Nataposna ang holiday feels. Yung tipong dapat default na masaya ka. Kasi lahat ng nasa paligid mo, feel mo ang kasiyahan. Kahit na ikaw deep inside hindi magawang magsaya. Ika nga ng sa status sa FB: "Cherry is feeling :) - happy," pero feeling lang. Hindi "Cherry is happy." See the difference?
Sometime in highschool, habang waiting sa teacher namin for the next subject, one classmate asked me randomly: "Cherry bakit parang wala kang problema?" Sabi ko na lang, "huh?". Chill-chill lang daw kasi ako. Sabi ko na lang, "Ano ka ba, meron din naman, di lang halata." Pero napaisip na lang ako, ano ba ang dapat pinoproblema ng mga ka-edad ko noon? Boyfriend? Well, technically, may nagpapakilig sa akin noon, di ko naman masyadong inidibdib. Pera? Hindi man kami mayaman, sapat naman na yung pera namin para sa aming pamilya. Studies? Pwede dahil dito kasi kailangan ma-maintain ang grades kasi strict ang parents. Hindi e. Sa totoo lang wala. Until makagraduate ng ako at magsimulang magtrabaho, steady lang talaga. Fast forward to my 25th birthday. I'm still in denial na I reached the quarter life assuming na I will live for 100 years. Another milestone na dapat. Pero bakit ganun, wala man lang akong na-achieved? Yung mga ka-age ko, kung hindi nakapag travel around the world, married na (yung iba with kids pa), or nakagraduate na ng MA. For 2 months, I immediately dismissed the thinking all of that. Kung baga sa Sims 3 (na currently kinaadikan ko ngayon), nagawa ko yung isa sa goals ko kaya ecstatic ang mood ko for 2 months. And now, wala na yung effect ng ecstatic mood, kaya I'm feeling sad. Nagiging matampuhin ako agad. I seek attention. Bakit ako wala nun? :( Bat di niyo ako niyaya. Sa mga naka mute sa FB Message and di ko nirereplyan, now you know.
Sana like Sims, 48 hours lang ang effect ng "feeling sad mood" ko. At para maging happy uli ang Sims kailangan may ma-achieve na Lifetime Goals.And one of my lifetime goals is to maintain my blog. Hay nako, ang drama much ng post na ito. Give niyo na ito sa akin.
Looking forward for more good vibes year. I won't list promises or resolutions para hindi na naman ako mabigo. I don’t know, pero pag I failed something I feel brokenhearted. Parang nakipag break lang sa jowa. </3. I'll just embrace this new year with open arms. GV and Love, love, love lang.
Everytime I meet old acquiantances, unang sentence na bubungad sa akin:
"Bakit ang taba mo na?"
At gusto kong sabihin sa kanila: $%^&*@! Kairita lang diba? Ikaw itong super excited kasi after 2 or more years, nagkita uli kayo. Magkamustahan man lang kahit mga 30 minutes (Alam niyo naman ako, Queen of Talk.) Pero dahil sa pangbungad nila sa akin, I just want to punch them, straight on their faces, then flip my hair and walk as if nothing happend. Ano ba gusto nila makita, na I still have my body when I was in highschool? Duh?! Di ba dapat mas maloka sila pag ganun kasi baka minamaltrato na ako ng mga magulang ko nun?
From tumblr.com
Siguro kapag nabasa ko uli itong post ko mga 8-10 years from now, masasabunutan ko ang sarili ko kasi baka super lobo na ako at that time. Yun na yung desperate time to diet. Yung bang masasabi ko sa past version of me: "What happend to you? Ang takaw mo kasi kaya yan! Ang justify ka pa ng kalokohan mo." But I want this post to be my proof that I had lived my life to the fullest. Without restrictions. That I enjoyed every single day when I was young. Na level-up na ako kasi hindi na kami sa fastfood kumakain. Na we get to try other sosyal restaurants. Why you have to deprived yourself of something na afford mo naman.
From tumblr.com
So next time na may makasalubong akong ang bungad sa akin ay: "Ang taba mo na!" I prepared a very courteous reply for him/her:
When I was in Grade 5, may mga pausong song ang teacher ko nun sa English. Round song ang tawag niya dito. Uso kasi noong elementary ang grouping according to rows, so yung row 1 mag start sa pagkanta tapos after ng first line, saka lang magsisimula kumanta ang row two mula sa simula ng kanta, then susundan ng row 3 at row 4. Nakakahilo diba? Lagi naming kinakanta kapag trip niya start ng class at may activity. Until now, LSS pa rin ako sa kanta namin na yun.
"Make new friends, but keep the old.
One is silver and the other's gold."
Kung matagal ka ng avid fan ng blog ko na ito, hindi na ligid sa iyong kaalaman na marami akong set of friends. I have friends from elementary days, highschool, college, AP, at kung saan -saan pa. Minsan nga e kulang na lang hatiin ko ang aking katawan kapag nagsabay-sabay ang mga ganap sa bawat set of friends ko, Yung mga ganung times nararamdaman ko ang disadvantage ng pagiging friendly.
Hindi naman ako basta-basta nakikipagfriends kung kani-kanino lang, For me kasi, investment din ang pakikipagkaibigan. You have to be careful in choosing them kasi ikaw rin ang magiging kawawa in the end. I have few kababata na unfortunately ay naligaw ng landas dahil sa wrong choice of friends. Nakakalungkot kasi mostly sa kanila e may mga anak na. Yung kasing edad ko, she's on her third baby.
I am lucky to have friends na super tagal na. A great example for this is Kien na super BFF ko na since Grade 1. I still remember yung first encounter naming dalawa. Nakaupo ako sa unahan (halatang noon pa man ay batang biba na ako), while nasa likod ko naman siya. Recess noon, habang nilalantakan ko ang aking super fave na Cheese Sticks nang napansin ko na may uma-aray sa likod ko. Lumingin ako para hanapin kung sino yun at nakita kong si Kien pala ang umaaray dahil may dalawang impaktang humuhila ng buhok niya. Naawa naman ako kaagad and at the same time e naimbyerna kasi tuwang tuwa pa ang dalawang bruha at wala namang magawa si Kien. Dali-dali akong nagshift to my superwoman mode at mataray na nagsalita, "Bitawan niyo nga siya, kayo ang sabunutan ko dyan e!", habang pinipilit na palakihin ang aking mata (medyo effort ako dun ah!) At dahil ako ang pinakamatangakad sa buong klase, initiwan ng dalawang bruhilda si Kien and lumipat ng upuan. Naging close kami nang pinatabi ako sa kanya ng teacher namin para daw tumahimik ako. Kaso wa-epek, naging madaldal din siya, hahaha. Nawindang na lang si Ma'am sa sobrang kulit ko. Mula Grade 1 hanggang high school e classmates kami ni Kien. Though hindi kami pareho ng course, we also went to same university.
Sa 15 years naming magkakilala, never, as in NEVER kaming nag-away. Nasanay na siya sa pagiging luka-luka ko and sa totoo lang talaga, walang masamang tinapay sa kanya. She is the living proof on how much I value friendship.
However, gaano ko man i-treasure ang friends, kapag sa tingin mo ay ikasasama mo na, just like an investment na malulugi ka na, you should know when to get what you have invested back. Take note that this is not about the monetary investments ah. It could be the time, stories, experience, faith, loyalty and most especially the love. The respect would remain but as a person na lang. Lahat ng kaakibat na privileges ng pagrespeto mo sa kanya bilang iyong kaibigan e mawawala na lang.
How to end a friendship?
Didn’t I mentioned that I have different sets of friends? From the elementary friends, I have different kinds of friends pa doon. Kumbaga, may cluster-cluster pa. Though super bff ko si Kien, I have another circle of friends na hindi siya kasama. In reference sa gradeschool song namin, I "make new friends" and the the same time, "keep the old" ones. I met so many people but only few I considered as friends. Hindi uso ang selos-selos sa amin kasi we know na magkaiba ang interest and personalities namin. We both know na in time that we need each other, we will always be there. Ganyan kami ka-secure sa isa't isa.
Some of them, sadly, e wala na akong balita after graduation(wala pa naman kasi uso ang cellphone and internet noon). Pero kapag nagkakaroon kami ng mini-get together, like sa birthday isa sa classmate namin, saka lang uli kami nagkikita. At ang nakakatuwa nito ay parang hindi lumipas ang panahon. Marami ang mga nangyari pero mararamdaman mo na parang 1 day lang kayong hindi nagkita kasi pareho pa rin yung trato niyo sa isa't isa.
But then there some instances that I have to let go of some friends. It's not because of distance or difference on interest. But because of lost of trust.
Trust is one of the important element in any kind of relationship, either be romantic or platonic. And I really treasured that. Kahit na ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa iyo, as long as I believed and trusted you, I'll be at your back.
Honestly, ending a friendship is the most heart-breaking moments of my life. Higit pa ito sa pakikipag break sa boyfriend mo. At least kapag nakipagbreak ka sa bf mo, may mga friends kang matatakbuhan. Kakampi mo sila anumang mangyari. But if you an end in friendship, hindi mo alam kung matatakbuhan mo ang iba mong friends kasi malamang, hindi sila sasang-ayon sa iyo or ayaw nilang may kampihan (if hindi ka masydong friendly).
Paano ba ako bilang kaibigan? I treat my friends as my siblings. Kung paano ako sa dalawa kong kapatid, ganun din ang trato ko sa mga kaibigan ko. No pretentions. They know kung kelan ako masaya, malungkot at galit. And in return, I make sure na alam ko rin ang mga gusto at topak nila. That's my secret to have a long lasting friendship. Ganyan kami ni Kien, Kasi kung hindi niya tanggap kung ano ako, wala ring mangyayari. It doesn't mean na kaaway mo na siya kaagad. You may quality them as mere acquaintance.
So if they pass the qualifications to be one of my friends, I give all the priviledges kahit hindi naman nila hingiin. I laways make sure that they will feel that I am a good friend. Kasama sa kung saan-saan, kawentuhan sa lahat-lahat, kakampi sa lahat at kukunsintihin kita. I will cover all your flaws, kahit mali ka. I-avail mo yan. Kahit minsan na-ba-badtrip ako sayo. Go large lang,
But don’t push your luck too much. I know when I'm being abused. And that is the most scary part. I know how to play my cards. All the privileges will slowly be discontinued without you noticing it. The exchange og text messages, chats and calls ay dadalang. Nevertheless, the respect will remain. Tulad ng sinabi ko kanina, I will still respect you as a person. I won't say anything bad about you. Hindi ako mag e-effort na siraan ka sa iba.
Of course I'll cry. Hindi man tumulo ang luha ko sa aking mga mata, in my heart super duguan na. Sana hindi na lang kita naging kaibigan para kahit na nangyayari ito hindi masakit. Kung iba lang ang gumawa nito kiber na lang, Deadma. You say sorry. It's okay with me. But don't expect me to forget. Marunong naman akong madala. Gaano man kahaba ng pasensiya ko, hindi naman ito unlimited. One time bigtime lang. I hate to play a martyr role. Duh! Di bagay.
Tulad nga ng gradeschool song namin noon, maybe these kind of friends are silver o baka nga tanso lang. Makikita kung saan saan. Madaling makuha. Keep the gold, mas malaki ang value. Pwedeng masangla. LOL
I'm scrolling through my cellphone for the 20th time today
I'm reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway...
Nakita ko uli siya.
Uli kasi hindi naman ito ang unang beses na nagkasabay kami sa jeep. Ngunit ito ang unang beses na tumingin di ako sa kanya. Mata sa mata. Siguro nga, bitter pa ako ng mga panahon na iyon. Pero hindi naman ako galit sa kanya.
Kinamusta niya ako. "Okay naman ako. Ikaw? "Potek, parang nagpapalitan lang kami ng text messages ah.
Katahimikan. Nag-iwas muna ako ng tingin. Hindi ko alam kung siya rin. May nag-para. Sabay kaming nagkatinginan at ngumiti sa isa't isa.
Tinanong niya kung may gagawin ako. Sabi ko, "Wala naman." Niyaya niya akong mag dinner. Batid namin na kailangan naming mag-usap. Buti na lang pala medyo okay naman ang itsura ko ng araw na iyon. Bigla ko tuloy naalala yung unang "date" namin. Hindi man ako nakapangbahay na damit tulad noon, halos wala pa ring pinagkaiba kumpara sa kanyang formal office attire.
Nakarating kami sa isang mall kung saan malapit ang eskwelahan namin noon. Sa Kanluran ako, sa silangan siya. Sa isang not sofancy restaurant kami tumuloy. "I don’t eat much na sa gabi e," katiran ko. While we are waiting sa order namin, he asked something about me. Kung ano ang work ko and other info, like we were long lost friends. Strange. Long lost friend. Former friend. Ex-boyfriend to be exact. Nagpalitan lamang kami ng mga tanong at sagot. Awkward silence uli ng maubudan na ng sasabihin. Nag-iba ako ng usapan. Tinanong ko kung nagkikita pa sila ni Cris.
It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi 'cos I looked away...
We met on the birthday celebration of Cris, classmates sila noong highschool while kasama ko naman siya sa isang organization. Hindi kami nagkausap noon pero napapansin ko na ang kanyang mga pagtingin na hindi ko naman binigyan ng kahulugan.
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night...
Two days after nakatangap ako gn text message mula sa kanya, I was so shock. Gulat talaga ang una kong naramdaman dahil hindi naman kami nagpansinan noon. At gusto siya ng best friend ko.
Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer...
"Ano nga ba ang nangyari?" sabay naming tanong. Natawa kaming pareho.
Maski rin pala siya ay may ganoong katanungan. Anim na taon din pala niya iyong dala-dala.
Bata pa kami ng mga panahon na iyon. High school student ako samantalang siya ay nasa college na. Lack of communication ang nararapat na dahilan kung bakit hindi nag-work ang aming relasyon. Hindi pa naman kasi adik ang mga tao noon sa texting compared ngayon. Its just ironic na sa text kami nagkakilala and sa text din kami nagkahiwalay.
And I saw you with her
Didn't think you would find another
And my world just seemed to crush
Shouldn't have thought that this would last...
"Is she still in Singapore"? Nagulat siya kung paano ko nalaman iyon. "Nabangit lang ng cousin mo ng nagkasabay kami." Hindi naman niya sinagot ang tanong ko. He neither confirm nor deny.
As the sky outside gets brighter
And my eyes begin to tire
I'm slowly drowning...
Nag-excuse muna ako para pumunta ng CR. Nakita ko ang aking college friend. Niyaya niya akong sumama sa kanila ng dati naming classmates. Sabi ko, daanan na lang nila ako dahil may kausap pa ako.
The memories of him
And I know it shouldn't matter
As my heart begins to shatter
I'm left to wonder
Just how it should have been yeah...
Nagkwento siya. Pero hindi ko naiintindihan ang kanyang sinasabi. Suddenly biglang hindi na ako naging interesado sa anumang nangyayari sa kanya. Wala na akong paki-alam sa kanya. Bigla kong nasabi sa sarili ko, "Ang bongga mo ah! Naka-move on ka teh!" But seriously, I simply don’t care about him anymore. Kung noon pa siguro kami nagkita, maaari pa.
12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed
I'm not thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on...
Dumating ang mga classmates ko. Kinawayan ko siya upang makita niya kami. Agad na akong nagpaalam sa kanya. "Sino yun"? tanong ng isa sa kanila habang kami ay naglalakad...
Cause I'll prove you wrong that I can move on through this song
Aside form Sungkyunkwan Scandal, The Princess Man is another historical love drama from, where else? From Korea. Unlike SKKS na napanood ko simula episode 1, honestly hindi ko pinansin itong TPM. Noong mga panahon siguro na nagsimula ito, it's either nasa galaan ako, rumampa ako or masyado akong na-overwhelmed sa dami ng Kdramas na napanood ko lately. So nasa pahinga mode muna ako sa panonood ng KDramas. Naalala ko pa na may moments pa na nag-aaway kami ng kapatid kong bunso (which is so normal na sa amin) dahil gusto kong mapanood ang ending ng Minsan Lang Kita Iibigin. Ayun hindi ako nanalo kasi hindi ko naman napanood yung ending.
At dahil alam ko naman na wala na akong magagawa at wala na akong choice, pinanood ko na lang yung show na pinapanood ng kapatid ko sa TV. E nagkataoon pa na puro patayan--- arrows, swords and all, hindi ako mahilig sa violence… may gulay. Ayun lalo kong hindi pinanood. Pero one time, ako na ang kusang naglpat sa KBS (Ako na ang mabait na ate). Ang scene na nito…
*SPOILER ALERT*
SPOILER QUEEN: Heto na naman ako, hindi ko mapigilan magkwento ng hindi nagsasabi ng actual na mga eksena. Kung ayaw mong ma spoil, go watch it na lang sa Youtube kaagad:
Ayun na nga, yung scene na napanood ko, si bidang girl nakatutok ang espada sa kanyang leeg. Yung tipong magpapakamatay sa pamamagitan ng pag-gilit ng leeg. So ang kanyang mother, nagmamakaawa na siya na lang ang patayin kesa ang sarili niya. Deadma pa rin si girl. May dugo-dugo effect na sa leeg niya. Nawiwindang na rin yung mga kapatid niya. Hanggang sa dumating ang kanyang ama at sinabi na hindi pinatay ang love of her life, imbes ito ay i-e-exile sa kabilang island. Nang marinig niya iyon, binitiwan na niya yung espada and makikita ang relief sa kanyang mukha. Next scene, makikita na may mga preso na isinasakay sa isang barko na kahawig ng Galleon trade.
So nawindang din kayo di ba? Ano pa ako. So kailangan kong magtanong."Anong ganap?" Syempre, ayaw ng kapatid ko ng tanong ng tanong lalo na kung nanonood siya, hindi niya ako sinagot… Langya, wala akong choice kundi panoorin ang sumunod na episode.
Nasa Galleon na si bidang guy. Syempre nabo-boringan pa rin ako, deadma na sa mga dialogue sa barko. Basta may kabuddy sa posas si bidang guy. Nasa gitna na sila ng dagat ng biglang napansin ng mga sundalo na nasa barko na may mga sumusunod sa kanila at pinapana sila. Kawawang mga preso, walang kamalay-malay na matitigok na sila. Patuloy pa rin ang pag-ulan ng mga pana, Ate Charo. Naging shaky na ang Galleon, naisip ng mga preso na sinadyang palubigin ang barko para mateggy na silang lahat. At dahil mga kriminal ang kasama ni bidang guy, madiskarte ang mga ito. So binutas nila ang barko and doon lumabas. Si bidang guy parang wala sa sarili, mas gusto na lang mateggy, hindi gumagalaw. E yung ka-buddy niya sa posas gustong mabuhay, ayung hinila siya at pareho silang sumisid sa dagat….
Hinga muna ako.. Nakakahingal talaga ang mga kaganapan. Kahit nawiwindang ako sa mga pangyayari, pinagpatuloy ko pa rin ang panonood…
Nakalabas ng barko ang mga preso, including bidang guy and his buddy. Umangat sila sa dagat para makakuha ng hangin.. May nakita silang sundalo na nasa bangka. So kaway naman sila para tulungan sila, not knowing na sila ang dahilan kung bakit lumubog ang barkong sinasakyan nila. Nakita sila, with other nakaligtas na preso. Pinaulanan na naman sila ng pana… Dito nagtatapos ang isang buong episode.
Nang dumating ang next week, ako na ang nagkusa uling maglipat sa KBS. Na-curious ako sa mangyayari kay bidang guy. So dito nagsimula ang aking addiction sa TPM.
Dahil hindi ko pa makausap ng matino ang kapatid ko regarding sa Kdrama na ito, nagkusa na akong nagresearch. So ayon sa teaser ng KBS every gap ng SPY Myeongwol, it is the story of Romeo and Juliet version of the Chosun Dynasty… The most beautiful yet the most tragic love story. Sa teaser naman after ng TPM, pinakita na nagpaplano ang tatay ni bidang girl na kuhain ang trono sa kanyang pamangkin. "Ah, kaya pala The Princess Man," sabi ng kapatid ko. Syempre hindi ko na gets kasi hindi ko nga nasimulan.
Syempre hindi naman ako ganun ka-loser… ano pa nga ba ang silbi ng aking BFF Google. So nag search ako. Ayon sa DramaWiki: A tragic love story between the daughter of Prince Suyang and son of Kim Jong Seo. The son of Kim Jongseo, Seungyoo, is a handsome and wise man who carries a noble quality. Princess Seryeong, a daughter of King Sejo, aka prince Sooyang, is a cheerful, lively lady with a strong curiosity and bold personality. They fall in love instantly but later they find out that their parents are sworn enemies. It's a Chosun dynasty version of “Romeo and Juliet”. Katamad mag translate.
The Princess Man
Syempre makakaloka pa rin ang mga kaganapan, pinagpatuloy ko pa rin ang panonood kahit hindi ko pa rin maintindihan… Grabe yung episode ng sumunod na linggo, naka-focused sa pangyayari kay bidang guy na si Seung Yu (SY). Super ganda ng episode na ito, at hindi ka makakahinga sa suspense dahil siya pala ang target talaga ng mga nang-ambush sa barko. Hindi ko na lang ikukwento ang mga kaganapan. Just watch this sa Youtube.
A week after the SY episode, syempre, hindi naman papahuli si bidang girl na si Seryeong (SR). Siya naman yung naging focused ng sumunod na episode. Siya naman, while mending a broken heart and hurt neck, naging at peace na siya kasi sa pagkakaalam niya na buhay pa ang love of her life. Ang next naman niyang naging assignment is hanapin ang sister -in- law and niece ni SY dahil in a way, nakonsensiya siya sa sinapit ng family ni SY in behalf of her father. Yung sumunod na episode, preparation sa wedding naman ang ganap. Ikakasal si SR kay Myun, ang ex-bff ni SY.
Ayan na kwento ko na naman ang pinakamagandang part ng drama. I can't help it, lol. Para sa ikakalinaw ng story ng drama na ito, heto ang mga tidbitsng mga kaganapan:
1. Si SR ay anak ng kapatid ng King ng Korea at that time, so Prince ang kanyang ama in short. Hindi masasabing princess si SR, pero isa siya sa royal family.
2. May ambisyon ang father ni SR na maging hari, to do this, kailangan niya makipag-ally sa mga maiimpluwensiyang offcials. Nagplano siyang ipakasal si SR sa anak ng kanyang archenemy, ang adviser ng King na si Kim Jongseo. Si SY ang anak na ito. Isa siyang professor. Siya ang nagtuturo sa princess.
3. Ang princess ang pinakamaganda sa buong Korea. May pagkamaldita siya. Si SR, ang kanyang pinsan, ang nagsisilbing friend niya.
Ang ganda naman niya diba?
4. Nalaman ni SR na siya ay nakatakdang magpakasal at ang magiging professor ng princess ang kanyang husband-to-be. Dahil dito, naisipan ng princess na magpagkap si SR na siya para makilala niya ang kanyang future husband.
5. *SPOILER ALERT!!!* Ayun na nga, nagpanggap si SR na princess, at ayon sa aking research, episode 8 or 9 lang nalaman ni SY na siya ang anak ng taong pumatay sa kanyang pamilya.
6. Sumunod na dito yung galleon scene… bahala na kayo mag figure out kung ano nangyari sa kanya.
Hanggang dyan na lang yung ikukwento ko, half na naman ng series ang nakwento ko. Pero I promise na mas exciting ang 2nd half ng TPM.
The things I like about this series:
1. This is my second historical drama I watched and it is one of my favorite series. Astig ang story line, great actors and it is not as boring as what I expected
2. I also love the new love story here. Hindi siya typical na love story or talagang Romeo Loves Juliet na peg al through out. Teaser pa lang may warning na, A beautiful and yet the most tragic love story, so hindi ka na pinapaasa na happy ending ito.
Sila na ang may ganitong ganap
3. Besides SY and SR's love story, ang ganda din ng love story ng princess at ng kanyang prince consort. Nakakatuwa lang sila.
Hindi pa sila sweet-sweetan dito
4. Like ko rin yung mga supporting actors dito: yung assistant ni Myun at assistant ni SR. super loyal sila sa mga masters nila. Sila na.
5. Aside from SY and SR, bidang-bida sa drama na ito ang Queen, the mother of SR. Grabe, she will do anything para sa kanyang mga anak.
So if you want to watch a love story/ historical drama na kakaiba naman, you should really watch this series. promise di kayo magsisisi. At dahil masyado akong nainspire sa drama na ito, gagawa ako ng separate post about sa things/ lessons in life that i learned/ realized while watching this drama.
Nabanggit ko na sa dati kong post ang munting history ngPhilippine Drama at kung paano nakapasok sa ating sistema ang mga Korean Dramas. Tulad ng mga Telenovela, hindi kaagad pumatok sa mga pinoy ang Asian dramas. Nagsimula muna sa patikim-tikim hanggang sa naging in-demand na ito.
Sa part 2 ng NW, I compared selected teleserye at kdrama ayon sa mga katangian nito, uri, style at marami pang iba. Syempre kailangan may i-ko-compare akong mga teleserye at kdramas na pumatok sa atin. For Teleserye, I choose Pangako Sa'yoat Maging Sino Ka Man while sa Kdrama I choose Sungkyunkwan Scandal and Lovers in Paris. Sa hindi pa nakakalaam ng SKK, click the title to read my review. Napanood ko kasi ito kesa sa Jewel and the Palance and the likes.
Paramaganda at maiintindihan, nag-effort akong gumawa ng table. Ayan ah! A for effort ako. Next post yung analysis and conclusion.
click image to enlarge
Note:
·Nakakatamad gumawa ngsariling synopsis. Keri na itong sa wikipedia.
·Hindi ako magaling mag judge ng Editing and Cinematography kaya konti lang comments ko.
Hanapin niyo na lang sa goole ang synopsis ng movie, nakakatamad ilagay. This is not a full review of the movie. I just want to share some insights/quotes I got from the movie.
But before that, I will first list down yung likes and dislikes ko about sa movie:
1.Nag bongga ni Carmi Martin dito. Sa trailer pa lang naintriga na ako sa mga lines niya.
Ang taray diba? Patikim pa lang yan.
Pero I got disappointed…. (see below)
2.Bakit ganun, ang konti ng exposure ni Carmi. Siya ang pinakabongga sa kanilang lahat, lalo na yung scene na nangigigil siya sa asawa niya sa kabet-china nito.
3.Ang bongga ni Cristine at Anne. Pero mas bet ko si Cristine, super puti ni ate, lakas maka-tomboy.
4.I like the story as a whole but ang corni ng last scenes: Forgive and Forget. Duh!
5.Hindi dapat Now That You're Gone ang theme song ng movie. Dapat ang Kabet by Gagong Rapper. Heto Lyrics and mp3:
Kabet by Gagong Rapper
[Verse 1]
Kay sakit namang isipin na sa puso mo ako'y pangalawa sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko ang aking mga mata at sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay hanggang sumapit ang umaga nang muli kang makasama.
Ano ating lagay hindi mapalagay ako'y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay sa kanya ka sa tanghali akin ka sa gabi pagdilat sa umaga yo! wala ka na sa tabi meron kahati gusto kita na mapasaakin kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin at lagi mong iisipin kung hindi ka para sa akin wag mo lang makalimutin na ika'y mahal ko rin.
[Chorus]
Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya
[Verse 2]
It really hurts ang magmahal ng ganito kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo hanggang ganun na lang nga kailangan ko tong tanggapin na sa puso mo meron na ngang ibang umaangkin at alam ko na rin na mayroon nang nagmamayari sa pag ibig sa iyo ako itong nakikihati at ano man ang mangyari 'di ko kayang manumbat at kahit pa ilihim mo ako sa lahat gaano man kabigat sa puso ko itong aminin hindi dadaing wag ka lang mawalay sa akin masakit man na isipin na ako ang naghiram kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam at kahit hindi to tama ako ay sumugal kahit pa nga alam kong mayroon kang ibang mahal binigay ko ang lahat kahit ganto ang natamo sa pag-ibig nang iba ako ngayon nakikisalo
[Chorus]
Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya
[Verse 3]
Sa situwasyon natin na'to di ko alam kung san tutungo alam ko mahirap pag mali pero mahirap rin isuko paano ko masusuot sing-sing sayo na dala, kung sa paglalagyan nito meron na palang na unang nakilala mo ako di ko binalak mang-gulo gusto ko lang mapatunayan na ika'y mahal ko, yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit kahit ang tawag lang sa akin ay dihamak na kabit.
Oo nga ikay sa akin at ako'y sa iyo, at ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo, yun ay aking tinanggap para makasama ka lang pero sana wag sabihin na nakasama ka lang pero sana rin wag tayong dumating pa diyan tiisin ko ang lahat e basta wag lang yan kahit alam kong mahirap mong tanggapin na mas na una siya sa iyo kesa sa akin
[Chorus]
Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya
O diba mas bongga. Wala namang umalis/namatay sa movie e, saka sakto yung lyrics sa mga nadarama ng mga characters. Kaso dapat girl version itong rap. Close your eyes and imagine na si Anne ang rapper dito.
6.Katulad ng sa mga nabasa kong mga reviews, what happened sa father ni Derek? Sa dad ni Cristine?
7.Bakit ganun, pag lalaki ang nagloko, okay lang. pero pagbabae, hindi katanggap-tanggap. In case of Anne and Derek's character, mas kawawa si Anne. Hmm…. I think this needs a separate post.
8.I don’t like the quality of video. Di man lang HD like A Very Spacial Love and other Star Cinema films.
9.Kaloka ang resort, tampisaw ng tampisaw si Anne at Derek sa dagat, puro dahon-dahon pa. Hindi man lang nilinis. Ahh… kaya pala sila "nangati". K.
10.Katulad ng comment ng Prof ko (hindi ko na sasabihin kung sino) over scored ang movie. Kelangan ba talaga mas malakas ang BGM kesa sa pagsasalita ng mga actors. Pati rin yung sa moment na nag e-emote lang sila sa camera, kelangan lakasan ang BGM para mas feel ang scene kuno, kaso hindi talaga bagay ang Now That You're Gone sa movie. Hindi ko pakita yung connect ng meaning ng song sa story ng movie.
11.I like the portrayal of the 3 main characters. Clap, clap, clap for Cristine and Anne. Kay Derek, nakukulangan pa ako sa acting niya. Nung sinabi ko itong comment ko na ito sa friend ko, sabi niya, "Ano gusto mong acting niya, wala naman ng iba na pwedeng i-cast for his role na kasing hot niya." Oo nga naman.
----
O siya, heto na ang mga bonggang quotable quotes sa movie.
Disclaimer: arranged in sequence yung mga quotes na ito, so kung gusto niyong wag ma i-spoil, itigil na ninyo ang pagbabasa. Pero kung ayaw niyo, deadma na lang. Para ito kay Kuya Macky na ayaw manood.
Kara on one of the board's member: “I don’t need to read your research report. I know the market because I am the market.”
Kara on while on the top of the rock: “No pressure! And kiss me and don’t you dare fall in love with me.”
Hipon-eating scene, Kara on Ram: “Paano mo naman malalaman na masarap pala pag di mo titikman? Kahit alam mong bawal, labanan mo cos’ eventually your body will just get used to it.”
Kara on her friends, “We’re just two consenting adults having fun, there’s no emotional attachment.”
Kara's friend on her: “Having fun? Ngayon yes fun! Pero paano pag iniwan ka na niya? Paano pag pinili na niya ang asawa niya? Paano pag na skandalao na ang pamilya mo? Fun pa rin ba!”
Kara on her friends in the bar: “You will only be called a mistress when there’s an emotional attachment. I’m not a mistress.”
Charmaine's mother, consolling her upon seing the other woman of her dad, with her other daugther: "Kung ahas siya mas ahas ako! Tahimik pero kapag kinanti – nanunuklaw."
Tiange scene. Ram arrived late, Charmaine noticed the red marks on his neck. Charmaine's mother: Naku, ganyan talaga kapag galing sa makating dikya, nagmamarka.
Crying scene, Charmaine's mother while consoling her: “Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maagawan ka, lumaban ka!”
Crying scene with her mother, Charmaine: “Tsaka ano bang mahirap kalaban? Yung putang mahirap o yung putang mayaman?”
Her mother's answer: “Pareparehong puta lang yun! Ang mayaman bumibili ng hermes sa mall, ang mahirap bumibili ng hermes sa greenhills.”
The mose talked about line from Charmaine's mother: “I-pack up mo na si Lucy Torres mo. Ilabas mo na si Gretchen Baretto. Ako na bahala sa red stiletto mo.”
Charmaine's mother while consoling her: “Kapag ang lalaki, maya’t maya nagpapalit ng babae, Ok lang yun! Basta sayo lang umuuwi. Pero pag ang lalaki may suki nang kabit, dun ka na lumaban!”
Charmaine's friend upon seeing Kara wearing violet outfit like Charmaine: “Meron ba ditong paparty ni Barney na hindi ko alam?”
The bag scene:
Charmaine: You like nice things no?
Kara: Yeah. They’re my guilty pleasures. But I really don’t feel guilty ‘cause I deserve them.
Kara: We bought know we have something in common.
The invitation scene:
Charmaine: Why don’t you have dinner with us tonight, pa thank you ko na rin dahil kinuha mo ang asawa ko.
Kara: I’m sorry?
Charmaine: Bilang supplier ng furniture para sa resort niyo.
While cooking, Charmaine on Kara: “Sabi nila, a way to a man’s heart is through his stomach. Sa ganda mong yan, siguro madami kang alam na shortcuts.”
Another winner line:
While cooking,
Kara: Anything I can do to help you?
Charmaine: Naku. Huwag na. Baka Makita mo pang nilalagyan ko ng lason ang pagkain mo. Joke lang. Medyo off yung humor ko lately.
Dinner scene, Charmaine on Kara: “Mababaliw siguro ako kung malaman kong may babae siya. Baka mapatay ko yung kabit, silang dalawa actually.”
After the dinner scene, Kara with her friends again in the bar: “Anong gagawin niyo if the only man that you love is unfortunately married!”
“I’m not gonna give up Ram without putting up a god damn fight!”
Lambingan scene, Ram on Charmaine: “I PROMISE YOU THERE’S NO OTHER WOMAN IN MY LIFE!”
Swimming pool scene,
Charmaine: Alam mo kasi ang marriage parang exclusive village. Kailangan mong bantayan para hindi makapasok ang mga squatters.
Kara: Dito din, bawal ang ugaling squatters, buti nakapasok ka?
Charmaine: Ano nga ba ulit ‘yung tawag sa katulad mo? Ahhh.. AHAS! Bikini mo ba ‘yan o balat mo? Kaya pala ang galing mong gumapang.
Kara: "Are you here to make a scene???
Charmaine: "Only if you have an affair with my husband, meron ba???”
Kara on Charmaine: “You can call me whatever you want,SNAKE, BITCH or OTHER WOMAN, but I promise you,I will never be a PATHETIC and BORING housewife.”
“THERE’S NO OTHER WOMAN BETTER THAN I AM!”
After the controversial swimming pool scene, Charmain on Ram: “Ayoko na! Ayoko na! Alam ko naman eh, ang sakit lang, ang sakit-sakit lang nung marinig ko. Hindi ko dapat ginagawa to pero ginagawa ko to dahil mahal na mahal kita!”
Kara on Ram before the jumbagan scene: “Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong iiwan!”
The emo scene, Ram on his friend: “Ang laki ng kasalanan ko, hindi ko na maayos to!”
Chapel scene, Kara on Charmaine: “Every day I’m trying to convince myself na mamahalin din nya ako, pero sayo pa din sya umuuwi.”