kabataan.Kaya nga bentang benta siya sa mga bagets and bagets at heart. Sapul na sapul ako sa bawat hirit ng mga character dito.


May tatlong bahagi ang LKNSA:  Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat; Shake, Shaker at Shakest at Asawa ni Marie. Kung nagtataka kayo kung ano ang connect ng tatlong title na ito sa pinakapamagat ng libro, well it's for you to find out.


Ang librong ito ay dapat basahin ng aking mga fellow teleserye and movie adiks. At nangunguna na sa listahan ko si Kuya Macky, para sa mga movie adiks and hindi na ako lalayo pa para sa teleserye adiks dahil sila ay mga kapatid at pinsan ko pa lang quota na.


Basta I love this book!




Sunday, December 4, 2011

Review-Reviewhan: Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay (2011)

Sino Lilia Cuntapay? 

Kung noon ako tatanungin, ang magiging sagot ko, "Sino nga siya"?

Hanggang sa makita ko na lang ang plugging ng CinemaOne Originals 2011, ang bongga lang! May self-titled movie siya. Pero sino nga ba talaga siya?


Una kong tanong before watching the movie: Why Six Degrees of Separation form Lilia Cuntapay ang title ng movie? I even search sa net kung ano ang mysterious meaning behind six degrees, heto ang nahanap ko. Pero hindi pa rin ako nasatisfy sa na wiki entry na yan. I really have to watch the movie. 

Buti na lang, kahit hindi ko ito napanood sa Shang-ri La, may repeat screening naman pala ito sa UP. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kailangan ko itong mapanood!

Tulad nga ng nasa trailer kanina, siya ang the most famous extra in show business. Ika nga ni Direk Peque Gallaga, hindi siya mukhang aswang, aswang siya! 

Hindi ako fan ng horror movies. Pero siyempre, hindi naman ito naging hadlang para hindi ko siya mapanood. I still remember the Magandang Gabi Bayan Halloween Special, kung saan lagi siyang kinukuha bilang... well, aswang, bruha o white lady. Hindi lang naman iyon lang nagiging role niya, minsan kung hindi siya isa sa mga taong bayan, isa siyang yaya, sabi nga ni Kris Aquino. Kaso mas na-label na siya sa mga horror movies.

The cute movie poster.


Six Degrees of Separation is a mockumentary about the daily life of the pinakasikat na extra. The direktor, Antonnette Jadaone with her camera, follows Nanay Lilia mula sa kanilang bahay hanggang sa kanyang shooting hanggang sa interview sa TV Patrol. Pero bukod sa pagsunod-sunod sa kanyang buhay, mas binigyang pansin dito ang proseso ng paggawa ni Nanay Lilia ng kanyang acceptance speech para sa kanyang kauna-unang nominasyon, for 30 years in showbiz, as Best Supporting Actress sa pelikulang Sanggangdaan. 

I like the movie because tinalbugan ni Nanay Lilia ang mga biggest stars. Kung sina Charice, Jovit Baldovino at Marcelito Pomoy na feature sa Maalaala Mo Kaya, well, talbog silang lahat kay Nanay Lilia dahil may sariling movie siya. For me, this movie is a tribute for her 30 uncredited years in show business. My heart goes out to people like Nanay Lilia, the bit players na hindi na re-recognized, and yet sometimes, sa credits na lang, mali pa ang spelling ng name. For all their patience sa pagpunta ng maaga sa taping (pagpunta ng 4 am sa 7 am sched na taping), sa pag me-memorized ng lines with emotions (winner ang line ni Nanay Lilia sa PA: "Bakit talent ka ba, bakit ikaw may script, ako wala"? Ang taray lang!), ang disappoinments sa hindi paglabas ng interview, to the point na invited ang lahat ng nasa buong baranggay (super naiyak ako sa scene na ito.) I love the movie kasi kahit scripted lang ito lahat, na feel ko na parang natural lang ang lahat. I saw her genuine joy on the scene na pinagmamalaki niya ang kanyang nomination for Best Supporting Actress, ang excitement habang nagpapasukat siya ng gown na gagamitin sa awards night, ang pain noong hindi na air sa TV Patrol ang kanyang interview at ang disappointment nang hindi natawag ang kanyang pangalan sa stage.  

This movie is not just for Nanay Lilia. It's for all the bit players na hindi narerecognized. Si Nanay Lilia ang pinaka appropriate na kumatawan para sa kanila. For 30 years in showbiz, nagawa na niya ang lahat ng roles, to the point na nag bold pa siya, pero hindi siya kinilala. Sana this movie is sapat na to compensate ang pagkukulang ng showbiz industry sa mga tulad nila. Alam naman natin na marami pa sila diyan. I won't be surprise if one day, may movie na rin na gagawin for Bangkay. Hmm... why not?

Nasagot ng movie na ito ang aking katanungan about the title:

Lilia Cuntapay>>worked with Claire Danes>> worked with Meryl Streep (The Hours)>> worked with Kevin Bacon (River Wild).
Lilia Cuntapay>>worked with Toni Gonzaga >> first appeared in Sprite commercial with Piolo Pascual. 

In short, nakatrabaho niya halos lahat ng artista sa Pilipinas at maisasama na siya sa chain ng mga nakatrabaho ni Kevin Bacon.
All in all, this movie will not only make you laugh, and cry, but also will inspire you. 

Sino na si Lilia Cuntapay?

Kung ako ang tatanunigin ngayon, siya ang Kevin Bacon ng Pilipinas, wala nang iba!

 I love our pic with Nanay Lilia. Thanks Katrina for this pic.


Tuesday, November 22, 2011

Playlist: Pinoy Rock part 1- Parokya ni Edgar

    Rocker ako. Hindi lang halata.
     
    Trip ko ang mga maiingay na kanta, impluwensya na marahil ng aking mga pinsan at mga kapitbahay na mahilig magpatugtog ng nakakatanggal ng tulili na sounds.
     
    Nasabi ko na sa post na ito na kung may magustuhan man akong artist, buong album niya/nila ay namanhal ko. This rule also applies with Parokya ni Edgar. Love na love ko silang lahat. Hindi pwedeng walang PNE songs sa aking playlist. So ang first feature dito sa Cherry's List:: the Parokya Band, Parokya ni Edgar.

    Nagtabaan na sila dito.

     
    According sa song nilang One Hit Combo, they started in 1993. the band is composed of Chito Miranda in vocals, Vinci Montaner, 2nd vocalist; Gab Chee Kee- guitars, 2nd vocalist; Darius Semaña, lead guitar; Dindin Moreno, drums; and Buwi Meneses, bass guitar. Naging front act ng fave nilang banda, ang Eraserheads, and the rest is history. They now have 11 albums which includes a  Christmas album, a live-recorded album and a compilation album. They also collaborated with other artist such as Kamikazee, Gloc 9 and the Master Rapper, Francis M
     
    Kung ang mga 80s baby na mga teenagers noong 90s, ay lumaki sa kanta ng mga Eraserheads, ako, bilang 90s baby at teen pa rin hanggang ngayon, lumaki naman sa mga kalokohan ng PNE. Actually noong high school lang talaga ako naging super fan, though may alam na akong mga kanta nila. Na upgrade lang ang pagiging fan ko noong nagbakasyon ako sa Isabela, kung saan mga PNE din ang mga kamag-anakan ko and dahil sa mga classmates kong boys na mahilig mag jamming. They even named their group as Parokya ni Ernesto. Huwag kayong mag-alala, hindi kasing mysterious ni Edgar si Ernesto, classmate ko siya. 
     
    The first thing I like sa Parokya is that they are vocal na hindi sila magsplit. Please refer to Yes Yes Show. Syempre, sino bang fan ang gustong madisband ang kanilang fave band? Katulad nga ng nasa name ng kanilang compilation album, SOLID sila. Nakakatuwa ang kanilang barkadahan, kung naka-like ka sa fan page ng PNE sa FB, nababasa mo ang kanilang kakulitan… which leads to the second thing that I like about them. Masipag silang makipag interact sa kanilang mga fans, especially si Chito. And lastly, super nakakarelate ako sa mga kanta nila. Idagdag pa ang garalgal na boses ni Chito, ika ng ng isa kong classmate, wasak na!
     
    Here are the list of PNE Songs na hindi ako nagsasawang pakinggan araw-araw kahit na feeling ko nabibingi na ako  and the reason why I love them. Halo-halo na ito, naka shuffle kasi yung playlist ko, hehehe.

    Ang taray ng playlist ko diba?

     
    1. Alumni Homecoming- kung ikaw ay nag high school, I bet may ganito ka ring eksena. Wag ka ng magpakaplastic, syempre meron ka rin naman naging crush na classmate or schoolmate, though hindi mo naman inamin sa kanya ang iyong damdamin, like what was in the song, Im sure, you want to see him/her in your alumni homecoming. Yun nga lang, manalangin ka na lang na wag maging tulad ng sa ending ng song ang itong tadhana. 
     
    1. Silvertoes- nabasa ko ang trivia ni Chito about this song sa FB fan page nila. At naloka ako sa history ng song na ito. Ramdam sa song na ito ang pagka-irita ni Dindin sa babaeng may silvertoes.
     
    1. Wag mo na sana- kapag naririnig ko ang song na ito, unang naaalala ko yung movie nina John Llyd, Baron and Marco, yung Mahal na kung mahal. Well obviously, ito yung theme song sa movie na iyon. Kasama din pala sa movie yung ex-gf ni Chito, si Kaye. Kapartmer siya ni JL dun.
     
    1. Buloy- ito at ang Harana ang una kong naging fave sa PNE way back in late 90s. I always love songs na may kwento e. Sino ba naman ang hindi diba?
      
    1. Harana- Kung may maglalakas loob na mangharana sa akin, ito ang gusto kong kantahin niya. Ang sweet ng kanta na ito. Super cheesy pa ng lyrics. Tapos heartfelt pa ang pagkanta, sino pa ba ang hindi ma-i-in love sa nang ha-harana?
     
    1. Paki-usap lang- Kahit ano pa ang paliwanag ni Chito na hindi ito for Kaye, hindi ko pa rin mapigilan na isipin na ginawa niya ang song na ito dahil sa break-up nila.  Hindi ba obvious ang bitterness sa lyrics ng kanta. Although kaye and Chito say na friends sila.
     
    1. One hit combo- nandito na anman sila. Ang nakakamiss lang sa collaboration nila, wala na si Francis M. It's a tribute to him and to Eheads, their mentors. Chill chill lang itong song na ito kaya I like it.
     
    1. Picha Pie- Sino ba aamn ang ayaw ng Picha Pie, aber? Infairness, ganda ng boses dito ni Vinci
     
    1. Muli- emo time. Ayon kay Chito, sinulat daw ito ni Dar para sa ex-gf niya na ex PBB housemate. Kung sino siya, di ko knows.
     
    1. Halaga- I love this song because as a woman, napaka flattering na may someone na magtreat sa yo ng maayos. Yung ginagalang ka. And for the parokya, sa song na ito nila na-express na they respect women so much. At nasa title na nga, kailangan alam natin ang ating tunay na halaga. 
     
    1. Yes Yes Show- This song is very special for me kasi… basta.. Secret ko na lang yun. 
     
    1. The Ordertaker- kung gusto mo lang mabingi for 3 minutes, listen to this track. Lol. Pero seriously, I like this song kasi may mga moment na trip ko lang talaga ang mga maiingay na kanta at kapag napapakinggan ko ang kanta na ito, nakaka enrgized lang. Minsan pinapakinggan ko rin ito kapag galit na galit na ako pero kailangan kontrolin ko ang aking temper.
     
    1. Pangarap lang kita- lahat nga siguro tayo, okay a few na lang kung hindi lahat, may ganitong moment… Pangarap lang kita. Lumilevel lang sa The one that got away.
     
    1. Papa Cologne- chill chill lang din ang song na ito. Nakaktuwa yung Music Video.  Feel na feel ni Empoy na papable siya.
     
    1. Gitara- another romantic song. Pwede na rin itong kantahin na pang harana...chill-chill lang din.
     
    1. Para Sayo-  another proof na PNE have high respect to women. Di ba, nakakatuwa lang. may disclaimer muna bago ma-in love sa kanila. Sino ba ang hindi ma-i-in love dito?
     
    1. Bagsakan- Astig ang collaboration ng PNE, Gloc 9 at Francis M para sa song na ito. Parang ito yung part 1 and yung One Hit COmbo ang part 2. 
     
    1. Sorry Na- Kung ganito ang way ng pag-sorry. Kahit ilang kasalanan, mapapatawad mo talaga agad.
     
    1. Please  Don't Touch My Birdie-  medyo may pagka double meaning ang kanta na ito, nonetheless, cathy ang song. At least marunong siyang makiusap… Please don’t touch his bird. May naalala tuloy akong birdie… si Tweety Bird...ie. Waley.
     
    1. Tatlong Araw- kung pa-emohan lang talaga, wala ng mas tatalo pa sa kantang tatlong araw. Nabaso ko sa Fan page ng PNE na isinulat ito ni Chito dahil akala niya may girlfriends na siya, yung pala April Fools Day lang pala yun. Ayan tuloy, nakagawa siya ng kanta.
     
    May pahabol na song:
     
    1. Iwanan mo na siya- kaloka lang ang lyrics. I think si Vinci ang kumanta nito. Tama ba?
     
    As closing, I love PNE kasi nakakarelate ako sa mga kanta nila, chill lang ang kanilang mga songs and hindi matalinghaga ang kanilang mga kanta. Hindi mo na kailangan mag isip. And lastly, lahat ng songs nila ay  heartfelt. Yun na.

V-Post: Cool break-up song- All About Me by Far East Movement


Naadik na naman ako sa mga Youtube videos. Next na kinaadikan ko, ang WongFu Productions. Binubuo ng mga Asian-Americans na based sa...where else? sa US. Ang taray lang nila kasi sila na lahat- mula sa conceptualization, script, shooting, post prod. Sila na. Kung papanoorin yung mga behind the scenes nila, hindi basta-basta ang mga equipment nila. Hay.. sila na. 

Anyway, nalalayo na naman ang post ko sa title. Napanood ko kasi itong video na ito: Break Up Back Up. Heto ang  Part 1,  heto naman ang Part 2. Nakakatuwa yung last song nila. Pakinggan niyo below.




Hindi niya na maitatanong na magkakakilala ang taga WongFu Productions and Far East Movement, ang kumanta ng song na nasa itaas. Astog lang diba. Sino pa ba ang magdadamayan kundi sila-sila din na mga Asians. 

Anyway uli, ang cute lang ng kanta. Kung lahat ba naman ng mga break-up song ganito, edi masaya diba? Syempre, LSS na uli ako, sayang wala akong mahanap na lyricss. Kaya...


Nananawagan po ako sa kung sinoman ang may mabuting loob, hanapan niyo naman po ako ng lyrics. Thank you po. Mwuah Mwuah Tsup Tsup...

Wednesday, November 16, 2011

Playlist: My Mp3 Players

Kung avid reader ka ng blog na ito, malamang hindi na lingid sa iyong kaalaman na fave ko sina Katy, Pink ant Lady Gaga. Hindi pa ba obvious sa post ko na ito. At para naman maiba ang mga ni-re-review ko, mga songs that I love naman aking featured post. Para hindi maging nobela ang aking post, hatiin ko na lang ito by part.
 
Pero bago ang lahat, background muna. Parte na ng routine ko ang makinig ng music simula ng magkaroon ako ng mp3 player.  No, bago pa duimating sa aking piling ang aking beloved Ipod shuffle, ang kaisa-isang Apple product na meron ako.
 
Tyaran! Ang  aking unanag mp3 player: Creative Labs MuVo TX FM MP3 Player
 

May beloved mp3



Ang cute di ba?  Actually, yan talaga ang color niyan. Hulaan niyo kung ilan, 1 gb? Lower. 250 mb? Lower. 32 mb? Higher naman, wala namang ganung memory. 128 mb? Yes! Korek, Tumpak, Check na Ckeck!  Yes, ganayan ka loser ang mp3 ko. Mga 24 songs naman ang keri nyan, keri na rin. Pero wait, hindi pa diyan natatapos ang pagiging loser ko, bukod sa maliit na memory, battery operated ang mp3 ko na ito.  Kailangan ng isang AAA battery. Laging nauubos ang mga kurakot savings ko kabibili ng battery na Energizer para mas matagal ang play time. At last naisipan namin na bumili ng rechargeable battery. Nakamenos na ako sa pagbili ng battery.
 
Nonetheless, love ko pa rin ang mp3 ko na ito. 3rd year high school ako ng ibinigay ito sa akin ng aking itay. Bukod sa pwede akong magstore ng mga fave music ko dito, pwede rin akong mag makinig ng FM dito, obvious naman sa picture diba. Noong nagkaroon ng bagyo na hindi ko na maremember ang name at nag brown out ng bongga, ito ang aking naging kapiling. Tumagal naman ito hanggang college, yung mga time na natuklasan ko na na pwede pala itong gawing usb. Hindi pa naman kasi uso sa amin ng usb noong high school, disket pa yung mga uso nun.
 
Hindi ko na matandaan kung a year o 2 years ko rin nakapiling si Creative mp3 bago ko siya palitan. Again, thanks so much sa aking sponsor, ang aking itay, naglevel up ang aking mp3, binigyan ako ng mp4. mga 4th year high school na ako nito. Kapiling ko pa rin si Creative  mp3 pero hindi na masyadong pinapansin. At dahil sinabing kong level up na ito, hindi na ito loser na 128 mb lang, 1 gb na ang aking mp4! Ang bongga diba? Hindi ko na rin kailangan bumili ng battery dahil may charger na ito. Mega download ng mga kanta gallore ako nito. Pero ayon sa aking pagkakatanda, halos wala pang 1 year ko nagamit ang mp4 ko na ito dahil hindi nga loser ang memory, loser naman ang charger. Hindi ko na nga maconnect sa computer, hindi pa mag-charge… so balik uli ako kay Creative.
 
A year later, ipinamana ko na sa aking kapatid si Creative dahil dumating na sa buhay ko si Ipod Shuffle. Mga February 2008 ito, courtesy of, again, my itay. Katyulad ng aking loser ng mp4, 1 gb din ito at umaasa sa laptop to charge, keri na rin. Needless to say, ang aking Ipod shuffle ang akinng kasama sa buong college life ko. Until now laging nasa bag ko ang aking ipod. Kahit minsan, nagiging pamato ko ito kapag nababagsak ko, buhay pa rin siya. At nasasayahan ako sa battery life niya, once a month lang ako nagcha-charge. Ang bongga lang. 
 
Namention ko na sa post ko na ito ang laman ng aking ipod. Pero hindi ko na ito nagagamit masyado, though hindi ko ito ipamimigay dahil mahal na mahal ko ito, hindi na na rin ito updated sa mga latest na kanta. Feeling ko kasi nabibingi na ako kasi maghapon akong naka-headset at nakikinig ng mga kanta sa office, kaya minsan ko na lng siya magamit. Uulitin ko, love ko anf ipod ko. So sa mga nagbabalak na mang-arbor dyan, back-off.
 
So ngayong nag-work na ako, ang windows media player sa aking pc ang nagsisilbing mp3 ko. Bukod sa malaking size nito physically, malaki din ang memory nito, hehehe. Kung gusto niyong malaman kung ako ang mga songs dito, abangan ang next post...







Tuesday, November 8, 2011

Review-Reviewhan: Praybeyt Benjamin (With Trivia)



Alam ko na  may panglalait na naman akong matatanggap mula sa akin no. 1 fan na si Kuya Macky, hindi lamang dahil sa post na ito pero dahil pinanood ko ito. I broke his 10 film manifesto. Lol
 
Pero ganun talaga, kanya-kanyang trip lang yan.  I just wanna have fun and have a break sa mga intellegent films para marelax naman.
 
So first things first: don’t expect so much "kalaliman" on the film. Kaya nga comedy e. so habang pumipila kayo sa NFA ng bigas  sinehan which by the way, palong-palo sa haba, kaloka lang, huwag muang magpaka-GC and ihanda ang inyong mga panga dahil tatawa lang kayo sa buong movie.
 

 


*SPOILER ALERT*

Nagstart ang Praybeyt Benjamin sa history ng pamilyang Benjamin Santos. Ika nga ni General Benjamin Santos, played by Eddie Garcia, "laging may Benjamin Santos sa mga digmaan sa Pilipinas." Kaso si Ben Santos (Jimmy Santos), walang hilig sa pagsusundalo at bagkus mas gusto niyang maging scientist. Sa madaling sabi, napalayas sila sa bahay at namuhay ng simple lamang.
 
Kahit itinakwil sila ng kanyang ama, namuhay naman sina Ben ng masaya. Patuloy pa rin siya sa pag-i-imbento ng mga kung anu-anong bagay na maaaring magamit sa pandirigma (so nasa dugo pa rin niya ang pakikidigma).  Tanggap niya na beki ang kanyang panganay na anak na si Benjamin (Vice Ganda). Kahit hindi na sila kasing yaman noon, okay lang naman sila.
 
Trivia: Ang bahay nila Benjamin ay super lapit lang sa amin. Sabi ng ng friend ko while watching, "Ang taray, dinadaanan lang natin yan, hindi natin alam na may shooting na pala dyan." Super gamit na damit ang bahay na iyon. Ito yung bahay nila Claudine sa FLAMES The Movie at nina Assunta sa Pinay Pie.
 
So para maging pelikula ang istorya na ito, kailangan ng conflict. Natuklasan ng kanyang lolo na siya ay beki. Natural nagalit ito at sinabing "You are a disgrace in the family." So kahit ganun, move on na lang sa buhay sina Benjamin.
 
Hindi pa naman yan ang conflict talaga. Nagkaroon ng civil war sa Pilipinas dahil sa pagkakadakip ni Billy Allen, lider ng mga terorista. Lahat ng mga general sa bansa ay nadakip. So lahat ng mga lalaki sa bawat pamilya ay dapat sumama at mgasanay bilang sundala bilang paghahanda sa digmaan, At dahil nga walang lalaki sa pamilya ni Benjamin, ang tatay niyang si Ben ang magiging kinatawan ng kanilang pamilya.  Dito na magsisismula ang mala-Mulan na kwento ni Benjamin.
 
Trulaloo! Mulan ang peg ng PB. Nagsacrifice si Benjamin  alang-alang sa kanyang amang may kung anu-anong sakit. Sa kampo, naging friends sila ni Lucresia (Nikki Valdez), ang tanging babae sa kanilang platoon at ang unang nakapuna ng pagiging beki ni Benjie. Naging katropa din niya sina Emerson (Kean Cipriano), Dondi (DJ Durano), Buhawi (Vandolph Quizon) Big Boy (Ricky Rivero), Jojit Lorenzo (shet nakalimutan ko yung name niya sa movie) at isang non-showbiz (means hindi ko kilala). Ang grupo nila ang bumubuo sa mga weak. Dahil dito i-di-disolve na ang kanilang platoon.
 
But wait! Using their platoon commander (Derek Ramsey)  as inspiration , pinabutihan ni Benjie ang pagsasanay, and in return, na inspire din ang kanyang friends and they live happily ever after kaya hindi sila na-evict sa camp. Pero tulad nga sa Mulan, natuklasan na isa siya beki so ayun, forced evicted siya sa camp. At dahil friends forever sila, kasama pa rin niya na umalis sa camp ang kanyang mga tropa.
 
The Hilda Coronel scene.
Naalimpungatan sila sa ingay ng mga sasakyan habang sila ay nasa kagubatan. So sinundan nila ito para makahingi ng tulong. Kaso natuklasan nila na iyon pala ang kuta ng mga rebelde. Kung nagtataka kayo kung ano ang Hilda Coronel scene, just watch the movie.
 
At dahil nga Mulan ang peg niyo (3 times ko ng inuulit ito ah!) Hindi sila pinaniwalaan na alam na nila ang kampo ng mga rebelde. At dahil dito, sila na lang ang sumugod sa kampo. Gamit ang mga armas na imbento ni Ben, napagtagumpayan nilang lipunin ang mga kaaway at mailigtas ang kanyang lolo.
 
 
Suma tutal, nakwento ko na naman ang buong movie minus the banatan,
 
I love the moview because:
 
  1. Super hilarious ang movie na ito. Bentang-benta ang mga jokes/barahan sa movie na ito.
  2. This movie shows na hindi naman lahat ng ama ay itinatakwil ang kanilang mga anak. I have beki friends na tanggap sila ng kanilang mga ama kahit beki sila. Nakakatuwa si Jimmy Santos as father ni Vice.
  3. Kakawindang ang scene na kung saan nagbekimese si Eddie Garcia!
  4. Infairness, ang galing ng acting ni Kean dito.
  5. Syempre nakakatuwa rin yung the rest of the tropa ni Benjie.
  6. Infairness walang beach scene
 
Syempre kung may love ako about this movie, may kapuna-puna din naman kahit na hindi ka na dapat mag-expect too much:
 
  1. Bakit ganun, kapag comedy ang movie keilangan may action (Kimmy Dora, Habadaba doo, and other Pinoy comedies) kailangan may action scene, at ang mga bidang comediante ay laging marunong gumamit ng baril.
  1. Ang taba uli ni Ricky Rivero.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, don't expect too much sa movie. Siguro maaari ko itong i-categorized as a "feel-good movie". Pero hindi ba, isa naman sa dahilan why we watch movie is because we just want to entertain? 


P.S

Ayan, kung nag expect kayo ng maraming trivia, isa lang ang masasabi ko…
 
 
Hala!