I'm back to school again.
After a year ng pahinga, heto na naman ako-- nagdagdag ng sakit sa ulo. Siguro na miss ko lang yung super busy routine noong college. Yung aligaga ka na sa kung ano ang uunahin- AP o acads. Yung times kung saan nagsabay ang pagle-layout and kinabukasan may paper na dapat ipasa at may presentation pa. Ganun na ang yata ako ka-bless kasi minsan kung may biglaang walang pasok, e cancel ang presentation.
Unlike noong nasa PLM pa ako, super na culture shock ako sa way ng enrollment sa PNU. Susko, papayat ka kasi hindi lang basta maglalakad ka, aakyat ka ng mga building at maghihintay sa mga mahahabang pila. Sa totoo lang, first time kong pumila sa cashier , kasi wala naman akong binabayaran noon. I had to go to 4 different buildings for me to finish the enrollment process. Unlike noon na it took me 3 hours (super tagal na nun) to get my registration form and classcards, kailangan mong maglaan ng 1 whole day para makapag enroll. Well, I enjoyed it naman kasi new experience pero super exhausting lang. Ang natuwa lang ako e nakuha ko agad ang aking ID (yey!) at medyo hindi naman ako haggard dun. Hehe.
First day of class.
Everytime mag start ang class feeling ko palagi nasa grade 1 ako. Yung feeling na totally wala kang kakilala. Every year yan ang pakiramdam ko. Good thing, unlike nung medyo bagets pa na ang tagal makipagbond sa ibang classmates, mas madali na lang ngayon na makipag friends. Siguro dahil lahat naman kami e matured na (I supposed), nevertheless, magkatinginan at magkangitian lang, alam mo na magki-click kayo. And immediately, I got 2 friends sa first meeting pa lang namin. Actually yung isa nakasabay ko na noong enrollment. Yung isa naman e seatmate ko na nalate kaya tanong ng tanong sa akin kung ano yung mga pinapagawa ng prof namin.
Just like a typical first day of class, overview ng mga gagawin sa buong semester, election of officers (yes may ganito pa pero President, Secretary and Treasurer n a lang) assigning of reports and of course, ang walang kamatayang "getting to know each other". But instead na typical na pagpapakilala lang, nilagyan ng prof namin ng twist. Kailangan banggitin mo muna ang name ng mga naunang speaker pago ka mag start magsalita. Kawawa yung nasa huli kasi kailangan memorize na niya name naming lahat. Buti na lang nasa gitna ako, mga 10 lang yung mga kailangan kong i-memorize. Ang result, halos kilala na namin ang isa't isa. Nagulat nga si Grace (na kumukuha naman ng master's sa PNU) kasi parang ang tagal na daw naming magkakailala ng mga classmates ko, unlike sa kanya na puro indifferent ang mga classmates.
So far naman na-e-enjoy ko naman ang back to school ko. So far, cooperative naman ang mga classmmates ko though alam mo na agad kung sino ang mga GC based sa mga aura nila. Aura talaga ah.
Wish me luck na lang sa aking upcoming report dahil medyo maswerte ako dahil kami ang unang reporter. But ok lang naman kasi sa group namin, ako ang second to the last na magre-report so hindi naman rush ang paggawa ko ng report.
P.S.
Yey suspended class last Tuesday, so malamang sa end pa ako ng July makakapagreport. Love it! The perks of being a student, class suspension hahaha <3
2 comments:
"Everytime mag start ang class feeling ko palagi nasa grade 1 ako. Yung feeling na totally wala kang kakilala."
Reminds me of a proposal by Nietzche, asking philosophers to think of things happening again and again; that you can relive things again and again --- sorry i can't remember the exact way Milan Kundera quoted Nietzche in his novel "The Unbearable Lightness of Being", but your line reminded me of that. read the book. it's sad, but wonderful read.
Thanks for the suggestion. =)
Post a Comment