Napansin ko lang na kakaiba ang "lamig" ng hangin lately. At mas lalong kapansin-pansin ang lamig na ito ngayong araw na ito. Siguro, itong lamig ng panahon na nararamdaman ko ay dahil sa nakiki-klima tayo sa ating mga karatig-bansa. Kungbaga, nakikilamig lang tayo. Okay na din yun, at least hindi mainit.
Pero kanina sa aking paggising, I noticed na ang lamig na ito ay hindi lang dahil sa klima. Hindi naman dahil sa air-con kasi nakapatay naman ang air-con namin. So deadma na lang ako.
Simula pa lang noong Grade 1 ako, ritual na nakabukas ang TV sa paggising ko. At usually, Umagang Balita na ang segment sa UKG. Kasalukuyang binalbalita doon ang presyo ng mga bulaklak. WTH! Napatanong ako sa isip ko, "Ano na bang petsa ngayon?" Wah February na pala. Super bilis ni January, lumipas na kaagad. So this explains the weird "coldness" I am feeling right now. K.
Kasi naman, Feb 1 pa lang, presyo ng bulaklak na ang pinag-uusapan. At syempre, umeksena na naman ang aking evil alte-ego: "Pwede bang dahil may Panagbenga Festival sa Baguio kaya yan ang balita? Asumeera!" Nagsorry naman ako kaagad sa aking alter-ego (BTW, wala pa pala siyang name, pag-isipan ko nga to).
Sigura nga ganito lang talaga ang mga single, medyo sensitive kapag February. I know naman na darating din ang araw na I'll meet that someone whom will be with me for the rest of our lives, not just every February. #bitter.
Akala ko, ako lang ang nakakaramdam ng ganitong "February Jitters". Sa Twitter pa lang, nakahanap na ako ng karamay:
Baka naman akalin niyo na hate na hate ko ang month na ito. Of course not! Wala naman akong favoritism sa mga month….well meron pala, for me kasi my super lucky month is November, my birth month. So to prove na I like february, here are the things I love forward this february:
- Ang daming birthday celebrators this month, umpisan na lang natin sa Tita ko and sa kanyang unica hija; ang aking super BFF na si Kien; si Grace; Kris Auino; Heart Evangelista; John Prats at kung sino-sino pa.
- It's National Arts Month! - ito ang moment ng mga maarte, lol. But kidding aside, ma-art din naman ako, di lang halata. Or ibang art ang talagang obvious, art-e.
- Showing ng UnOfficially Yours starring my BF John Lloyd Cruz and me in my past life, Angel Locisin (I really hope na may Phil ako ngayon diba?). Sa Feb 15 to.
- Showing the The Vow. Wala lang, na in-love ako sa trailer.
- Leap Year ngayon, medyo badtrip nga kasi sumabit pa si 29, pero okay na rin, medyo mapapaaga ang sweldo. =P
- Group date with my friends. At least hindi lang ako ang single.
By the way, don’t pity me too much, may date naman ako sa February 14, with
My Bebeng Nigel.
No comments:
Post a Comment