Showing posts with label about me. Show all posts
Showing posts with label about me. Show all posts

Sunday, January 3, 2016

Feeling Sad

I am sad.

Natapos  na ang holiday feels. Yung tipong dapat default na masaya ka. Kasi lahat ng nasa paligid mo, feel mo ang kasiyahan. Kahit na ikaw deep inside hindi magawang magsaya. Ika nga ng sa status sa FB: "Cherry is feeling :) - happy," pero feeling lang. Hindi "Cherry is happy." See the difference?

Sometime in highschool, habang waiting sa teacher namin for the next subject, one classmate asked me randomly: "Cherry bakit parang wala kang problema?" Sabi ko na lang, "huh?". Chill-chill lang daw kasi ako. Sabi ko na lang, "Ano ka ba, meron din naman, di lang halata." Pero napaisip na lang ako, ano ba ang dapat pinoproblema ng mga ka-edad ko noon? Boyfriend? Well, technically, may nagpapakilig sa akin noon, di ko naman masyadong inidibdib. Pera? Hindi man kami mayaman, sapat naman na yung pera namin para sa aming pamilya. Studies? Pwede dahil dito kasi kailangan ma-maintain ang grades kasi strict ang parents. Hindi e. Sa totoo lang wala. Until makagraduate ng ako at magsimulang magtrabaho, steady lang talaga.

Fast forward to my 25th birthday. I'm still in denial na I reached the quarter life assuming na I will live for 100 years. Another milestone na dapat. Pero bakit ganun, wala man lang akong na-achieved? Yung mga ka-age ko, kung hindi nakapag travel around the world, married na (yung iba with kids pa), or nakagraduate na ng MA. For 2 months, I immediately dismissed the thinking all of that. Kung baga sa Sims 3 (na currently kinaadikan ko ngayon), nagawa ko yung isa sa goals ko kaya ecstatic ang mood ko for 2 months. And now, wala na yung effect ng ecstatic mood, kaya I'm feeling sad. Nagiging matampuhin ako agad. I seek attention. Bakit ako wala nun? :( Bat di niyo ako niyaya. Sa mga naka mute sa FB Message and di ko nirereplyan, now you know.

Sana like Sims, 48 hours lang ang effect ng "feeling sad mood" ko. At para maging happy uli ang Sims kailangan may ma-achieve na Lifetime Goals.  And one of my lifetime goals is to maintain my blog. Hay nako, ang drama much ng post na ito. Give niyo na ito sa akin.

 Looking forward for more good vibes year. I won't list promises or resolutions para hindi na naman ako mabigo. I don’t know, pero pag I failed something I feel brokenhearted. Parang nakipag break lang sa jowa. </3. I'll just embrace this new year with open arms. GV and Love, love, love lang.


Love,
Cherry

Saturday, January 12, 2013

My Baby Nigel

Last Thursday, nagcelebrate ang aking baby Nigel ng kanyang 2nd birthday. Imagine, 2 years na kaming kinukulit ng aming baby boy. Pero kahit makulit siya, super nakakatuwa ang mga innocent actions niya. Na minsan feeling ko sinasadya niya yung mga kalokohan niya.

Here are the things I love about my baby Nigel:

1. Everytime he calls me TITA. - right after naka-upo na siya, excited na kaming pasalitain siya. Mga 6 months na  yata siya nun ng nagpipilit na rin siyang magsalita, indications na madaldal siya. So timuruan namin siyang bigkasin ang MAMA. Super tuwang tuwa kami ng mabigkas niya yun. Parang super achievement na namin yun hehe. So lahat ng kakilala niya, ang tawag niya ay Mama. Dahil doon, ang naging next lesson niya is ang pagbigkas naman ng TITA. Medyo effort nga lang kami sa pagtuturo sa kanya. But super bright ng baby namin, nasabi naman niya ang Tita, pronounced as TEE-TAH.

2. Power Hug niya everytime masayang-masaya siya. - Last Sunday sinama ko siya sa SM then we ate sa Jollibee. Tuwang tuwa kasi nakita niya yung mascot ni Jollibee.  Sakto kasing may birthday celebration sa Jollibee ng pumunta kami. Naglalakad pa lang kami, Jabee na ng Jabee si Nigel. At ng nagpakita na ang mascot, nagpakarga na siya sa akin and tuwang tuwa ng makitang sumasayaw si Jollibee. Kaya ayun, hindi na ako makahinga sa kanyang power hug.

3. Kanyang random sentences - such as Aba! (Kapag ayaw niya yung ginagawa sa kanya.); Eto naman kasi eh! (Kapag pinapagalitan ko siya at sisihin niya ang tunay na may kasalanan); Wag lipat (Siya na may-ari ng TV namin. Ayaw palipat ng channel pag nanonood siya.) at marami pang ibang spur of the moment words niya,

4. Future Singer - Fave niya yung theme song ng Two Wives at Be Careful With My Heart. At pag narining niya yun, kukuhain niya yung remote control then tatayo siya saka kakanta with matching pikit ng mata. One time nanood kami ng My Cactus Heart sa Cinema One, then sa scene ni Matteo na kumakanta ng Kaba, ayun, kinuha ang remote then sumasayaw sayaw pa. Suddenly narealized ko na fave nga niya pala yung kanta ni Maya. 


For now, yan pa lang ang mga i-list ko sa hundreds of reasons why I love Nigel. 

To my baby, your Tita will love you forever. Pakabait ka ah para lagi tayong punta sa Jollibee! :) Mwuah!



Love,
Cherry

Friday, November 2, 2012

Rant: Why I am fat?

Everytime I meet old acquiantances, unang sentence na bubungad sa akin:
"Bakit ang taba mo na?"
At gusto kong sabihin sa kanila: $%^&*@!

Kairita lang diba? Ikaw itong super excited kasi after 2 or more years, nagkita uli kayo. Magkamustahan man lang kahit mga 30 minutes (Alam niyo naman ako, Queen of Talk.) Pero dahil sa pangbungad nila sa akin, I just want to punch them, straight on their faces, then flip my hair and walk as if nothing happend. Ano ba gusto nila makita, na I still have my body when I was in highschool? Duh?! Di ba dapat mas maloka sila pag ganun kasi baka minamaltrato na ako ng mga magulang ko nun?


From tumblr.com



Siguro kapag nabasa ko uli itong post ko mga 8-10 years from now, masasabunutan ko ang sarili ko kasi baka super lobo na ako at that time. Yun na yung desperate time to diet. Yung bang masasabi ko sa past version of me: "What happend to you? Ang takaw mo kasi kaya yan! Ang justify ka pa ng kalokohan mo."

But I want this post to be my proof that I had lived my life to the fullest. Without restrictions. That I enjoyed every single day when I was young. Na level-up na ako kasi hindi na kami sa fastfood kumakain. Na we get to try other sosyal restaurants. Why you have to deprived yourself of something na afford mo naman.

From tumblr.com

So next time na may makasalubong akong ang bungad sa akin ay: "Ang taba mo na!" I prepared a very courteous reply for him/her:

"Hi! Eh bakit ikaw, ang panget mo pa rin ?!"


Friday, July 6, 2012

Mis-Load


Someone send me a load today (June 15).

I just woke up from my power nap in office when I noticed that the led of my BB is flashing-- an indication that I received a text message. Still in blurry sight, I opened my inbox just to be surprised that someone sent me a load- P50. Actually my suki na ako kung saan ako nagpapaload, ang aking sisterrette. Alam na niya kapag nag text ako ng "Loadan mo ako. Now na.", after 2 minutes, may load na ako ng 100. Minsan lang ako mag load ng 50 kasi madaling maubos yun lalo na sa katulad kong mahilig mag-reply kahit from other network ang ka-text, not even bothering to register for an unli-all text promo. If my load is below 50, super panic na kasi kasi I fee that it is not sufficient enough if ever an emergency comes. Super paranoid lang. Saka my phone is one of the latest model, ang pangit naman kung wala akong load. Nag-cellphone pa ako. Duh!

I'm wondering why m sister would sent me a load e unang-una, hindi naman ako nagpapaload sa kanya. Kakaload ko lang ng 100 the other day kasi I registered to BB Max and Super Unli, and kaninang umaga naman 300 kasi nagregister ako sa BB Social. Hmm. I checked the number who sent the load and I noticed that it is not my sister's number. Hmm… someone missent a load.

My theory was confirmed when I noticed that I missed a call from unknown number. Dahil medyo snobbish ako sa mga strangers na natumatawag or nagte-text sa akin, I sent a message on the unknown number: "Who's this?" Not even a minute passed when the unknown number call me again. Fresh from a power nap, I answer the call with a husky voice, "Hello?"

Stranger: Madam?
Pretty Me: Yes? Who's this?
S: Babae po ba ito?
PM: Yes?
S: Madam, ano po kasi namali po yung send ng load, pwede po bang pakibalik
Evil PM: (To myself) Wha!? Kasalanan ko ba? Kung ipapasa ko yung load, ako naman ang magagastusan dahil sa charge sa pag share ng load. Wow ah!
S: Kahit po 40 na lang po ang isend niyo.
PM: Okay, text me the number.
S: Salamat po Madam.

While waiting for the number, I can't help but to remember the time when I was in the same situation as to the stranger way way back in high school days. While I was in a neighborhood store to load P50  to register to an unlimited promo for 1 week (yes, ganun ka-affordable ang unli noon) I stupidly key in a wrong number, put 5 instead of 6 in the last number. Ganun na lang ang frustration ko. At that time super hirap na hirap ako na makapag-ipon ng P50 mula sa aking P20 na baon araw-araw, makapagregister lang sa unli for a week. I texted the lucky bastard who received my load, but no response. Huhuhu..

In short, I feel the frustration of the stranger because the same thing happened to me. Lucky her, ako ang nakareceived ng load niya. If iba yun, wala na. At mas maswerte siya kasi nasa good mood ako dahil galing ako sa power nap. So it's decision time...

I received the number. The stranger had 4 instead of 5 in the last number. On the  Send To field,  I placed the number excluding 0 and replaced it with 2,  after that typed 47 in the Message field, then clicked Enter. Well, that’s the most kind thing to do since ayokong magastusan ng P2 dahil sa slight "stupidity" ng iba and at the same time I got P1 as a…  well, dayos perwisiyo. I can't believed that I'm that good. 0:)

Moral of the story: Be careful next time. Double check you number para walang maabala. Buti sana kung kasing bait ko ang nakatanggap ng load. 




Back to School


I'm back to school again.
  
After a year ng pahinga, heto na naman ako-- nagdagdag ng sakit sa ulo. Siguro na miss ko lang yung super busy routine noong college. Yung aligaga ka na sa kung ano ang uunahin- AP o acads. Yung times kung saan nagsabay ang pagle-layout and kinabukasan may paper na dapat ipasa at may presentation pa. Ganun na ang yata ako ka-bless kasi minsan kung may biglaang walang pasok, e cancel ang presentation.

Unlike noong nasa PLM pa ako, super na culture shock ako sa way ng enrollment sa PNU. Susko, papayat ka kasi hindi lang basta maglalakad ka, aakyat ka ng mga building at maghihintay sa mga mahahabang pila. Sa totoo lang, first time kong pumila sa cashier , kasi wala naman akong binabayaran noon. I had to go to 4 different buildings for me to finish the enrollment process. Unlike noon  na it took me 3 hours (super tagal na nun) to get my registration form and classcards, kailangan mong maglaan ng 1 whole day para makapag enroll. Well, I enjoyed it naman kasi new experience pero super exhausting lang. Ang natuwa lang ako e nakuha ko agad ang aking ID (yey!) at medyo hindi naman ako haggard dun. Hehe.

First day of class.

Everytime mag start ang class feeling ko palagi nasa grade 1 ako. Yung feeling na totally wala kang kakilala. Every year yan ang pakiramdam ko. Good thing, unlike nung medyo bagets pa na ang tagal makipagbond sa ibang classmates, mas madali na lang ngayon na makipag friends. Siguro dahil lahat naman kami e matured na (I supposed), nevertheless, magkatinginan at magkangitian lang, alam mo na magki-click kayo. And immediately, I got 2 friends sa first meeting pa lang namin. Actually yung isa nakasabay ko na noong enrollment. Yung isa naman e seatmate ko na nalate kaya tanong ng tanong sa akin kung ano yung mga pinapagawa ng prof namin.

Just like a typical first day of class, overview ng mga gagawin sa buong semester, election of officers (yes may ganito pa pero President, Secretary and Treasurer n a lang) assigning of reports and of course, ang walang kamatayang "getting to know each other". But instead na typical na pagpapakilala lang, nilagyan ng prof namin ng twist. Kailangan banggitin mo muna ang name ng mga naunang speaker pago ka mag start magsalita. Kawawa yung nasa huli kasi kailangan memorize na niya name naming lahat. Buti na lang nasa gitna ako, mga 10 lang yung mga kailangan kong i-memorize. Ang result, halos kilala na namin ang isa't isa.  Nagulat nga si Grace (na kumukuha naman ng master's sa PNU) kasi parang ang tagal na daw naming magkakailala ng mga  classmates ko, unlike sa kanya na puro indifferent ang mga classmates.

So far naman na-e-enjoy ko naman ang  back to school ko. So far, cooperative naman ang mga classmmates ko though alam mo na agad kung sino ang mga GC based sa mga aura nila. Aura talaga ah.

Wish me luck na lang sa aking upcoming report dahil medyo maswerte ako dahil kami ang unang reporter. But ok lang naman kasi sa group namin, ako ang second to the last na magre-report so hindi naman rush ang paggawa ko ng report.


P.S.

Yey suspended class last Tuesday, so malamang sa end pa ako ng July makakapagreport. Love it! The perks of being a student, class suspension hahaha <3



2012 Recap 1/2


Wow, July na! Ang bilis matapos ng June. Hindi ko man lang naramdaman ang summer, bukod sa super init, wala na. Di man lang ako nakapag swimming, heto nag-uulan na. Bad trip.

Ayon nga sa title ng post na ito, here's the recap ng mga pinaggagawa ko for the first-half of 2012:


January

1. Got my Black Berry Phoney na medyo pasaway dahil sa loser na battery nito.

2. Nag EK kami ng buong family- ang pinakabonggang one-time bigtime bonding namin ng buong family. As in kasama ang pudang ko.

3. Watched Simple Plan concert- buti na lang napilit ako ni Gracey. One of my happiest memory of my life so far.

4. 1st birthday ng aking Bebeng Nigel. Grabe big boy na siya. Naiiyak ako.

5. 50th birthday ng aking pudang. I'm so happy kasi somehow we were able to celebrate it with him.


February

1. Celebrated the birthday ng aking super BFF na si Kien. Nagkaraoke kami, watched chipipay movie sa SM then kumain ng one to sawa.

2. Valentine's date with family. Hindi porket wala kang jowa, di na pwedeng mag celebrate ng Valentine's Day.

3. I'm ate again to a twin girls. And ako ang nag bigay ng pangalan nila, Yey! I named them Jack and Jill (Jackielyn and Jillianne).


March

1. Take the PNU Entrance Exam  to pursue my dream to become a teacher.

2. Two weeks after, the results came and yey, magiging student na uli akey!

3. My first (and hopefully not the last) swimming sa taong ito with my beloved bffs- F8


April

1. Tambay sa bahay ng one week. Pasarap buhay.

2. One year graduate na ako and one year na  rin ako sa work ko!


May

1. Enrollment for the 1st sem. Yes certified student na me uli. Kaso butas naman ang aking bulsa.

2. Biglaang trip sa Antipolo with AP Pips. Nagbuhay baboy lang naman kami doon. hehe


June

The most stressing month so far. Explain ko na lang sa ibang mga blog ang explanation. Buti na lang meron akong bagong pinagkakaabalahan kundi nabaliw na ako.

1. First day of class. Met new set of friends. They are the ones that keep me sane. God still loves me.

2. Birthday of my dear friend sa PLM, Ma'am Ludz. Pasabog ang celebration namin kasi tlagang sinulit namin ang 24 hours sa McDo. 32 hours akong straight na gising, wala kahit power nap.

  

To sum it up, super colorful naman ang first half ng 2012 para sa kin. May mga nakakawindang na moments but at the same time super sayang times.




Tuesday, May 15, 2012

Side Comment: FO


When I was in Grade 5, may mga pausong song ang teacher ko nun sa English. Round song ang tawag niya dito. Uso kasi noong elementary ang grouping according to rows, so yung row 1 mag start sa pagkanta tapos after ng first line, saka lang magsisimula kumanta ang row two mula sa simula ng kanta, then susundan ng row 3 at row 4. Nakakahilo diba? Lagi naming kinakanta kapag trip niya start ng class at may activity. Until now, LSS pa rin ako sa kanta namin na yun.


"Make new friends, but keep the old.
One is silver and the other's gold."


Kung matagal ka ng avid fan ng blog ko na ito, hindi na ligid sa iyong kaalaman na marami akong set of friends. I have friends from elementary days, highschool, college, AP, at kung saan -saan pa. Minsan nga e kulang na lang hatiin ko ang aking katawan kapag nagsabay-sabay ang mga ganap sa bawat set of friends ko, Yung mga ganung times nararamdaman ko ang disadvantage ng pagiging friendly.


Hindi naman ako basta-basta nakikipagfriends kung kani-kanino lang, For me kasi, investment din ang pakikipagkaibigan. You have to be careful in choosing them kasi ikaw rin ang magiging kawawa in the end. I have few kababata na unfortunately ay naligaw ng landas dahil sa wrong choice of friends. Nakakalungkot kasi mostly sa kanila e may mga anak na. Yung kasing edad ko, she's on her third baby.


I am lucky to have friends na super tagal  na. A great example for this is Kien na super BFF ko na since Grade 1. I still remember yung first encounter naming dalawa. Nakaupo ako sa unahan (halatang noon pa man ay batang biba na ako), while nasa likod ko naman siya. Recess noon, habang nilalantakan ko ang aking super fave na Cheese Sticks nang napansin ko na may uma-aray sa likod ko. Lumingin ako para hanapin kung sino yun at nakita kong si Kien pala ang umaaray dahil may dalawang impaktang humuhila ng buhok niya. Naawa naman ako kaagad and at the same time e naimbyerna kasi tuwang tuwa pa ang dalawang bruha at wala namang magawa si Kien. Dali-dali akong nagshift to my superwoman mode at mataray na nagsalita, "Bitawan niyo nga siya, kayo ang sabunutan ko dyan e!", habang pinipilit na palakihin ang aking mata (medyo effort ako dun ah!) At dahil ako ang pinakamatangakad sa buong klase, initiwan ng dalawang bruhilda si Kien and lumipat ng upuan. Naging close kami nang pinatabi ako sa kanya ng teacher namin para daw tumahimik ako. Kaso wa-epek, naging madaldal din siya, hahaha. Nawindang na lang si Ma'am sa sobrang kulit ko. Mula Grade 1 hanggang high school e classmates kami ni Kien. Though hindi kami pareho ng course, we also went to same university.


Sa 15 years naming magkakilala, never, as in NEVER kaming nag-away. Nasanay na siya sa pagiging luka-luka ko and sa totoo lang talaga, walang masamang tinapay sa kanya. She is the living proof on how much I value friendship.


However, gaano ko man i-treasure ang friends, kapag sa tingin mo ay ikasasama mo na, just like an investment na malulugi ka na, you should know when to get what you have invested back. Take note that this is not about the monetary investments ah. It could be the time, stories, experience, faith, loyalty and most especially the love. The respect would remain but as a person na lang. Lahat ng kaakibat na privileges ng pagrespeto mo sa kanya bilang iyong kaibigan e mawawala na lang.


How to end a friendship?


Didn’t I mentioned that I have different sets of friends? From the elementary friends, I have different kinds of friends pa doon. Kumbaga, may cluster-cluster pa. Though super bff ko si Kien, I have another circle of friends na hindi siya kasama. In reference sa gradeschool song namin, I "make new friends" and the the same time, "keep the old" ones.  I met so many people but only few I considered as friends. Hindi uso ang selos-selos sa amin kasi we know na magkaiba ang interest and personalities namin. We both know na in time that we need each other, we will always be there. Ganyan kami ka-secure sa isa't isa.


Some of them, sadly, e wala na akong balita  after graduation(wala pa naman kasi uso ang cellphone and  internet noon). Pero kapag nagkakaroon kami ng mini-get together, like sa birthday isa sa classmate namin, saka lang uli kami nagkikita. At ang nakakatuwa nito ay parang hindi lumipas ang panahon. Marami ang mga nangyari pero mararamdaman mo na parang 1 day lang kayong hindi nagkita kasi pareho pa rin yung trato niyo sa isa't isa.


But then there some instances that I have to let go of some friends. It's not because of distance or difference on interest. But because of lost of trust.


Trust is one of the important element in any kind of relationship, either be romantic or platonic. And I really treasured that. Kahit na ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa iyo, as long as I believed and trusted you, I'll be at your back. 


Honestly, ending a friendship is the most heart-breaking moments of my life. Higit pa ito sa pakikipag break sa boyfriend mo. At least kapag nakipagbreak ka sa bf mo, may mga friends kang matatakbuhan. Kakampi mo sila anumang mangyari. But if you an end in friendship, hindi mo alam kung matatakbuhan mo ang iba mong friends kasi malamang, hindi sila sasang-ayon sa iyo or ayaw nilang may kampihan (if hindi ka masydong friendly).


Paano ba ako bilang kaibigan? I treat my friends as my siblings. Kung paano ako sa dalawa kong kapatid, ganun din ang trato ko sa mga kaibigan ko. No pretentions. They know kung kelan ako masaya, malungkot at galit. And in return, I make sure na alam ko rin ang mga gusto at topak nila. That's my secret to have a long lasting friendship. Ganyan kami ni Kien, Kasi kung hindi niya tanggap kung ano ako, wala ring mangyayari. It doesn't mean na kaaway mo na siya kaagad. You may quality them as mere acquaintance.


So if they pass the qualifications to be one of my friends, I give all the priviledges kahit hindi naman nila hingiin. I laways make sure that they will feel that I am a good friend. Kasama sa kung saan-saan, kawentuhan sa lahat-lahat, kakampi sa lahat at kukunsintihin kita. I will cover all your flaws, kahit mali ka. I-avail mo yan. Kahit minsan na-ba-badtrip ako sayo. Go large lang,


But don’t push your luck too much. I know when I'm  being abused. And that is the most scary part. I know how to play my cards. All the privileges will slowly be discontinued without you noticing it. The exchange og text messages, chats and calls ay dadalang. Nevertheless, the respect will remain. Tulad ng sinabi ko kanina, I will still respect you as a person. I won't say anything bad about you. Hindi ako mag e-effort na siraan ka sa iba.


Of course I'll cry. Hindi man tumulo ang luha ko sa aking mga mata, in my heart super duguan na.  Sana hindi na lang kita naging kaibigan para kahit na nangyayari ito hindi masakit. Kung iba lang ang gumawa nito kiber na lang, Deadma. You say sorry. It's okay with me. But don't expect me to forget. Marunong naman akong madala. Gaano man kahaba ng pasensiya ko, hindi naman ito unlimited. One time bigtime lang. I hate to play a martyr role. Duh! Di bagay.


Tulad nga ng gradeschool song namin noon, maybe these kind of friends are silver o baka nga tanso lang. Makikita kung saan saan. Madaling makuha. Keep the gold, mas malaki ang value. Pwedeng masangla. LOL



Wednesday, April 18, 2012

Side Comment: Life Plans


Time flies so fast. It’s been a year after my graduation and next week will be my first year in my job. Sa dati kong post, I shared the things I learned during my first 6 months sa real world. As of today, hindi pa naman nagbabago ang mga iyon, at actually, nadagdagan pa nga.

Last month I had a heart-to-heart talk sa aking BF Vberni. Super tagal naming nagchikahan  tungkol sa kung anu-ano lang. Well, may advice segment ako na halos umubos sa airtime namin.

I met VB sa Ang Pamantasan. Nung nag pass siya ng application form for APEX, ang daming naintriga sa kanya kasi lakas maka-lalaki ang pic niya. Pero nung dumating siya nung examination, nawindang na lang kami kasi  yung akala naming lalaki, girly pala at take note, naka pekpek shorts siya nung dumating sa exam. Kaloka lang, Magaling din naman siguro siyang writer kasi nakapasa naman siya sa written exam and interview. He (She) was one of the staff writers while I am the News Editor at that time.

As NE, lahat ng staff ay under sa akin technically kasi required ang lahat nagumawa ng news article. Including him. Medyo maraming bagong bagets nung time namin ni Flo kaya pinapakiramdaman namin silang lahat at kinilala. May mga staff na sa start pa lang e alam mo ng hindi aabot sa 2nd  sem ng school year.

Nagstart ang closeness namin ni VB sa unang presswork namin. Infairness nakapuntos siya sa akin nung nag overnight din siya with us. I never expect kasi na sasama kaagad sa overnight ang mga newbies kasi usually hindi pinapayagan ng parent but then nandun siya. As I remember, konti lang yata yung mga newbies na pumunta nung time na yun. Habang nagbreak muna ako sa pagle-layout, syempre ininterview ko siya. Well, I have gay friends and mga kakilala and mostly hindi sila tanggap sa kanila, sa madaling salita mga closeta. Kaya ng first question ko sa kanya e kung tanggap ba na isa siyang sirena sa kanila. And just like ng mga gay friends ko, sa start ay hindi daw most especially sa kanyang father. Naturamente. Pero ngayon naman daw ay keri na ng kanyang father na may anak iyang babae.

Habang tumatagal, mas lao ko siyang nakilala. She is smart, dependable and funny (uy bayad ko dito ah!) Kaladkarin din ang beki na ito kasi kapag may biglaan kaming overnight e go large siya.  Super naappreciate ko siya, well kasama na yung mga newbie staff, nung kasagsagan ng paggawa namin ng thesis ni Florence. A for effort silang lahat.

Super haba na ng background info for VB. Huwag kayong mag-aalala, alive and kicking pa naman siya. Huwag nyo na lang usisain kung bakit BF/GF ang tawagan namin. Mas hahaba pa ang post ko na ito.

Back to the topic, yung heart-to-heart chikahan namin, hiningan niya ako ng advice regarding sa mga plans niya sa buhay. Sa sobrang active niya kasi na parang kiti-kiti, nawi-windang na siya sa kung ano ang mga gagawin niya sa mga buhay niya.

Ang first concern niya is yung sa studies niya. She's thinking and considers to take up the PR major over the General Masscomm. I told her the same thing na sinabi ko kina Tyne, Lyka and Jeff nung ganun din ang scenario dati. Sabi ko choose General Masscomm para mas lumawak ang knowledge niya sa Mass Media. And beside, kasama pa rin naman sa General Masscomm ang PR subjects.

Second and super tagal na pag-uusap namin, she want to quit to AP.

I know and understand that she's young and foolish wanted to do other things aside AP. There are certain things na gusto niyang gawin pero hindi pwede kasi member siya ng student publication. Hindi siya nag-iisa

Ako man din ay nag-isip na mag quit sa AP. And I bet even the past members of AP thought of that too. Sino ba naman ang ayaw makauwi ng maaga, makipagbonding sa mga classmates, makapanood ng movies, makapunta kung saan-saan at makasali sa iba't ibang organizations. Super kinakain ng AP pati ang personal time ko. Masyadong possessive at kapag hindi maingat, hindi mo alam kung makakagraduate ka. 

Pero naisip ko, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makasali sa ganitong organisasyon. Ang pag interview sa mga bigating personalidad, pagkakaroon ng VIP treatment sa mga activities, ang pag overnight ng biglaan sa school, pagtakbo sa Intramuros ng madaling araw para humabol sa imprenta, makakita ng pag gawa ng plates, makta ang actual na paggawa ng dyaryo, pagligo sa gym kahit di ka naman nag PE at sa pag buena-mano sa UTMT para sa almusal.

Tinanong ko siya kung ano ang kanyang gustong gawin talaga. Napansin ko kasing ang dami pa niyang gustong gawin, to think na 18 years old pa lang siya. I know she is talented but if hindi niya nagamit ito sa tamang paraan, balewala lang din ito.

I asked her to think of her short-term plans. Noong kasing eded lang niya ako, AP at studies lang ang naging focus ko, wala nang iba. I always think na there's always a perfect time for anything. While waiting for our graduation day, I started looking for work. After one week of rest, I started in my first job. When I got my first paycheck, binili ko ang ang mga gusto kong bilhin noong nag aaral pa ako. Sinabi ko sa sarili ko, ito na ang perfect time. I have now all the time para magawa ang mga gusto kong gawin. Though hindi gaanong kalaki ang pera ko, at least I have enough. Sa unang taon, I did the things na hindi ko magawa noon. Wala ng restrictions.  Lahat ng gusto mong gawin, gawin mo na sa 1 year period na yun. Kahit sabihan ka na parang walang direksyon ang buhay mo, wag ka ng mag effort magpaliwanag kung bakit mo ginagawa yun. Hindi ka rin naman nila maiintindihan. Just do what you want to do, basta legal at nasa tama, go large lang yan.

Of course hindi naman pwedeng hindi isipin ang future. Then here comes the long-term plans. Two months bago matapos ang aking pasarap-buhay period, I thought of the things I want to accomplish before I turn 25 or 26. I will plan the next 5 years sa aking buhay. The most crucial part ng pa iisip ng long-term plans is the planning. Ano ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Naalala ko ang sinabi ng nanay ko, "hindi naman kailangang maging mayaman kayo, basta nabubuhay niyo sarili niyo, okay na yun."

The first thing na naisip kong pwedeng isama sa long-term plans ko is to go back to school.  Pero I'm not ready for masteral yet. Ni wala nga ako sa media e. Nag-isip uli ako ng paraan para makabalik sa school.

Kung hindi ako natanggap sa CMC, baka isa akong guro ngayon. I took the entrance exam in PNU for Professional Education and passed it. And now I plan to enrol this coming school year.  Ipon muna ako ng pangtuition. I target to finish this for 2 years. I don’t have to pressure myself to finish it immediately kasi ako naman na ang magpapaaral sa sarili ko.

May plan na ako for first 2 years, what will happen sa next 3 years.  Here, I still have different options:

  1. Take the LET and pass it. After that, I will pursue my new career in teaching profession. Actually, I want to teach in my former high school. More of sentimental stuff.
  2. Take the LET and pass it. Take masteral in  Journalism or Creative Writing. Pursue a career on the media profession. After 20 years, change my career path to teaching.
  3. Take LET, pass it, then marry.
  4. Take LET, won't pass it, then marry.

Pero syempre chos lang yung option 3 and 4.

I know, along the way, may mangyayaring hindi kasama sa mga long-term plans ko. But, keri lang yun kasi flexible naman ako. As long as gusto ko naman ang gagawin ko, go large lang.

I told VB to know herself more. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya. She don’t have to do my advise. Hindi naman ako siya. Ang punto lang naman ng litanya ko sa kanya is to prioritized. Given na marami siyang gawin, wala naman akong say dun kasi siya naman ang mapapagod. But she have to consider the people na maapektuhan ng kanyang mga decisions.

We met again last week. Hindi niya sinunod ang payo ko. She will pursue PR major and will quit in AP. Yes,  I'm disappointed, pero ano naman ang magagawa ko? Its her life. Basta Im always here for her na handang sabunutan siya pag naligaw siya ng landas.


PS:
'She' na ang ginamit kong pronoun sa kanya kahit everytime e natatawa ako kapag nakikita ko sa notifications sa FB na nababasa ko yung 'her'.





Monday, April 2, 2012

Heartbreak

Super quicky post.


I'm not in a relationship pero two times akong nabigo in just wo months. Yes, super na heartbroken ako last month and maybe ito ang isa sa mga dahilan kung bakit wala akong drive magsulat lately. Ngayon ko lang napansin na hindi pala ako nakapag update ng site ko last month.


I'm a sucker for love stories. Wala akong ibang gustong genre but love stories. Well except comedy, pero gusto ko pa rin ang may love element. And actually may mga real life couples akong ini-stalk (really) dahil super inspired ako sa love stories nila. Hindi ko na sila i-me-mention kasi baka mabuko nila ako ang dami nila, pero mostly mga celebrities naman sila. 


Pero grabe, ang dalawa sa aking most admired relationship, wala na. Grabe super affected ako and noong nalaman ko yun, ang nasabi ko na lang, "Wha!" At ang mga walang hiya kong mga kaibigan, pinagtatawanan lang ako. Parang ako kasi ang nakipagbreak. Wha!


So ang aking post for this April, 12:51, ay super emo. Pagbigyan niyo na lang ako. 










Wednesday, February 1, 2012

February Jitters


Napansin ko lang na kakaiba ang "lamig" ng hangin lately. At mas lalong kapansin-pansin ang lamig na ito ngayong araw na ito. Siguro, itong lamig ng panahon na nararamdaman ko ay dahil sa nakiki-klima tayo sa ating mga karatig-bansa. Kungbaga, nakikilamig lang tayo. Okay na din yun, at least hindi mainit.

Pero kanina sa aking paggising, I noticed na ang lamig na ito ay hindi lang dahil sa klima. Hindi naman dahil sa air-con kasi nakapatay naman ang air-con namin. So deadma na lang ako.

Simula pa lang noong Grade 1 ako, ritual na nakabukas ang TV sa paggising ko. At usually, Umagang Balita na ang segment sa UKG. Kasalukuyang binalbalita doon ang presyo ng mga bulaklak. WTH!  Napatanong ako sa isip ko, "Ano na bang petsa ngayon?" Wah February na pala. Super bilis ni January, lumipas na kaagad. So this explains the weird "coldness" I am feeling right now. K.

Kasi naman, Feb 1 pa lang, presyo ng bulaklak na ang pinag-uusapan. At syempre, umeksena na naman ang aking evil alte-ego: "Pwede bang dahil may Panagbenga Festival sa Baguio kaya yan ang balita? Asumeera!"  Nagsorry naman ako kaagad sa aking alter-ego (BTW, wala pa pala siyang name, pag-isipan ko nga to). 

Sigura nga ganito lang talaga ang mga single, medyo sensitive kapag February. I know naman na darating din ang araw na I'll meet that someone whom will be with me for the rest of our lives, not just every February. #bitter.

Akala ko, ako lang ang nakakaramdam ng ganitong "February Jitters". Sa Twitter pa lang, nakahanap na ako ng karamay:


  
Baka naman akalin niyo na hate na hate ko ang month na ito. Of course not! Wala naman akong favoritism sa mga month….well meron pala, for me kasi my super lucky month is November, my birth month. So to prove na I like february, here are the things I love forward this february:

  1. Ang daming birthday celebrators this month, umpisan na lang natin sa Tita ko and sa kanyang unica hija; ang aking super BFF na si Kien; si Grace; Kris Auino; Heart Evangelista; John Prats at kung sino-sino pa.
  2. It's National Arts Month! - ito ang moment ng mga maarte, lol. But kidding aside, ma-art din naman ako, di lang halata. Or ibang art ang talagang obvious, art-e.
  3. Showing ng UnOfficially Yours starring my BF John Lloyd Cruz and me in my past life, Angel Locisin (I really hope na may Phil ako ngayon diba?). Sa Feb 15 to.
  4. Showing the The Vow. Wala lang, na in-love ako sa trailer.
  5. Leap Year ngayon, medyo badtrip nga kasi sumabit pa si 29, pero okay na rin, medyo mapapaaga ang sweldo. =P
  6. Group date with my friends. At least hindi lang ako ang single.


By the way, don’t pity me too much, may date naman ako sa February 14, with

My Bebeng Nigel.







Wednesday, January 11, 2012

Random #supershortpostforthesakeofhavinganewentrythis2012

Nagulat ako ngayon-ngayon lang ng biglang may nag text sa akin na he got my resume in JobStreet and he is inviting me in an exam/interview tomorrow at Salcedo Village, Makati. Okay, ilang tambling lang sa office namin, medyo hindi ako maliligaw. Kaso I have to be in office attire (And in my mind I say, "Duh? Naka T-Shirt and Pants nga lang ako pag pumapasok sa office,wala na akong mga pang formal outfit") 



Pero bago ko problemahin ang akoing outfit, inalala ko kung kelan ako nag-apply sa company nila? At in what position? So binasa ko uli ang text message and tumaas ang aking kilay sa  nabasa ko: for HR Post. What? Does he read my resume? Mass Comm graduate po ako, hindi HR Management (May course na ganito sa PLM).  So I immidiately check my email to check if may na-apply-an ako na John Clements. Wala naman. I search the company for profile, kasi if I apply or send resume to companies, I make sure na I read their profile or anything about them para hindi ako magmukhang tanga if ever they invite me for exam or interview. Nawindang lang ako kasi hindi ko magets ang kanilang profile. Hindi ko malaman kung recruitment firm sila, or out-sourcing. Iat the back of my mind, sabi ko heto na naman, may mga nangti-trip na tao na walang magawa. Malas lang nila, wais ako at hindi madaling mauto. Hindi niyo na maitatanong, hindi lang ito first time na nangyari sa akin... 


Dear Ate Charo,
Itago niyo na lang po ako sa alias na Employed Gurl. Newly graduate (last April 2011 lang po ako grumadweyt). So ayun nga po, swerte naman pong natanggap po ako kaagad bago pa man ako mag-martsa. Hindi pa man po ako nakakapag-sang buwan sa aking trabaho, saka naman po nagsulputan ang mga kompanyang nauna ko pong pinadalhan ng resume. Kung baga po sa chat options ng yahoo messenger, In-ignore all ko na lang po sila kasi po hindi naman dalawa ang katawan ko na tulad ni Amapola. So ayun nga po uli lumipas ang anim na buwan na may nagsusulputan pa rin na tumatag o mga nagtetext, pero deadma na lang po and I moved on. 


Kaso po, one day, isang araw, may tumawag po sa akin. Akala ko po mga taong pinagkaka-utangan ko na po, buti na lang po ng sinagot ko yung tawag, hindi naman pala. Nagpakilala po siya pero hindi ko na po maalala ang kanyang pangalan kasi nga po hindi naman po katanda-tanda ang name niya. May inaalok po siya. Sabi ko, "hay naku po,, hindi po ako interesado sa hulugan, nababaon na nga po ako sa utang e." Sabi niya, "Hindi naman hulugan ang inaalok ko e, trabaho." Nanlaki po ang aking mata (I know hindi niyo maimagine kung paano nanlaki dahil todo na ang pagdilat ng mata ko, tingnan niyo pa sa picture ko), kasi Trabaho = Money. 


Hindi ko naman kaagad pinahalata na interesado ako sa kanyang sinabi. Tinanong ko muna kung paano niya nakuha ang aking number. Sabi niya sa PLM daw. After nun nagsalita na siya ng kung anu-ano na hindi ko naman naintindihan. Hanggang sa tinanong niya kung working na ako. Oo sabi ko, Saan? Sa makati. Anong posisition? Technical Writer. Ganito, gagawan ko na lang ng paraan, magkiita tayo. Are you available on Saturday, 3 pm, sa office ko sa ortigas. Hindi ako pwede e (Naalala ko kasi na may ganap ako sa darating na sabado.) So ganito na lang, bukas na lang (Tuesday noong tumawag siya).  Sige (wala akong nagawa). What time are you available? After office hours. Ok so meet me at 6:30 pm at Valero. Okay.


Bago pa po matapos ang aming pag-uusap, tinanong ko siya kung anong position ang kanyang iniaalok. Dito na siya hindi nakasagot ka agad. It took him 10 seconds before maka-sagot at mag buckle pa ang loko. Dito na ako naghinala, pero siyempre hindi ko pa rin pinahalata. Sabi niya, dahil nga daw Mass Comm grad ako, hanapan pa daw niya ako ng pwedeng paglagyan at  depende na rin sa aming mapag uusapan kinabikasan. 
Sa isip ko, nagdesisyon na ako na hindi na lang ako puipunta, ng biglang nagsabi siya nito: "I hope you'll be professional and pupunta ka since taga PLM ka." Nyeta, nangblackmail pa ang gago. Sabi ko na lang, "ok."


Nagpadal siya ng text message na may directions kung paano pumunta sa office na sinabi niya. Sabi niya, he'll text me na lang gain for the room number on the day of our meeting kasi hindi pa siya sure sa room number. Huh? Office niya pero hindi niya alam ang room number? So deadma na lang uli. 


Saktong ngatext ng same time si Florence asking if anyone knows that company. Nagtaka ako. So something is really fishy. Nagreply ako: Tumawag sa akin kanina, may appointment kami bukas, bakit mo natanong? 
Flo: Heto kasi yung sinasabi ni Ate Lai na scammer.
Me: Sabi ko na nga ba e. Kaya hindi siya nakasagot kung anong position ang available sa company nila. When and where ka niya pinapapunta?
Flo: Sat. sa ortigas. Check mo nga yung site nila.
Me: Wala akong magets sa site nila. Walang laman. Ang vague pa ng mga nakalagay. 
Flo: heto nga yung sinasabi ni Ate Lai, May iaalok lang na kung anu-ano or something. 
Me: Ah. Puntahan ko pa rin bukas. Malapit lang naman sa office e.
Flo: Sige. Balitaan mo na lang ako.
Me: Sige. 


Sumapit po ang Wednesday, Ate Charo.  Tinatamad po akong pumunta kasi may ganap din sa bahay ng araw na iyon. At para suportahan ang aking gut feeling na huwag ng pumunta, nagseacrch ako sa internet about sa kanila. Hanggang sa may nakita akong site na nagsasabi na hoax ang company na yun and nag aalok lang sila ng kung anu-ano. At 4 hours daw ang duration ng meeting na iyon. Ay sus, magsasayang lang pala ako ng time, talagang ayoko na nga. 


Nagtext uli ang guy na iyon confirming my attendance sa appointment. I replied: Im sorry hindi po ako pwede kasi mag over-time po ako sa office. Marami pong pinapagawa. He replied, Ok. Good Luck. (which for me, he expected na talaga na hindi ako susupot.) I asked him kung paano niya nakukuha ang detail ng mga graduates sa school. And he replied: I think it's not your business since  it's between us and your school. Nyeta! Gusto kong replayan: I think it is my business since its our personal information they were giving! Umaatitude ang gago porket nabawasan ng maloloko. Pwes, for your information, uso na po ang internet. Madali ng mabisto ang mga manloloko. 


Pasensiya na kung hindi ko malagay ang name, number at company daw ng damuhong iyon kasi binaon ko na sa limot ang lahat. Naalala ko na lang uli ng may nagtext na naman sa akin ngayon. 


At para naman may silbi ang post ko na ito, here are the tips para hindi magoyo ng mga kung sino-sino:


1. Make a list ng mga pinasahan ng mga resume. Mas madali ang monitoring kung through email kasi nakasave sa sent items ang mga company na pinasahan mo. 
2. Think not only twice, thrice but 100 times before believing a text message from someone from nooneknowstheresuchthing company. 
3. Teh, uso na ang internet, kahit saan pwede kang maki internet, matutong mga search ng profile ng company bago maniwala.
4. Wag masilaw sa malaking offer, kung gusto mong malaki ang datung, mag call center ka, at least sure ka na ligitimate.
5. Huwag maniwala sa pasimpleng blackmail tulad ng ginawa sa akin (though hindi naman totally blackmail un). Ayon sa aking konting natatandaan sa logic, logical fallacy ang paglalahat  sa mga ginawa ng tao. You should know better since nagkapag-aral ka. 
6. Itext broadcast ang mga tao kung knows nila ang company na yun. Naka-unli ka namn teh e. 


I know mahirap maghanap ng trabaho ngayon at dahil dito naglipana ang mga mapagsamantalang mga nilalang na RANDOM lang kung mag send ng invites for interview (ayun o, naisingit ang title). We should be careful sa mga ididisclose na mga information. Buti na lang may pagkasuplada ako. 


PS:
Sorry naman sa super short post ko noh? Hindi ko pala keri magpaikli ng mga sinasabi kaya dapat...


#superhabapostforthesakeofhavinganentrythis2012