Tuesday, October 11, 2011

Side Comment: Pinoy Films

Bata pa lang ako (bata pa naman din ako ngayon) facinated na ako sa Pinoy Films. Nasabi ko na nga na once naging alipin ako ng TV, super gising ako ng maaga para manood ng Cartoon Marathon sa Cartoon Network. Mag e-effort talaga akong gumising ng 6 am or 7 am. Everytime na makakapanood ako every Saturday and Sunday noon, feeling ko super saya ko na kasi nakita ko naman si Tom and Jerry, Courage, Cow and Chicken, Dexter and Dee Dee. Syempre hindi lang sa pelikula may kontrabida, meron din nito sa totoong buhay. Kung ako ang bida sa pelikulang ito, ang tatay ko naman ang kontrabida…



Super hate ko kapag naka-night shift ang tatay ko. Bukod sa wala siya sa gabi, kontrabida siya sa morning ritual ko every weekends. Kung hilig ko ang cartoons, siya naman HBO, Star Movies at PBO ang fave channels. Yes, Destiny ang cable provider namin noon.Sa pagkakatanda ko, hindi pa PBO ang tawag sa channel na nagpalabas ng Pinoy movies, nakalimutan ko na yung naunang channel dun. Kung mga korning action films, patweetums na mga teen flicks at nakakawindang na comedy ang pinapalabas sa PBO, super luma na mga movies naman ang pinapalabas sa channel na yun, well kung 6 am, every weekends ka manonood. Kung anu-anong mga lumang films ang mga napapanood ko doon. Doon ko nakita ang mga sikat na artista sa pinilakang tabing noong mga panahon na iyon-- Paraluman, Nida Blanca, Gloria Romero, Tita Duran, Nestor de Villa, Rogelio dela Rosa, Luiz Gonzales, Dolphy at marami pang iba.



Marami na rin akong napanood na mga black and white movies noong time na iyon. Ang lalalim pa ng Tagalog nila noon at doon galing ang mga pinoy film/tv secret formula na:



1. May mahirap na iibig sa mayaman then paghihiwalayin ng matapobreng mayamang pamilya ipaglalaban ang pag-ibig and they live happily ever after.

2. Meron din playboy-playful na lalaki na ma-i-inlove sa boyish na babae and they live happily ever after.

3. May naaping mabait na lalaki na pinatay ang buong pamilya then after several years maghihiganti papatayin ang mga umagrabyado sa kanya pero maiinlove sa anak ng kanyang mortal na kaaway, malilito kunwari, then they live happily ever after.



Kadalasan musical, hindi masyading drama ang movies na gamit ang formula 1 while comedy naman ang formula 2. Obvious naman na action films ang formula 3.Hindi pa uso masyado sa mga movies noong 1950s at 60s ang bentang teleserye formula ngayon na hanapan ng nawalang ina at anak and they live happily ever after. Mga 70s or 80s yun pumatok.



Ibang-iba ang movies noon sa ngayon, bukod sa colored na ngayon while black and white pa noon, iba nag pagkakasulat ng script pati ng acting noon kesa ngayon. Imagine, grade school pa lang ako noon pero nafacinate at tinigil ko ang pagmamakawa sa tatay ko na ibigay na sa akin ang remote, at pinanood ko na lang nag mga oldie movies na may singing portion every end ng movie. Ang pinaka epic na napanood ko na hindi ko malilimutan yung ending ay yung nagkaroon ng gathering sa huli at kumanta silang lahat ng Auld Lang Syne sa huli. Formula 1 ata yung gamit sa movie na iyon e. Isa sa mga disadvantage ng super bata ko pa lang nanonood, hindi ko matandaan ang mga titles ng mga pinapanood ko. So sad.



Bukod doon sa channel na before PBO, may isa pang channel sa Destiny Cable na nagpapalabas ng mga super oldies pinoy movies. Sa kasamaang palad, hindi ko matandaan ang channel na yun. Pero wag ismolin ang channel na yun, doon ko napanood ang mga pinoy komiks na ginawang isang episode for TV. Parang Wansapanatym ngayon. Ang title nun ay "Ang mga kwento ni Lola Basyang." si Chichay si Lola Basyang and hindi ko kilala ang kanyang mga apo. Feeling ko mga 80s pa itong show na ito.



Nawalan kami ng TV for a while, nasira ata kakalipat ko dahil nakikipag-agawan kasi ako e, or may iba pang rason kung bakit kami nawalan ng TV. Natigil din ang aking TV ritual. Noong nagkaroon uli kami ng TV, wala na yung channel na nagpapalabas ng Lola Basyang at PBO na ang pumalit dun sa isnag channel na nagpapalabas ng Pinoy movies. Back to dating gawi uli, pero hindi na bumalik sa normal ang lahat…



Hindi na ako masyadong nahilig sa cartoons. Nagulo kasi yung cartoon marathon sched. May na nadagdag na mga palabas, may natanggal din. Hindi ko masyadong feel ang palabas dun, PBO na ang fave channel ko noon.



Kung noon, oldies ang napapanood ko, sa PBO naman mga 80s t 90s movies naman ang pinapalabas. Dahil sa  PBO, naging instant fan ako ni Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Lorna Tolentino at Regine Velasquez. Pero mas fave ko si Sharon. Halos lahat ng palabas niya with Gabby, FPJ, Robin, Christopher and other leading man niya, napanood ko. And noong time na yun, ang pinaka fave kong mivie niya ay Bituing Walang Ningning. Ngayon kasi Madrasta na ang fave kong movie niya.



Kung noon, TV ang nasira sa amin, sunod naman, nawalan kami ng cable. Pero deadma lang kasi mga teleserye naman na ang pinapanood ko dito. Basta may channel 2 ang TV okay na sa akin. Lumipas ang mga taon, and yehey, may cable na uli kami, hindi na Destiny,si Sky na.



Mas malinaw ang Sky cable compared sa Destiny. Obvious ba na naka HD box kami. Mas masaya sa Sky cable, kahit walang PBO, may Cinema 1 naman, lagi ko na namang napapanood si Sharon. Napapanood ko din dito yun iba niyang pelikula na gawa ng Star Cinema. Isa pa sa kinasaya ko dito, meron kaming KBS World, dito nag star ang KDrama madness ko…





----



(Ang haba ng Intro ko. Yep, Intro pa lang yan. Dito na ako sa main point ng post ko na ito.)



This is my answer sa post ni Kuya Macky sa kanyang FB post. I just want to explain why I prefer watching local films than Hollywood films.



Heto pala ang post niya:
 



I agree with him na it is just a matter of taste. In my case, mas na curious ako kaagad sa mga Pinoy old films though nakikinood ako sa aking tatay pag nanonood din siya ng HBO at Star Movies dahil wala naman akong choice.



Another reason ko kung bakit mas bet ko ang local movies compared sa hollywood: ewan ko ba, nahihirapan akong tandaan ang mga pangalan nila. Ilang beses ko ng napapanood ang mga movies ng mga sikat na hollywood actors pero mas kilala ko pa sila sa name nila sa movie kesa sa personal na name nila.  Like Nicholas Cage, lagi kong napapanood ang mga action movies niya since mahilig ang aking tatay sa action films. Sasabihin ko na lang, o siya uli, si… yan hindi ko alam ang pangalan niya. Thanks sa internet at BFF Google, nalaman kong Nicolas Cage pala name niya. Kapag may nag kukwentuhan about hollywood actors, di ako nakikisali. Kilala ko lang sila sa mukha, hindi sa name. Hanggang ngayon, ganyan pa rin ako.



Nito lang, nakwentuhan ko ang Prof ko na nagsulat na ng ilang mga TV drama sa TV. Nabanggit kasi ni Florence na i-rerevive ang Ikaw lang ang Mamahalin. Ang sabi niya kasi kesa mag revive ng mga dating mga TV series or movies, why not kunin na lang ang mga story sa book or novels, pero sa other post na lang yan.



So back to the topic, dahil nabanggit nga ang ikaw lang ang Mamahalin, naalala ko tuloy ang mga dating TV drama, lalo na yung bet ko nun sa GMA na Twin Hearts ni Tanya Garcia and Dingdong Dantes. Nagtaka si Sir kasi naabutan ko daw pala ang mga iyon. Well, of course, adik much nga ako sa TV diba. Tinanong din niya kung napanood ko din yung Kung Mawawala Ka. Yes, paano ko makakalimutan yun e ang lakas maka-LSS ng theme song nun.



So ano gusto kong ipunto dito? It's a matter of choice. Kanya-kanyang forte ito. Pero siyempre mahalaga pa rin na may background ka din sa iba pang uri ng media, for in my case, dapat maging open ako sa lahat ng bagay, walang pinipili. Tulad nga ng sabi ni Sir, "Maski pornography yan, basahin mo pa din (at this time kasi books naman ang pinag-uusapan naming, pero related naman), kailangan open ka sa lahat."



Para naman kay Kuya Macky, oo dito ko sasagutin yang post mo, special ka kasi super fan ka ng blog kong ito, you too, should be open na manood ng local movies. Kasi kung paano natin mababalik ang sigla sa pinilakang-tabing kung tayo na makabagong henerasyon ay sinukuan na ang industriya. Your criticisms sa mga local films, is a big help in improving the local film industry. Paano malalaman ng mga film makers ang mga mali nila kung hindi natin pinapanood at binibigyan ng kritisismo ang kanilang mga gawa. Sana huwag naman nating sukuan ang ating sariling industriya. Para na rin nating sinabi na wala ng pag-asang mabuhay sa ating bansa. I thank you, bow.


No comments: