Saturday, January 28, 2012

Playlist: Pinoy Rock Part 2- Kamikazee


I love rock music, Hindi pa ba obvious na super love ko ang PNE and Simple Plan? Pero syempre hindi lang naman sila ang mga love ko. So this post is dedicated sa pinaka "crazy" na OPM band, ang Kamikazee.

Ganyan sila kakulet!

The band is composed of Jay Contreras as the lead vocals; Jomal Linao, as Lead and Rhythm guitarist and Backing vocals;  Led Tuyay, as lead and Rhythm guitarist;  Puto Astete, Bass guitar and Bords Burdeos in Drums.  High school pa lang ako when I started to love them. Mahilig talaga ako sa mga loud songs. At kung loud music lang ang pag-uusapan, ang best band to defined loud music is Kamikazee.

First time kong napanood ang Kamikazee na kumanta ng live sa concert ng Simple Plan, kung saan sila ang opening act ng concert. At siyempre hindi sila ang Kamikazee kung hindi sila kasing lilikot ng mga kiti-kiti lalo na si Jay na ilang beses nagpupumilit na maghead stand.

Kung ang akala niyo ay puro kalokohan lang ang alam ng band na ito, pwes nagkakamali kayo. One thing na nakakatuwa sa kanila is kapag love song ang kanta nila, lyrics pa lang mararamdaman mo talaga ang seriousness sa song nila.

Favorte lines from my fave Kamikazee Songs:

Narda: Pinaka una kong napakingggan na matinong song ng Kamikazee.. Sumikat ang song na ito noong inagawa ang Darna, the version of Angel Locsin.  Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idadaan

Director's Cut: This is my super fave song of Kamikazee. Super ouch lang… At kung hindi na babalik. Sana sa pag gising ay wala na ang nadaramang sakit. At kung hindi na babalik. Ipilit sa sarili na hindi ako nagkamali...

Martyr Nyebera: This is a song for the battered husbands. Pero mahal kita, walang nang hahanapin pang iba. Handa aking mag tiis kahit na away-away na to.

Chiksilog: Once upon a time, nauso ang pakikipagtextmate. And this is song is for those na nalinlang ng kanilang mga naka-eyeball.  Kaya pala ang husay mo sa espada, si Maldita ay lalake pala

Ambisyoso: Everyone of us have a dream. And in this song, Kamikzee enumerates their fantasies.  Di tulad sa tindahan, walang utang, walang listahan. Managinip at mangarap, wala kang babayaran.


And from their crazy songs, Kamikazee shifted from being rockers to a love song rockers in their new album which is full of love rock songs- Romantico.


Ang bonggang album cover nila. Super serious kunwari. 


Super love ko ang album na ito. Love songs na rock pa rin ang dating. Maginoo pero may medyo pagkabastos or pagka-astig. For me heto na ang pinaka seryosong album so far ng Kamikazee.

Halik - This song is about a person na iniwan.  He then realizes na he/she cant live without her/him, pero huli na ang lahat…  Ngayon ko lang natutuhan, masubukang mamuhay na parang bang may kulang. 'Pag nawala doon lang ma-mi-miss. Paalam sa halik mong matamis

Kislap-  the new alternative song ng mga nagbabalak manligaw. Super sweet song, Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, Kahit ano ang dumating, pag-ibig ang sasagip sa atin.

Paano- This song is for the torpe out there, shy to court someone because he is afraid he might ruin their friendship.  O kay hirap aminin, baka kaagad mag-iba, ayaw ko lang na ikaw ay mawala.

Sana- The sweetest song in the album. For sure this song is dedicated to the wife of Jay. Ibahin mo ang mga awaitin  na ito, dahil ang aking mga na isulat ay para lang sayo.

Sobrang Lungkot- Pinakamadamdaming track ng album. Super haba ng lyrics, ang hirap kabisaduhin…  Sobrang lungkot gusto ng mamatay…

TNT- This song is for the guys na super presko, lol. Sa tingin ko ito yung theme song nila. Kanina ko pa napapansin, buong gabi ka sa akin natingin. Malakas ba ang aking dating, parang alak nakakalasing.

Tagpuan- For me, this song is for the couples who have elicit love affair. Parang Same Time, Next Year lang ang peg.  Parang batang kinikilig, hindi mapakali at nasasabik na mahawakan kang muli...

Teka Teka- Kung may song sila para sa mga lalaking presko, ito naman ay para sa mga girls na mga assumera. Teka, teka ako ay may sasabihin, mga halik sa akin huwag masyadong seryosohin. Saling pusa lang ang mga puso. Relaks ka lang baby, naglalaro lang tayo.



For sure, like me, you'll love this album. Sayang nga lang, hindi kami nagkaroon ngchance makipag agawan ni Grace nung nagpamigay sila sa Simple Plan Concert. 


No comments: