Note: Kung sa other reviews ko puro side comments ako, expect na mas super daming side comment dito. Yun lang!
***
Florence and I planned to visit our dear alma mater last week. As usual, super busy and gulo-gulo and mga katauhan sa CMC office kaya naisipan na lang namin na makigulo sa class ni Sir Roy. Sakto naman na tapos na siya sa kanyang lecture at may pinapanood siya sa kanyang mga students. Ang duga! Bakit noong time namin walang film showing! Buti pa ang mga bagets na ito, napanood na ang Sa Kabila ng Lahat at Dahas.
So ang nangyari, habang inaayos pa ng mga staff ang player para sa film showing, nakipagchikahan muna kami kay Sir. At noong nagstart na ang movie, dineadma ko na lang silang dalawa, Ang featured film for that day is Nasaan ang Puso...
Isa lang naman ang gusto ni Joy, played by Maricel Soriano, ang magkaroon ng buong pamilya. Pero paano makakamit iyon kung nababalot ng puot ang kanilang mga puso. Paano niya masisimulan ito kung sa sarili niya hindi niya alam kung nasaan ang puso?
Nagsimula ang lahat sa pagtataksil ng ina ni Joy na si Elena, played by Gina Pareno sa kanyang itay na si Edgardo, starred by Ronaldo Valdez. At dahil dito, kinuha siya kanyang itay at hindi knilala ang kanyang kapatid na si Ria, starred by Judy Ann Santos.
Lumipas ang maraming taon, umasenso ang kanyang itay at nakapag asawa ng isang abogado si Joy. Ngunit kahit tila wala na siyang mahihiling pa, para pa ring may malaking kulang sa kanyang pagkatao. Nais niyang mabuo muli ang kanyang pamilya.
Sa tulong ng kanyang asawa na si Dave, played by Christopher de Leon, nahanap niya ang kanyang ina at kapatid, At dahil dito, dali-dali siyang nag-set ng reunion ng kanyang parents.
Hindi siguro applicable para sa lahat ang kasabihang "time heals all wounds", dahil kahit lumipas na ang maraming panahon, sariwa pa rin kay Edgardo ang lahat. Hindi pa rin niya napapatawad ang dating asawa. At dahil sa karamdaman, namatay na lamang si Elena na hindi man lamang nakakamit ang kapatawaran ng dating asawa. Naiwang ulila si Ria at Angelito, played by Spencer Reyes.
Agad namang kinupkop ni Joy ang mga kapatid sa kabila ng pagtutol ng kanyang itay. At siyempre, hindi naging madali ang lahat para sa kanila, lalo na kay Angelito na laging napag-iinitan ng kanyang itay dahil siya ang naging produkto ng pagtataksil ng kanilang inay. Nakiusap si Joy na intindihin na lamang ng mga kapatid ang kanilang itay at darating din ang araw na matatanggap din sila nito.
Nasaan ang Puso is like a teleserye that roled into a two-hour movie. Halos hindi ka na makahinga dahil sa sunod-sunod ang mga maaksyong eksena. Hindi ka dapat malingat man lang. Maski nga si Florence ay naiwan sa bilis ng mga naganap sa movie. Nagulat na lamang siya na namatay si Edgardo matapos ang confrontation scene with Ria and Angelito.
At dahil sa takot na sisihin at palayasin ni Joy, nag-alsa balutan ang dalawang bagets at nagtungo sa kapatid ng ama ni Angelito. Sa simula ay maayos pa ang kanilang kalagayan sa poder ng tiyahin ngunit dito nagsimula ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang lahat. Hindi ko na ikukuwento yung the rest kasi super haba pa, magiging nobela na tong blog ko.
Honestly, hindi ko nahulaan kung paano matatapos ang movie, o kung matatapos pa ito sa dami ng mga pangyayari. Rulad ng sa Liberacion, hindi ko inaasahan na sa ganoon matatapos ang movie, well except sa character ni Juday. Totoo nga ang sabi ni Sir Roy, na siyang sumulat ng script ng pelikulang ito, tearjerker daw ang movie na ito. Basta ang bongga ng ending. I love it!
This film is way back in 1997, and noong mga panahon na ito, nasa telebisyon pa ang Mara Clara the original version, kaya api-apihan pa ang peg ni Juday dito. Super kairita lang ang character niya dito kasi super ng iinarte. Pero siyempre naiintindihan ko naman siya dahil sa mga pinagdaanan niya so keri na rin.
Hindi ko man napanood ang other movies na kasama noon, I think deserve ni Marya ang Best Actress Award ng Famas. Mula sa hospital scene hanggang sa scene bago matapos ang movie, mararamdaman mo ang nararamdaman ng character ni Angelito- naaawa na natatakot. Akala pa nga ng isang staff, exorcist ang movie na pinapanood dahil sa kakatili ni Marya.
Boyet, as usual, na-master na niya ang role ng asawa na medyo hindi nagpapakita ng affection sa partner pero deep inside, super love niya ang kanyang wife. In this movie, medyo support lang ang character niya pero since he is THE Christopher de Leon, evident pa rin ang kanyang galing sa acting.
As for Ronaldo Valdez, kahit half ng movie lang siya nakita, he portrayed the character well, kahit super bitter yet in the ending, revelation na naganap. Ang sweet lang!
Spencer Reyes, likewise is in character. Inaabangan namin ni Florence yung "moment" niya kasi siya lang yung parang walang moment sa movie. Pero okay na rin yung scene nila ni Marya na natamaan siya ng lampshade. Naloka kami ni Flo dun.
Nabanggit ko na sa dati kong post ang munting history ngPhilippine Drama at kung paano nakapasok sa ating sistema ang mga Korean Dramas. Tulad ng mga Telenovela, hindi kaagad pumatok sa mga pinoy ang Asian dramas. Nagsimula muna sa patikim-tikim hanggang sa naging in-demand na ito.
Sa part 2 ng NW, I compared selected teleserye at kdrama ayon sa mga katangian nito, uri, style at marami pang iba. Syempre kailangan may i-ko-compare akong mga teleserye at kdramas na pumatok sa atin. For Teleserye, I choose Pangako Sa'yoat Maging Sino Ka Man while sa Kdrama I choose Sungkyunkwan Scandal and Lovers in Paris. Sa hindi pa nakakalaam ng SKK, click the title to read my review. Napanood ko kasi ito kesa sa Jewel and the Palance and the likes.
Paramaganda at maiintindihan, nag-effort akong gumawa ng table. Ayan ah! A for effort ako. Next post yung analysis and conclusion.
click image to enlarge
Note:
·Nakakatamad gumawa ngsariling synopsis. Keri na itong sa wikipedia.
·Hindi ako magaling mag judge ng Editing and Cinematography kaya konti lang comments ko.
Hanapin niyo na lang sa goole ang synopsis ng movie, nakakatamad ilagay. This is not a full review of the movie. I just want to share some insights/quotes I got from the movie.
But before that, I will first list down yung likes and dislikes ko about sa movie:
1.Nag bongga ni Carmi Martin dito. Sa trailer pa lang naintriga na ako sa mga lines niya.
Ang taray diba? Patikim pa lang yan.
Pero I got disappointed…. (see below)
2.Bakit ganun, ang konti ng exposure ni Carmi. Siya ang pinakabongga sa kanilang lahat, lalo na yung scene na nangigigil siya sa asawa niya sa kabet-china nito.
3.Ang bongga ni Cristine at Anne. Pero mas bet ko si Cristine, super puti ni ate, lakas maka-tomboy.
4.I like the story as a whole but ang corni ng last scenes: Forgive and Forget. Duh!
5.Hindi dapat Now That You're Gone ang theme song ng movie. Dapat ang Kabet by Gagong Rapper. Heto Lyrics and mp3:
Kabet by Gagong Rapper
[Verse 1]
Kay sakit namang isipin na sa puso mo ako'y pangalawa sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko ang aking mga mata at sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay hanggang sumapit ang umaga nang muli kang makasama.
Ano ating lagay hindi mapalagay ako'y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay sa kanya ka sa tanghali akin ka sa gabi pagdilat sa umaga yo! wala ka na sa tabi meron kahati gusto kita na mapasaakin kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin at lagi mong iisipin kung hindi ka para sa akin wag mo lang makalimutin na ika'y mahal ko rin.
[Chorus]
Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya
[Verse 2]
It really hurts ang magmahal ng ganito kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo hanggang ganun na lang nga kailangan ko tong tanggapin na sa puso mo meron na ngang ibang umaangkin at alam ko na rin na mayroon nang nagmamayari sa pag ibig sa iyo ako itong nakikihati at ano man ang mangyari 'di ko kayang manumbat at kahit pa ilihim mo ako sa lahat gaano man kabigat sa puso ko itong aminin hindi dadaing wag ka lang mawalay sa akin masakit man na isipin na ako ang naghiram kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam at kahit hindi to tama ako ay sumugal kahit pa nga alam kong mayroon kang ibang mahal binigay ko ang lahat kahit ganto ang natamo sa pag-ibig nang iba ako ngayon nakikisalo
[Chorus]
Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya
[Verse 3]
Sa situwasyon natin na'to di ko alam kung san tutungo alam ko mahirap pag mali pero mahirap rin isuko paano ko masusuot sing-sing sayo na dala, kung sa paglalagyan nito meron na palang na unang nakilala mo ako di ko binalak mang-gulo gusto ko lang mapatunayan na ika'y mahal ko, yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit kahit ang tawag lang sa akin ay dihamak na kabit.
Oo nga ikay sa akin at ako'y sa iyo, at ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo, yun ay aking tinanggap para makasama ka lang pero sana wag sabihin na nakasama ka lang pero sana rin wag tayong dumating pa diyan tiisin ko ang lahat e basta wag lang yan kahit alam kong mahirap mong tanggapin na mas na una siya sa iyo kesa sa akin
[Chorus]
Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya
O diba mas bongga. Wala namang umalis/namatay sa movie e, saka sakto yung lyrics sa mga nadarama ng mga characters. Kaso dapat girl version itong rap. Close your eyes and imagine na si Anne ang rapper dito.
6.Katulad ng sa mga nabasa kong mga reviews, what happened sa father ni Derek? Sa dad ni Cristine?
7.Bakit ganun, pag lalaki ang nagloko, okay lang. pero pagbabae, hindi katanggap-tanggap. In case of Anne and Derek's character, mas kawawa si Anne. Hmm…. I think this needs a separate post.
8.I don’t like the quality of video. Di man lang HD like A Very Spacial Love and other Star Cinema films.
9.Kaloka ang resort, tampisaw ng tampisaw si Anne at Derek sa dagat, puro dahon-dahon pa. Hindi man lang nilinis. Ahh… kaya pala sila "nangati". K.
10.Katulad ng comment ng Prof ko (hindi ko na sasabihin kung sino) over scored ang movie. Kelangan ba talaga mas malakas ang BGM kesa sa pagsasalita ng mga actors. Pati rin yung sa moment na nag e-emote lang sila sa camera, kelangan lakasan ang BGM para mas feel ang scene kuno, kaso hindi talaga bagay ang Now That You're Gone sa movie. Hindi ko pakita yung connect ng meaning ng song sa story ng movie.
11.I like the portrayal of the 3 main characters. Clap, clap, clap for Cristine and Anne. Kay Derek, nakukulangan pa ako sa acting niya. Nung sinabi ko itong comment ko na ito sa friend ko, sabi niya, "Ano gusto mong acting niya, wala naman ng iba na pwedeng i-cast for his role na kasing hot niya." Oo nga naman.
----
O siya, heto na ang mga bonggang quotable quotes sa movie.
Disclaimer: arranged in sequence yung mga quotes na ito, so kung gusto niyong wag ma i-spoil, itigil na ninyo ang pagbabasa. Pero kung ayaw niyo, deadma na lang. Para ito kay Kuya Macky na ayaw manood.
Kara on one of the board's member: “I don’t need to read your research report. I know the market because I am the market.”
Kara on while on the top of the rock: “No pressure! And kiss me and don’t you dare fall in love with me.”
Hipon-eating scene, Kara on Ram: “Paano mo naman malalaman na masarap pala pag di mo titikman? Kahit alam mong bawal, labanan mo cos’ eventually your body will just get used to it.”
Kara on her friends, “We’re just two consenting adults having fun, there’s no emotional attachment.”
Kara's friend on her: “Having fun? Ngayon yes fun! Pero paano pag iniwan ka na niya? Paano pag pinili na niya ang asawa niya? Paano pag na skandalao na ang pamilya mo? Fun pa rin ba!”
Kara on her friends in the bar: “You will only be called a mistress when there’s an emotional attachment. I’m not a mistress.”
Charmaine's mother, consolling her upon seing the other woman of her dad, with her other daugther: "Kung ahas siya mas ahas ako! Tahimik pero kapag kinanti – nanunuklaw."
Tiange scene. Ram arrived late, Charmaine noticed the red marks on his neck. Charmaine's mother: Naku, ganyan talaga kapag galing sa makating dikya, nagmamarka.
Crying scene, Charmaine's mother while consoling her: “Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maagawan ka, lumaban ka!”
Crying scene with her mother, Charmaine: “Tsaka ano bang mahirap kalaban? Yung putang mahirap o yung putang mayaman?”
Her mother's answer: “Pareparehong puta lang yun! Ang mayaman bumibili ng hermes sa mall, ang mahirap bumibili ng hermes sa greenhills.”
The mose talked about line from Charmaine's mother: “I-pack up mo na si Lucy Torres mo. Ilabas mo na si Gretchen Baretto. Ako na bahala sa red stiletto mo.”
Charmaine's mother while consoling her: “Kapag ang lalaki, maya’t maya nagpapalit ng babae, Ok lang yun! Basta sayo lang umuuwi. Pero pag ang lalaki may suki nang kabit, dun ka na lumaban!”
Charmaine's friend upon seeing Kara wearing violet outfit like Charmaine: “Meron ba ditong paparty ni Barney na hindi ko alam?”
The bag scene:
Charmaine: You like nice things no?
Kara: Yeah. They’re my guilty pleasures. But I really don’t feel guilty ‘cause I deserve them.
Kara: We bought know we have something in common.
The invitation scene:
Charmaine: Why don’t you have dinner with us tonight, pa thank you ko na rin dahil kinuha mo ang asawa ko.
Kara: I’m sorry?
Charmaine: Bilang supplier ng furniture para sa resort niyo.
While cooking, Charmaine on Kara: “Sabi nila, a way to a man’s heart is through his stomach. Sa ganda mong yan, siguro madami kang alam na shortcuts.”
Another winner line:
While cooking,
Kara: Anything I can do to help you?
Charmaine: Naku. Huwag na. Baka Makita mo pang nilalagyan ko ng lason ang pagkain mo. Joke lang. Medyo off yung humor ko lately.
Dinner scene, Charmaine on Kara: “Mababaliw siguro ako kung malaman kong may babae siya. Baka mapatay ko yung kabit, silang dalawa actually.”
After the dinner scene, Kara with her friends again in the bar: “Anong gagawin niyo if the only man that you love is unfortunately married!”
“I’m not gonna give up Ram without putting up a god damn fight!”
Lambingan scene, Ram on Charmaine: “I PROMISE YOU THERE’S NO OTHER WOMAN IN MY LIFE!”
Swimming pool scene,
Charmaine: Alam mo kasi ang marriage parang exclusive village. Kailangan mong bantayan para hindi makapasok ang mga squatters.
Kara: Dito din, bawal ang ugaling squatters, buti nakapasok ka?
Charmaine: Ano nga ba ulit ‘yung tawag sa katulad mo? Ahhh.. AHAS! Bikini mo ba ‘yan o balat mo? Kaya pala ang galing mong gumapang.
Kara: "Are you here to make a scene???
Charmaine: "Only if you have an affair with my husband, meron ba???”
Kara on Charmaine: “You can call me whatever you want,SNAKE, BITCH or OTHER WOMAN, but I promise you,I will never be a PATHETIC and BORING housewife.”
“THERE’S NO OTHER WOMAN BETTER THAN I AM!”
After the controversial swimming pool scene, Charmain on Ram: “Ayoko na! Ayoko na! Alam ko naman eh, ang sakit lang, ang sakit-sakit lang nung marinig ko. Hindi ko dapat ginagawa to pero ginagawa ko to dahil mahal na mahal kita!”
Kara on Ram before the jumbagan scene: “Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong iiwan!”
The emo scene, Ram on his friend: “Ang laki ng kasalanan ko, hindi ko na maayos to!”
Chapel scene, Kara on Charmaine: “Every day I’m trying to convince myself na mamahalin din nya ako, pero sayo pa din sya umuuwi.”
Bata pa lang ako (bata pa naman din ako ngayon) facinated na ako sa Pinoy Films. Nasabi ko na nga na once naging alipin ako ng TV, super gising ako ng maaga para manood ng Cartoon Marathon sa Cartoon Network. Mag e-effort talaga akong gumising ng 6 am or 7 am. Everytime na makakapanood ako every Saturday and Sunday noon, feeling ko super saya ko na kasi nakita ko naman si Tom and Jerry, Courage, Cow and Chicken, Dexter and Dee Dee. Syempre hindi lang sa pelikula may kontrabida, meron din nito sa totoong buhay. Kung ako ang bida sa pelikulang ito, ang tatay ko naman ang kontrabida…
Super hate ko kapag naka-night shift ang tatay ko. Bukod sa wala siya sa gabi, kontrabida siya sa morning ritual ko every weekends. Kung hilig ko ang cartoons, siya naman HBO, Star Movies at PBO ang fave channels. Yes, Destiny ang cable provider namin noon.Sa pagkakatanda ko, hindi pa PBO ang tawag sa channel na nagpalabas ng Pinoy movies, nakalimutan ko na yung naunang channel dun. Kung mga korning action films, patweetums na mga teen flicks at nakakawindang na comedy ang pinapalabas sa PBO, super luma na mga movies naman ang pinapalabas sa channel na yun, well kung 6 am, every weekends ka manonood. Kung anu-anong mga lumang films ang mga napapanood ko doon. Doon ko nakita ang mga sikat na artista sa pinilakang tabing noong mga panahon na iyon-- Paraluman, Nida Blanca, Gloria Romero, Tita Duran, Nestor de Villa, Rogelio dela Rosa, Luiz Gonzales, Dolphy at marami pang iba.
Marami na rin akong napanood na mga black and white movies noong time na iyon. Ang lalalim pa ng Tagalog nila noon at doon galing ang mga pinoy film/tv secret formula na:
1.May mahirap na iibig sa mayaman then paghihiwalayin ng matapobreng mayamang pamilya ipaglalaban ang pag-ibig and they live happily ever after.
2.Meron din playboy-playful na lalaki na ma-i-inlove sa boyish na babae and they live happily ever after.
3.May naaping mabait na lalaki na pinatay ang buong pamilya then after several years maghihiganti papatayin ang mga umagrabyado sa kanya pero maiinlove sa anak ng kanyang mortal na kaaway, malilito kunwari, then they live happily ever after.
Kadalasan musical, hindi masyading drama ang movies na gamit ang formula 1 while comedy naman ang formula 2. Obvious naman na action films ang formula 3.Hindi pa uso masyado sa mga movies noong 1950s at 60s ang bentang teleserye formula ngayon na hanapan ng nawalang ina at anak and they live happily ever after. Mga 70s or 80s yun pumatok.
Ibang-iba ang movies noon sa ngayon, bukod sa colored na ngayon while black and white pa noon, iba nag pagkakasulat ng script pati ng acting noon kesa ngayon. Imagine, grade school pa lang ako noon pero nafacinate at tinigil ko ang pagmamakawa sa tatay ko na ibigay na sa akin ang remote, at pinanood ko na lang nag mga oldie movies na may singing portion every end ng movie. Ang pinaka epic na napanood ko na hindi ko malilimutan yung ending ay yung nagkaroon ng gathering sa huli at kumanta silang lahat ng Auld Lang Syne sa huli. Formula 1 ata yung gamit sa movie na iyon e. Isa sa mga disadvantage ng super bata ko pa lang nanonood, hindi ko matandaan ang mga titles ng mga pinapanood ko. So sad.
Bukod doon sa channel na before PBO, may isa pang channel sa Destiny Cable na nagpapalabas ng mga super oldies pinoy movies. Sa kasamaang palad, hindi ko matandaan ang channel na yun. Pero wag ismolin ang channel na yun, doon ko napanood ang mga pinoy komiks na ginawang isang episode for TV. Parang Wansapanatym ngayon. Ang title nun ay "Ang mga kwento ni Lola Basyang." si Chichay si Lola Basyang and hindi ko kilala ang kanyang mga apo. Feeling ko mga 80s pa itong show na ito.
Nawalan kami ng TV for a while, nasira ata kakalipat ko dahil nakikipag-agawan kasi ako e, or may iba pang rason kung bakit kami nawalan ng TV. Natigil din ang aking TV ritual. Noong nagkaroon uli kami ng TV, wala na yung channel na nagpapalabas ng Lola Basyang at PBO na ang pumalit dun sa isnag channel na nagpapalabas ng Pinoy movies. Back to dating gawi uli, pero hindi na bumalik sa normal ang lahat…
Hindi na ako masyadong nahilig sa cartoons. Nagulo kasi yung cartoon marathon sched. May na nadagdag na mga palabas, may natanggal din. Hindi ko masyadong feel ang palabas dun, PBO na ang fave channel ko noon.
Kung noon, oldies ang napapanood ko, sa PBO naman mga 80s t 90s movies naman ang pinapalabas. Dahil saPBO, naging instant fan ako ni Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Lorna Tolentino at Regine Velasquez. Pero mas fave ko si Sharon. Halos lahat ng palabas niya with Gabby, FPJ, Robin, Christopher and other leading man niya, napanood ko. And noong time na yun, ang pinaka fave kong mivie niya ay Bituing Walang Ningning. Ngayon kasi Madrasta na ang fave kong movie niya.
Kung noon, TV ang nasira sa amin, sunod naman, nawalan kami ng cable. Pero deadma lang kasi mga teleserye naman na ang pinapanood ko dito. Basta may channel 2 ang TV okay na sa akin. Lumipas ang mga taon, and yehey, may cable na uli kami, hindi na Destiny,si Sky na.
Mas malinaw ang Sky cable compared sa Destiny. Obvious ba na naka HD box kami. Mas masaya sa Sky cable, kahit walang PBO, may Cinema 1 naman, lagi ko na namang napapanood si Sharon. Napapanood ko din dito yun iba niyang pelikula na gawa ng Star Cinema. Isa pa sa kinasaya ko dito, meron kaming KBS World, dito nag star ang KDrama madness ko…
----
(Ang haba ng Intro ko. Yep, Intro pa lang yan. Dito na ako sa main point ng post ko na ito.)
This is my answer sa post ni Kuya Macky sa kanyang FB post. I just want to explain why I prefer watching local films than Hollywood films.
Heto pala ang post niya:
I agree with him na it is just a matter of taste. In my case, mas na curious ako kaagad sa mga Pinoy old films though nakikinood ako sa aking tatay pag nanonood din siya ng HBO at Star Movies dahil wala naman akong choice.
Another reason ko kung bakit mas bet ko ang local movies compared sa hollywood: ewan ko ba, nahihirapan akong tandaan ang mga pangalan nila. Ilang beses ko ng napapanood ang mga movies ng mga sikat na hollywood actors pero mas kilala ko pa sila sa name nila sa movie kesa sa personal na name nila.Like Nicholas Cage, lagi kong napapanood ang mga action movies niya since mahilig ang aking tatay sa action films. Sasabihin ko na lang, o siya uli, si… yan hindi ko alam ang pangalan niya. Thanks sa internet at BFF Google, nalaman kong Nicolas Cage pala name niya. Kapag may nag kukwentuhan about hollywood actors, di ako nakikisali. Kilala ko lang sila sa mukha, hindi sa name. Hanggang ngayon, ganyan pa rin ako.
Nito lang, nakwentuhan ko ang Prof ko na nagsulat na ng ilang mga TV drama sa TV. Nabanggit kasi ni Florence na i-rerevive ang Ikaw lang ang Mamahalin. Ang sabi niya kasi kesa mag revive ng mga dating mga TV series or movies, why not kunin na lang ang mga story sa book or novels, pero sa other post na lang yan.
So back to the topic, dahil nabanggit nga ang ikaw lang ang Mamahalin, naalala ko tuloy ang mga dating TV drama, lalo na yung bet ko nun sa GMA na Twin Hearts ni Tanya Garcia and Dingdong Dantes. Nagtaka si Sir kasi naabutan ko daw pala ang mga iyon. Well, of course, adik much nga ako sa TV diba. Tinanong din niya kung napanood ko din yung Kung Mawawala Ka. Yes, paano ko makakalimutan yun e ang lakas maka-LSS ng theme song nun.
So ano gusto kong ipunto dito? It's a matter of choice. Kanya-kanyang forte ito. Pero siyempre mahalaga pa rin na may background ka din sa iba pang uri ng media, for in my case, dapat maging open ako sa lahat ng bagay, walang pinipili. Tulad nga ng sabi ni Sir, "Maski pornography yan, basahin mo pa din (at this time kasi books naman ang pinag-uusapan naming, pero related naman), kailangan open ka sa lahat."
Para naman kay Kuya Macky, oo dito ko sasagutin yang post mo, special ka kasi super fan ka ng blog kong ito, you too, should be open na manood ng local movies. Kasi kung paano natin mababalik ang sigla sa pinilakang-tabing kung tayo na makabagong henerasyon ay sinukuan na ang industriya. Your criticisms sa mga local films, is a big help in improving the local film industry. Paano malalaman ng mga film makers ang mga mali nila kung hindi natin pinapanood at binibigyan ng kritisismo ang kanilang mga gawa. Sana huwag naman nating sukuan ang ating sariling industriya. Para na rin nating sinabi na wala ng pag-asang mabuhay sa ating bansa. I thank you, bow.