Me: Yes?
Friend: Pa-like naman po ng post ko! Please! =) Please! =-)
Me: *sign-out*
Naranasan niyo na ba yan? Nasa kasagsagan ka ng pag-aayos mo ng iyong city at pagkubra ng mga kita sa mga business mo sa City Ville, isabay mo na ang pagstalk mo sa iyong crush at pakikipagkulitan sa mga friends mo at ginawang chatbox ang comment box, ng biglang may magpapop-out na chat from some of your acquaintance, asking to like their post or the fan page of the whatever company/product or ng post ng rant na hindi mo naman gusto, never heard at higit sa lahat wala kang pakialam kung nag-e-exist pala ito sa totoong buhay. Kung kayo, mabait at super supportive, pwes ako, imbyerna!
Hindi ako nagpopost ng kahit ano- mapa-status man o note o link- sa Facebook para i-please ang ibang tao. Okay lang sa akin kahit hindi pansinin ang mga status at links (mas mahilig akong magpost ng links) just to be liked by other person. Kahit makapal ang mukha ko, hindi ko pa naman nasubukan na magchat sa mga naka online kong FB fiends at isa-isa silang i-chat para i-like ang status ko. Mas na-a-aapreciate ko pa yung mga 2 o isang nagla-like ng post ko sa fb na alam kong hindi ko pinilit na i-click ang like button for the sake na maraming nag-like sa post ko.
Marami kayong maaaring maitawag sa akin: KJ,OC,Suplada, Maarte, etc. Ang I will answer in three words: I DON’T CARE! Ayoko ng maraming notifications ng kung anu-ano na na flood na ang wall ko. Di ko na tuloy makita ang post ng crush ko. Kainis! Buti sana kung sa ikakabuti ng pamumuhay ko o ng sambayanan ang mga nakapost, e puro kakagastusan naman ang mga makikita mo. Ano naman pakialam ko sa company fan page niyo, e hindi naman yan related sa course ko, sa line of work ko o sa interest ko. Illogical na siguro ako o napakakitid ng pang-unawa ko pero BAKIT KAILANGAN IPAGPILITAN NA I-LIKE KO ANG ISANG BAGAY NA HINDI KO NAMAN GUSTO?
Here is my example scenario na talagang nangyari sa akin:
Habang nasa work ako, nagchat si frienemy. Sa totoo lang, hindi ko naman siya enemy, lalo namang hindi ko siya friend. He/She/It? (Joke!) Is one of my acquaintance. Wala akong maisip na codename para sa kanya, pero in case na mabasa niya ito, o ng ibang pang mga fans friends ko, kilala niya/nila kung sino ito.
Scenario: Sometime in August 2011, nasa office ako around 3 pm, busi-busihan si watashi.
Frienemy: hi
Me: *deadma* ?
Frienemy: palike naman po ng blah blah blah
(Link)
Please po need lang po sa work
Please! please!
Me: K (kahit sa totoo naman hindi ko gagawin)
Frienemy: Thanks!
Napansin ko na may ilan-ilan sa nga supportive na commom fb friends niya ang naglike ng page at sinare pa nila. After 1 hour, napansin niyang hindi ko naman ni-like ang company fan page nila na hindi ko naman knows kung ano at wala akong balak alamin.
(Link)
Please po need lang po sa work
Please! please!
Me: *deadma, close chat box*
Akala ko hindi na niya ako guguluhin ever. I was wrong. Pag-uwi ko, habang net surfing si watshi gamit ang aking baby corby 2 (hindi naman masyadong mayabang di ba?), nang mapansin ko na nag-comment si frienemy sa isang post ko (link ng movie review ko ng Liberation). Aba, sabi ng aking konsensya, ano kaya pinost niya. Click ko naman ang wall ko, napa-tumbling ako sa imbyerna. Ang nakalagay na comment:
palike naman po ng blah blah blah
Please po need lang po sa workPlease! please! (Link)
Wah!!! Ang gaganda ng mga naunang comment tapos makaka-kita ako ng SPAM! Walang pagdadalawang isip akong nag-click ng delere. Kairita!
Hindi pa dyan na tapos ang ginawako, nagpost ako sa wall ko, stating:
Pero ano nga ba ang sense ng pag-like ? For Prestige? For self-fullfilment? Ipagmalaki sa buong FB friends mo na magaling ka, marami kang fans? Nyeta. Hindi pa naman ako desperado.
May nagcomment sa post kong iyon.
Ang bait ng mga friends ko di ba. So far, wala pa naman nagbalak mag pa like ng kung anu-anong ek-ek nila. Hanggang kaninang umaga....
Me: Yes?
Friend: Pa-like naman po ng post ko! Please!b =) Please! =)
Me: *sign-out*
Nyeta much!
up next: FB Etiquette by Cherry.
No comments:
Post a Comment