Kung avid reader ka ng blog na ito, malamang hindi na lingid sa iyong kaalaman na fave ko sina Katy, Pink ant Lady Gaga. Hindi pa ba obvious sa post ko na ito. At para naman maiba ang mga ni-re-review ko, mga songs that I love naman aking featured post. Para hindi maging nobela ang aking post, hatiin ko na lang ito by part.
Pero bago ang lahat, background muna. Parte na ng routine ko ang makinig ng music simula ng magkaroon ako ng mp3 player. No, bago pa duimating sa aking piling ang aking beloved Ipod shuffle, ang kaisa-isang Apple product na meron ako.
Tyaran! Ang aking unanag mp3 player: Creative Labs MuVo TX FM MP3 Player
May beloved mp3 |
Ang cute di ba? Actually, yan talaga ang color niyan. Hulaan niyo kung ilan, 1 gb? Lower. 250 mb? Lower. 32 mb? Higher naman, wala namang ganung memory. 128 mb? Yes! Korek, Tumpak, Check na Ckeck! Yes, ganayan ka loser ang mp3 ko. Mga 24 songs naman ang keri nyan, keri na rin. Pero wait, hindi pa diyan natatapos ang pagiging loser ko, bukod sa maliit na memory, battery operated ang mp3 ko na ito. Kailangan ng isang AAA battery. Laging nauubos ang mga kurakot savings ko kabibili ng battery na Energizer para mas matagal ang play time. At last naisipan namin na bumili ng rechargeable battery. Nakamenos na ako sa pagbili ng battery.
Nonetheless, love ko pa rin ang mp3 ko na ito. 3rd year high school ako ng ibinigay ito sa akin ng aking itay. Bukod sa pwede akong magstore ng mga fave music ko dito, pwede rin akong mag makinig ng FM dito, obvious naman sa picture diba. Noong nagkaroon ng bagyo na hindi ko na maremember ang name at nag brown out ng bongga, ito ang aking naging kapiling. Tumagal naman ito hanggang college, yung mga time na natuklasan ko na na pwede pala itong gawing usb. Hindi pa naman kasi uso sa amin ng usb noong high school, disket pa yung mga uso nun.
Hindi ko na matandaan kung a year o 2 years ko rin nakapiling si Creative mp3 bago ko siya palitan. Again, thanks so much sa aking sponsor, ang aking itay, naglevel up ang aking mp3, binigyan ako ng mp4. mga 4th year high school na ako nito. Kapiling ko pa rin si Creative mp3 pero hindi na masyadong pinapansin. At dahil sinabing kong level up na ito, hindi na ito loser na 128 mb lang, 1 gb na ang aking mp4! Ang bongga diba? Hindi ko na rin kailangan bumili ng battery dahil may charger na ito. Mega download ng mga kanta gallore ako nito. Pero ayon sa aking pagkakatanda, halos wala pang 1 year ko nagamit ang mp4 ko na ito dahil hindi nga loser ang memory, loser naman ang charger. Hindi ko na nga maconnect sa computer, hindi pa mag-charge… so balik uli ako kay Creative.
A year later, ipinamana ko na sa aking kapatid si Creative dahil dumating na sa buhay ko si Ipod Shuffle. Mga February 2008 ito, courtesy of, again, my itay. Katyulad ng aking loser ng mp4, 1 gb din ito at umaasa sa laptop to charge, keri na rin. Needless to say, ang aking Ipod shuffle ang akinng kasama sa buong college life ko. Until now laging nasa bag ko ang aking ipod. Kahit minsan, nagiging pamato ko ito kapag nababagsak ko, buhay pa rin siya. At nasasayahan ako sa battery life niya, once a month lang ako nagcha-charge. Ang bongga lang.
Namention ko na sa post ko na ito ang laman ng aking ipod. Pero hindi ko na ito nagagamit masyado, though hindi ko ito ipamimigay dahil mahal na mahal ko ito, hindi na na rin ito updated sa mga latest na kanta. Feeling ko kasi nabibingi na ako kasi maghapon akong naka-headset at nakikinig ng mga kanta sa office, kaya minsan ko na lng siya magamit. Uulitin ko, love ko anf ipod ko. So sa mga nagbabalak na mang-arbor dyan, back-off.
So ngayong nag-work na ako, ang windows media player sa aking pc ang nagsisilbing mp3 ko. Bukod sa malaking size nito physically, malaki din ang memory nito, hehehe. Kung gusto niyong malaman kung ako ang mga songs dito, abangan ang next post...
No comments:
Post a Comment