Showing posts with label review. Show all posts
Showing posts with label review. Show all posts

Friday, December 21, 2012

Food Trip: Bannapple


August 25, 2012

After my class, nagtext ang aking mga gala friends na mag meet daw sa SM Manila. Since ta-tumbling lang naman ako papunta dun, go naman ako. So nag ikot-ikot lang kami nina Kien, Jomar and Dianne sa buong mall. And after ng window shopping, tom jones na kaming lahat, and super arte ng mga friends ko. Asensado na kami kasi ayaw na nila sa mga fast food. Matagal ng nag crave si Dianne sa Bannapple but the nearest branch within the metro is in Ayala Triangle! Of course, for the love of food, we traveled from Malate, Manila to Ayala Triangle, Makati just to eat. 

The gang. (L-R: Dianne, Jomar, Me and Kien)


Honestly at first, medyo hesitant pa ako kasi baka super mahal. But no, super affordable naman pala kasi per serving nila is good for 2-4 persons. Ang bongga lang! Ang mga orders namin: Lasagna, Baked Mac, Blueberry Pancake and a Blueberry cake. The foods are great! Super delicious and really worth the price. Imagine, we only spent P 150.00 each but super busog kaming apat sa mga kinain namin. You may think na simple lang naman yung menu nila but I swear ang bigat sa tyan lahat ng food nila especially the pancakes. And to prove na super love namin ang Bannapple, we even dine again there to celebrate my birthday last November, but this time, sa Market Market branch kami.

The foodie

The only thing na I don't like sa Bannapple is the space. Medyo maliit yung place nila sa Makati compared sa Taguig but nonetheless, if you want a sulit and delicious meal, it is worth all the wait.


Monday, July 9, 2012

Review-Reviewhan: MNL 143 (2012)


I love this film.


Kung gusto mong kiligin, watch this movie. This film is a story of a FX driver searching for his long lost love, romantic isn't it?


Honestly, one of my motivations to watch this movie is because of my curiosity sa movie itself. It's not a secret naman na nataggal sila sa list ng New Breed category ng Cinemalaya 2012 (na start na this July 21), because di bet ng Cinemalaya ang casting choice ng director. So what's with Alan Paule and Joy Viado na hindi sila gusto and they wanted to be replaced with Victor Neri and Francine Prieto?


The whole movie focused on the last day of Ramil (Paule) as a driver. Mapapansin ang kalungkutan sa kanyang huling pagbyahe. Sa pagpapatuloy ng pelikula, malalaman na siya ay pautngo na ng Saudi matapos ng 5 taong paghahanap sa dating katipan sa Maynila.



Tama lamang ang direktor na si Emerson Reyes na ipaglaban ang kanyang casting. Angkop si Paule sa pagganap bilang si Ramil, dating OFW at isang drayber. For a while akala ko siya si John Llyod dahil sa kanyang 2-3 minutes na close shot na nagmo-moment. Damang-dama ko ang kanyang kalungkutan at kabiguan dahil sa kanyang hindi matagumpay na paghahanap kay Mila. Dumagdag pa sa kalungkutang ito ang mga karanasan ng kanyang mga pasahero na medyo emo din. Lahat ng kanyang mga pasahero ay may kanya-kanyang istoryang na kahit papaano ay may patama sa kanya.

Usually, boring ang mga long shots. Pero in this film, hindi ako na-bore. Nacurious kasi ako kung paano ba sila mahkikita ni Mila. Bigla na lang ba itong susulpot sa kanyang harapan? Pati ang mga manonood ay tinutulungan si Ramil na hanapin si Mila. Gusto kong sabihin, pwede bang pahabaan pa yung shots, sakaling mahagip ng camera si Mila.

What will you do if nakita mo ang matagal mo nang hinahanap? At may pahabol pa.. Kasama niya ang kanyang "asawa". Nakikinita ko na if bagets yun, mag tweet yun kaagad ng "That awkward moment…" Sa totoo lang hindi o rin alam kung ano ang gagawin ko. AWKWARD!

I love Joy Viado. She possessed the aura needed in  Mila's character, mataray at matatag. I super her dialogues. Pak na pak lang, lalo na sa pagtataray niya kay Ramil. Pero hindi lang iyon simpleng pambabara. Lahat ng linya niya may patama tulad nito:

Ramil: Masaya ka ba?Mila: Bakit kailangan ba?

BOOM.

Gusto kong i-quote ang buong exchange of dialogues ni Ramil and Mila. Ramdam ang mga naipong emosyon sa 13 years na hindi pagkikita.

Mila: Bayad. Dalawa. Galing Philcoa.Ramil: 13 years Mila. Tapos "Dalawa. Galing Philcoa" lang ans sasabihin mo sa akin?


BOOM.

Another thing that I like in the movie are the pasaheros. Like what one of the audience said in the open forum, the movie is a ensemble. Aside from Ramil's character, lahat ng mga characters ay pantay-pantay. Lahat may dahilan kung bakit sila nandoon, I am thinking of my fave pasahero but wala akong magsingle out. Well, I love Ramon Bautista. Wala talaga siyang kupas. I like the 2 student na gumagawa ng thesis. Naalala ko tuloy yung paggawa namin ng thesis 2 years ago. "Manong lagay na lang namin pangalan mo sa credits." Ang mga beking nagpapacute sa driver at kala mo e sila ang may-ari ng sasakyan. At si Manang Government Employee na birthday noong araw na iyon pero nakalimutan ng kanyang anak.

The movie is all about leaving, waiting and searching.  Tulad ng araw-araw nating pagbyahe. Tayo ay umaalis, naghihintay at naghahanap. Umalis si Ramil. Naghintay si Mila. Hinanap ni Ramil si Mila. Ngunit paano kung huli na ang lahat. Nakita mo nga ngunit hindi ka naman hinintay.

Ramil: Mahal mo ba siya?Mila: Hindi ko alam. Hindi naman siya mahirap mahalin.Ramil: Sapat na ba yun?Mila: Hindi niya ako iiwan.Ramil: Paano ka nakakasiguro?Mila: Basta alam ko di niya ako iiwan. Saka kung iwan niya man ako, okay lang. Sanay na ako.

Aww.

What would you do to search for a lost love? Follow Ramil, drive an FX. Malay mo maging pasahero mo siya.



Friday, July 6, 2012

Review-Reviewhan: The Graduate


Log over due na ang review ko na ito kasi last year ko pa ito napanood.. Hindi na muna pormal-pormalan ang review ko ah. Marami na akong backlags e. ktnxbye.

***





Set in 1960s, The Graduate is about Benjamin (Dustin Hoffman, na super pogi pa dito) na literal na kakagraduate lang from college and like other newly graduates, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya.

After his graduation, nagpa-party ang parents niya kasi super proud sila sa kanilang unico hijo. Invited ang mga ka-close nilang family friends. Medyo napresure naman si Benjamin kasi halos lahat ng tao sa party na yun e tinatanong kung ano na ang susunod niyang gagawin. Kaloka. But na lang e very supportive ang paernts niya at binigyan siya ng time to think for his next step.

At para makaiwas sa tanong ng iba pang bisita, nag-emo muna siya sa kanyang kwarto. Hindi pa man nagtatagal e bigla namang sumulpot si Mrs. Robinson, na asawa ni Mr. Robinson ng business partner ng kanyang parents. Binulabog nito ang kanyang pananahimik at nagpahatid pa sa kanya pauwi. At para hindi masabihang ungentleman, napilitan si bagets na itigal muna ang pag-e-emo at ihatid ang friend ng parents niya,

Pagdating sa bahay ng mga Robinson, syempre inaya siya na pumasok muna, Kahit na pipilitan, out of courtesy, pumayag siya na pumasok muna sa bahay. At dito na nagsimula ang pagkagulo ng kanyang magulong buhay-- nagpakita ng interest si Mrs. Robinson sa kanya and then dun nagstart ang kanilang "affair.'

Naipakita ng pelikula ang mga emosyon na nadarama ng mga nagsipaganap sa pamamagitan ng pag-pan at zoom ng camera. Mararamdaman mo na ang gulo nga ng pag-iisip ni Benjamin kasi pati ikaw na nanonood e nahihilo sa camera. Pero that trick was effective kasi nadama din ng audience ang pinagdadaanan ni Benjamin.

Back to the story, siyempre may hangganan din ang pasensiya ng mga magulang, so kinompronta na si Benjamin ng kanyang parents kasi lagi siya umaalis ng gabi at umaga na umuuwi tapos langoy ng langoy sa kanilang swimming pool, in short isa na siyang BUM. At para hindi na sila makonsumi sa kanya, pinilit nila na makipagdate ang kanilang anak sa anak ng mga Robinson na si Elaine. Wala ng nagawa si Benjamin kundi sundin ang kanyang mga magulang. Nagalit naman sa kanya si Mrs. Robinson kasi naman mag-two timing si Benjamin, pero wala naman siyang magawa. Parents pressure.

May bright idea si Benjamin para hindi matuloy ang pag matchmake sa kanila  ni Elaine. Nagpakita siya ng hindi kaaya-ayang ugali sa dalaga. Of course nawindang si girl. Medyo rude naman kasi si Benjamin. Crayola ang lola niyo to the max. Agad naman nakonsensiya si Benjamin at sinundan agad si Elaine at inayos na ang pagtrato sa dalaga. Dito na nagstart ang pagkakamabutihan ng dalawa. Very delighted ang parents ni Benjamin at Mr. Robinson sa ganap sa dalawa except Mrs. Robinson. Binalaan niya ang binata na sasabihin  kay Elaine ang kanilang affair . Pero hindi nagpasindak si Benjamin, inunahan niya si Elaine sa pagsasabi sa relasyon nila  ni Mrs. Robinson. Syempre nawindang si girl sa mga pangyayari at bumalik sa Berkeley to continue ang kanyang pag-aaral… Hanggang dito na lang ang i-spill ko. Ang hirap ikwento ng 2nd part. Hehe..

For me, kaya The Graduate ang title ng movie na ito, well bukod sa literal na graduate na siya at grumaduate siya sa kamusmusan with the help of Mrs. Robinson, e dahil sa wakas nakagraduate si Benjamin sa pagmamanipula o pagdikta ng mga tao sa kanyang paligid. 21 years ng kanyang buhay e sinunod niya ang gusto ng mga tao- he became a perfect son, model student, pero after college, naramdaman niyang hindi niya alam kung ano ang susunod na niyang gawin.

I recommend this film sa mga newly graduates. This film will tell them to be spontaneous. Don’t be afraid to try new things, malay mo, isa sa mga gagawin mo ang talagang gusto mo.
 
 

2012 Recap 1/2


Wow, July na! Ang bilis matapos ng June. Hindi ko man lang naramdaman ang summer, bukod sa super init, wala na. Di man lang ako nakapag swimming, heto nag-uulan na. Bad trip.

Ayon nga sa title ng post na ito, here's the recap ng mga pinaggagawa ko for the first-half of 2012:


January

1. Got my Black Berry Phoney na medyo pasaway dahil sa loser na battery nito.

2. Nag EK kami ng buong family- ang pinakabonggang one-time bigtime bonding namin ng buong family. As in kasama ang pudang ko.

3. Watched Simple Plan concert- buti na lang napilit ako ni Gracey. One of my happiest memory of my life so far.

4. 1st birthday ng aking Bebeng Nigel. Grabe big boy na siya. Naiiyak ako.

5. 50th birthday ng aking pudang. I'm so happy kasi somehow we were able to celebrate it with him.


February

1. Celebrated the birthday ng aking super BFF na si Kien. Nagkaraoke kami, watched chipipay movie sa SM then kumain ng one to sawa.

2. Valentine's date with family. Hindi porket wala kang jowa, di na pwedeng mag celebrate ng Valentine's Day.

3. I'm ate again to a twin girls. And ako ang nag bigay ng pangalan nila, Yey! I named them Jack and Jill (Jackielyn and Jillianne).


March

1. Take the PNU Entrance Exam  to pursue my dream to become a teacher.

2. Two weeks after, the results came and yey, magiging student na uli akey!

3. My first (and hopefully not the last) swimming sa taong ito with my beloved bffs- F8


April

1. Tambay sa bahay ng one week. Pasarap buhay.

2. One year graduate na ako and one year na  rin ako sa work ko!


May

1. Enrollment for the 1st sem. Yes certified student na me uli. Kaso butas naman ang aking bulsa.

2. Biglaang trip sa Antipolo with AP Pips. Nagbuhay baboy lang naman kami doon. hehe


June

The most stressing month so far. Explain ko na lang sa ibang mga blog ang explanation. Buti na lang meron akong bagong pinagkakaabalahan kundi nabaliw na ako.

1. First day of class. Met new set of friends. They are the ones that keep me sane. God still loves me.

2. Birthday of my dear friend sa PLM, Ma'am Ludz. Pasabog ang celebration namin kasi tlagang sinulit namin ang 24 hours sa McDo. 32 hours akong straight na gising, wala kahit power nap.

  

To sum it up, super colorful naman ang first half ng 2012 para sa kin. May mga nakakawindang na moments but at the same time super sayang times.




Saturday, April 21, 2012

Review-Reviewhan: Dream High


Hindi muna ito kasing hardcore ng dati kong reviews na super spoiler. Yung musical-drama naman na Dream High ang aking post.  

Bago ipalabas tong Kdrama na ito, heto yung moment na talagang kapag 9:00 pm e nasa KBS channel na ang TV namin. Nag start to sa Accidental Couple na super naiiyak ako every episode kahit romantic comedy naman ang genre nito. Then nagkaroon ng Gumiho, medyo horror-triller ang peg (1st time kong manood ng ganitong Kdrama, I kasi ako mahilig sa horror, que barbaridad!) at Cinderella's Step Sister. Then ang aking super fave na Sungkyungkwan Scandal (hay Mickey Yoochun). Tapos Marry me, Mary. Hindi ba halata na buong 2010 at 2011, e ang adik ko lang sa Kdrama. Then here comes Dream High, ang pinang tapat ng KBS sa Secret Gargen, staring Yun Bin and Ha Ji Won, ng SBS. At dahil wala naman kaming SBS, no choice kundi loyal viewer kami ng KBS.

First of all, hindi po copy cat ng Glee ang Dream High. Hindi sila kumakanta bigla-bigla out of nowhere.  Para silang Star Magic Telents na  hino-hone para maging next super stars. Ang bongga lang diba. By agency kasi ang mga talents sa Korea, unlike dito na by network.

The story of Dream High is about batch of student na gustong maging Korea's next Superstar someday. Huwag na kayong magtaka, totoo ito, at super dami ng schools na nag oofer ng ganitong opportunity sa mga bagets dun. So bago makapasok sa Kirin,yung school for the next super star, kailangan mag audition muna at ang mga top 100 auditionees ang siyang papayagang makapasok. It was manage by Bae Yong-joon (hindi ko alam name niya sa ABS dub hehehe and yes, siya yung sa Winter Sonata. Siya ang dahilan kung bakit ko to pinanood, first comeback niya after niya makabalik form military service. Pero langya, hanggang episode 2 lang siya, nagkaroon kasi siya ng facture sa balikat. Ang sabi bago matapos ng Dream High, babalik yung character niya, sus, natapos na ang lahat, hindi pa rin siya bumalik. My gulay) ang siya ang may 'eye' para makita ang mga potential superstars. Marami na siyang mga pinasikat na superstars sa Korea kaya super respected siya dito.

At syempre, ang dami naman ng 100 para maging bida so nagfocus ang story sa 6 na superstar wanna-be. Lahat sila may gustong patunaya. At dhail currently ay pinapalabas na ito sa ABS, panoorin niyo na lang . Mabait muna ako ngayon, Hindi ako spoiler. haha

Here are the things I learned in Dream High:

  1. Believe in yourself. Kahit walang tiwala ang ibang tao sayo, basta alam mong kaya go large lang.- Si Angelie lang ang peg nito. Lahat kasi walang tiwala sa kanya, even her own mother. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya tuparin ang kanayang gusto.

  1. Sometimes you have to pretend you are strong to inspire other people.- Si Kelly naman ang peg dito. Kahit na medyo Diva siya dito, she cares sa mga taong nasa paligid niya.

  1. Maging mapag kumbaba palagi. - Si Kelly pa rin ang peg. Yabang niya kasi e. parang Myrtle and Claire lang. Kahit ano pang talent (ganda) mo, mas gusto pa rin ng nakakarami ang mabuting kalooban.

  1. Balewala ang talent kung may attitude problem ka. Same ng explaination sa number 3.

  1. Dream High!- Lahat sila. Syempre ito ang title ng palabas nila. Lol. Pero seriously, You have to dream first para may guide ka. At kung mangangarap ka man lang, e taas-taasan mo na.


May mga quotes ako napulot dito sa Dream High na nakainspire sa akin:

Do you know what a break shot is? It's the first shot you take to break the rack of balls in a billiards game. It is the shot that starts every game.You can hit the ball at the same angle with the same force but it always break the rack in a different way. That's how it is with life and changes. Life break shots, changes can come at us from nowhere and that completely disrupt our normal life. Don't be scared and enjoy the game.
at

They say that in this world there are two kinds of happiness. One kind of happiness you only know after the moment has passed and the other is a happiness you feel in the moment. That happiness you feel in the moment is so precious, that they say the memories of this kind of happiness can stay with you and enlighten your life.


Ayam super effort pa ako sa pag play at pause para makopya ko lang yan mula sa subtitles. Grabe.

Last week lang e natapos ang Dream High 2 sa KBS. Hindi ko makwento sa inyo kung ano naman yung story kasi hindi ko naman napanood yun. Diba nga ABS Prime Time ang peg ko ngayon. Sabi ng kapatid ko, hindi daw ito continuation ng Dream high 1 at medyo nag-iba yung story. Kaso hindi masyadong winner ang rating sa Korea kasi mas bet nila ang the Rooftop Prince starring Mickey Yoochun.




Thursday, April 19, 2012

Side Comment: Generation Gap


Sa mga hindi nakakakilala sa akin ng personal, bata pa po ako. At mas bata pa ako sa personal. And I have 2 younger sisters and young cousins  kaya super updated pa ako sa mga' in' sa mga bagets. May mga bata din akong mga friends, lalo na sa AP, kaya maintain lang ang aking youthful spirits.

Last month e napansin kong nagbago na naman ang aking TV habits sa bahay. Unlike dati, laging nasa KBS ang channel, ngayon e nahumaling na ako sa Primetime Bida ng ABS (Yes Kapamilya ako since birth). Pagkauwi ko galing sa office, lilipat (or i-turn on) ko kaagad ang TV sa TV Patrol, then tuloy-tuloy na yun hanggang sa antukin ako. Minsan naman, kung hindi ko trip ang mga balita or walang controversial na mga ganap, nililipat ko sa Cinema One or sa GMA News TV. As of today, adik ako sa mga TV shows na ito: Walang Hanggan at Dahil sa Pag-ibig.  And last week lang ay may bago na naman akong kinaadikang panoorin, ang Pinoy Big Brother Teen Edition

Talagang sinusubaybayan ko na ang PBB since its season 1, yung batch nina Nene, Jason, Franzen and Uma. Sa lahat ng mga season sa season 1 and sa batch nina Keanna Reeves ang nagustuhan ko talaga. Super genuine silang lahat. Pinakita talaga nila ang pagiging totoong tao nila. Unlike the PBB Unlimited, aral na nila ang dapat nilang ikikilos,. Hindi na natural. And the most hated housemates ko last season was Biggel and Pamu. Isang first time palagi at isang simpleng lande.

Alam kong judgmental ako masyado kahit di naman ako judge, pero pwede ba, alam kong lahat tayo e may "first time" experiences, pero sana yung makatotohanan naman. For example is the first time kumain ng ice cream, honestly, isa ako sa mga naawa sa kanya na sa kanyang edad e hindi pa siya nakakatikim ng ice cream, to the point na gusto ko siyang padalhan ng 5 gallons ng ice cream. But lo and behold! Biglang naglabasan ng mga pics niya na hindi naman niya actually first time ang lahat ng sinabi niya. Langya, priceless yung reaction niya nung ipinakita sa kanya ni Big Brother ang mga pics na kumakalat sa net.

On Pamu naman, sa start pa lang e hindi ko na siya bet kasi trying hard siyang magpakabibo like Melay. Kahit na medyo nakakairita din yung OA expressions ni Melay nun, nagustuhan ko siya kasi consistent siya sa mga actions niya. Ganun lang talaga siya and walang pretentions. Kahit sa paglabas nila. Unlike Pamu, duh!

Ngayong bagong season ng PPB, mga bagets naman ang nasa loob ng bahay ni Kuya. Infairness, ang gwapo ng mga boys. Yung mga boys lang talaga yung gusto ko. Dapat palayasin na kaagad ang mga girls lol. Isa na ngayon ng PBB sa aking kinaadikang show. Dapat kasi mga 10 pm pa lang nagsleeping beauty na si wata pero grabe, super effort akong maghintay. Buti na lang sunod-sunod yung mga pinapanood ko kundi hindi ko na pag tya-tyagaan na hintayin pa ang PBB.

Here's a funny thing na nagawa ko dahil sa aking kaadikan sa PBB:  Im now following KrisaQUIinoSTD and Shutanginabeks on Twitter. Lagi kasi nilang bina-bash yung mga most hated housemates ko. Funny for me kasi sa dinami-dami ng mga reasons to follow them, yung PBB lang yung naging trigger talaga.

On their second week na ang mga bagets sa loob ng bahay at everyday e kulang pa ang salitang shock to describe yung mga pinaggagawa nila sa bahay, especially yung mga girls. Nakakaloka sila to the highest level.

Here are my preliminary comments sa mga bagets na ito:

The Boys

Kit- Typical teenage boy na pasaway. Kahit super kulit niya, he knows when to stop. Sana magtuloy tuloy ang kanyang ganitong attitude. Isa sa mga crush ko lol.  Masipag din pala siya infairness kasi siya ang taga-luto and taga-hugas sa kanila. Medyo may alam din sa pag budget.

Ryan- mas pasaway na version ni Kit. Hndi halata yung pagiging pasaway niya nung nakablind fold pa sila.  Wala pa akong masyadong macomment sa kanya ukod sa super playful niya.

Yves- Mr. Cutie Pie. Kahawig niya si Joshua Dionisio. Isa sa mga crush ng mga girls.

Alec- My crush. Lol I see Mikey (PBB Teens 1) and Robi (PBB Teen 2) sa kanya. Super sweet lang niya dun sa task nila na mag-ask sila sa mga girls na maging partner nila. Kung ako lang yun, wala pa siyang sinasabi, Yes na ako agad! Agad-agad talaga. I love him lalo ng si Jai ang pinili niya among the girls.

Roy- Kamukha ni Jeff (ng AP) hahaha… peace Jeff.  Tahimik pa and obviously siya yung less  fortunate sa mga boys. Sana huwag tularan si Biggel na laging paawa.

Tom- Cutie Pie din. Pero hindi ko pa masyadong bet.  Hindi ko pa masyadong kilala so no comment muna.

Vince- Cutie Pie din. Hindi din siya masyadong kilala so no comment muna.


The Girls

Jai and Joj- They are super adorable twins. Bet ko silang dalawa.

Karen- Hawig ni Barbie Fortesa. It must be the mole. Hindi ko siya masyadong bet, hindi ko rin naman siya hate. Though medyo bagay sila ni Kit.

Claire- Kahit na katokayo siya ng nanay ko, super hate ko tong babaita na to, Maganda ka lang te, pero sa kagandahang-asal super fail. Papansin masyado. Kailangan ma-evict siya kaagad. Isamana rin niya si...

Clodet- Pinakabata ang yet pinaka.. Well, pardon me for this, lande.For me hindi siya prangka, wala lang kasing kumukontra sa sinasabi niya. Ayun kaya laging trending sa twitter dahil sa ugali niya. Habulin daw siya ng mga lalaki. Nahiya naman ako bigla.

Myrtle- she's pretty thanks to concealer hahaha. Kahit siya pinakamatanda sa mga girls, super hinhin niya. Maria Clara lang ang peg except sa clothes. She is the living proof na hindi sa puti ng kutis at ganda nahuhumaling ang lahat ng lalaki, na pwedeng sa personality rin. Medyo naipamukha mo yun kina Claire at Clodet yun, girl. Though hindi ko siyang masyadong bet pero keri na rin.

Mariz- Super naloka ako sa babaitang ito. Engaged na raw siya at 16. My gulay! Super laugh trip talaga ako dito to the highest level. Yung mga katulad niya yung dapat ginagabayan, nakakaloka talaga. Simpleng lande rin siya,

Nika- sino po kayo teh? Hindi masyadong pansinin kasi wala pa siyang malaking pasabog.


Sa totoo lang, gusto kong mag aral uli at kumuha ng psychology tapos sila yung gagawin kong thesis. Grabe super shock ako sa mga ginagawa nila. Im just 3-4 years older sa kanila pero nakakawindang sila. Halos lahat ng mga nasa twitter tinatanong kung ganito na ba talaga ang mga teens sa generation na ito.  Basta magkaroon ng umpukan ang mga girls, alam ng boys ang lagi nilang pinagkukwentuhan. Nandyan yung nagpapamalakihan pa ng kanilang mga relationship experience. Lahat naman ng mga naging teenager e dumating sa ganyang stage but then super OA na sila. Wala na ba silang ibang pwedeng topic?

Isa pa sa nakakainit ng ulo is Claire. WTH! Makipag away daw ba dahil sa lallaki. Ito yung example ng mga naliligaw ng landas e. Hindi naman siya inaaway, siya ang gumagawa ng eksena. Im looking forward na matatanggal siya sa first eviction noght. Very much affected lang ako noh?

But kidding aside, it is a wake up call sa mga parents to guide your kids. No, guard them pala. Bakit ganyan na sila? I know hindi naman tamang isisi sa mga parents or sa mga nagpalaki sa mga bata kung bakit sila naging ganyan pero medyo fault din nila, partly. Like for us, tatlo kaming babae pero ok lang naman kami. Kahit istrikta ang mudang ko compared sa ibang tita ko, lumaki naman kaming maayos at hindi ko naisip na magrebelde, ever.

I always heard Nicolehyala ang Chris Tsuper sa kanilang radio show na Tambalan, reminding the kids to study. Yun lang naman kasi ang dapat nilang gawin. Pag naka graduate na sila, dun na nila gawin ang gusto nilang gawin. The same principle I mentioned here. Bakit mo kailangan mag rebelde kung pinapaaral ka naman? There's always a right time for everything. Hindi kailangan madaliin, Unless may lakad ka papunta sa after life. I will rephrase yung favorite line ni Lourd de Veyra:


"Umasal ayon sa ganda... at edad."







Monday, February 27, 2012

Review-Reviewhan: UnOfficially Yours


Miss Liberal meets Mr. Nice Guy.

Basically that’s the movie all about. For those who claim that this movie is like Friends With Benefits, NO. First, they are not friends. But yes, there's sex but I don’t think we can call that benefits since Mr. Nice Guy is not after the sex.


The movie poster

The story:

Ces (Angel Locsin) met Mackie (John Lloyd Cruz) in a beach then they had one night stand. Cess left  without giving any information about herself except her name. Back in Manila, Mackie moved on, and start his new life by changing his career: from being a dentist to writer (noticed the relation). Little did he know, he will meet Ces in his new job and to add in the coincidence, she was assigned to train him. The attraction between them continues. They sex but they both agreed that there's no obligations.

Malabo na kung malabo, but that's what their hearts has to offer. For Ces, hindi daw kaya ng puso niya, while Mackie is willing to settle for that set-up. That set-up seemed okay for a while but as the day goes by, they became more closer to the point that the suddenly realized they don’t have right to feel that way.

The malabong set-up becomes clear when Mackie delares his love for Ces. But Ces is still firm with her decision not to fall in love with him. Mackie respected her, declaring that he is willing to wait until she is ready to open her heart, Their situation becomes more clearer when Ces open up with Mackie. And this time the audience will witness the most dramatic part of the movie that will make them say, "Okeeyy, another first heartbreak-trauma story again."

I like the movie but not as much as I like My Cactus Heart. Okay the movie is far different because UnOfficially Yours is more mature than My Cactus Heart. But then they are telling the same thing rin naman, Love.

As usual, it is a John Lloyd Cruz' movie. Parang siya si Pierce Brosman while listening to Angel's monologue (And of course, I am not comparing Angel to Meryl Streep, ok?) It's like "Okay, I can feel you, but I  don’t know what to say, though I want to say something."  In this movie you will see a different JL, very far from the stiff, cold and demanding role he played before.  Makikita dito ang super kulit na John Lloyd and  at the same time, super matatawa ka sa kanya kasi kahit wala siyang sinasabing  lines, sa mata pa lang niya alam mo na na may kalokohan siyang binabalak. Fun, fun, fun lang siya.

Meanwhile, Angel improved her acting skills a lot better compared to her films noong nasa kabilang station siya. Though hindi ako masyadong nakiki-symphatized sa role niya because given that your heart was broken into pieces, you were traumatized to love again and insert all the cliché things we often heard why someone is afraid to love. My, move on girl. It's been what? 3 or 5 years ago. And you think engaging in a casual sex will be the best solution for those who are afraid to fall in love and to avoid get hurt again? You're lucky you did not get some disease because of that. Mas masakit yun.

Many people say that super nakakiyak ang movie. Well, for me no. It is a romantic-comedy movie, and I don’t see the point why the past loves of the two character should be so dramatic. Yes, super pilit ang mga drama scenes nina JL and Angel on the Manila Bulletin balcony. Even more on the monologue of Angel. Maiiyak pa siguro ako kung hindi monologue yun but a flashback or anything na hindi dapat nina-narrate lang. Hindi ko ma visualized yung "accident" na sinasabi niya. Hindi daw siya nakalakad noon, pero I don’t see any signs na may nangyaring something sa feet niya.

The movie is not as honest as it should be. There's sex but wala sa kalingkingan ng Angel- Piolo (Love Me Again), Angel- Aga (In The Name of Love) or John Lloyd-Bea (Miss You Like Crazy) love scenes. I bet kaya lang rated-13  ang movie na ito is because may mga mura sa lines. I can even bring my baby sister with me.

There are 3 most defining scene for me in the movie are the following:

  1. The hallway scene. JL, I love you talaga. Super sweet.
  2. The mom-daughter scene of Techie Agbayani and Angel. Girl talk.
  3. The last scene except the last 5 minutes before the credits. Medyo corny pero keri na.

In short, the movie is so cheesy. The only consolation here is that it is a John Lloyd film. We don’t see JL doing this cheesy thing often so keri na rin. Infairness ah, ang taba niya dito. Pero hindi naman niya kailangan ng perfect body para tilian. 

On the lighter side, infairness hindi na nakakabingi ang BGM like in No Other Woman, lalo na in "sex scenes" kuno. Walang "bed" (not the kama) kapag nagsasalita ang mga characters to add kuno sa "drama" or "kilig".


Hindi naman talaga nakakapanghinayang na I watched this movie in cinema because I bet super cut ito kapag sa Cinema One ko pa hinintay ito.



PS: 
If you want to see a positive review, read this.
if you want a sarcastic review of this movie, read here.






Monday, January 30, 2012

Review-Reviewhan: My Cactus Heart


I always believe na ang love is not as complicated as what we see on movies, read on books or as we hear on FM radios every night. Its just us who makes it complicated kaya feeling natin complicated nga talaga ito.  Hindi ba pwedeng ikaw lang talaga ang nag-iinarte kaya nagkakaroon ng complications?


The movie poster

My favorite movie producer (as what Kuya Macky say),  Star Cinema's latest movie  My Cactus Heart shows the other side of love. This movie is a proof sa cliché na pang-basag o break-up line na "It's not you, it's me", at dahil iyon sa pag iinarte ng lead character sa movie.

The MCH is about Sandy (Maja Salvador) who is tagged as Miss Cactus Heart dahil sa hindi na mabilang na kanyang binasted at hindi paniniwala sa happy ending. At dahil nanganganip na hindi nila makuha ang kanilang project, inintriga ng boss ni Sandy kung bakit ba hindi siya naniniwala sa happy ending. And here goes the signature Star Cinema format: the flashback.

It's a typical reason for the people na nahihirapan magmahal dahil na-trauma sila sa nangyari sa parents nila. And like them, yan ang reason ni Sandy. Naging duwag siya na magmahal kasi ayaw niyang maiwan din tulad ng kanyang ina na si Margarette (Rossana Roces).

However, nanggulo na naman si Destiny at gumawa ng paraan para magkalapit sina Sandy at Carlo (Matteo Guidicelli) *insert the tilian here* At siyempre hindi lang naman si Sandy ang may pinagdadaanan. May emo moments din si Matteo, but he always sees the rainbow after the rain. Medyo awkward nga ang set-up nila ni Sandy kasi isa lamang siyang hamak na waiter cum singer while si Sandy ay may kaya at may stable na work.

Top-billed by the real life sweethearts, kitang-kita ang chemistry sa 2 lead characters na sina Maja and Matteo. Unlike sa trailer, hindi masyadong "maingay" ang character ni Maja dito. She portrayed the character well and very realistic. However, on Matteo medyo hindi diya halatang mahirap dahil maputi siya, though najustify naman kasi si Ramon Christopher naman ang kanyang ama sa movie. The only thing na dapat i-enhance ni Matteo is yung pagsasalita niya ng tagalog. Hindi kapani-paniwala na mahirap lang siya then may slang ang pagtatagalog niya. Dapat magpaturo siya kay Sam Milby.

I also love the character of my super idol, Osang, na ang cool maging nanay. Sayang nga lang kasi di masyadong memorable ang kanyang character unlike sa character ni Joey de Leon sa Wont Last a Day, kung saan father siya ni Sarah… in short, nakulangan ako sa exposure ni Osang sa movie.

Siyempre hindi lang naman si Matteo ang tinilian sa movie, kasi nandyan din si Xian Lim, as Benedict, the Boss of Maja. Infairness, hindi naman kawawa ang character dito ni Xian, unlike kay Matteo sa first movie nina Sarah and Gerald na nakalimutan na siya. Yun kais yung napapansin kong sakit ng isang Star Cinema movie, laging may nakakalimutang characters na parang napadaan lang. Hindi tinatapos. Laging may question ang mga audience (ako yun) na anong nangyari sa third-party? O bakit di man lang nagkaroon ng reconciliation ang  mag-ama, mag-ina, mag-kapatid, magkapit-bahay at kung sino-sino pang isinamang extra sa movie.

Thumbs-up din sa mga supporting cast sa movie like Sandy's brother and best friend.  Pati na rin pala yung tita ni Matteo na si Joy Viado. Nakakaloka lang siya, super cool na Tita. Nakadagdag sila sa funny moments ng movie.

Honestly, I like the story because it is more realistic than the Sarah-Gerald movie showed last month. Unlike sa claim na nakakarelate ang mga movie-goers sa Wont Last A Day because of mala Love Notes, Wild Confessions or Talk to Papa- format na peg, I think My Cactus Heart is the one who can relate to ordinary people. Sa movie kasi na ito, walang epal na other woman, walang OA na third party na ipaglalaban ang mali, walang wicked kontrabida na wala ng ginawa kundi ang maghiganti, walang kataas-taas na kilay na mga eksena. In short, posible itong mangyari sa totoong buhay.

Maybe, additional factor na rin na I'm with my jologs friends na mahilig din sa romantic movies and everytime may sweet moments sina Maja and Matteo, e super kinikilig at feeling ko alam na alam iyon ng buong sinehan sa ingay ba naman namin. Hahaha.


Here are some of my epiphanies after watching this movie:

1. Lahat tayo may issues, and it depends on how we handle those issues, kung tulad ni Sandy na dinibdib ang lahat at hindi maka-move on, or kung mala-Carlo lang ang peg, always positive in life. For him kasi, nangyari na kasi yun e, at least you learned from that experience and dapat hindi na uli mangyari ang mga ganap na iyon.

2. To support my claims sa simula ng post na ito, we sometimes overthink, to the point na hindi pa nga nangyayari, assumera na tayo na alam na natin ang kakahinatnan nito. Like the character of Sandy na she assumes na hindi mag wo-work ang long distance relationship, e hindi pa naman sila ni Carlo. Pwede bang maging kayo muna bago mamroblema?


Clap-clap din pala sa gumawa ng trailer nito. Infainress hindi spoiler ang triler nila.

I know lalaitin na naman ako ni Kuya Macky pag nabasa niya itong post na ito.  But what the heck? This movie is worth watching for.