Tuesday, February 7, 2012

Review-Reviewhan: Nasaan ang Puso


Note: Kung sa other reviews ko puro side comments ako, expect na mas super daming side comment dito. Yun lang!

***


Florence and I planned to visit our dear alma mater last week.  As usual, super busy and gulo-gulo and mga katauhan sa CMC office kaya naisipan na lang namin na makigulo sa class ni Sir Roy. Sakto naman na tapos na siya sa kanyang lecture at may pinapanood siya sa kanyang mga students. Ang duga! Bakit noong time namin walang film showing! Buti pa ang mga bagets na ito, napanood na ang Sa Kabila ng Lahat  at Dahas.

So ang nangyari, habang inaayos pa ng mga staff ang player para sa film showing, nakipagchikahan muna kami kay Sir. At noong nagstart na ang movie, dineadma ko na lang silang dalawa, Ang featured film for that day is Nasaan ang Puso...


Isa lang naman ang gusto ni Joy, played by Maricel Soriano, ang magkaroon ng buong pamilya. Pero paano makakamit iyon kung nababalot ng puot ang kanilang mga puso. Paano niya masisimulan ito kung sa sarili niya hindi niya alam kung nasaan ang puso?

Nagsimula ang lahat sa pagtataksil ng ina ni Joy na si Elena, played by Gina Pareno sa kanyang itay na si Edgardo, starred by Ronaldo Valdez. At dahil dito, kinuha siya  kanyang itay at hindi knilala ang kanyang kapatid na si Ria, starred by Judy Ann Santos.

Lumipas ang maraming taon, umasenso ang kanyang itay at nakapag asawa ng isang abogado si Joy. Ngunit kahit tila wala na siyang mahihiling pa, para pa ring may malaking kulang sa kanyang pagkatao. Nais niyang mabuo muli ang kanyang pamilya.

Sa tulong ng kanyang asawa na si Dave, played by Christopher de Leon, nahanap niya ang kanyang ina at kapatid, At dahil dito, dali-dali siyang nag-set ng reunion ng kanyang parents.

Hindi siguro applicable para sa lahat ang kasabihang "time heals all wounds", dahil kahit lumipas na ang maraming panahon, sariwa pa rin kay Edgardo ang lahat. Hindi pa rin niya napapatawad ang dating asawa. At dahil sa karamdaman, namatay na lamang si Elena na hindi man lamang nakakamit ang kapatawaran ng dating asawa. Naiwang ulila si Ria at Angelito, played by Spencer Reyes.

Agad namang kinupkop ni Joy ang mga kapatid sa kabila ng pagtutol ng kanyang itay. At siyempre, hindi naging madali ang lahat para sa kanila, lalo na kay Angelito na laging napag-iinitan ng kanyang itay dahil siya ang naging produkto ng pagtataksil ng kanilang inay. Nakiusap si Joy na intindihin na lamang ng mga kapatid ang kanilang itay at darating din ang araw na matatanggap din sila nito.

Nasaan ang Puso is like a teleserye that roled into a two-hour movie. Halos hindi ka na makahinga dahil sa sunod-sunod ang mga maaksyong eksena. Hindi ka dapat malingat man lang. Maski nga si Florence ay naiwan sa bilis ng mga naganap sa movie. Nagulat na lamang siya na namatay si Edgardo matapos ang confrontation scene with Ria and Angelito.

At dahil sa takot na sisihin at palayasin ni Joy, nag-alsa balutan ang dalawang bagets at nagtungo sa kapatid ng ama ni Angelito.  Sa simula ay maayos pa ang kanilang kalagayan sa poder ng tiyahin ngunit dito nagsimula ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang lahat. Hindi ko na ikukuwento yung the rest kasi super haba pa, magiging nobela na tong blog ko.

Honestly, hindi ko nahulaan kung paano matatapos ang movie, o kung matatapos pa ito sa dami ng mga pangyayari. Rulad ng sa Liberacion, hindi ko inaasahan na sa ganoon matatapos ang movie, well except sa character ni Juday. Totoo nga ang sabi ni Sir Roy, na siyang sumulat ng script ng pelikulang ito, tearjerker daw ang movie na ito. Basta ang bongga ng ending. I love it!

This film is way back in 1997, and noong mga panahon na ito, nasa telebisyon pa ang Mara Clara the original version, kaya api-apihan pa ang peg ni Juday dito. Super kairita lang ang character niya dito kasi super ng iinarte. Pero siyempre naiintindihan ko naman siya dahil sa mga pinagdaanan niya so keri na rin.

Hindi ko man napanood ang other movies na kasama  noon, I think deserve ni Marya ang Best Actress Award ng Famas. Mula sa hospital scene hanggang sa scene bago matapos ang movie, mararamdaman mo ang nararamdaman ng character ni Angelito- naaawa na natatakot. Akala pa nga ng isang staff, exorcist ang movie na pinapanood dahil sa kakatili ni Marya.

Boyet, as usual, na-master na niya ang role ng asawa na medyo hindi nagpapakita ng affection sa partner pero deep inside, super love niya ang kanyang wife. In this movie, medyo support lang ang character niya pero since he is THE Christopher de Leon, evident pa rin ang kanyang galing sa acting.

As for Ronaldo Valdez, kahit half ng movie lang siya nakita, he portrayed the character well, kahit super bitter yet in the ending, revelation na naganap. Ang sweet lang!

Spencer Reyes, likewise is in character. Inaabangan namin ni Florence yung "moment" niya kasi siya lang yung parang walang moment sa movie. Pero okay na rin yung scene nila ni Marya na natamaan siya ng lampshade. Naloka kami ni Flo dun.





2 comments:

Unknown said...

Hi Cherry! I am Christian Co, a graduate of UP and now taking my MA at DLSU. I enjoyed reading your blog. May I ask for your help with my MA requirement under sir CLodualdo Del Mundo Jr.'s class. Do you have a copy of scripts written by sir Roy Iglesias, or anyfilipino film script which you can share with me? I would really appreciate it big time. Thank you! My email is christian_b_co@dlsu.edu.ph

Cher said...

Hi Christian, sorry for super late reply. Just went back from hiatus hehe. I don't have copy of Sir Roy's scripts but I can asked him if you still need it though. Thank you for visiting my page.