Showing posts with label love story. Show all posts
Showing posts with label love story. Show all posts

Friday, December 21, 2012

Hope Springs

(Note: Here is a super quicjie review of the movies I watched this year. Super late post na ito pero for the sake of documentation, deadma na! hehe)



August 28, 2012


I just watched Hope Springs with Flo and Kuya Choc. Kapag sila ang kasama ko, expect na kung ano-ano ang maiisipang gawin agad-agad. That day was supposed to be our chika afternoon since its been a month nung last time kaming magkita-kita. So we were in Figaro Gateway Cubao then suddenly gusto na namang panoorin ni Flo ang Hope Springs with me. Take note that they already watched it, silang 2 pa ang magkasama pero gusto daw ni Flo makita reaction ko. Wala na akong nagawa, so gora na! We checked if it was still showing in Gateway but wala na. Akala ko hindi na matutuloy, pero pag may ginusto si Flo, kailangan matuloy so we searched for malls na showing pa ang Hope Springs. And guess what? May mall pang showing - sa Eastwood. Wow! It was my first time pumunta dun and in fairness ah, super layo niya. Muntik pa kaming ma-late sa movie and yun na yung last showing. The movie was fun, I like the story and I want to watch it again with my future other half. It is perfect film for couples. Yung mga type na medyo wala ng trill ang relationship. I was wondering kung may same place din ba dito sa atin na ala Great Hope Spring Village. Hmm...





Tuesday, February 7, 2012

Review-Reviewhan: Nasaan ang Puso


Note: Kung sa other reviews ko puro side comments ako, expect na mas super daming side comment dito. Yun lang!

***


Florence and I planned to visit our dear alma mater last week.  As usual, super busy and gulo-gulo and mga katauhan sa CMC office kaya naisipan na lang namin na makigulo sa class ni Sir Roy. Sakto naman na tapos na siya sa kanyang lecture at may pinapanood siya sa kanyang mga students. Ang duga! Bakit noong time namin walang film showing! Buti pa ang mga bagets na ito, napanood na ang Sa Kabila ng Lahat  at Dahas.

So ang nangyari, habang inaayos pa ng mga staff ang player para sa film showing, nakipagchikahan muna kami kay Sir. At noong nagstart na ang movie, dineadma ko na lang silang dalawa, Ang featured film for that day is Nasaan ang Puso...


Isa lang naman ang gusto ni Joy, played by Maricel Soriano, ang magkaroon ng buong pamilya. Pero paano makakamit iyon kung nababalot ng puot ang kanilang mga puso. Paano niya masisimulan ito kung sa sarili niya hindi niya alam kung nasaan ang puso?

Nagsimula ang lahat sa pagtataksil ng ina ni Joy na si Elena, played by Gina Pareno sa kanyang itay na si Edgardo, starred by Ronaldo Valdez. At dahil dito, kinuha siya  kanyang itay at hindi knilala ang kanyang kapatid na si Ria, starred by Judy Ann Santos.

Lumipas ang maraming taon, umasenso ang kanyang itay at nakapag asawa ng isang abogado si Joy. Ngunit kahit tila wala na siyang mahihiling pa, para pa ring may malaking kulang sa kanyang pagkatao. Nais niyang mabuo muli ang kanyang pamilya.

Sa tulong ng kanyang asawa na si Dave, played by Christopher de Leon, nahanap niya ang kanyang ina at kapatid, At dahil dito, dali-dali siyang nag-set ng reunion ng kanyang parents.

Hindi siguro applicable para sa lahat ang kasabihang "time heals all wounds", dahil kahit lumipas na ang maraming panahon, sariwa pa rin kay Edgardo ang lahat. Hindi pa rin niya napapatawad ang dating asawa. At dahil sa karamdaman, namatay na lamang si Elena na hindi man lamang nakakamit ang kapatawaran ng dating asawa. Naiwang ulila si Ria at Angelito, played by Spencer Reyes.

Agad namang kinupkop ni Joy ang mga kapatid sa kabila ng pagtutol ng kanyang itay. At siyempre, hindi naging madali ang lahat para sa kanila, lalo na kay Angelito na laging napag-iinitan ng kanyang itay dahil siya ang naging produkto ng pagtataksil ng kanilang inay. Nakiusap si Joy na intindihin na lamang ng mga kapatid ang kanilang itay at darating din ang araw na matatanggap din sila nito.

Nasaan ang Puso is like a teleserye that roled into a two-hour movie. Halos hindi ka na makahinga dahil sa sunod-sunod ang mga maaksyong eksena. Hindi ka dapat malingat man lang. Maski nga si Florence ay naiwan sa bilis ng mga naganap sa movie. Nagulat na lamang siya na namatay si Edgardo matapos ang confrontation scene with Ria and Angelito.

At dahil sa takot na sisihin at palayasin ni Joy, nag-alsa balutan ang dalawang bagets at nagtungo sa kapatid ng ama ni Angelito.  Sa simula ay maayos pa ang kanilang kalagayan sa poder ng tiyahin ngunit dito nagsimula ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang lahat. Hindi ko na ikukuwento yung the rest kasi super haba pa, magiging nobela na tong blog ko.

Honestly, hindi ko nahulaan kung paano matatapos ang movie, o kung matatapos pa ito sa dami ng mga pangyayari. Rulad ng sa Liberacion, hindi ko inaasahan na sa ganoon matatapos ang movie, well except sa character ni Juday. Totoo nga ang sabi ni Sir Roy, na siyang sumulat ng script ng pelikulang ito, tearjerker daw ang movie na ito. Basta ang bongga ng ending. I love it!

This film is way back in 1997, and noong mga panahon na ito, nasa telebisyon pa ang Mara Clara the original version, kaya api-apihan pa ang peg ni Juday dito. Super kairita lang ang character niya dito kasi super ng iinarte. Pero siyempre naiintindihan ko naman siya dahil sa mga pinagdaanan niya so keri na rin.

Hindi ko man napanood ang other movies na kasama  noon, I think deserve ni Marya ang Best Actress Award ng Famas. Mula sa hospital scene hanggang sa scene bago matapos ang movie, mararamdaman mo ang nararamdaman ng character ni Angelito- naaawa na natatakot. Akala pa nga ng isang staff, exorcist ang movie na pinapanood dahil sa kakatili ni Marya.

Boyet, as usual, na-master na niya ang role ng asawa na medyo hindi nagpapakita ng affection sa partner pero deep inside, super love niya ang kanyang wife. In this movie, medyo support lang ang character niya pero since he is THE Christopher de Leon, evident pa rin ang kanyang galing sa acting.

As for Ronaldo Valdez, kahit half ng movie lang siya nakita, he portrayed the character well, kahit super bitter yet in the ending, revelation na naganap. Ang sweet lang!

Spencer Reyes, likewise is in character. Inaabangan namin ni Florence yung "moment" niya kasi siya lang yung parang walang moment sa movie. Pero okay na rin yung scene nila ni Marya na natamaan siya ng lampshade. Naloka kami ni Flo dun.





Saturday, January 28, 2012

Review-Reviewhan: Same Time Next Year


Nalaman ko lang ang movie na ito dahil kay Florence kasi gusto kong mapanood yung One Day. Kung nabasa or napanood mo na yung One Day, same lang sila ng peg. Actually, I still haven't seen One Day, but based on its trailer, ang unang difference ng movie na ito is the age ng mga characters. Kung sina Anne Anne Hathaway and Jim Sturgess ay after graduation nag meet, meaning mga nasa 20s pa sila; ang mga characters naman dito sa Same Time Next Year, married na sila.

The plot:

Some time in 1951, Dorris and George met in restaurant, they talk and then woke up in each others arms and naked. They felt guilty on what they did but as what they said, what happened to them feels right. Love at first sight? Well, maybe. But they have to face the reality, they are both married with kids- 4 for Dorris and 2 for George. However they don’t want to ruined their family just because of their selfishness. So before they part ways, they both agree to meet on the same place, same time, next year, hence, the title of the movie.


The movie focused on the 7 different years as Dorris and George meet.  There had a confrontation on their 5th "anniversary"; some years later, there were births, death and marital problems that they were able to share and solved together. 

I'm not supporting infidelity, adultery, 2 timing or any other synonyms nito. Pero as I watch STNY, I cant help to think that what if, that same scenario happens to me, mala- Bakit Ngayon ka lang ang drama. Though isang araw lang sila every year nagkikita, I can't describe their setup as simple lust. For me, it is a different category of a relationship na mahirap bigyan ng pangalan. There's friendship, trust, and love which for me, are very essential in every relationship

Their relationship as narrated in the movie, lasted for 24 years. So they only just see each other 24 times, less than a month but they proved na wala sa haba ng pagsasama or sa dalas ng pagkikita masusukat ang pagmamahal. Siguro, nagtataksil sila sa kanilang mga asawa at anak pero hindi naman masasabing mali kasi alam naman nila ang kanilang limitations. 

Another thing I like in the movie is the theme song The Last Time I Felt Like This... Super nakaka-in love ang song na ito. Here's the lyrics:


The Last Time I Felt Like This- Johnny Mathis and Jane Olivor

Hello, I don't even know your name
But I'm hopin' all the same
This is more than just a simple hello?

Hello, do I smile and look away
Yes, I think I'd smile and stay to see
Where this might go

`Cause the last time I felt like this
I was falling in love
Falling and feeling
I'd never fall in love again
Yes the last time I felt like this
Was long before I knew
What I'm feeling now with you

Hello, I can't wait 'til we're alone
Somewhere quite on your own
So that we could fall the rest of the way
I know that before the night is through
I'll be talking love to you
Meaning every word I say

`Cause the last time I felt like this
I was falling in love
Falling and feeling
I'd never fall in love again
Yes, the last time I felt like this
Was long before I knew
What I'm feeling now with you
Oh, the last time I felt like this
I was falling in love
Falling and feeling
I'd never fall in love again
Yes, the last time I felt like this
Was long before I knew
What I'm feeling now with you


So if you like unconventional romantic movie, I recommend this one. This movie is not recommending or encouraging elicit affairs, but this is the other side of the story. Siguro, totoo nga talagang alapin tayo ng pag-ibig. 


(Side note: Yung theme song pala nito, ginamit din sa movie ni Ding Dong and Marian... eww... lol =))