Sunday, December 4, 2011

Review-Reviewhan: Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay (2011)

Sino Lilia Cuntapay? 

Kung noon ako tatanungin, ang magiging sagot ko, "Sino nga siya"?

Hanggang sa makita ko na lang ang plugging ng CinemaOne Originals 2011, ang bongga lang! May self-titled movie siya. Pero sino nga ba talaga siya?


Una kong tanong before watching the movie: Why Six Degrees of Separation form Lilia Cuntapay ang title ng movie? I even search sa net kung ano ang mysterious meaning behind six degrees, heto ang nahanap ko. Pero hindi pa rin ako nasatisfy sa na wiki entry na yan. I really have to watch the movie. 

Buti na lang, kahit hindi ko ito napanood sa Shang-ri La, may repeat screening naman pala ito sa UP. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kailangan ko itong mapanood!

Tulad nga ng nasa trailer kanina, siya ang the most famous extra in show business. Ika nga ni Direk Peque Gallaga, hindi siya mukhang aswang, aswang siya! 

Hindi ako fan ng horror movies. Pero siyempre, hindi naman ito naging hadlang para hindi ko siya mapanood. I still remember the Magandang Gabi Bayan Halloween Special, kung saan lagi siyang kinukuha bilang... well, aswang, bruha o white lady. Hindi lang naman iyon lang nagiging role niya, minsan kung hindi siya isa sa mga taong bayan, isa siyang yaya, sabi nga ni Kris Aquino. Kaso mas na-label na siya sa mga horror movies.

The cute movie poster.


Six Degrees of Separation is a mockumentary about the daily life of the pinakasikat na extra. The direktor, Antonnette Jadaone with her camera, follows Nanay Lilia mula sa kanilang bahay hanggang sa kanyang shooting hanggang sa interview sa TV Patrol. Pero bukod sa pagsunod-sunod sa kanyang buhay, mas binigyang pansin dito ang proseso ng paggawa ni Nanay Lilia ng kanyang acceptance speech para sa kanyang kauna-unang nominasyon, for 30 years in showbiz, as Best Supporting Actress sa pelikulang Sanggangdaan. 

I like the movie because tinalbugan ni Nanay Lilia ang mga biggest stars. Kung sina Charice, Jovit Baldovino at Marcelito Pomoy na feature sa Maalaala Mo Kaya, well, talbog silang lahat kay Nanay Lilia dahil may sariling movie siya. For me, this movie is a tribute for her 30 uncredited years in show business. My heart goes out to people like Nanay Lilia, the bit players na hindi na re-recognized, and yet sometimes, sa credits na lang, mali pa ang spelling ng name. For all their patience sa pagpunta ng maaga sa taping (pagpunta ng 4 am sa 7 am sched na taping), sa pag me-memorized ng lines with emotions (winner ang line ni Nanay Lilia sa PA: "Bakit talent ka ba, bakit ikaw may script, ako wala"? Ang taray lang!), ang disappoinments sa hindi paglabas ng interview, to the point na invited ang lahat ng nasa buong baranggay (super naiyak ako sa scene na ito.) I love the movie kasi kahit scripted lang ito lahat, na feel ko na parang natural lang ang lahat. I saw her genuine joy on the scene na pinagmamalaki niya ang kanyang nomination for Best Supporting Actress, ang excitement habang nagpapasukat siya ng gown na gagamitin sa awards night, ang pain noong hindi na air sa TV Patrol ang kanyang interview at ang disappointment nang hindi natawag ang kanyang pangalan sa stage.  

This movie is not just for Nanay Lilia. It's for all the bit players na hindi narerecognized. Si Nanay Lilia ang pinaka appropriate na kumatawan para sa kanila. For 30 years in showbiz, nagawa na niya ang lahat ng roles, to the point na nag bold pa siya, pero hindi siya kinilala. Sana this movie is sapat na to compensate ang pagkukulang ng showbiz industry sa mga tulad nila. Alam naman natin na marami pa sila diyan. I won't be surprise if one day, may movie na rin na gagawin for Bangkay. Hmm... why not?

Nasagot ng movie na ito ang aking katanungan about the title:

Lilia Cuntapay>>worked with Claire Danes>> worked with Meryl Streep (The Hours)>> worked with Kevin Bacon (River Wild).
Lilia Cuntapay>>worked with Toni Gonzaga >> first appeared in Sprite commercial with Piolo Pascual. 

In short, nakatrabaho niya halos lahat ng artista sa Pilipinas at maisasama na siya sa chain ng mga nakatrabaho ni Kevin Bacon.
All in all, this movie will not only make you laugh, and cry, but also will inspire you. 

Sino na si Lilia Cuntapay?

Kung ako ang tatanunigin ngayon, siya ang Kevin Bacon ng Pilipinas, wala nang iba!

 I love our pic with Nanay Lilia. Thanks Katrina for this pic.


No comments: