Thursday, January 12, 2011
8:00 pm
Siguro habang sinusulat ko ang post ko na ito, nagsisimula na sila. Hay, kahirapan nga naman… Pinalampas ko na naman ang isang pambihirang pagkakataon na makita sila. Heto na naman ako, pilit na kinukumbinsi ang aking sarili na "Okay lang yan, may next time pa naman. One day, you'll be able to see them face to face. Higit pa sa iilang oras na panonood mo sa kanila." Pero sa totoo lang naghuhumiyaw ang aking puso: HINDI OKAY!
Nakilala ko sila noong high school pa lang ako. Agad nilang nakuha ang aking atensyon dahil na rin siguro sa kanilang mga likha na talaga naman nakakarelate ako. Hindi naman ako rebellious at hindi magiging kelanman. Pero sa kanta nilang Addicted and God Must Hate Me, nakuha na nila agad ang teenager kong puso. Minsan, iniisip ko nga na ako na lang ang "My Allien" ni Pierre.
Noong 2004, muli silang nagbalik para sa kanilang ikalawang album. At lima sa mga ito ang nagustuhan ko kaagad: Shut Up, Welcome To My Life, Me Against The World, Crazy at Untitled na tumagal sa hit charts.
Lumipas uli ang apat na taon bago nila nilabas ang kanilang self-titled album. Ilang beses ko itong pinapatgtog sa aking mp3 (Your love is a Lie, Save You at Generation)…
At nitong nakaraang taon lang, nilabas nila ang kanilang latest album na Get Your Heart On! At heto lang ang masasabi ko: mahal na mahal ko ang album na ito!
October pa lang alam ko na na darating sila dito. OMG! Heto na ang aking pagkakataon! Kaso heto, kasalukuyan kong ginagawa ang post na ito imbes na nakikijamming ako sa kanila doon sa Araneta. Nagkasya na lang ako sa pagsabay na pagkanta sa album niyo Hayzzz….. Simple Plan, kelan ko kaya kayo makikita?
-------
Ok fine, enough of this drama.. Syempre gagawin ko pa ba ang post na ito kung mag e-emo lang ako, of course not! Thanks sa persistence ni Grace, na pi-nush talaga na makapanood kami, at last natuloy nga ang aming "simple" plan… I'm so happy.
As I metioned earlier, October pa lang nalaman ko na may concert ang Simple Plan dito… Get Your Heart On Manila Tour, through my BF, Vberni. So nagplan na kami ng bibili kami ng ticket as early as December. Nalaman ko rin na like din pala ni Grace manood so inaya ko rin siya… Yes, push na talaga ang plan na ito. Nagulat na nga lang ako one-time, nag pareserve na ng ticket si Grace, mga last week ng October yun, nawindang na lang ako, "Gracey, purita pa watashi, kumalma ka, sa December na lang tayo bumili." I even memorized all of their songs sa kanilang new album bilang isa sa aking mga preparations.
Pero siyempre may handlang pa rin. November ng nalaman ko na may concert si Katy Perry! Kelangan talaga naka-exclamation point! Si Katy yun e! Okay na sana, super saya ng new year na darating dahil ang aking 2 fave artist ang darating for a concert. Kaso same month ang concert nila. Jan 12 for Simple Plan while Jan 22 naman yung kay Katy.. Hay super kahirapan talaga…. I need to watch them both! Ang nangyari tuloy, matulin na lumipas ang November and December na walang nangyari.
Nakalimutan ko na ang mga concert na iyon ng sumaoit ang January, nasa vacation mode pa kasi ako, So habang nag iinternet ako, nabasa ko ang post ni Grace, dated January 11:
OMG! Concert na pala ng Simple Plan bukas! Agad akong nagcomment sa kayang post:
So iyon, check pa namin if may available pang ticket kahit General Admission lang. Sabi ni Grace, doon na mismo sa Araneta dapat bumili ng ticket. Sumapit na ang gabi, dumating na sa Pilipinas ang Simple Plan. Di pa rin kami sure kung mapapanood namin sila.
Jan 12 na, so this is it! Text ako ng text kay Grace if may ticket kami. Wala pa rin, inform niya na lang daw ako by lunch time. Wala na nga siguro kaming pag-asa..
Pero mga bandang 3 pm, nagtext si Grace, may tickets na kami! Yehey! This is really is it na talaga! Wala ng makakahadlang sa aming panonood ng concert.
Buti naman walang mga masasamang elemento na pumigil sa akin on my way to Araneta. Himalang nakasakay ako kaagad sa MRT Guadalupe. Arte kasi ni ate e, ayaw pang pumasok, siniksik ko na lang sarili ko. Halos sabay lang din kami ni Grace dumating. Pagpasok namin, nakakuha naman kami kaagad ng good spot, nasa pinaka taas kami, pinakagitna din, so kitang kitang kita namin ang stage.
I observed the audience na kasama namin. Infairness, mga baget pa ang karamihan. I was 10 or 11 noong nag start ang Simple Plan pero talagang namaintain nila ang kanilang audience, ang youth. Ang bongga lang talaga. Dami kasing mga bagets na nakakarelate sa mga kanta nila.
One of my favorite Pinoy band opened the program, Kamikazee. As always, Kamikazee's lead vocalist, Jay ignite the audience's energy through his crazy antics. Ilang beses niyang pinagpipilitang mag headstand, kaloka siya. Ipinakita din niya ang kanyang "macho-dancer" moves, kala mo kay ganda talaga ng katawan niya. Syempre tinugtog nila ang kanilang mga hit songs, Martir Nyibera, Narda, Halik, Ambisyoso, tsinelas… isiningit pa nga ni Jay ang poem na "Foot prints in the sand" sa kanta niya e. Siya na ang may kabisado. Syempre mahahalata ang mga perks ng nasa baba, nagpaagaw sila ng kanilang cds. Sila na.
After ng first act, we waited for another 30 minutes dahil nag-ayos uli ng stage. Saktong 9 pm lumabas na ang Simple Plan… Syempre tilian na ang mga tao… Energy din talaga ang mga bagets. First song nila ang Shut Up. Infairness katuwa yung manong na katabi ko, feeling bagets din, alam niya yung ibang kanta ng Simple Plan. Hindi lang din puro songs from their new album ang kanilang kinanta. They also paly song like my alien, Im just a kid, Addicted, welcome to my life. Jump, when im gone, and your love is just a lie. Meron pa yatang iba, hindi ko na matandaan (coerrect mo na lang to Grace). Syempre hindi ko na matandaan yung pag kakasunod dahil busy ako sa pagsabay sa pagkanta ni Pierre. Syempre as requested ang last song is Perfect. Katuwa si manong na katabi ko, alam niya ang Perfect at naki-kanta din siya.
Here are some pics sa concert. Sorry naman kung malabo, yan lang ang kinaya ng BB ko.
Ang gwapo ni Pierre no? |
Im so happy kasi nagawa ko na ang una sa aking to do list for 2012: to watch concert/s. This is my first time to watch a concert, kung hindi counted ang free concert sa PLM noon. Nonetheless, it was a great experience. I've got the chance to see my fave band singing live in front of me. I can't wait for Katy this Jan 22.
After ng concert, Pierre said that the will definitely come back again soon. Sa isip namin ni Grace, after 4 years na uli for their new album. We promised din na it that day comes, nasa harapan na talaga kami.
PS:
Spacial thanks to Grace's father na siyang bumili ng ticket namin…
2 comments:
I miss Simple Plan already!!!
Ako rin! Bakit kaya ganun, ang tagal nila sa Japan! Unfair!!!
Post a Comment