Friday, December 30, 2011

Thankful

As of this writing one day na lang before New Year at honestly, super tinatamad akong gumawa ng new post ngayon. Obvious ba na 2 post lang ako this December. Paninindigan ko na lang ang aking pagiging self-confessed writer, yes, may writer's block ako. I don't know why, pero super daming happenings this month, pero heto kahit marami akong nakaimbak na mga drafts waiting to be posted, ayun, hanggang ngayon drafts pa rin sila. Or maybe it's because I'm still on "vacation-mode". Ako na ang binabayaran para magbakasyon... Oh, this is one of the things I like in my job... Christmas Vacation... Can't wait for the Holy Week break...

Enough of so much "non-sense" introduction, like Anne Curtis, I claim that 2011 is my lucky year. There are so much reasons why I feel lucky this year, to the point na maging nobela ang post na ito kung hindi ko iti-trim down to 10 ang aking list to be thankful and iiklian ang intro nito. So here are my 11 things why I am thankful this ’11:


1. Pagkapasa sa Thesis

Our thesis defense happen sometime in March.  Super late na, pero super gahol pa rin kami sa time ni Florence. Dalawa lang kasi kamisa thesis and yet, ang dami naming ininterview and super tambak an gaming itatramscribe na intrtviews. Buti sana kung simpleng 5 minutes interview lang, e umaabot ng 2- 3 hours ang interviews naming. Daig pa ang talkshow. Hindi naman namin masisi an gaming interviewee kung napasarap ang kanilang pag reminisce and pagkwento sa kanilang AP experience. Ang pinaka-epic pa dito is may pahabol na email from our respondent at 5 am, the same day na magpapasa na kami ng aming manuscript. 
Number 1 sa list ko ang pagkapasa naming sa aming thesis dahil kung hindi dahil dito, hindi niyo mababasa ang post na ito and worst is wala itong blog na ito. Bukod pa diyan, siguro kasalukuyan akong gumagawa ng thesis at siguro warla na kami ni Florence ngayon.

There are so many people na gusto kong pasalamatan, yung iba nasa acknowledgement ng thesis namin. I am so grateful sa AP Staff 2010-2011, namely: Benj, Vberni, Gia, Mina, Fleur, Mita, Jeff, Angelica, Krystine at Ecean,  sa kanilang participation sa thesis namin. Contrary sa akala ng iba na 2 lang kami ni Florence na gumawa ng thesis, sa totoo lang, 12 kaming gumawa ng thesis na iyon. Kasama namin sila sa pagtranscribe, pag analyse, pag interview, pag pupuyat, kulang na rin isama na rin sila sa defense.
Hindi lang naming thesis yun. Thesis yun ng AP Pub Staff 2010-2011.  Kami lang ang humarap sa panellist.

2. Graduation

Dahil napasa na namin an gaming thesis, sure na sure na an gaming graduation. Tapos na ang report, quiz, projects, shoot, practice at kung anu-ano pang anek-anek. Sa wakas, nakagraduate na ako.  I am looking forward to have my masters and hopefully my doctorate in the near future. 

3. AP Turn-over

I am thankful dahil success naman an gaming turn-over sa bagong AP Staff. And so far, alive and kicking pa naman sila.Ayun nga e 4 issues na narelease nila. Sila na. I’m so proud of them.

4. 1st Job

I am lucky kasi kahit hindi ko pa totally hawak ang diploma ko literally, may trabaho na ako. I already stated my reasons why I like my job sa post ko noong naka-6 months na ako. Basahin niyo na lang yun.


5.  Good Health

Ginawa ko ang list na ito early December. Yung mga time na malakas-lakas ang resistensya ko. Unfortunately as of this writing, may ubo at sipon ako. Ka-imbyerna. Nonetheless, this whole year, aside from ubo at sipon, infairness hindi ako nagkalagnat or nagkaroon ng serious disease.


6. Forever 21
This year marks my 21st birthday, which means I am no longer teen. Pero itong taon na ito nagsimula ang aking pagiging Forever 21. So next year 21 pa rin ako.


7.  New Friends

Miss Friendship ako. Sa school, hindi na mabibilang ang aking mga stop-over with matching "Hi-Hello wave" pa ako habang naglalakd sa corridor sa dami ng aking mga friends. And since I now living in the "real world" I gain more friends courtesy of my boss and officemates. 


8 Time

Siguro nagtataka kayo kung bakit kasama ang time sa aking list. This year is so kind to me to give me enough time to spent with my family and friends. Unlike noong nag-aaral pa ako, na maski sa aking sarili wala na akong time, ngayon naman super nag uumapaw na to the point na ako pa ang naghahanap ng gagawin ko to spent that extra time. I can now meet my friends regularly and have a plenty “me” time. Kaya sa mga readers ko na nag-aaral pa, sana stay focus sa studies, saka na ang kung anu-anong anek niyo jan dahil darating ang tamang panahon para magawa niyo rin ang mga gusto niyong gawin.


9 Natupad ang aking Wish List

Since time immemorial, lagi akong gumagawa ng resolution at lagi koi tong hindi nagagawa. Kaya before this year started, binago ko ang aking list, hindi ko na ginawang resolution kasi hindi ko naman nagagawa. Instead I make a wish list- things that I need to accomplished befor the year ends. And hindi pa man natatapos ang taon natupad ko lahat ng ito! I love it! 


10.   Our Baby Harren Nigel

Siyempre hindi mawawala sa aking list ang pagdating n gaming angel, ang aking bebeng na si Harren Nigel. Nephew ko si Bebeng. Dumating siya sa buhay naming noong January 10, and since then siya na ang aking nagging lucky charm. Syempre hindi lang naman sa aking pero maging sa aming lahat. Medyo na delay nga ang paglabas niya e kasi Decemeber 2010 palang inaabangan na naming siya, at ayon nga sa mga kasabihan, pag hinihintay, lalong hindi magpapakita/lalabas, kaya hayun January na siya dumating sa amin. Sa totoo lang, mayroon siyang 5 mommy: ang mommy niyang tunay na si Jassie, si ate Love at kaming 3 magkakapatid. Imagine na lang kung gaano kami na protective sa kanya. I consider him as my lucky charm kasi, sino ba naman ang hindi mararamdamang lucky kapag tumatawa siya. Super bait pa niya, pero lately, super likot na niya. Pag nasa mall kami, hindi pwedeng hindi kami hahanap ng things for Nigel (especially kapag kasama si Michelle) pero kahit hindi pa naming mabili yung iba (dahil medyo bongga ang price) pasasaan ba’t mabibili din namin yun.  Sana, kahit deadma lang sa kanya ang kanyang biological father (na tinatawag ko nga na sperm donor), maramdaman niya ang nag uumapaw naming love, hindi lang kaming mga mommy niya, pati na rin ang kanyang sangkaterbang lolos at lolas. Thoug minsan nag-aalala ako dahil namana niya siguro sa akin ang aking pagiging gala at pagtili. (bebeng, pag nababasa mo na ito, sana alam mo ng bad yun, ok? Love you, bebeng!)



No comments: