Wednesday, December 14, 2011

Review-Reviewhan: Lumayo Ka Nga Sa Akin by Bob Ong (2011)

Side Comment: December 10, 2011. NBS, Robinson's Place Ermita.


Accidentally ko lang nakita ang book na ito. Timing nga ito dahil kakatapos ko lang basahin ang Si Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee. Actually, kaya lang naman ako pumunta sa NBS bukod sa it ang shortcut palabas ng Robinson's Ermita, ang balak ko talagang bilihin ang Kapitan Sino ni Bob Ong para sa aking comparative review with Amapola. Ako na ang best in effort sa paggawa ng post. Sana po dumami na ang views sa blog ko at madagdagan po ang fans ko dahil sa effort ko po na ito. Hanggang sa mapansin ni Jomar ang pink na libro na parang cover ng Precious Hearts Romance. Ang mas kinagulat ko e si Bob Ong ang author. So next time ko na lang bibilhin si Kapitan Sino (which also means, next time na muna yung review ko kay Amapola). Kahit nasa Cashier na ako para magbayad, hindi pa rin ako makapaniwala na may new book si Bob Ong. Hindi kasi masyadong matunog ang new book ni Bob Ong unlike sa book launch ni Ricky Lee na bongga. After mabili at makauwi, mega text ako kaagad sa aking mga fellow Bob Ong fans and tinanong kung kelan pa narelease ang book. Ayon kay Vberni, kakarelease lang nito nung day na yun. Kaya pala 2 copy na lang ang nakadisplay. Ayaw ko pa rin maniwala sa kanya, so nagsearch ako sa net, at tama nga si Vberni, kakarelease lang. Hindi lang talaga ako informed. 










Telesineseryenobela?


Kung teleserye at sinenovela, alam ko yan. Pero ayon sa synopsis ng bagong labas na pink na libro na ito, na mala-teleserye at dramang pampelikula ang ganap, ito na daw iyon.


Pink na libro?


Kung pamilyar ka sa Precious Hearts Romance, mapagkakamalan mong ito ang pink na libro na ito. Hindi tipikal na pabalat ng libro kung avid fan ka ng awtor na ito. Hindi Comic Sans ang gamit sa libro na ito, na siyang paboritong font ng may-akda.


Love story?


Telesineseryenobela + Pink na Libro = Love Story. Unang maiisip ko bago ko pa basahin ang libro. Pero isang malaking ekis. It's for you to find out.


Lumayo Ka Nga Sa Akin ay ika-9 na libro ni Bob Ong. Gaya nga ng sinabi ko, kung ikaw ay kanyang avid fan, maiisip mong may niluto na namang kalokohan si Bob Ong. Nabasa ko (hindi ko na matandaan kung saan), love story daw ang next book niya. Bob Ong  Love Story. Pero sige na nga pagbigyan na siya. Nakagawa nga siya ng horror e (Mga Kaibigan ni Mama Susan).


The book is not a typical book format. The text is written in a script format, the ones used in films. Divided ito sa tatlong mini-film. So nasagot ang aking unang tanong. May bago ng genre- Telesineseryenobela. Kung genre ng libro o pelikula, hindi ko alam kung saan ito maihahanay. Pero love story, no, huwag kayong umasa.


I will not discuss the entire book dahil bagong labas pa lang nito. Pero isa lang ang masasabi ko: BOB ONG IS BACK! Honestly, I am so disappointed with his last novel, yung Mama Susan. In this book, pinagsama-sama ni Bob Ong ang kanyang mga libro Mula sa ABNKKBSNPLAko hanggang sa Kapitan Sino. However, unlike sa mga naunang niyang nobela na anything under the sun ang kanyang mga dinidiscuss- mapa-pangkaraniwang buhay ng ordinaryong Pilipino o mapa-pulitika man yan. Dito sa LKNSA, nagfocus si BO sa isang topic na malapit sa puso nating lahat- ang teleserye at pelikula.


Muli na naman akong napatawa ng libro na ito. Pero hindi lang ito simpleng patawa lang. Knowing BO, forte na niya na sulat ang mga seryosong isyu na mas madaling maintindihan ng kanyang mga mambabasa- and mga kabataan.Kaya nga bentang benta siya sa mga bagets and bagets at heart. Sapul na sapul ako sa bawat hirit ng mga character dito.


May tatlong bahagi ang LKNSA:  Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat; Shake, Shaker at Shakest at Asawa ni Marie. Kung nagtataka kayo kung ano ang connect ng tatlong title na ito sa pinakapamagat ng libro, well it's for you to find out.


Ang librong ito ay dapat basahin ng aking mga fellow teleserye and movie adiks. At nangunguna na sa listahan ko si Kuya Macky, para sa mga movie adiks and hindi na ako lalayo pa para sa teleserye adiks dahil sila ay mga kapatid at pinsan ko pa lang quota na.


Basta I love this book!




No comments: