Aside form Sungkyunkwan Scandal, The Princess Man is another historical love drama from, where else? From Korea. Unlike SKKS na napanood ko simula episode 1, honestly hindi ko pinansin itong TPM. Noong mga panahon siguro na nagsimula ito, it's either nasa galaan ako, rumampa ako or masyado akong na-overwhelmed sa dami ng Kdramas na napanood ko lately. So nasa pahinga mode muna ako sa panonood ng KDramas. Naalala ko pa na may moments pa na nag-aaway kami ng kapatid kong bunso (which is so normal na sa amin) dahil gusto kong mapanood ang ending ng Minsan Lang Kita Iibigin. Ayun hindi ako nanalo kasi hindi ko naman napanood yung ending.
At dahil alam ko naman na wala na akong magagawa at wala na akong choice, pinanood ko na lang yung show na pinapanood ng kapatid ko sa TV. E nagkataoon pa na puro patayan--- arrows, swords and all, hindi ako mahilig sa violence… may gulay. Ayun lalo kong hindi pinanood. Pero one time, ako na ang kusang naglpat sa KBS (Ako na ang mabait na ate). Ang scene na nito…
*SPOILER ALERT*
SPOILER QUEEN: Heto na naman ako, hindi ko mapigilan magkwento ng hindi nagsasabi ng actual na mga eksena. Kung ayaw mong ma spoil, go watch it na lang sa Youtube kaagad:
Ayun na nga, yung scene na napanood ko, si bidang girl nakatutok ang espada sa kanyang leeg. Yung tipong magpapakamatay sa pamamagitan ng pag-gilit ng leeg. So ang kanyang mother, nagmamakaawa na siya na lang ang patayin kesa ang sarili niya. Deadma pa rin si girl. May dugo-dugo effect na sa leeg niya. Nawiwindang na rin yung mga kapatid niya. Hanggang sa dumating ang kanyang ama at sinabi na hindi pinatay ang love of her life, imbes ito ay i-e-exile sa kabilang island. Nang marinig niya iyon, binitiwan na niya yung espada and makikita ang relief sa kanyang mukha. Next scene, makikita na may mga preso na isinasakay sa isang barko na kahawig ng Galleon trade.
So nawindang din kayo di ba? Ano pa ako. So kailangan kong magtanong."Anong ganap?" Syempre, ayaw ng kapatid ko ng tanong ng tanong lalo na kung nanonood siya, hindi niya ako sinagot… Langya, wala akong choice kundi panoorin ang sumunod na episode.
Nasa Galleon na si bidang guy. Syempre nabo-boringan pa rin ako, deadma na sa mga dialogue sa barko. Basta may kabuddy sa posas si bidang guy. Nasa gitna na sila ng dagat ng biglang napansin ng mga sundalo na nasa barko na may mga sumusunod sa kanila at pinapana sila. Kawawang mga preso, walang kamalay-malay na matitigok na sila. Patuloy pa rin ang pag-ulan ng mga pana, Ate Charo. Naging shaky na ang Galleon, naisip ng mga preso na sinadyang palubigin ang barko para mateggy na silang lahat. At dahil mga kriminal ang kasama ni bidang guy, madiskarte ang mga ito. So binutas nila ang barko and doon lumabas. Si bidang guy parang wala sa sarili, mas gusto na lang mateggy, hindi gumagalaw. E yung ka-buddy niya sa posas gustong mabuhay, ayung hinila siya at pareho silang sumisid sa dagat….
Hinga muna ako.. Nakakahingal talaga ang mga kaganapan. Kahit nawiwindang ako sa mga pangyayari, pinagpatuloy ko pa rin ang panonood…
Nakalabas ng barko ang mga preso, including bidang guy and his buddy. Umangat sila sa dagat para makakuha ng hangin.. May nakita silang sundalo na nasa bangka. So kaway naman sila para tulungan sila, not knowing na sila ang dahilan kung bakit lumubog ang barkong sinasakyan nila. Nakita sila, with other nakaligtas na preso. Pinaulanan na naman sila ng pana… Dito nagtatapos ang isang buong episode.
Nang dumating ang next week, ako na ang nagkusa uling maglipat sa KBS. Na-curious ako sa mangyayari kay bidang guy. So dito nagsimula ang aking addiction sa TPM.
Dahil hindi ko pa makausap ng matino ang kapatid ko regarding sa Kdrama na ito, nagkusa na akong nagresearch. So ayon sa teaser ng KBS every gap ng SPY Myeongwol, it is the story of Romeo and Juliet version of the Chosun Dynasty… The most beautiful yet the most tragic love story. Sa teaser naman after ng TPM, pinakita na nagpaplano ang tatay ni bidang girl na kuhain ang trono sa kanyang pamangkin. "Ah, kaya pala The Princess Man," sabi ng kapatid ko. Syempre hindi ko na gets kasi hindi ko nga nasimulan.
Syempre hindi naman ako ganun ka-loser… ano pa nga ba ang silbi ng aking BFF Google. So nag search ako. Ayon sa DramaWiki: A tragic love story between the daughter of Prince Suyang and son of Kim Jong Seo. The son of Kim Jongseo, Seungyoo, is a handsome and wise man who carries a noble quality. Princess Seryeong, a daughter of King Sejo, aka prince Sooyang, is a cheerful, lively lady with a strong curiosity and bold personality. They fall in love instantly but later they find out that their parents are sworn enemies. It's a Chosun dynasty version of “Romeo and Juliet”. Katamad mag translate.
The Princess Man |
Syempre makakaloka pa rin ang mga kaganapan, pinagpatuloy ko pa rin ang panonood kahit hindi ko pa rin maintindihan… Grabe yung episode ng sumunod na linggo, naka-focused sa pangyayari kay bidang guy na si Seung Yu (SY). Super ganda ng episode na ito, at hindi ka makakahinga sa suspense dahil siya pala ang target talaga ng mga nang-ambush sa barko. Hindi ko na lang ikukwento ang mga kaganapan. Just watch this sa Youtube.
A week after the SY episode, syempre, hindi naman papahuli si bidang girl na si Seryeong (SR). Siya naman yung naging focused ng sumunod na episode. Siya naman, while mending a broken heart and hurt neck, naging at peace na siya kasi sa pagkakaalam niya na buhay pa ang love of her life. Ang next naman niyang naging assignment is hanapin ang sister -in- law and niece ni SY dahil in a way, nakonsensiya siya sa sinapit ng family ni SY in behalf of her father. Yung sumunod na episode, preparation sa wedding naman ang ganap. Ikakasal si SR kay Myun, ang ex-bff ni SY.
Ayan na kwento ko na naman ang pinakamagandang part ng drama. I can't help it, lol. Para sa ikakalinaw ng story ng drama na ito, heto ang mga tidbits ng mga kaganapan:
1. Si SR ay anak ng kapatid ng King ng Korea at that time, so Prince ang kanyang ama in short. Hindi masasabing princess si SR, pero isa siya sa royal family.
2. May ambisyon ang father ni SR na maging hari, to do this, kailangan niya makipag-ally sa mga maiimpluwensiyang offcials. Nagplano siyang ipakasal si SR sa anak ng kanyang archenemy, ang adviser ng King na si Kim Jongseo. Si SY ang anak na ito. Isa siyang professor. Siya ang nagtuturo sa princess.
3. Ang princess ang pinakamaganda sa buong Korea. May pagkamaldita siya. Si SR, ang kanyang pinsan, ang nagsisilbing friend niya.
Ang ganda naman niya diba? |
4. Nalaman ni SR na siya ay nakatakdang magpakasal at ang magiging professor ng princess ang kanyang husband-to-be. Dahil dito, naisipan ng princess na magpagkap si SR na siya para makilala niya ang kanyang future husband.
5. *SPOILER ALERT!!!* Ayun na nga, nagpanggap si SR na princess, at ayon sa aking research, episode 8 or 9 lang nalaman ni SY na siya ang anak ng taong pumatay sa kanyang pamilya.
6. Sumunod na dito yung galleon scene… bahala na kayo mag figure out kung ano nangyari sa kanya.
Hanggang dyan na lang yung ikukwento ko, half na naman ng series ang nakwento ko. Pero I promise na mas exciting ang 2nd half ng TPM.
The things I like about this series:
1. This is my second historical drama I watched and it is one of my favorite series. Astig ang story line, great actors and it is not as boring as what I expected
2. I also love the new love story here. Hindi siya typical na love story or talagang Romeo Loves Juliet na peg al through out. Teaser pa lang may warning na, A beautiful and yet the most tragic love story, so hindi ka na pinapaasa na happy ending ito.
Sila na ang may ganitong ganap |
3. Besides SY and SR's love story, ang ganda din ng love story ng princess at ng kanyang prince consort. Nakakatuwa lang sila.
Hindi pa sila sweet-sweetan dito |
4. Like ko rin yung mga supporting actors dito: yung assistant ni Myun at assistant ni SR. super loyal sila sa mga masters nila. Sila na.
5. Aside from SY and SR, bidang-bida sa drama na ito ang Queen, the mother of SR. Grabe, she will do anything para sa kanyang mga anak.
Ayan i love technology talaga! May site akong nakita na may anything about TPM. Just explore na lang ito: http://www.squidoo.com/the-princess-man
So if you want to watch a love story/ historical drama na kakaiba naman, you should really watch this series. promise di kayo magsisisi. At dahil masyado akong nainspire sa drama na ito, gagawa ako ng separate post about sa things/ lessons in life that i learned/ realized while watching this drama.
Abangan.
No comments:
Post a Comment