I always write my New Year's Resolution annually. At kailanman hindi ako nagtatagumpay sa halos lahat ng items sa list ko. At heto na naman ako, gagawa na naman ako ng listahan. Good luck to me, and before the year 2013 ends, I'll go back to this post and let's see if nagawa ko ang lahat ng nakalista dito.
My 2013 Resolution:
1. Read at least 2 books per month and will write review on it. Well, I read many books din naman this 2012 kaso hindi ko naman nililista. And super tamad ko mag review lately, obvious ba na ang konti lang ng post ko nitong 2nd half ng 2012.
2. Will watch at least 2 movies in cinemas every month and try to write a "matinong" review. Lately, nahilig kaming mag watch ng movies ng mga friends ko kaso tamad akong mag document. This year I will write reviews sa mga napanood kong films. I minimize ko na rin ang pagiging bakla ko sa mga review post ko. Sana magawa ko.
3. Be on time in ALL engagements. And I mean ALL talaga. Mapa-work, meeting with friends, personal ganap and lakads. Dati naman best in being early bird ako, kaso nakakawalang gana din if most of the people around you is best in late naman. Nonetheless, it should not be the reason for my tardiness kasi paano na lang tayo aasenso niyan if ganyan ang thinking ng lahat ng tao.
4. Keep a personal diary and diligently write an entry everyday. Nagawa ko naman to for the past 3 years, kaso wala akong planner this year so tinamad na akong bumili. Since my 2 akong planner ngayong taon, kailangan mapuno ko ito ng memories.
5. Save, save, SAVE. I have so many plans starting this year and I need a lots of moolah.
6. Blog more often. Bilang tamad-tamaran ako this past few years, I will try my best to blog at least 5 post every month. Seryoso po ako ditey.
7. Greet my special love ones on their special day. Sign of aging yata pero medyo nakakalimutan ko ang mga birthday ng mga friends ko. Kung hindi pa dahil sa FB na naka-sync sa phone ko, hindi ko pa malalaman na malapit na pala ang mga special day nila. So this year, I will see to it na magiging extra special ang birthday nila.
8. Be more organize sa work. Medyo toxic sa work lately but this coming 2013, I will be more organize with the help of my planner and OneNote.
9. Treat my family at least once a month. I want to be extra sweet and close to my family this coming 2013. Feel ko lang magpa-sweet this year.
10. Learn how to cook complicated dishes. Napansin ko lang na lately, bati na kami ng kutsiyo kasi hindi na ako nasusugatan everytime I try to cook. So I will took it as a sign na matutong magluto. hehe And dahil ambisyosa ako, I will try to cook not the simple dishes but yung mga pang Master Chef levels.
11. Be good. This includes the following:
a. Not swearing especially in front of Nigel and Manu (Napakasaklap na ginagaya ni Nigel ang mga sinasabi ko like: "Aba! and Ito kasi kasi eh!");
b. If I'm angry I will not speak things that I will regret in the end;
c. Avoid gossiping;
d. Mellow down my voice especially when I'm mad; and lastly
e. Avoid having a fight with my sister Charina (LOL)
12. Start to write a book. Though hindi pa naman siya priority for this year, at least I should think of what would be my first book be all about.
13. Visit at least 2 places that I haven't been to, preferably outside Manila. I just want to explore new places and enjoy life. In short, gala lang talaga ako. hehe
Hmm.. more on career, personal growth ang resolution ko for 2013. How about a love life?
Grace asked me 3 days ago if kamusta na daw love life ko. I answered: "Love life is not a priority for the next 5 years." Sa totoo lang, I don't want to look for love. If the right time comes for me to fall in love, so be it. But I won't be like others na can't live without it. Besides, I am full of love from my family, friends and my nephew(s), Nigel and soon Manu.
Love,
Cherry
Showing posts with label notions. Show all posts
Showing posts with label notions. Show all posts
Sunday, December 30, 2012
Thursday, April 19, 2012
Side Comment: Generation Gap
Sa mga hindi nakakakilala sa akin ng personal, bata pa po ako. At mas bata pa ako sa personal. And I have 2 younger sisters and young cousins kaya super updated pa ako sa mga' in' sa mga bagets. May mga bata din akong mga friends, lalo na sa AP, kaya maintain lang ang aking youthful spirits.
Last month e napansin kong nagbago na naman ang aking TV habits sa bahay. Unlike dati, laging nasa KBS ang channel, ngayon e nahumaling na ako sa Primetime Bida ng ABS (Yes Kapamilya ako since birth). Pagkauwi ko galing sa office, lilipat (or i-turn on) ko kaagad ang TV sa TV Patrol, then tuloy-tuloy na yun hanggang sa antukin ako. Minsan naman, kung hindi ko trip ang mga balita or walang controversial na mga ganap, nililipat ko sa Cinema One or sa GMA News TV. As of today, adik ako sa mga TV shows na ito: Walang Hanggan at Dahil sa Pag-ibig. And last week lang ay may bago na naman akong kinaadikang panoorin, ang Pinoy Big Brother Teen Edition
Talagang sinusubaybayan ko na ang PBB since its season 1, yung batch nina Nene, Jason, Franzen and Uma. Sa lahat ng mga season sa season 1 and sa batch nina Keanna Reeves ang nagustuhan ko talaga. Super genuine silang lahat. Pinakita talaga nila ang pagiging totoong tao nila. Unlike the PBB Unlimited, aral na nila ang dapat nilang ikikilos,. Hindi na natural. And the most hated housemates ko last season was Biggel and Pamu. Isang first time palagi at isang simpleng lande.
Alam kong judgmental ako masyado kahit di naman ako judge, pero pwede ba, alam kong lahat tayo e may "first time" experiences, pero sana yung makatotohanan naman. For example is the first time kumain ng ice cream, honestly, isa ako sa mga naawa sa kanya na sa kanyang edad e hindi pa siya nakakatikim ng ice cream, to the point na gusto ko siyang padalhan ng 5 gallons ng ice cream. But lo and behold! Biglang naglabasan ng mga pics niya na hindi naman niya actually first time ang lahat ng sinabi niya. Langya, priceless yung reaction niya nung ipinakita sa kanya ni Big Brother ang mga pics na kumakalat sa net.
On Pamu naman, sa start pa lang e hindi ko na siya bet kasi trying hard siyang magpakabibo like Melay. Kahit na medyo nakakairita din yung OA expressions ni Melay nun, nagustuhan ko siya kasi consistent siya sa mga actions niya. Ganun lang talaga siya and walang pretentions. Kahit sa paglabas nila. Unlike Pamu, duh!
Ngayong bagong season ng PPB, mga bagets naman ang nasa loob ng bahay ni Kuya. Infairness, ang gwapo ng mga boys. Yung mga boys lang talaga yung gusto ko. Dapat palayasin na kaagad ang mga girls lol. Isa na ngayon ng PBB sa aking kinaadikang show. Dapat kasi mga 10 pm pa lang nagsleeping beauty na si wata pero grabe, super effort akong maghintay. Buti na lang sunod-sunod yung mga pinapanood ko kundi hindi ko na pag tya-tyagaan na hintayin pa ang PBB.
Here's a funny thing na nagawa ko dahil sa aking kaadikan sa PBB: Im now following KrisaQUIinoSTD and Shutanginabeks on Twitter. Lagi kasi nilang bina-bash yung mga most hated housemates ko. Funny for me kasi sa dinami-dami ng mga reasons to follow them, yung PBB lang yung naging trigger talaga.
On their second week na ang mga bagets sa loob ng bahay at everyday e kulang pa ang salitang shock to describe yung mga pinaggagawa nila sa bahay, especially yung mga girls. Nakakaloka sila to the highest level.
Here are my preliminary comments sa mga bagets na ito:
The Boys
Kit- Typical teenage boy na pasaway. Kahit super kulit niya, he knows when to stop. Sana magtuloy tuloy ang kanyang ganitong attitude. Isa sa mga crush ko lol. Masipag din pala siya infairness kasi siya ang taga-luto and taga-hugas sa kanila. Medyo may alam din sa pag budget.
Ryan- mas pasaway na version ni Kit. Hndi halata yung pagiging pasaway niya nung nakablind fold pa sila. Wala pa akong masyadong macomment sa kanya ukod sa super playful niya.
Yves- Mr. Cutie Pie. Kahawig niya si Joshua Dionisio. Isa sa mga crush ng mga girls.
Alec- My crush. Lol I see Mikey (PBB Teens 1) and Robi (PBB Teen 2) sa kanya. Super sweet lang niya dun sa task nila na mag-ask sila sa mga girls na maging partner nila. Kung ako lang yun, wala pa siyang sinasabi, Yes na ako agad! Agad-agad talaga. I love him lalo ng si Jai ang pinili niya among the girls.
Roy- Kamukha ni Jeff (ng AP) hahaha… peace Jeff. Tahimik pa and obviously siya yung less fortunate sa mga boys. Sana huwag tularan si Biggel na laging paawa.
Tom- Cutie Pie din. Pero hindi ko pa masyadong bet. Hindi ko pa masyadong kilala so no comment muna.
Vince- Cutie Pie din. Hindi din siya masyadong kilala so no comment muna.
The Girls
Jai and Joj- They are super adorable twins. Bet ko silang dalawa.
Karen- Hawig ni Barbie Fortesa. It must be the mole. Hindi ko siya masyadong bet, hindi ko rin naman siya hate. Though medyo bagay sila ni Kit.
Claire- Kahit na katokayo siya ng nanay ko, super hate ko tong babaita na to, Maganda ka lang te, pero sa kagandahang-asal super fail. Papansin masyado. Kailangan ma-evict siya kaagad. Isamana rin niya si...
Clodet- Pinakabata ang yet pinaka.. Well, pardon me for this, lande.For me hindi siya prangka, wala lang kasing kumukontra sa sinasabi niya. Ayun kaya laging trending sa twitter dahil sa ugali niya. Habulin daw siya ng mga lalaki. Nahiya naman ako bigla.
Myrtle- she's pretty thanks to concealer hahaha. Kahit siya pinakamatanda sa mga girls, super hinhin niya. Maria Clara lang ang peg except sa clothes. She is the living proof na hindi sa puti ng kutis at ganda nahuhumaling ang lahat ng lalaki, na pwedeng sa personality rin. Medyo naipamukha mo yun kina Claire at Clodet yun, girl. Though hindi ko siyang masyadong bet pero keri na rin.
Mariz- Super naloka ako sa babaitang ito. Engaged na raw siya at 16. My gulay! Super laugh trip talaga ako dito to the highest level. Yung mga katulad niya yung dapat ginagabayan, nakakaloka talaga. Simpleng lande rin siya,
Nika- sino po kayo teh? Hindi masyadong pansinin kasi wala pa siyang malaking pasabog.
Sa totoo lang, gusto kong mag aral uli at kumuha ng psychology tapos sila yung gagawin kong thesis. Grabe super shock ako sa mga ginagawa nila. Im just 3-4 years older sa kanila pero nakakawindang sila. Halos lahat ng mga nasa twitter tinatanong kung ganito na ba talaga ang mga teens sa generation na ito. Basta magkaroon ng umpukan ang mga girls, alam ng boys ang lagi nilang pinagkukwentuhan. Nandyan yung nagpapamalakihan pa ng kanilang mga relationship experience. Lahat naman ng mga naging teenager e dumating sa ganyang stage but then super OA na sila. Wala na ba silang ibang pwedeng topic?
Isa pa sa nakakainit ng ulo is Claire. WTH! Makipag away daw ba dahil sa lallaki. Ito yung example ng mga naliligaw ng landas e. Hindi naman siya inaaway, siya ang gumagawa ng eksena. Im looking forward na matatanggal siya sa first eviction noght. Very much affected lang ako noh?
But kidding aside, it is a wake up call sa mga parents to guide your kids. No, guard them pala. Bakit ganyan na sila? I know hindi naman tamang isisi sa mga parents or sa mga nagpalaki sa mga bata kung bakit sila naging ganyan pero medyo fault din nila, partly. Like for us, tatlo kaming babae pero ok lang naman kami. Kahit istrikta ang mudang ko compared sa ibang tita ko, lumaki naman kaming maayos at hindi ko naisip na magrebelde, ever.
I always heard Nicolehyala ang Chris Tsuper sa kanilang radio show na Tambalan, reminding the kids to study. Yun lang naman kasi ang dapat nilang gawin. Pag naka graduate na sila, dun na nila gawin ang gusto nilang gawin. The same principle I mentioned here. Bakit mo kailangan mag rebelde kung pinapaaral ka naman? There's always a right time for everything. Hindi kailangan madaliin, Unless may lakad ka papunta sa after life. I will rephrase yung favorite line ni Lourd de Veyra:
"Umasal ayon sa ganda... at edad."
Monday, February 27, 2012
Review-Reviewhan: UnOfficially Yours
Miss Liberal meets Mr. Nice Guy.
Basically that’s the movie all about. For those who claim that this movie is like Friends With Benefits, NO. First, they are not friends. But yes, there's sex but I don’t think we can call that benefits since Mr. Nice Guy is not after the sex.
| The movie poster |
The story:
Ces (Angel Locsin) met Mackie (John Lloyd Cruz) in a beach then they had one night stand. Cess left without giving any information about herself except her name. Back in Manila, Mackie moved on, and start his new life by changing his career: from being a dentist to writer (noticed the relation). Little did he know, he will meet Ces in his new job and to add in the coincidence, she was assigned to train him. The attraction between them continues. They sex but they both agreed that there's no obligations.
Malabo na kung malabo, but that's what their hearts has to offer. For Ces, hindi daw kaya ng puso niya, while Mackie is willing to settle for that set-up. That set-up seemed okay for a while but as the day goes by, they became more closer to the point that the suddenly realized they don’t have right to feel that way.
The malabong set-up becomes clear when Mackie delares his love for Ces. But Ces is still firm with her decision not to fall in love with him. Mackie respected her, declaring that he is willing to wait until she is ready to open her heart, Their situation becomes more clearer when Ces open up with Mackie. And this time the audience will witness the most dramatic part of the movie that will make them say, "Okeeyy, another first heartbreak-trauma story again."
I like the movie but not as much as I like My Cactus Heart. Okay the movie is far different because UnOfficially Yours is more mature than My Cactus Heart. But then they are telling the same thing rin naman, Love.
As usual, it is a John Lloyd Cruz' movie. Parang siya si Pierce Brosman while listening to Angel's monologue (And of course, I am not comparing Angel to Meryl Streep, ok?) It's like "Okay, I can feel you, but I don’t know what to say, though I want to say something." In this movie you will see a different JL, very far from the stiff, cold and demanding role he played before. Makikita dito ang super kulit na John Lloyd and at the same time, super matatawa ka sa kanya kasi kahit wala siyang sinasabing lines, sa mata pa lang niya alam mo na na may kalokohan siyang binabalak. Fun, fun, fun lang siya.
Meanwhile, Angel improved her acting skills a lot better compared to her films noong nasa kabilang station siya. Though hindi ako masyadong nakiki-symphatized sa role niya because given that your heart was broken into pieces, you were traumatized to love again and insert all the cliché things we often heard why someone is afraid to love. My, move on girl. It's been what? 3 or 5 years ago. And you think engaging in a casual sex will be the best solution for those who are afraid to fall in love and to avoid get hurt again? You're lucky you did not get some disease because of that. Mas masakit yun.
Many people say that super nakakiyak ang movie. Well, for me no. It is a romantic-comedy movie, and I don’t see the point why the past loves of the two character should be so dramatic. Yes, super pilit ang mga drama scenes nina JL and Angel on the Manila Bulletin balcony. Even more on the monologue of Angel. Maiiyak pa siguro ako kung hindi monologue yun but a flashback or anything na hindi dapat nina-narrate lang. Hindi ko ma visualized yung "accident" na sinasabi niya. Hindi daw siya nakalakad noon, pero I don’t see any signs na may nangyaring something sa feet niya.
The movie is not as honest as it should be. There's sex but wala sa kalingkingan ng Angel- Piolo (Love Me Again), Angel- Aga (In The Name of Love) or John Lloyd-Bea (Miss You Like Crazy) love scenes. I bet kaya lang rated-13 ang movie na ito is because may mga mura sa lines. I can even bring my baby sister with me.
There are 3 most defining scene for me in the movie are the following:
- The hallway scene. JL, I love you talaga. Super sweet.
- The mom-daughter scene of Techie Agbayani and Angel. Girl talk.
- The last scene except the last 5 minutes before the credits. Medyo corny pero keri na.
In short, the movie is so cheesy. The only consolation here is that it is a John Lloyd film. We don’t see JL doing this cheesy thing often so keri na rin. Infairness ah, ang taba niya dito. Pero hindi naman niya kailangan ng perfect body para tilian.
On the lighter side, infairness hindi na nakakabingi ang BGM like in No Other Woman, lalo na in "sex scenes" kuno. Walang "bed" (not the kama) kapag nagsasalita ang mga characters to add kuno sa "drama" or "kilig".
Hindi naman talaga nakakapanghinayang na I watched this movie in cinema because I bet super cut ito kapag sa Cinema One ko pa hinintay ito.
PS:
If you want to see a positive review, read this.
if you want a sarcastic review of this movie, read here.
Labels:
2012,
angel locsin,
john lloyd cruz,
My Cactus Heart,
notions,
pinoy films,
rant,
review,
side comment,
unofficially yours
Tuesday, February 7, 2012
Review-Reviewhan: Nasaan ang Puso
Note: Kung sa other reviews ko puro side comments ako, expect na mas super daming side comment dito. Yun lang!
***
Florence and I planned to visit our dear alma mater last week. As usual, super busy and gulo-gulo and mga katauhan sa CMC office kaya naisipan na lang namin na makigulo sa class ni Sir Roy. Sakto naman na tapos na siya sa kanyang lecture at may pinapanood siya sa kanyang mga students. Ang duga! Bakit noong time namin walang film showing! Buti pa ang mga bagets na ito, napanood na ang Sa Kabila ng Lahat at Dahas.
So ang nangyari, habang inaayos pa ng mga staff ang player para sa film showing, nakipagchikahan muna kami kay Sir. At noong nagstart na ang movie, dineadma ko na lang silang dalawa, Ang featured film for that day is Nasaan ang Puso...
Isa lang naman ang gusto ni Joy, played by Maricel Soriano, ang magkaroon ng buong pamilya. Pero paano makakamit iyon kung nababalot ng puot ang kanilang mga puso. Paano niya masisimulan ito kung sa sarili niya hindi niya alam kung nasaan ang puso?
Nagsimula ang lahat sa pagtataksil ng ina ni Joy na si Elena, played by Gina Pareno sa kanyang itay na si Edgardo, starred by Ronaldo Valdez. At dahil dito, kinuha siya kanyang itay at hindi knilala ang kanyang kapatid na si Ria, starred by Judy Ann Santos.
Lumipas ang maraming taon, umasenso ang kanyang itay at nakapag asawa ng isang abogado si Joy. Ngunit kahit tila wala na siyang mahihiling pa, para pa ring may malaking kulang sa kanyang pagkatao. Nais niyang mabuo muli ang kanyang pamilya.
Sa tulong ng kanyang asawa na si Dave, played by Christopher de Leon, nahanap niya ang kanyang ina at kapatid, At dahil dito, dali-dali siyang nag-set ng reunion ng kanyang parents.
Hindi siguro applicable para sa lahat ang kasabihang "time heals all wounds", dahil kahit lumipas na ang maraming panahon, sariwa pa rin kay Edgardo ang lahat. Hindi pa rin niya napapatawad ang dating asawa. At dahil sa karamdaman, namatay na lamang si Elena na hindi man lamang nakakamit ang kapatawaran ng dating asawa. Naiwang ulila si Ria at Angelito, played by Spencer Reyes.
Agad namang kinupkop ni Joy ang mga kapatid sa kabila ng pagtutol ng kanyang itay. At siyempre, hindi naging madali ang lahat para sa kanila, lalo na kay Angelito na laging napag-iinitan ng kanyang itay dahil siya ang naging produkto ng pagtataksil ng kanilang inay. Nakiusap si Joy na intindihin na lamang ng mga kapatid ang kanilang itay at darating din ang araw na matatanggap din sila nito.
Nasaan ang Puso is like a teleserye that roled into a two-hour movie. Halos hindi ka na makahinga dahil sa sunod-sunod ang mga maaksyong eksena. Hindi ka dapat malingat man lang. Maski nga si Florence ay naiwan sa bilis ng mga naganap sa movie. Nagulat na lamang siya na namatay si Edgardo matapos ang confrontation scene with Ria and Angelito.
At dahil sa takot na sisihin at palayasin ni Joy, nag-alsa balutan ang dalawang bagets at nagtungo sa kapatid ng ama ni Angelito. Sa simula ay maayos pa ang kanilang kalagayan sa poder ng tiyahin ngunit dito nagsimula ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang lahat. Hindi ko na ikukuwento yung the rest kasi super haba pa, magiging nobela na tong blog ko.
Honestly, hindi ko nahulaan kung paano matatapos ang movie, o kung matatapos pa ito sa dami ng mga pangyayari. Rulad ng sa Liberacion, hindi ko inaasahan na sa ganoon matatapos ang movie, well except sa character ni Juday. Totoo nga ang sabi ni Sir Roy, na siyang sumulat ng script ng pelikulang ito, tearjerker daw ang movie na ito. Basta ang bongga ng ending. I love it!
This film is way back in 1997, and noong mga panahon na ito, nasa telebisyon pa ang Mara Clara the original version, kaya api-apihan pa ang peg ni Juday dito. Super kairita lang ang character niya dito kasi super ng iinarte. Pero siyempre naiintindihan ko naman siya dahil sa mga pinagdaanan niya so keri na rin.
Hindi ko man napanood ang other movies na kasama noon, I think deserve ni Marya ang Best Actress Award ng Famas. Mula sa hospital scene hanggang sa scene bago matapos ang movie, mararamdaman mo ang nararamdaman ng character ni Angelito- naaawa na natatakot. Akala pa nga ng isang staff, exorcist ang movie na pinapanood dahil sa kakatili ni Marya.
Boyet, as usual, na-master na niya ang role ng asawa na medyo hindi nagpapakita ng affection sa partner pero deep inside, super love niya ang kanyang wife. In this movie, medyo support lang ang character niya pero since he is THE Christopher de Leon, evident pa rin ang kanyang galing sa acting.
As for Ronaldo Valdez, kahit half ng movie lang siya nakita, he portrayed the character well, kahit super bitter yet in the ending, revelation na naganap. Ang sweet lang!
Spencer Reyes, likewise is in character. Inaabangan namin ni Florence yung "moment" niya kasi siya lang yung parang walang moment sa movie. Pero okay na rin yung scene nila ni Marya na natamaan siya ng lampshade. Naloka kami ni Flo dun.
Wednesday, February 1, 2012
February Jitters
Napansin ko lang na kakaiba ang "lamig" ng hangin lately. At mas lalong kapansin-pansin ang lamig na ito ngayong araw na ito. Siguro, itong lamig ng panahon na nararamdaman ko ay dahil sa nakiki-klima tayo sa ating mga karatig-bansa. Kungbaga, nakikilamig lang tayo. Okay na din yun, at least hindi mainit.
Pero kanina sa aking paggising, I noticed na ang lamig na ito ay hindi lang dahil sa klima. Hindi naman dahil sa air-con kasi nakapatay naman ang air-con namin. So deadma na lang ako.
Simula pa lang noong Grade 1 ako, ritual na nakabukas ang TV sa paggising ko. At usually, Umagang Balita na ang segment sa UKG. Kasalukuyang binalbalita doon ang presyo ng mga bulaklak. WTH! Napatanong ako sa isip ko, "Ano na bang petsa ngayon?" Wah February na pala. Super bilis ni January, lumipas na kaagad. So this explains the weird "coldness" I am feeling right now. K.
Kasi naman, Feb 1 pa lang, presyo ng bulaklak na ang pinag-uusapan. At syempre, umeksena na naman ang aking evil alte-ego: "Pwede bang dahil may Panagbenga Festival sa Baguio kaya yan ang balita? Asumeera!" Nagsorry naman ako kaagad sa aking alter-ego (BTW, wala pa pala siyang name, pag-isipan ko nga to).
Sigura nga ganito lang talaga ang mga single, medyo sensitive kapag February. I know naman na darating din ang araw na I'll meet that someone whom will be with me for the rest of our lives, not just every February. #bitter.
Akala ko, ako lang ang nakakaramdam ng ganitong "February Jitters". Sa Twitter pa lang, nakahanap na ako ng karamay:
Baka naman akalin niyo na hate na hate ko ang month na ito. Of course not! Wala naman akong favoritism sa mga month….well meron pala, for me kasi my super lucky month is November, my birth month. So to prove na I like february, here are the things I love forward this february:
- Ang daming birthday celebrators this month, umpisan na lang natin sa Tita ko and sa kanyang unica hija; ang aking super BFF na si Kien; si Grace; Kris Auino; Heart Evangelista; John Prats at kung sino-sino pa.
- It's National Arts Month! - ito ang moment ng mga maarte, lol. But kidding aside, ma-art din naman ako, di lang halata. Or ibang art ang talagang obvious, art-e.
- Showing ng UnOfficially Yours starring my BF John Lloyd Cruz and me in my past life, Angel Locisin (I really hope na may Phil ako ngayon diba?). Sa Feb 15 to.
- Showing the The Vow. Wala lang, na in-love ako sa trailer.
- Leap Year ngayon, medyo badtrip nga kasi sumabit pa si 29, pero okay na rin, medyo mapapaaga ang sweldo. =P
- Group date with my friends. At least hindi lang ako ang single.
By the way, don’t pity me too much, may date naman ako sa February 14, with
My Bebeng Nigel.
Wednesday, October 12, 2011
Part 2- NW: Teleserye vs KDrama
Nabanggit ko na sa dati kong post ang munting history ng Philippine Drama at kung paano nakapasok sa ating sistema ang mga Korean Dramas. Tulad ng mga Telenovela, hindi kaagad pumatok sa mga pinoy ang Asian dramas. Nagsimula muna sa patikim-tikim hanggang sa naging in-demand na ito.
Sa part 2 ng NW, I compared selected teleserye at kdrama ayon sa mga katangian nito, uri, style at marami pang iba. Syempre kailangan may i-ko-compare akong mga teleserye at kdramas na pumatok sa atin. For Teleserye, I choose Pangako Sa'yo at Maging Sino Ka Man while sa Kdrama I choose Sungkyunkwan Scandal and Lovers in Paris. Sa hindi pa nakakalaam ng SKK, click the title to read my review. Napanood ko kasi ito kesa sa Jewel and the Palance and the likes.
Para maganda at maiintindihan, nag-effort akong gumawa ng table. Ayan ah! A for effort ako. Next post yung analysis and conclusion.
![]() |
| click image to enlarge |
Note:
· Nakakatamad gumawa ng sariling synopsis. Keri na itong sa wikipedia.
· Hindi ako magaling mag judge ng Editing and Cinematography kaya konti lang comments ko.
· For the Nth time, ito ay based sa aking OPINION.
Up next: Part 3-- NW: The Conclusion.
Wednesday, October 5, 2011
Notions Within: Philippine Drama vs Other Asian Drama part 1 of 3
(Serious post muna ako, kahit medyo informal pa rin ang language na gagamitin ko. Tutal trip ko na rin naman na mag post ng mga review-reviewhan, kakaririn ko na ito. Pero syempre, para hindi naman api-apihan ang sariling atin, gumawa ako ng comparative study, talagang lumilevel up na ako! I'll try to compare our own drama to other countries, especially sa Korea, kasi aminin na natin, na-invade na nila tayo. So I hope na dito sa Notions Within, malaman na natin kung ano nga ba ang dapat nating baguhin o i-improve sa ating mga teleserye. Para sa Part 1 ng NW, I will discuss the History of Philippine Drama. Discalimer: Unahan ko na kayo, you may notice that only TV Dramas aired in ABS ang lagi kong minimention, Honestly, I don’t really have a background in the GMA produced dramas kasi Kapamilya ako. So please don’t expect a balanced write-up because it is just for personal fulfilment, gets?)
Philippine Drama 101
Tatlong dayuhang bansa ang sumakop sa atin: Spain, US at Japan. Naimpluwensiyahan nila halos lahat ng aspeto sa ating buhay, At dahil ditto para tayong naglalakad na halo-halo. Pero may isa pang bansa ang sumakop sa atin na hindi na susulat sa history books--ang South Korea.
Amin niyo, Koreans invaded the Philippines through entertainment. Since the day na nagpakita ang F4 at inakit ang mga puso ng mga Pinoy, unti-unti na tayong nagpasakop uli sa mga dayuhan. Nagpasakop talaga kasi unlike the first 3 invaders, open-arms talaga nating tinanggap hindi lang ang mga drama series nila ngunit pati ang mga songs, language, food, culture at kung anu-ano pang mga chorva.
Huwag tayong magpalinlang, hindi Koreans ang nauna sa eksenahan sa primetime. Kasasabi ko lang, halo-halo nga tayo. Pero ano nga ba talaga ang original Pinoy Drama?
Humble beginnings of the Philippine Drama
(Side Comment: Napaka seryoso ng sub-header. Kaloka. Super summary na lang ito ah. Wag na choosy. Fast post lang dapat nga ito e.)
Bago pa man mauso ang TV sa buhay ng mga Pinoy, kasi hindi pa afford ng masa ang magkaroon ng TV set noong mga panahon na iyon, ang radio ang usong medium para ma-entertain ang mga naiinip na mga Pinoy. Pero at that time, news and music lang ang meron sa radio. Uso naman na noon ang radio commercial. At syempre, kailangan creative sa advertising para mas makilala at mas bongga ang product, umisip ang mga soap manufacturers ng kakaibang way to advertise their product. Dito nagstart ang mga Soap Operas.
So officially, the first soap opera on radio is Gulong ng Palad, in 1949. As mass comm graduate, napagdaan ko din naman ang radio drama. Mas haggardness ang paggawa ng radio drama kesa sa TV drama. Ma-effort sa paggawa ng mga sound effects imagine 1949 yun, di pa uso ang mga computerized sound effects. Ngayon nga super handy-dandy na ang lahat, effort pa rin, paano pa sila noon.
At syempre, technology grows with time, lumevel up ang soap operas. Pati ang TV in-invade na rin nila. So noong 1960s nag start na rin ang soap operas sa Philippine TV. Since then, na-hook ang mga Pinoy sa kadramahan. Noong 1992, ipinanganak ang unang pinakasuccessful na soap opera sa bansa, ang Mara Clara. Halos lahat ay nakisimpatya habang inaapi ni Clara si Mara. Actually, hindi ko na matandaan ang mga kaganapang ito dahil bata pa ako noon.
Morning to hapon lang ang time slot ng mga soap operas pero noong 90s, nagstart ng i-invade ng isang dayuhan ang TV at unti-unting binago ang nakasanayang timeslot hanggang sa magkaroon na rin ng slot na panggabi, na dati ay puro news at sitcom ang naghahari.
Marimar Craze
Ang dayuhang nag-invade at nagbago ng takbo ng prime time ay walang iba kundi si Marimar. 1996. Hay, ewan ko na lang kung may tao pang hindi nakakakilala kay Marimar. Ni-remake na nga siya ni Superstar Marian e. So back to the story, habang ang iba ay naawa kay Mara at naiirita kay Clara, biglang sumulpot ang Mehikana na si Thalia sa RPN 9. Dito na nagsimulang mag rambol ang TV drama timeslot. Dahil sa success ng Marimar, halos na-bombard na ng mga Spanish-Latin telenovelas ang TV shows. Halos di ka na makahinga sa dami ng Mexican telenovelas mapa-umaga, hapon at gabi, In late 90s naging ganyan ang eksenahan sa TV. Paunahan ang ABS at GMA sa pagkuha ng mga telenovelas. Mas mahabang series, mas masaya, mas bongga.
Judy Ann vs Claudine
Habang kaliwa't kanan ang pagpapalabas ng mga telenovelas sa TV, meron namang nabubuong rivalry sa local TV. Dahil naging successful naman ang Mara Clara, with Judy Ann Santos as its bida (hindi pa ba obvious na mula 1992 hanggang 1997 namayagpag sa TV ang Mara Clara), nasundan ito ng isa pang soap opera, ang Esperanza, na nasa gabing timeslot na. Pero hindi lamang ang Esperanza ang ipinalabas noong mga oanahon na iyon. Sa parehong araw, pinalabas din ng ABS ang soap operang pinagbibidahan ni Claudine Baretto, ang Mula sa Puso.
Sabi nila, parang Nora vs Vilma ang rivalry ng 2. Well, honestly hindi ko matatry na i-compare ang dalawang rivalry sa kadahilanang hindi pa ako buhay nang mga panahon na yun so hindi ko mari-relate. So kung noong 70s, may Guy-Pip at Vi-Bot sa pinilakang-tabing, sa TV naman noong late 90s may Judy Ann- Wowie at Claudine-Rico fans club.
Noong mga panahon na iyon, grade 2 pa lamang ako nito. Pero natatandaan ko, o feeling ko lang, medyo humina ang telenovelas. Muling bumenta sa panlasa ng mga pinoy ang plot ng mga nagkakahiwalay na magulang and anak. Dahil dito naging sunod-sunod ang soap opera nina Judy Ann and Caludine, and unti-unti silang pinaparehas sa ibang male stars.
From Soap Opera to Teleserye and the "Secret Formula"
(Note: Sa mga panahon na ito, patuloy pa ring nasa TV ang mga telenovelas. Nagtambak sila sa hapon na time slot and may 1 or 2 sa primetime.)
In 2000, ABS renamed the soap opera dramas to teleserye for obvious reasons, hindi naman na soap sponsored ang mga drama na pinapalabas sa TV. Ang buena mano nilang "teleserye" ay ang Pangako Sayo.
Infairness ah, bonggang-bongga ang Pangako Sayo. Pumatok ang nagkahiwalay na ina at anak plot, na super bentang formula sa mga teleserye. Next to Yna-Angelo love team, winner ang tapatan ni Amor Powers and Madam Claudia.
Naging sunod-sunod ang mgahit na teleserye ng ABS, after ng Pangako Sayo, bumenta uli ang hanapan ng ina at anak na super teleserye formula, sa Kay tagal Kang Hinintay. Dito sa teleserye na ito nagboom ang tambalan ni John Lloyd and Bea.
Marami pang teleserye na nagboom gamit ang bentang secret teleserye formula. Pero tulad ng pagkain, naumay na rin ang Pinoy viewers sa nagkakawalang ina at anak. To the point na boring ng manood ng mga teleserye at mas masaya na lang na manood ng Cartoon Network.
F4 invasion and the start of the Asianovelas
May chika na papalapit ng magclose ang ABS noong 2003. I make it clear ah, chika, di ako sure dito, kaya nga chika. So ayun na nga, kamuntikan na maclose, but dahil sa chipipay nilang nabili na canned show, ang Taiwanese Drama, Meteor Garden, muling nabuhay ang ABS.
Selling like hotcakes ang MG. Halos sinamba ng buong Pilipinas ang F4. Naging national anthem ang mga kanta ng F4. dahil hindi pa uso sa akin ang internet noon, super benta sa akin ang mga laminated pic ng F4. Ako na ang fanatic. Lahat ng itapat ng GMA na show sa MG, kinabog, maging ang Taiwanese Drama na My MVP Valentine na pinagbibidahan ng 5566.
Dahil dito, unti-unting nawala sa TV line up ang mga telenovelas. May isa o dalawa na lang na pinapalabas sa panghapon na timeslot. May ibang pumatok naman pero hindi na kasing patok ng mga naunang telenovelas.
Ang timeslot na binakante ng mga telenovelas ay pinunan ng mga Asianovelas. One to sawa ang mga asianovelas. Pero sa lahat ng mga Asianovelas, mas marami ang mga Korean-made dramas na pumatok sa panlasa ng mga Pinoy…
---
Dito ko muna tatapusin ang Part 1. Ang next post ko ay Teleserye vs Kdrama.
Subscribe to:
Posts (Atom)


