Sabi ng officemate
ko, kung gusto mo mangyari ang inaasam mo, isulat mo ito. As in long hand. At
lagi nangkakatotoo ang mga sinulat niya. Last January, I did that. Wala naman
mawawala. And one on those list is to travel more.
Hindi ko naman
aakalain na wala pang 2 months ang lumipas, ko-quota pala ako sa pagtravel.
Pagpasok pa lang Feb, isang week lang ko nabakante then the rest of the month
wala ako sa bahay. Most of my travel are work related. But this particular
trip, nataon na holiday. So we decided na instead bumalik pa uli sa Manila then
balik uli since may need pang daanan, we used our free day for the lakwatsa
day.
It's not my first
time in Cebu. My first airplane experience in 2014 was my 3 days stay in Cebu.
First flight, then ako lang mag-isa ang mag travel. I still remember that day
na para akong Grade 1 pupil in her 1st day of class. Hinatid pa ako ng Mudra ko
sa airport hahaha kasi 5 am ang flight and since 1st time nga, 3 am pa lang
nasa airport na ako (2 hours before the flight diba). I just followed the
people around me and matiwasay naman ako na nakasakay. Hindi nga lang pinalad
na mapunta sa window seat. Pero super nerbyos ako nung mga panahon na yun hanggang sa
paghahanap sa pilahan ng taxi at pagpunta sa hotel.
Fast forward to
2016, I was back last Feb sa Cebu dahil sa work. That week, 2 days kami sa
Bacolod then diretso sa Cebu. Kung nung first trip ko, I saw the whole Cebu
City and Lapu-Lapu City, this time around, I got to experience the rural side
of Cebu province. I realized in this trip na there are so much more to explore
sa Cebu.
The official 1st day
sa Cebu, we went agad sa Dalaguete - a 3 hour drive away from Cebu City. After
we passed Carcar, you will see on the left side of the road the sea. So what's
so special sa dagat, e we have Manila Bay naman. Ang linis ng dagat sa Cebu!
It's like the blue sea is inviting you to swim agad agad. While looking nga for
a computer shop, nakikita ko na yung dagat, sabi ko na lang sa kasama ko, ikaw
na lang maghanap, gusto ko na mag swimming, hahaha. Syempre hindi ko naman
ginawa yun. I just have to wait.
After the work sa
Dalaguete, we decided to stay in Oslob instead na we go back pa sa Cebu City.
Oslob is 1 hour away to Dalaguete. Lumapas pa kami sa sunod na town which is
Sandater, kaya nakarating na kami sa resort na pinagstayan namin ng 7 pm. Dahil
siguro holiday kinabukas, fully book ang mga private room and we have no choice
but to stay sa dorm type room. Then after we settle, we planned naman our
itinerary for the next day.
Day 2 in Cebu -
Oslob.
We started our day
with the whale sharks. Shocks pag kasama mo na sila sa dagat, feeling mo
kakainin ka nila pero hindi naman. Super laki lang ng butanding na ayaw mong
lumapit sa kanya. Swimming with the whale shark costs P 500 per person. And if
you just want to watch lang sa bangka, you will have to pay P 300. Since nandun
ka na rin, edi swim with the whales na ang piliin dapat. Kailangan pa ba
pag-isipan? If you want to have souvenir photos, you may rent action camera for
P 500, for that specific activity lang. Pero parang wala lang din naman kasi
wala kami matino na photos, so sad.
After namin
magpakasawa sa whale shark (chos lang, 30 minutes lang namin siya nakapiling),
sa pool naman kami ng resort nagpakasawa lumangoy while waiting sa kasama namin
na galing pa Manila for the Canyoneering. Medyo nagkaroon pa kami ng confusion
sa canyoneering na yan. So tip sa mga magbabalak, ang retail price (parang
sari-sari store lang) is now P 1500 including na environment fee, local taxes,
tour guide (though may voluntary tip pa depende sa feelings niyo sa guide),
vest, helmet and shoes (if you don’t have and may kasya) - this price is
effective March 15 daw sabi ng tour guide namin. For us, ang budget for each is Php 1100 plus
250 each kasi nagrent pa kami ng sasakyan from Oslob to Alegria. The travel is
roughly 1 to 1 and a half hour, depende sa driver.
The real highlight
ng Cebu experience, hindi lang sa akin kundi sa buong group, was the
canyoneering. Kung ano yung hindi ko ginawa sa Sagada, which is the cave
connection, sabi ng officemate ko, level 1 lang yun compared sa ginawa namin sa
Cebu. Actually wala talaga akong idea sa gagawin namin. Alam ko lang may
tatalunan na falls pero parang may choice ka kung tatalon ko or hindi. At isang
beses lang. Pero I was wrong. I did not imagine na buwis buhay pala ang
activity na ito!
Pagdating sa
Alegria, nagchange outfit kami then lagay yung mga safety gears. Then 10 minute
habal-habal ride papunta sa ilog. Actually hindi ko alam yung area na yun. Gow
with the flow na lang. We arrived around 2 pm. Pagbaba sa motor, lakad ng
slight pababa hanggang sa makarating sa ilog na puro bato. Pinagpost kami
saglit ni Kuya Guide (I forgot his name, my bad) for a picture (special thanks
kay kuya driver na nakalimutan ko din ang name, sorry naman, pinahiram niya
kami ng action cam. Buti may micro SD kasama ko) then start na ng pagtalon.
Yes, walang pasintabi, talon agad. Wala ka choice kundi tumalon. I was the 3rd
one to jump. Feeling ko nun, shet baka tumama ulo ko sa bato, or baka yung paa
o mainjure pagtalon. Pero bahala na. Jump na lang kasi pag mas pinatagal mo pa,
aayaw ka na. So I jumped and ouch, ang higpit ng vest ko (no further
explanation here). Ouch talaga ang una kong nasabi pero ang saya lang, you feel
liberated after the jump.
Dahil nagjump, you
have to swim, buti na lang nabanat sa swimming ang katawan ko earlier kasi
laking tulong na nasanay ka sa pagkawag ng paa at kamay. Hassle nga lang kasi
if you are in eyeglasses, you have to remove it everytime magjump at swim ka.
The priceless moment here was you get to enjoy the surroundings while swimming.
Ang sarap sa pakiramdam ng tubig, malamig, malilim pa, at higit sa lahat, super
linis ng tubig! Hindi lang yung paikot ikot ka lang sa pool or dagat (dahil di
marunong lumangoy). Lahat ng phobia mo dito mawawala. On my part, I'm really
afraid to swim na walang naapakan. Kaya kahit I somehow know how to swim, I
never tried to go beyond 6 feet. Feel ko nalulunod na ako nun. I never tried
din ang mag jump, kasi nga baka ma injured ako, or malunod uli.
So for 3 long hours,
jump, swim, walk, jump, swim, walk, rock climbing, slide, swim, repeat until
fade, nakarating din kami sa 3rd level ng Kawasan Falls. This time, wala ng
jump pero may swim pa rin para katulay sa kabilang lupa. Then lakad uli sa 2nd
level then 15 minutes later, finally, nasa end na kami ng Kawasan Falls!
Pagdating sa dulo, super pagod to the maximum levels. That was 5:30 pm na. Sabi
nga sa amin ni Kuya Driver, ang bilis daw namin. Sabi ko, bawal kasi ang
pabebe. Nagmamadali mga kasama ko kasi baka dumilim na. Canyoneering, to date,
is my top 1 best experience in my life, not only in 2016. Parang isang
milestone ang na-achieve ko on that moment.
Day 3 - Sibonga, Cebu
After
ng work-related activity for that day, we went to Simala Church, in Sibonga,
South Cebu, 1 hour away to Oslob. Medyo paloob pa yung Simala Church pero once
nandun ka na sa façade, feel mo nakakita ka ng isang palasyo. Super lawak niya
na may garden pa sa gitna. Mahigpit ang mga bantay dito at kailangan sumunod sa
dress code. Hindi pwede ang naka
tsinelas or shorts. Pinatapis nga ng guard yung shoal sa isang babae na naka
dress na above the knee. Isa lang ang reklamo ko sa Cebu, mapa town or city -
super init. Iba nag init sa kanila.
Anyway, pagpasok sa
loob ng simbahan, patapos na ang rosary in Cebuano. Hindi ganun kalaki yung
simbahan, unlike sa lawak ng buong palasyo. Then mga 10 minutes later nagmisa
na. Syempre Cebuano version uli pero ang nakakatuwa yung katabi ko, ang lakas
ng boses, feeling ko dinadamay na niya ako
every time need ng response. Yun nga lang, hindi ko na-gets homily. Keri
na rin kasi I feel blessed na, thanks kay Nanay na katabi ko. After the mass, nag-lit kami ng candle then
meron sila doon na malaking prayer room. Nasagot na rin yung big question ko,
may malawak silang entrance going to the prayer room then need na tangalin ang
sapatos. Hindi na kami pumasok sa loob dahil hassel pa magtanggal ng shoes, and
we were bound to Cebu City na. I never imagine yung laki ng funds nila to make
that church. Maski nga sa Manila, we don’t have like that.
After our South Cebu
trip, I can say that this was the most adventurous trip ever. I didn’t expect
na kaya ko palang tumalon sa falls with 30 feet high, or got to swim with whale
sharks. If I were to ask if I will do it again, I will definitely say YES!
Love,
Cherry
*Sabi pala ni Mars Google, Kanlaob River sa Alegria pala yung binabaan namin and we do the downstream canyoneering. Taray may pa trivia pa diba? Then yung end ng stream is in Kawasan Falls in Badian.