Wednesday, October 5, 2011

Notions Within: Philippine Drama vs Other Asian Drama part 1 of 3

(Serious post muna ako, kahit medyo informal pa rin ang language na gagamitin ko. Tutal trip ko na rin naman na mag post ng mga review-reviewhan, kakaririn ko na ito. Pero syempre, para hindi naman api-apihan ang sariling atin, gumawa ako ng comparative study, talagang lumilevel up na ako! I'll try to compare our own drama to other countries, especially sa Korea, kasi aminin na natin, na-invade na nila tayo. So I hope na dito sa Notions Within, malaman na natin kung ano nga ba ang dapat nating baguhin o i-improve sa ating mga teleserye. Para sa Part 1 ng NW, I will discuss the History of Philippine Drama. Discalimer: Unahan ko na kayo, you may notice that only TV Dramas aired in ABS ang lagi kong minimention, Honestly, I don’t really have a background in the GMA produced dramas kasi Kapamilya ako. So please don’t expect a balanced write-up because it is just for personal fulfilment, gets?)


Philippine Drama 101



Tatlong dayuhang bansa ang sumakop sa atin: Spain, US at Japan. Naimpluwensiyahan nila halos lahat ng aspeto sa ating buhay, At dahil ditto para tayong naglalakad na halo-halo. Pero may isa pang bansa ang sumakop sa atin na hindi na susulat sa history books--ang South Korea.



Amin niyo, Koreans invaded the Philippines through entertainment. Since the day na nagpakita ang F4 at inakit ang mga puso ng mga Pinoy, unti-unti na tayong nagpasakop uli sa mga dayuhan. Nagpasakop talaga kasi unlike the first 3 invaders, open-arms talaga nating tinanggap hindi lang ang mga drama series nila ngunit pati ang mga songs, language, food, culture at kung anu-ano pang mga chorva.



Huwag tayong magpalinlang, hindi Koreans ang nauna sa eksenahan sa primetime. Kasasabi ko lang, halo-halo nga tayo. Pero ano nga ba talaga ang original Pinoy Drama?





Humble beginnings of the Philippine Drama

(Side Comment: Napaka seryoso ng sub-header. Kaloka. Super summary na lang ito ah. Wag na choosy. Fast post lang dapat nga ito e.)



Bago pa man mauso ang TV sa buhay ng mga Pinoy, kasi hindi pa afford ng masa ang magkaroon ng TV set noong mga panahon na iyon, ang radio ang usong medium para ma-entertain ang mga naiinip na mga Pinoy. Pero at that time, news and music lang ang meron sa radio. Uso naman na noon ang radio commercial. At syempre, kailangan creative sa advertising para mas makilala at mas bongga ang product, umisip ang mga soap manufacturers ng kakaibang way to advertise their product. Dito nagstart ang mga Soap Operas.



So officially, the first soap opera on radio is Gulong ng Palad, in 1949. As mass comm graduate, napagdaan ko din naman ang radio drama. Mas haggardness ang paggawa ng radio drama kesa sa TV drama. Ma-effort sa paggawa ng mga sound effects imagine 1949 yun, di pa uso ang mga computerized sound effects. Ngayon nga super handy-dandy na ang lahat, effort pa rin, paano pa sila noon.



At syempre, technology grows with time, lumevel up ang soap operas. Pati ang TV in-invade na rin nila. So noong 1960s nag start na rin ang soap operas sa Philippine TV. Since then, na-hook ang mga Pinoy sa kadramahan. Noong 1992, ipinanganak ang unang pinakasuccessful na soap opera sa bansa, ang Mara Clara. Halos lahat ay nakisimpatya habang inaapi ni Clara si Mara. Actually, hindi ko na matandaan ang mga kaganapang ito dahil bata pa ako noon.



Morning to hapon lang ang time slot ng mga soap operas pero noong 90s, nagstart ng i-invade ng isang dayuhan ang TV at unti-unting binago ang nakasanayang timeslot hanggang sa magkaroon na rin ng slot na panggabi, na dati ay puro news at sitcom ang naghahari.



Marimar Craze



Ang dayuhang nag-invade at nagbago ng takbo ng prime time ay walang iba kundi si Marimar. 1996. Hay, ewan ko na lang kung may tao pang hindi nakakakilala kay Marimar. Ni-remake na nga siya ni Superstar Marian e. So back to the story, habang ang iba ay naawa kay Mara at naiirita kay Clara, biglang sumulpot ang Mehikana na si Thalia sa RPN 9. Dito na nagsimulang mag rambol ang TV drama timeslot. Dahil sa success ng Marimar, halos na-bombard na ng mga Spanish-Latin telenovelas ang TV shows. Halos di ka na makahinga sa dami ng Mexican telenovelas mapa-umaga, hapon at gabi, In late 90s naging ganyan ang eksenahan sa TV. Paunahan ang ABS at GMA sa pagkuha ng mga telenovelas. Mas mahabang series, mas masaya, mas bongga.



Judy Ann vs Claudine



Habang kaliwa't kanan ang pagpapalabas ng mga telenovelas sa TV, meron namang nabubuong rivalry sa local TV. Dahil naging successful naman ang Mara Clara, with Judy Ann Santos as its bida (hindi pa ba obvious na mula 1992 hanggang 1997 namayagpag sa TV ang Mara Clara), nasundan ito ng isa pang soap opera, ang Esperanza, na nasa gabing timeslot na. Pero hindi lamang ang Esperanza ang ipinalabas noong mga oanahon na iyon. Sa parehong araw, pinalabas din ng ABS ang soap operang pinagbibidahan ni Claudine Baretto, ang Mula sa Puso.



Sabi nila, parang Nora vs Vilma ang rivalry ng 2. Well, honestly hindi ko matatry na i-compare ang dalawang rivalry sa kadahilanang hindi pa ako buhay nang mga panahon na yun so hindi ko mari-relate. So kung noong 70s, may Guy-Pip at Vi-Bot sa pinilakang-tabing, sa TV naman noong late 90s may Judy Ann- Wowie at Claudine-Rico fans club.



Noong mga panahon na iyon, grade 2 pa lamang ako nito. Pero natatandaan ko, o feeling ko lang, medyo humina ang telenovelas. Muling bumenta sa panlasa ng mga pinoy ang plot ng mga nagkakahiwalay na magulang and anak. Dahil dito naging sunod-sunod ang soap opera nina Judy Ann and Caludine, and unti-unti silang pinaparehas sa ibang male stars.



From Soap Opera to Teleserye and the "Secret Formula"

(Note: Sa mga panahon na ito, patuloy pa ring nasa TV ang mga telenovelas. Nagtambak sila sa hapon na time slot and may 1 or 2 sa primetime.)



In 2000, ABS renamed the soap opera dramas to teleserye for obvious reasons, hindi naman na soap sponsored ang mga drama na pinapalabas sa TV. Ang buena mano nilang "teleserye" ay ang Pangako Sayo.



Infairness ah, bonggang-bongga ang Pangako Sayo. Pumatok ang nagkahiwalay na ina at anak plot, na super bentang formula sa mga teleserye. Next to Yna-Angelo love team, winner ang tapatan ni Amor Powers and Madam Claudia.



Naging sunod-sunod ang mgahit na teleserye ng ABS, after ng Pangako Sayo, bumenta uli ang hanapan ng ina at anak na super teleserye formula, sa Kay tagal Kang Hinintay. Dito sa teleserye na ito nagboom ang tambalan ni John Lloyd and Bea.



Marami pang teleserye na nagboom gamit ang bentang secret teleserye formula. Pero tulad ng pagkain, naumay na rin ang Pinoy viewers sa nagkakawalang ina at anak. To the point na boring ng manood ng mga teleserye at mas masaya na lang na manood ng Cartoon Network.



F4 invasion and the start of the Asianovelas



May chika na papalapit ng magclose ang ABS noong 2003. I make it clear ah, chika, di ako sure dito, kaya nga chika. So ayun na nga, kamuntikan na maclose, but dahil sa chipipay nilang nabili na canned show, ang Taiwanese Drama, Meteor Garden, muling nabuhay ang ABS.



Selling like hotcakes ang MG. Halos sinamba ng buong Pilipinas ang F4. Naging national anthem ang mga kanta ng F4. dahil hindi pa uso sa akin ang internet noon, super benta sa akin ang mga laminated pic ng F4. Ako na ang fanatic. Lahat ng itapat ng GMA na show sa MG, kinabog, maging ang Taiwanese Drama na My MVP Valentine na pinagbibidahan ng 5566.



Dahil dito, unti-unting nawala sa TV line up ang mga telenovelas. May isa o dalawa na lang na pinapalabas sa panghapon na timeslot. May ibang pumatok naman pero hindi na kasing patok ng mga naunang telenovelas.



Ang timeslot na binakante ng mga telenovelas ay pinunan ng mga Asianovelas. One to sawa ang mga asianovelas. Pero sa lahat ng mga Asianovelas, mas marami ang mga Korean-made dramas na pumatok sa panlasa ng mga Pinoy…



---



Dito ko muna tatapusin ang Part 1. Ang next post ko ay Teleserye vs Kdrama.