Tuesday, November 22, 2011

Playlist: Pinoy Rock part 1- Parokya ni Edgar

    Rocker ako. Hindi lang halata.
     
    Trip ko ang mga maiingay na kanta, impluwensya na marahil ng aking mga pinsan at mga kapitbahay na mahilig magpatugtog ng nakakatanggal ng tulili na sounds.
     
    Nasabi ko na sa post na ito na kung may magustuhan man akong artist, buong album niya/nila ay namanhal ko. This rule also applies with Parokya ni Edgar. Love na love ko silang lahat. Hindi pwedeng walang PNE songs sa aking playlist. So ang first feature dito sa Cherry's List:: the Parokya Band, Parokya ni Edgar.

    Nagtabaan na sila dito.

     
    According sa song nilang One Hit Combo, they started in 1993. the band is composed of Chito Miranda in vocals, Vinci Montaner, 2nd vocalist; Gab Chee Kee- guitars, 2nd vocalist; Darius Semaña, lead guitar; Dindin Moreno, drums; and Buwi Meneses, bass guitar. Naging front act ng fave nilang banda, ang Eraserheads, and the rest is history. They now have 11 albums which includes a  Christmas album, a live-recorded album and a compilation album. They also collaborated with other artist such as Kamikazee, Gloc 9 and the Master Rapper, Francis M
     
    Kung ang mga 80s baby na mga teenagers noong 90s, ay lumaki sa kanta ng mga Eraserheads, ako, bilang 90s baby at teen pa rin hanggang ngayon, lumaki naman sa mga kalokohan ng PNE. Actually noong high school lang talaga ako naging super fan, though may alam na akong mga kanta nila. Na upgrade lang ang pagiging fan ko noong nagbakasyon ako sa Isabela, kung saan mga PNE din ang mga kamag-anakan ko and dahil sa mga classmates kong boys na mahilig mag jamming. They even named their group as Parokya ni Ernesto. Huwag kayong mag-alala, hindi kasing mysterious ni Edgar si Ernesto, classmate ko siya. 
     
    The first thing I like sa Parokya is that they are vocal na hindi sila magsplit. Please refer to Yes Yes Show. Syempre, sino bang fan ang gustong madisband ang kanilang fave band? Katulad nga ng nasa name ng kanilang compilation album, SOLID sila. Nakakatuwa ang kanilang barkadahan, kung naka-like ka sa fan page ng PNE sa FB, nababasa mo ang kanilang kakulitan… which leads to the second thing that I like about them. Masipag silang makipag interact sa kanilang mga fans, especially si Chito. And lastly, super nakakarelate ako sa mga kanta nila. Idagdag pa ang garalgal na boses ni Chito, ika ng ng isa kong classmate, wasak na!
     
    Here are the list of PNE Songs na hindi ako nagsasawang pakinggan araw-araw kahit na feeling ko nabibingi na ako  and the reason why I love them. Halo-halo na ito, naka shuffle kasi yung playlist ko, hehehe.

    Ang taray ng playlist ko diba?

     
    1. Alumni Homecoming- kung ikaw ay nag high school, I bet may ganito ka ring eksena. Wag ka ng magpakaplastic, syempre meron ka rin naman naging crush na classmate or schoolmate, though hindi mo naman inamin sa kanya ang iyong damdamin, like what was in the song, Im sure, you want to see him/her in your alumni homecoming. Yun nga lang, manalangin ka na lang na wag maging tulad ng sa ending ng song ang itong tadhana. 
     
    1. Silvertoes- nabasa ko ang trivia ni Chito about this song sa FB fan page nila. At naloka ako sa history ng song na ito. Ramdam sa song na ito ang pagka-irita ni Dindin sa babaeng may silvertoes.
     
    1. Wag mo na sana- kapag naririnig ko ang song na ito, unang naaalala ko yung movie nina John Llyd, Baron and Marco, yung Mahal na kung mahal. Well obviously, ito yung theme song sa movie na iyon. Kasama din pala sa movie yung ex-gf ni Chito, si Kaye. Kapartmer siya ni JL dun.
     
    1. Buloy- ito at ang Harana ang una kong naging fave sa PNE way back in late 90s. I always love songs na may kwento e. Sino ba naman ang hindi diba?
      
    1. Harana- Kung may maglalakas loob na mangharana sa akin, ito ang gusto kong kantahin niya. Ang sweet ng kanta na ito. Super cheesy pa ng lyrics. Tapos heartfelt pa ang pagkanta, sino pa ba ang hindi ma-i-in love sa nang ha-harana?
     
    1. Paki-usap lang- Kahit ano pa ang paliwanag ni Chito na hindi ito for Kaye, hindi ko pa rin mapigilan na isipin na ginawa niya ang song na ito dahil sa break-up nila.  Hindi ba obvious ang bitterness sa lyrics ng kanta. Although kaye and Chito say na friends sila.
     
    1. One hit combo- nandito na anman sila. Ang nakakamiss lang sa collaboration nila, wala na si Francis M. It's a tribute to him and to Eheads, their mentors. Chill chill lang itong song na ito kaya I like it.
     
    1. Picha Pie- Sino ba aamn ang ayaw ng Picha Pie, aber? Infairness, ganda ng boses dito ni Vinci
     
    1. Muli- emo time. Ayon kay Chito, sinulat daw ito ni Dar para sa ex-gf niya na ex PBB housemate. Kung sino siya, di ko knows.
     
    1. Halaga- I love this song because as a woman, napaka flattering na may someone na magtreat sa yo ng maayos. Yung ginagalang ka. And for the parokya, sa song na ito nila na-express na they respect women so much. At nasa title na nga, kailangan alam natin ang ating tunay na halaga. 
     
    1. Yes Yes Show- This song is very special for me kasi… basta.. Secret ko na lang yun. 
     
    1. The Ordertaker- kung gusto mo lang mabingi for 3 minutes, listen to this track. Lol. Pero seriously, I like this song kasi may mga moment na trip ko lang talaga ang mga maiingay na kanta at kapag napapakinggan ko ang kanta na ito, nakaka enrgized lang. Minsan pinapakinggan ko rin ito kapag galit na galit na ako pero kailangan kontrolin ko ang aking temper.
     
    1. Pangarap lang kita- lahat nga siguro tayo, okay a few na lang kung hindi lahat, may ganitong moment… Pangarap lang kita. Lumilevel lang sa The one that got away.
     
    1. Papa Cologne- chill chill lang din ang song na ito. Nakaktuwa yung Music Video.  Feel na feel ni Empoy na papable siya.
     
    1. Gitara- another romantic song. Pwede na rin itong kantahin na pang harana...chill-chill lang din.
     
    1. Para Sayo-  another proof na PNE have high respect to women. Di ba, nakakatuwa lang. may disclaimer muna bago ma-in love sa kanila. Sino ba ang hindi ma-i-in love dito?
     
    1. Bagsakan- Astig ang collaboration ng PNE, Gloc 9 at Francis M para sa song na ito. Parang ito yung part 1 and yung One Hit COmbo ang part 2. 
     
    1. Sorry Na- Kung ganito ang way ng pag-sorry. Kahit ilang kasalanan, mapapatawad mo talaga agad.
     
    1. Please  Don't Touch My Birdie-  medyo may pagka double meaning ang kanta na ito, nonetheless, cathy ang song. At least marunong siyang makiusap… Please don’t touch his bird. May naalala tuloy akong birdie… si Tweety Bird...ie. Waley.
     
    1. Tatlong Araw- kung pa-emohan lang talaga, wala ng mas tatalo pa sa kantang tatlong araw. Nabaso ko sa Fan page ng PNE na isinulat ito ni Chito dahil akala niya may girlfriends na siya, yung pala April Fools Day lang pala yun. Ayan tuloy, nakagawa siya ng kanta.
     
    May pahabol na song:
     
    1. Iwanan mo na siya- kaloka lang ang lyrics. I think si Vinci ang kumanta nito. Tama ba?
     
    As closing, I love PNE kasi nakakarelate ako sa mga kanta nila, chill lang ang kanilang mga songs and hindi matalinghaga ang kanilang mga kanta. Hindi mo na kailangan mag isip. And lastly, lahat ng songs nila ay  heartfelt. Yun na.

No comments: