I'm scrolling through my cellphone for the 20th time today
I'm reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway...
Nakita ko uli siya.
Uli kasi hindi naman ito ang unang beses na nagkasabay kami sa jeep. Ngunit ito ang unang beses na tumingin di ako sa kanya. Mata sa mata. Siguro nga, bitter pa ako ng mga panahon na iyon. Pero hindi naman ako galit sa kanya.
Kinamusta niya ako. "Okay naman ako. Ikaw? "Potek, parang nagpapalitan lang kami ng text messages ah.
Katahimikan. Nag-iwas muna ako ng tingin. Hindi ko alam kung siya rin. May nag-para. Sabay kaming nagkatinginan at ngumiti sa isa't isa.
Tinanong niya kung may gagawin ako. Sabi ko, "Wala naman." Niyaya niya akong mag dinner. Batid namin na kailangan naming mag-usap. Buti na lang pala medyo okay naman ang itsura ko ng araw na iyon. Bigla ko tuloy naalala yung unang "date" namin. Hindi man ako nakapangbahay na damit tulad noon, halos wala pa ring pinagkaiba kumpara sa kanyang formal office attire.
Nakarating kami sa isang mall kung saan malapit ang eskwelahan namin noon. Sa Kanluran ako, sa silangan siya. Sa isang not sofancy restaurant kami tumuloy. "I don’t eat much na sa gabi e," katiran ko. While we are waiting sa order namin, he asked something about me. Kung ano ang work ko and other info, like we were long lost friends. Strange. Long lost friend. Former friend. Ex-boyfriend to be exact. Nagpalitan lamang kami ng mga tanong at sagot. Awkward silence uli ng maubudan na ng sasabihin. Nag-iba ako ng usapan. Tinanong ko kung nagkikita pa sila ni Cris.
It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi 'cos I looked away...
We met on the birthday celebration of Cris, classmates sila noong highschool while kasama ko naman siya sa isang organization. Hindi kami nagkausap noon pero napapansin ko na ang kanyang mga pagtingin na hindi ko naman binigyan ng kahulugan.
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night...
Two days after nakatangap ako gn text message mula sa kanya, I was so shock. Gulat talaga ang una kong naramdaman dahil hindi naman kami nagpansinan noon. At gusto siya ng best friend ko.
Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer...
"Ano nga ba ang nangyari?" sabay naming tanong. Natawa kaming pareho.
Maski rin pala siya ay may ganoong katanungan. Anim na taon din pala niya iyong dala-dala.
Bata pa kami ng mga panahon na iyon. High school student ako samantalang siya ay nasa college na. Lack of communication ang nararapat na dahilan kung bakit hindi nag-work ang aming relasyon. Hindi pa naman kasi adik ang mga tao noon sa texting compared ngayon. Its just ironic na sa text kami nagkakilala and sa text din kami nagkahiwalay.
And I saw you with her
Didn't think you would find another
And my world just seemed to crush
Shouldn't have thought that this would last...
"Is she still in Singapore"? Nagulat siya kung paano ko nalaman iyon. "Nabangit lang ng cousin mo ng nagkasabay kami." Hindi naman niya sinagot ang tanong ko. He neither confirm nor deny.
As the sky outside gets brighter
And my eyes begin to tire
I'm slowly drowning...
Nag-excuse muna ako para pumunta ng CR. Nakita ko ang aking college friend. Niyaya niya akong sumama sa kanila ng dati naming classmates. Sabi ko, daanan na lang nila ako dahil may kausap pa ako.
The memories of him
And I know it shouldn't matter
As my heart begins to shatter
I'm left to wonder
Just how it should have been yeah...
Nagkwento siya. Pero hindi ko naiintindihan ang kanyang sinasabi. Suddenly biglang hindi na ako naging interesado sa anumang nangyayari sa kanya. Wala na akong paki-alam sa kanya. Bigla kong nasabi sa sarili ko, "Ang bongga mo ah! Naka-move on ka teh!" But seriously, I simply don’t care about him anymore. Kung noon pa siguro kami nagkita, maaari pa.
12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed
I'm not thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on...
Dumating ang mga classmates ko. Kinawayan ko siya upang makita niya kami. Agad na akong nagpaalam sa kanya. "Sino yun"? tanong ng isa sa kanila habang kami ay naglalakad...
Cause I'll prove you wrong that I can move on through this song
I'm so much stronger
Wala, isa lang sa member ng alphabet.