Monday, August 8, 2011

Review-Review-Han 1: Liberacion (Adolfo Alix)

Side Story:

Hindi ko na enjoy personally ang Cinemalaya sa CCP ngayong taon dahil sa dalawang dahilan: WORK  and MONEY. Hindi na ako masyadong mag-elaborate dahil obvious naman na ang explaination dyan.

Cinemalayagoes to UP Diliman. Kung sa CCP nga di ako makapunta, sa UP-D pa kaya. Ngunit dahil tinotoo nga ni Kuya Macky ang magyaya ng manood ng film ng biglaan, para matuloy na daw, kasi pagmaaga kaming nagse-set ng date for movie, hindi natutuloy. So nagyaya siya noong Tuesday to watch Liberacion at UP-D na ipapalabas ng August 6. At dahil biglaan nga, marami pa ring nagback-out, gaya ng  aming butihing Prof. na nagreserve ng aming ticket, at ni Florence na may rehersals "daw". Kaya kaming apat nina Kuya Macky, Kuya Choc at Kuya Dean ang sumugod sa UP-D para mapanood ang Liberacion.

Pero bago pa kami makapunta sa UP-D, marami na kaming adventure ni Kuya Choc habang kami ay naglakbay patungo sa GMA Network (may paimportante kasi na pinapunta pa kami doon, nakita tuloy namin si Kuya Germs) lalo na sa MRT. Pero baka gawan ko na lang ng separate na blog. Isama na rin ang aming makikipagpatintero sa mga bus sa East Avenue. At paglalakad sa UP-D campus mahanap lang ang misteryosong tapsilogan.


***

Hindi masyadong mataas ang expectations ko sa Liberacion. Hindi naman ako bago sa panonood ng mga indipendent films o mas kilala sa tawag na indie, lalo na sa mga gawa ni Direk Aldolf Alix (Chasis, Presa). Wala talaga akong idea kung ano ang aming papanoorin ng araw na iyon, salamat kay Florence na nagbigay ng link ng teaser ng Liberacion, nagkaroon ako ng konding idea na si Jackie Woo pala ang bida sa film at nasa Post World War II ang setting,


Ang Liberacion ay isang istorya ng isang Japanese Soldier na si Makoto, na ayaw umalis sa kagubatan sa Pilipinas sa paniniwala na hindi pa tapos ng giyera. Para sa kanya, aalis lamang siya sa kagubatan kung ito ay ipag-uutos ng kanyang heneral. Kahit na may mga hakbang na ginawa ang mga tao sa labas ng kagubatan na hanapin siya, tulad ngpaghahanap sa kanya ng kaniyang kapatid mula sa Japan at pagpapalipad ng mga litrato at mga sulat mula sa kanilang mga pamilya gamit ang mga helicopter, hindi pa rin natinag si Makoto at inisip na isa lamabng ito sa mga istratehiya ng Amerika para mapasuko sila. Umabot ang kanyang pakikibaka sa kagubatan ng Pilipinas ng dalawapung taon.

Nagsimula ang pelikula sa eksena kung saan naglalakad sina Makoto, na ginanapan ni Jackie Woo, kasama ng kanyang 2 kasamahang sundalo, na kalaunan ay nawala, sa lood ng isang tunnel. Naipahayag sa pamamagitan ng mga kuha ng kamera ang "struggle" na nararanasan nina Makoto: madilim, nakakahilo, nakakainip.

Umakma sa pelikula na kununan sa black and white para mas lalong madama ang setting ng pelikula na Post World War II.

Kahanga-hanga ang pagganap ni Jackie Woo bilang isang sundalo. Ayon sa aking mga nabasa sa internet, bumibisita na pala siya sa ating bansa, sa Bubble Gang, at marami na rin siyang mga nagawang mga pelikula dito sa Pilipinas. Sa pelikula na ito naipakita naman ni Woo na hindi lamang siya pang-comedy, na maaari rin siyang gumanap sa mga seryosong mga role. Natatangi rin ang pagganap ni Mercedes Cabral bilang Liway. Dahil sa kanyang aking ganda, hindi na kataka-taka na nabighani sa kanya si Makoto. Akma lamang ang kanyang pag-arte bilang isang Pilipina sa panahon na iyon: simple at mahinhin.

Ang Liberacion ay isang "war" film subalit hindi lamang sa literal na paraan. Ito ay isang palabas na kung saan nakikipagdigma ang mga tauhan sa pelikula ngunit pati maging ang mga manonood. Digmaan sa pagitan ng mga Hapon, Filipino at Amerikano. Pakikipaglaban ng mga sundalo laban sa alaala ng kanilang mga mahal sa buhay. Pakikipagdigma ni Makoto sa kanyang isip na hindi pa tapos ang laban; sa kagubatan sa paghahanap ng kanyang makakain; sa kanyang damdamin upang mapigilan ang kanyang puso na lumambot sa akala niyang pain ng mga sundalong Amerikano na si Liway. Pakikipagdigmaan ng mga manonood sa kanilang mga isip sa kung ano ang mga susunod na mangyayari sa palabas. Ika nga, digmaan sa ating mga pag-iisip. 

*Spoiler Alert*
 (Huwag ng ituloy ang pagbabasa kung hindi mo pa napapanood ngunit nais mongmapanood ang pelikula. Kung gusto mo ng konting spoiler, bahala ka.)

Maraming values ang matututunan sa pelikulang ito: pagmamahal sa bayan, pasensiya, diskarte at ang talagang hinangaan ko kay Makoto, ang pagiging matapat. Ang pinaka magandang bahagi ng pelikula para sa aking, bukod sa ending nito ay ang eksena kung saan pinuntaha mismo ng heneral si Makoto sa kagubatan at sa kanilang eksena, itinanong ni Makoto dito kung sino ang nanalo sa digmaan. (Kung hindi makukuilit yung mga kasama ko, naiyak na ako sa eksenang ito. Teary-eyed talaga ako sa scene na ito.)

Ang liberacion ay hindi lamang istorya ni Makoto, isinama din sa pelikula ang isang matandang kwento ng mga diwata at mga ligaw na kaluluwa nf mga sundalo sa mga kagubatan napupipigil sa mga tao na pumunta sa kagubatan satakot na hindi na sila makakalabas ng buhay. Isa ito marahil (hindi tuwirang ibinanggit sa pelikula) sa mga dahilan kung bakit umabot ng 20 taon si Makoto sa kagubatan.

Tulad ng ibang pelikula, may mga konting kwestionable na eksena sa Liberacion. Tulad ng hindi masyadong napakita na 20 taon na pala na nasa kagubatan si Makoto ngunit hindi man lang nahalata sa kanyang itsura ang pagtanda, maliban na lamang sa huling eksena na kung saan nagkaroon na ng puting buhok si Makoto at tumanda ang itsura ni Liway.

Kung mahilig ka sa mga fast-pacing movies, hindi para sa iyo ang pelikulang ito, Kakailanganin mo ng pasensiya sa panonood. Huwag kang mag-alala, hindi ka madidisapoint sa kabuuan ng pelikula. 

Pagkatapos ng pelikula, tunay nga na masasabi mo na angkop ang titulong Liberacion dito dahil isa  itong tunay na "liberating film."


***

AnOTHER Side Story:


Dahil feel namin nasa bahay lang kami na may malaking scren kasi wala pa yata kaming 15 sa loob ng Cine Adarna, nagpapalitan kami ng aming mga hula kung paano magtatapos ang pelikula. Naweirdohan na siguro sa amin ang iba pang mga kasabay naming nanood dahil tawa kami ng tawa sa mga version ng  kung ano ang ending ng palabas. Ngunit sa kasamaang palad, wala sa amin ang tama. Basta I love the ending!





No comments: