Monday, January 30, 2012

Review-Reviewhan: My Cactus Heart


I always believe na ang love is not as complicated as what we see on movies, read on books or as we hear on FM radios every night. Its just us who makes it complicated kaya feeling natin complicated nga talaga ito.  Hindi ba pwedeng ikaw lang talaga ang nag-iinarte kaya nagkakaroon ng complications?


The movie poster

My favorite movie producer (as what Kuya Macky say),  Star Cinema's latest movie  My Cactus Heart shows the other side of love. This movie is a proof sa cliché na pang-basag o break-up line na "It's not you, it's me", at dahil iyon sa pag iinarte ng lead character sa movie.

The MCH is about Sandy (Maja Salvador) who is tagged as Miss Cactus Heart dahil sa hindi na mabilang na kanyang binasted at hindi paniniwala sa happy ending. At dahil nanganganip na hindi nila makuha ang kanilang project, inintriga ng boss ni Sandy kung bakit ba hindi siya naniniwala sa happy ending. And here goes the signature Star Cinema format: the flashback.

It's a typical reason for the people na nahihirapan magmahal dahil na-trauma sila sa nangyari sa parents nila. And like them, yan ang reason ni Sandy. Naging duwag siya na magmahal kasi ayaw niyang maiwan din tulad ng kanyang ina na si Margarette (Rossana Roces).

However, nanggulo na naman si Destiny at gumawa ng paraan para magkalapit sina Sandy at Carlo (Matteo Guidicelli) *insert the tilian here* At siyempre hindi lang naman si Sandy ang may pinagdadaanan. May emo moments din si Matteo, but he always sees the rainbow after the rain. Medyo awkward nga ang set-up nila ni Sandy kasi isa lamang siyang hamak na waiter cum singer while si Sandy ay may kaya at may stable na work.

Top-billed by the real life sweethearts, kitang-kita ang chemistry sa 2 lead characters na sina Maja and Matteo. Unlike sa trailer, hindi masyadong "maingay" ang character ni Maja dito. She portrayed the character well and very realistic. However, on Matteo medyo hindi diya halatang mahirap dahil maputi siya, though najustify naman kasi si Ramon Christopher naman ang kanyang ama sa movie. The only thing na dapat i-enhance ni Matteo is yung pagsasalita niya ng tagalog. Hindi kapani-paniwala na mahirap lang siya then may slang ang pagtatagalog niya. Dapat magpaturo siya kay Sam Milby.

I also love the character of my super idol, Osang, na ang cool maging nanay. Sayang nga lang kasi di masyadong memorable ang kanyang character unlike sa character ni Joey de Leon sa Wont Last a Day, kung saan father siya ni Sarah… in short, nakulangan ako sa exposure ni Osang sa movie.

Siyempre hindi lang naman si Matteo ang tinilian sa movie, kasi nandyan din si Xian Lim, as Benedict, the Boss of Maja. Infairness, hindi naman kawawa ang character dito ni Xian, unlike kay Matteo sa first movie nina Sarah and Gerald na nakalimutan na siya. Yun kais yung napapansin kong sakit ng isang Star Cinema movie, laging may nakakalimutang characters na parang napadaan lang. Hindi tinatapos. Laging may question ang mga audience (ako yun) na anong nangyari sa third-party? O bakit di man lang nagkaroon ng reconciliation ang  mag-ama, mag-ina, mag-kapatid, magkapit-bahay at kung sino-sino pang isinamang extra sa movie.

Thumbs-up din sa mga supporting cast sa movie like Sandy's brother and best friend.  Pati na rin pala yung tita ni Matteo na si Joy Viado. Nakakaloka lang siya, super cool na Tita. Nakadagdag sila sa funny moments ng movie.

Honestly, I like the story because it is more realistic than the Sarah-Gerald movie showed last month. Unlike sa claim na nakakarelate ang mga movie-goers sa Wont Last A Day because of mala Love Notes, Wild Confessions or Talk to Papa- format na peg, I think My Cactus Heart is the one who can relate to ordinary people. Sa movie kasi na ito, walang epal na other woman, walang OA na third party na ipaglalaban ang mali, walang wicked kontrabida na wala ng ginawa kundi ang maghiganti, walang kataas-taas na kilay na mga eksena. In short, posible itong mangyari sa totoong buhay.

Maybe, additional factor na rin na I'm with my jologs friends na mahilig din sa romantic movies and everytime may sweet moments sina Maja and Matteo, e super kinikilig at feeling ko alam na alam iyon ng buong sinehan sa ingay ba naman namin. Hahaha.


Here are some of my epiphanies after watching this movie:

1. Lahat tayo may issues, and it depends on how we handle those issues, kung tulad ni Sandy na dinibdib ang lahat at hindi maka-move on, or kung mala-Carlo lang ang peg, always positive in life. For him kasi, nangyari na kasi yun e, at least you learned from that experience and dapat hindi na uli mangyari ang mga ganap na iyon.

2. To support my claims sa simula ng post na ito, we sometimes overthink, to the point na hindi pa nga nangyayari, assumera na tayo na alam na natin ang kakahinatnan nito. Like the character of Sandy na she assumes na hindi mag wo-work ang long distance relationship, e hindi pa naman sila ni Carlo. Pwede bang maging kayo muna bago mamroblema?


Clap-clap din pala sa gumawa ng trailer nito. Infainress hindi spoiler ang triler nila.

I know lalaitin na naman ako ni Kuya Macky pag nabasa niya itong post na ito.  But what the heck? This movie is worth watching for.


No comments: