Honestly, I started writing this post a month before my birthday and I scheduled to post this on my birthday. At dahil birthday ko, serious post muna ito. Just like in the title, this post is my birthday wish.
------
Ano kaya ako kung naging lalaki ako?
Kung nakapunta na kayo sa bahay namin, makikita niyo dun yung Grad Pic ko nung kinder ako. Nakahilera yung grad pic na yun kasama ng sa mga kapatid ko. Everytime na may nakakakita nun, ang laging sabi ay "Sino yang lalaking yan?" o kaya naman, "May kapatid pala kayong lalaki. Nasaan na siya?" Magtatawanan kaming lahat, kami ng nanay ko at mga kapatid ko. "Ako yan, ano ka ba," ayan ang lagi kong sinasabi. Kung tatanungin niyo kung nasaan ang picture ko na iyon, sinunog ko na lahat ng kopya...joke! Syempre hindi naman. Itinabi ko naman. And as for the laminated picture, ayun nakadisplay pa rin, hindi nga lang sa sala/dinning area namin, nasa kwarto na nakadisplay, yung sa hindi na nakikita ng mga tao.
Bata pa lang ako, gala na ako. Kapag may pasok sa school, 2 pm to 5 pm lang ako sa labas. Pero kapag bakasyon, mula 8 am hanggang 12 noon tapos 2 pm hanggang 6 pm nasa labas ako. Lahat ng laro sa kalsada nalaro ko: langit-lupa, taguan, bang-sack, jolens, chinese garter, luksung baka, etc. Name it, nalaro ko na yan. Imbes na barbie doll o kung anong laruang pambabae, hindi ko type. Kawawa lang sa akin si Barbie, kung hindi nakakalbo, chop-chop Barbie siya. Mas gusto kong maglaro ng doll house kesa sa Barbie. Dumadayo pa ako sa kapit-bahay namin na may doll house kaso hindi naman kami makapaglaro nun kasi hindi pwedeng ilabas sa box yung doll house. May nilalaro naman akong doll-- paper doll. Pero hindi para magbahay-bahay, kundi para gamitin sa kalog, yung mga pinitpit na tansan ng bote ng softdrinks, tapos yung paper dolls yung kapalit. Puro lalaki ang kalaro ko pero may mga babae rin, mga boyish. Mas okay kalaro ang mga lalaki at mga boyish na girls kesa sa mga pa-demure na girls. Nakakainis naman kasing kalaro ang mga pa-sweet na girls. Saka walang trill ang mga laro kapag mga babae ang kasama. Nakakasawa rin naman kasi ang chinese garter. Saka isang factor na rin siguro na wala akong masyadong ka-age na babae. Kung meron man, limited ng kanilang time para maglaro sa labas.
Kung hindi ako naglalaro sa labas, lagi akong nasa Alba, ito yung paradahan/talyer ng kapitbahay namin. Isa sa drayber ng jeep niya ang tatay ko. Lagi ako run pumupunta, para pauwiin ang tatay ko o para manghingi ng piso. Minsan nga, sa kakabuntot ko sa tatay ko, sinama niya ako sa pinagpapaayusan nila ng truck, ayun hindi ako nakapasok sa school. Kinder pa lang ako nun.
Mahilig magbutingting ng kung anu-ano ang tatay ko. Mapa-sirang electric fan, switch, ilaw, pagkukumpuni ng lamesa, silya, at cabinet. Imagine yung electric fan mula sa kapitbahay namin, sira na yun ng binigay sa kanya. Inayos niya, ayun umandar naman. 16 years old na ako nung binigay namin iyon sa kapitbahay din namin. Sa tuwing nagkukutingting siya, nanonood ako. Noong inaayos ang bahay namin, nakiki-usyoso ako sa mga naghahalo ng simento at buhangin, nag lalagari ng kahoy at nagpapalatada. Ayun, noong nag-abroad ang tatay ko, ako na ang gumagawa ng mga gawaing dati siya ang gumagawa.
Noong elementary at highschool ako, halos pantay lang ang dami ng mga kaibigan kong lalaki at babae. Noong first year college ako, mas ka-close ko pa ang mga classmates kong lalaki kesa sa mga babae. Sa ugali kong ito, mas okay kasama ang mga lalaki kasi hindi sila magdaramdam sa kaprangkahan ko. Isa siguro sa mga dahilan kung bakit maayos naman ang nagyari sa aking buhay ay dahil na rin sa mga pinili kong kaibigan na samahan. Siguro, ganoon din ang naging papel ko sa kanila.
Bakit ko gustong maging lalaki?
Sigurado, mapagkakamalan akong isa sa mga F4. Naalala ko noong 3rd year high school ako, nagpagupit uli ako ng buhok tulad ng sa grad pic ko noong kinder ako. Sabi ng classmate ko na beki nung nakita ako, lakas ko raw maka-tomboy.
Noong nag-aaral pa ako, gustong-gusto kong sumama sa mga field trip at camping. Pero dahil babae ako, hindi ako nakaranas ng mga iyon. Kahit mag-iiyak ako maghapon, hindi pa rin ako pinapayagan. Kahit libre ang dadaluhan kong seminar, hindi pa rin ako nakakasama. Ang katwiran ng tatay ko, "kung lalaki ka, papayagan kita."
Mahilig bumili ang tatay ko ng mga laruang kotse at robot. Natatawa na lang kami ng mga kapatid ko at sasabihin na, "sino naman ang maglalaro nito, e puro naman tayo babae." kaya hayun, ang mga nakababata kong mga pinsan na lalaki ang nakikinabang sa mga laruan na iyon.
Gusto kong pumunta kung saan-saan, pero kalimitan, ako ay napapagalitan. "Daig mo pa ang mga lalaki, lagi kang nasa galaan."
Ano kaya kung nakita ko ang lalaking ako?
Lahat naman tayo ay mag ideal: mapa-someone man yan o something, at natural, mayroon din akong ideal somebody…
Tulad ng tipikal na babae, gusto ko rin naman na ang buhay ko ay tulad ng isang fairy tale, isa akong prinsesa na may prince charming at happy ending. O kaya maaaring sa mga teleserye, ako ang damsel in distress na may knight in shining armour at happy ending.
Kaya ko love na love ang Meteor Garden, Hana Yori Dango at Boys Over Flower, bukod sa mga F4, pangrap ko kasing maging si San Chai/Makino/Jandi. Mabuti pa sila may Dao Ming Si/Domyuji/Jun Pyo. Ang kwentong ito ang maituturing kong modern fairytale. Close to reality. Mas madali ng paniwalaan kasi hindi na kailangan si Fairy Godmother. Walang magic kalabasa. Pero meron pa ring wicked Step Mother. Okay lang, kung may pag-iibigan naman na tulad sa kanila na handang ipaglaban anumang mangyari, why not? Ang importante naman ay happy ending pa rin naman diba?
Nakikita ko ang sarili ko kay Domyouji, maliit sa pangkaraniwang lalaki, pero matanggakad sa pangkaraniwang babae. Mainitin ang ulo, check. Suplado, check. Madiskarte, check. Matapang, check. Medyo seryoso pero may sense og humor naman, check na check. Ngunit isang katangian lang niya ang wala siguro sa akin, bukod sa yaman, hindi ako kasing tapang niya pagdating sa pag-ibig.
Dahil kung matapang ako hindi siguro ako nag-iisa ngayon. ..
So, ano nga ba ang birthday wish ko?
Alam ko naman na hindi naman na ako bata. Hindi na bagay sa edad ko ang mga ganitong bagay. Kinailangan pang umabot sa ganitong moment bago ko ma-realized kung ano ang gusto ko all along…
(Para may suspense ng konti, read the rest of this post here. Enter password)
No comments:
Post a Comment