I love reading blogs.
Nasimula ang hobby ko na blog reading noong first year college ako. At ang unang blog na una kong natapos i-back read? Ang Good Times Manila ni Diego Jose, isang unidentified creature blogger. Naaliw ako sa style ni Diego Jose o Deejay. Ginagawan niya ng sarili niyang version ang iba't ibang current events. At ang pinaka favorite niyang apihin, si Marian Rivera. Nasimula sa pababasa-basa lamang, hanggang sa nagko-comment ako, pero minsan lang yun. Nang nauso kay Deejay ang Facebook, gumawa siya ng account for him and for the Good Times Manila. Inadd ko iyong pareho. Nandoon na nag paplano sila ng eyeball with Deejay, well hindi ko alam kung natuloy ang plano na iyon. Bago pa dumating ang ika-isang taon ng GTM, dumalang ang mga post ni Deejay. Hanggang sa nag-update siya na nahacks ni Marian ang GTM. Lumipas ng 1 month (more or less, di ko na tandaan) naretrieve ni Deejay mula sa kamay ni Marian ang GTM. Akala ng mga fans ng GTM okay na uli ang lahat kasi nakapagpost na si Deejay. Dumaan ang 1 year anniversary ng GTM after nun, may isa pa uli siyang post. After un...wala na Unfortunately, 1 year lang ang itinagal ng GTM. The next thing I visited his site, wala na ang domain niya.
Aminado akong internet addict ako but I can live without internet basta may TV. After kong mag Farmville, Petville at Pet Society (yeah, so corny, non-existing na yan sa FB ko) hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya naghanap uli ako ng bagong blog. Nagsimula akong I-visit ang mga site ng mga constant commentors sa GTM. Di ko natripan ang style of writing nila. Hindi ako gaanong mahilig sa english bloggers. Feeling ko di ako makarelate. Kaya hanap na naman ako…
Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng mga blogs na babasahin. Hanggang sa napadpad ako sa blog ni Badoodles, ang Kwentong Barbero. Magkaiba sila ng style ni Deejay, pero nagustuhan ko rin pagbabasa ng mga post ni Badoodles. Kaso nga lang, wala pang one year kong sinusubay-bayan ang blog na ito, nag hiatus naman si Badoodles, at busy sa pagkain ng Kanggaroo.*Update, kakavisit ko lang sa site niya, di na pala siya OFW.
Hanggang ngayon, ginagawa ko pa ring pampalipas oras ang pagbabasa ng mga blogs ngayong working girl na ako. Naaaliw ako sa blog ni Salbehe at ni Glenn. Natapos ko nang i-back read ang kanilang blog, At ngayon naiinip na ako sa kakahintay ng mga post nila (heto ang hirap ng mabilis magbasa). Hindi ba obvious na pinipressure ko sila sa po-post?
Super haba na naman ng intro, pero ang gusto ko lamang ipunto ay wala naman talaga akong balak gumawa ng aking sariling blog. 5 times na akong nag attempt na gumawa ng blog-- three times sa Wordpress at 2 times dito sa Blogger, pero ngayong taon lang talaga ako nagkaroon ng time at lakas ng loob para i-maintain ang blog ko.
Isa sa mga pinakamahirap gawin sa pag sisimula ng blog, bukod sa paggawa ng mga post ay ang pag-iisip ng title ng blog, Ang sakit sa ulo di ba? Nakakalurkey!
So paano ako nag come-up sa blog title na Cherry's List?
I had the same dilemma way back on 2008. I became the Acting Associate Editor ng official student publication of PLM, the Ang Pamantasan, and I have to write a opinion column. Nagawa ko na ang opinion article ko pero may isa pang problema, hindi ko alam kung ano ang magiging title ng column ko. WAHH!!! Doon ako talaga na stress. Nagtanong-tanong ako ng mga suggestions for my column name sa mga kasamahan ko sa AP. At wag niyo ng itanong mga suggestions nila. Pero ang suggestion ng alumna ng AP na madalas sa office noon, ano daw ba ang hilig ko at kung ano ang personality ko, yun daw ang gawin kong title ng column. So wala akong nagawa, ako pa rin ang umisip ng title ng column ko. Halos 2 days ko din akong nag-isip, hindi ako makakain at makatulog, Ate Charo. Until, sa paglalakad ako sa sakayan ng jeep papunta sa PLM mula sa aming bahay, iniisip ko pa rin kung ano nga ba ang hilig ko na related sa writing. Aha! Mahilig akong maglista ng mga pautang ng kung anu-ano -- List; at tutal Cherry naman ang pangalan ko, CHEcklist. Yehey may pangalan na ang column ko! Pero dahil Filipino ang column ko, naging Tseklis ito. Sa tuwing may column ako, ang Tseklis ang title nito.
Dahil kami ay nasa academe, pormal ang aking column. Naging paksa sa aking column ang mga sa palagay ko na mga isyung dapat pagtuunan ng pansin hindi lamang sa aming unibersidad kundi maging sa pamayanan. Madalas kong isinusulat ang mga kailangan baguhin ngmga kapwa ko Isko sa kanilang sistema.
Mula ng ako ay magmartsa nitong Abril 2011, doon nagtapos ang Tseklis. At nitong Hulyo, pormal na ngang natapos ng halos 2 taon ng Tseklis upang magbigay daan sa mga susunod na mga student-journalist.
Bago pa itong blog ko na ito na binabasa niyo noon, may mga naunang blog na ako na Checklist din (ulit uli?) Ginawa ko ang mga iyon noong ako ay nasa kolehiyo pa. Dahil busy nga ako (sus excuses) di ko natuloy-tuloy. At ngayong tapos na akong mag-aral at hindi gaanong hectic ang sched, heto may nababasa na kayong blog. Hindi na nga lang Checklist o Tseklis pero Cherry's List.
Katulad ng Tseklis, dito sa Cherry List, patuloy pa rin akong mamumuna ng mga sa tingin ko ay mali sa ating lipunan pero hindi ko pa rin hinahangad na may susunod sa mga munting payo ko. Pero hindi tulad ng Tseklis, hindi na masyadong pormal ang way nag pagsusulat ko. Kung dati, mga estudyante lang ng nakakabasa ng Tseklis, ang Cherry's List ay "free for all", ika nga ni Gina PareƱo.
Isa lang ang gusto kong ipaunawa, I am not writing this to be famous. I just write for myself. I want to continue writing kasi feeling ko nawawala ito sa current work ko. I want an avenue para ma express ko ang sarili ko and at the same time, to boost my confidence na kaya kong magsulat. Tapos na ako sa stage ng pagbabasa at I think this is the time na dapat i-apply ko na ang mga natutunan ko. Pero siyempre patuloy pa rin akong "mag-aaral". It’s a cycle naman di ba, I read, I share, You read, You share, and so on.
I dream na one day mababasa ito ng mga apo ko (wala ng BF, apo pa kaya? Lol) at sasabihin nila:
"Nakakaloka si Granny, may ganito pang nalalaman."