Pero bago ko problemahin ang akoing outfit, inalala ko kung kelan ako nag-apply sa company nila? At in what position? So binasa ko uli ang text message and tumaas ang aking kilay sa nabasa ko: for HR Post. What? Does he read my resume? Mass Comm graduate po ako, hindi HR Management (May course na ganito sa PLM). So I immidiately check my email to check if may na-apply-an ako na John Clements. Wala naman. I search the company for profile, kasi if I apply or send resume to companies, I make sure na I read their profile or anything about them para hindi ako magmukhang tanga if ever they invite me for exam or interview. Nawindang lang ako kasi hindi ko magets ang kanilang profile. Hindi ko malaman kung recruitment firm sila, or out-sourcing. Iat the back of my mind, sabi ko heto na naman, may mga nangti-trip na tao na walang magawa. Malas lang nila, wais ako at hindi madaling mauto. Hindi niyo na maitatanong, hindi lang ito first time na nangyari sa akin...
Dear Ate Charo,
Itago niyo na lang po ako sa alias na Employed Gurl. Newly graduate (last April 2011 lang po ako grumadweyt). So ayun nga po, swerte naman pong natanggap po ako kaagad bago pa man ako mag-martsa. Hindi pa man po ako nakakapag-sang buwan sa aking trabaho, saka naman po nagsulputan ang mga kompanyang nauna ko pong pinadalhan ng resume. Kung baga po sa chat options ng yahoo messenger, In-ignore all ko na lang po sila kasi po hindi naman dalawa ang katawan ko na tulad ni Amapola. So ayun nga po uli lumipas ang anim na buwan na may nagsusulputan pa rin na tumatag o mga nagtetext, pero deadma na lang po and I moved on.
Kaso po, one day, isang araw, may tumawag po sa akin. Akala ko po mga taong pinagkaka-utangan ko na po, buti na lang po ng sinagot ko yung tawag, hindi naman pala. Nagpakilala po siya pero hindi ko na po maalala ang kanyang pangalan kasi nga po hindi naman po katanda-tanda ang name niya. May inaalok po siya. Sabi ko, "hay naku po,, hindi po ako interesado sa hulugan, nababaon na nga po ako sa utang e." Sabi niya, "Hindi naman hulugan ang inaalok ko e, trabaho." Nanlaki po ang aking mata (I know hindi niyo maimagine kung paano nanlaki dahil todo na ang pagdilat ng mata ko, tingnan niyo pa sa picture ko), kasi Trabaho = Money.
Hindi ko naman kaagad pinahalata na interesado ako sa kanyang sinabi. Tinanong ko muna kung paano niya nakuha ang aking number. Sabi niya sa PLM daw. After nun nagsalita na siya ng kung anu-ano na hindi ko naman naintindihan. Hanggang sa tinanong niya kung working na ako. Oo sabi ko, Saan? Sa makati. Anong posisition? Technical Writer. Ganito, gagawan ko na lang ng paraan, magkiita tayo. Are you available on Saturday, 3 pm, sa office ko sa ortigas. Hindi ako pwede e (Naalala ko kasi na may ganap ako sa darating na sabado.) So ganito na lang, bukas na lang (Tuesday noong tumawag siya). Sige (wala akong nagawa). What time are you available? After office hours. Ok so meet me at 6:30 pm at Valero. Okay.
Bago pa po matapos ang aming pag-uusap, tinanong ko siya kung anong position ang kanyang iniaalok. Dito na siya hindi nakasagot ka agad. It took him 10 seconds before maka-sagot at mag buckle pa ang loko. Dito na ako naghinala, pero siyempre hindi ko pa rin pinahalata. Sabi niya, dahil nga daw Mass Comm grad ako, hanapan pa daw niya ako ng pwedeng paglagyan at depende na rin sa aming mapag uusapan kinabikasan.
Sa isip ko, nagdesisyon na ako na hindi na lang ako puipunta, ng biglang nagsabi siya nito: "I hope you'll be professional and pupunta ka since taga PLM ka." Nyeta, nangblackmail pa ang gago. Sabi ko na lang, "ok."
Nagpadal siya ng text message na may directions kung paano pumunta sa office na sinabi niya. Sabi niya, he'll text me na lang gain for the room number on the day of our meeting kasi hindi pa siya sure sa room number. Huh? Office niya pero hindi niya alam ang room number? So deadma na lang uli.
Saktong ngatext ng same time si Florence asking if anyone knows that company. Nagtaka ako. So something is really fishy. Nagreply ako: Tumawag sa akin kanina, may appointment kami bukas, bakit mo natanong?
Flo: Heto kasi yung sinasabi ni Ate Lai na scammer.
Me: Sabi ko na nga ba e. Kaya hindi siya nakasagot kung anong position ang available sa company nila. When and where ka niya pinapapunta?
Flo: Sat. sa ortigas. Check mo nga yung site nila.
Me: Wala akong magets sa site nila. Walang laman. Ang vague pa ng mga nakalagay.
Flo: heto nga yung sinasabi ni Ate Lai, May iaalok lang na kung anu-ano or something.
Me: Ah. Puntahan ko pa rin bukas. Malapit lang naman sa office e.
Flo: Sige. Balitaan mo na lang ako.
Me: Sige.
Sumapit po ang Wednesday, Ate Charo. Tinatamad po akong pumunta kasi may ganap din sa bahay ng araw na iyon. At para suportahan ang aking gut feeling na huwag ng pumunta, nagseacrch ako sa internet about sa kanila. Hanggang sa may nakita akong site na nagsasabi na hoax ang company na yun and nag aalok lang sila ng kung anu-ano. At 4 hours daw ang duration ng meeting na iyon. Ay sus, magsasayang lang pala ako ng time, talagang ayoko na nga.
Nagtext uli ang guy na iyon confirming my attendance sa appointment. I replied: Im sorry hindi po ako pwede kasi mag over-time po ako sa office. Marami pong pinapagawa. He replied, Ok. Good Luck. (which for me, he expected na talaga na hindi ako susupot.) I asked him kung paano niya nakukuha ang detail ng mga graduates sa school. And he replied: I think it's not your business since it's between us and your school. Nyeta! Gusto kong replayan: I think it is my business since its our personal information they were giving! Umaatitude ang gago porket nabawasan ng maloloko. Pwes, for your information, uso na po ang internet. Madali ng mabisto ang mga manloloko.
Pasensiya na kung hindi ko malagay ang name, number at company daw ng damuhong iyon kasi binaon ko na sa limot ang lahat. Naalala ko na lang uli ng may nagtext na naman sa akin ngayon.
At para naman may silbi ang post ko na ito, here are the tips para hindi magoyo ng mga kung sino-sino:
1. Make a list ng mga pinasahan ng mga resume. Mas madali ang monitoring kung through email kasi nakasave sa sent items ang mga company na pinasahan mo.
2. Think not only twice, thrice but 100 times before believing a text message from someone from nooneknowstheresuchthing company.
3. Teh, uso na ang internet, kahit saan pwede kang maki internet, matutong mga search ng profile ng company bago maniwala.
4. Wag masilaw sa malaking offer, kung gusto mong malaki ang datung, mag call center ka, at least sure ka na ligitimate.
5. Huwag maniwala sa pasimpleng blackmail tulad ng ginawa sa akin (though hindi naman totally blackmail un). Ayon sa aking konting natatandaan sa logic, logical fallacy ang paglalahat sa mga ginawa ng tao. You should know better since nagkapag-aral ka.
6. Itext broadcast ang mga tao kung knows nila ang company na yun. Naka-unli ka namn teh e.
I know mahirap maghanap ng trabaho ngayon at dahil dito naglipana ang mga mapagsamantalang mga nilalang na RANDOM lang kung mag send ng invites for interview (ayun o, naisingit ang title). We should be careful sa mga ididisclose na mga information. Buti na lang may pagkasuplada ako.
PS:
Sorry naman sa super short post ko noh? Hindi ko pala keri magpaikli ng mga sinasabi kaya dapat...
#superhabapostforthesakeofhavinganentrythis2012
No comments:
Post a Comment