I love this film.
Kung gusto mong kiligin, watch this movie. This film is a story of a FX driver searching for his long lost love, romantic isn't it?
Honestly, one of my motivations to watch this movie is because of my curiosity sa movie itself. It's not a secret naman na nataggal sila sa list ng New Breed category ng Cinemalaya 2012 (na start na this July 21), because di bet ng Cinemalaya ang casting choice ng director. So what's with Alan Paule and Joy Viado na hindi sila gusto and they wanted to be replaced with Victor Neri and Francine Prieto?
The whole movie focused on the last day of Ramil (Paule) as a driver. Mapapansin ang kalungkutan sa kanyang huling pagbyahe. Sa pagpapatuloy ng pelikula, malalaman na siya ay pautngo na ng Saudi matapos ng 5 taong paghahanap sa dating katipan sa Maynila.
Tama lamang ang direktor na si Emerson Reyes na ipaglaban ang kanyang casting. Angkop si Paule sa pagganap bilang si Ramil, dating OFW at isang drayber. For a while akala ko siya si John Llyod dahil sa kanyang 2-3 minutes na close shot na nagmo-moment. Damang-dama ko ang kanyang kalungkutan at kabiguan dahil sa kanyang hindi matagumpay na paghahanap kay Mila. Dumagdag pa sa kalungkutang ito ang mga karanasan ng kanyang mga pasahero na medyo emo din. Lahat ng kanyang mga pasahero ay may kanya-kanyang istoryang na kahit papaano ay may patama sa kanya.
Usually, boring ang mga long shots. Pero in this film, hindi ako na-bore. Nacurious kasi ako kung paano ba sila mahkikita ni Mila. Bigla na lang ba itong susulpot sa kanyang harapan? Pati ang mga manonood ay tinutulungan si Ramil na hanapin si Mila. Gusto kong sabihin, pwede bang pahabaan pa yung shots, sakaling mahagip ng camera si Mila.
What will you do if nakita mo ang matagal mo nang hinahanap? At may pahabol pa.. Kasama niya ang kanyang "asawa". Nakikinita ko na if bagets yun, mag tweet yun kaagad ng "That awkward moment…" Sa totoo lang hindi o rin alam kung ano ang gagawin ko. AWKWARD!
I love Joy Viado. She possessed the aura needed in Mila's character, mataray at matatag. I super her dialogues. Pak na pak lang, lalo na sa pagtataray niya kay Ramil. Pero hindi lang iyon simpleng pambabara. Lahat ng linya niya may patama tulad nito:
Ramil: Masaya ka ba?Mila: Bakit kailangan ba?
BOOM.
Gusto kong i-quote ang buong exchange of dialogues ni Ramil and Mila. Ramdam ang mga naipong emosyon sa 13 years na hindi pagkikita.
Mila: Bayad. Dalawa. Galing Philcoa.Ramil: 13 years Mila. Tapos "Dalawa. Galing Philcoa" lang ans sasabihin mo sa akin?
BOOM.
Another thing that I like in the movie are the pasaheros. Like what one of the audience said in the open forum, the movie is a ensemble. Aside from Ramil's character, lahat ng mga characters ay pantay-pantay. Lahat may dahilan kung bakit sila nandoon, I am thinking of my fave pasahero but wala akong magsingle out. Well, I love Ramon Bautista. Wala talaga siyang kupas. I like the 2 student na gumagawa ng thesis. Naalala ko tuloy yung paggawa namin ng thesis 2 years ago. "Manong lagay na lang namin pangalan mo sa credits." Ang mga beking nagpapacute sa driver at kala mo e sila ang may-ari ng sasakyan. At si Manang Government Employee na birthday noong araw na iyon pero nakalimutan ng kanyang anak.
The movie is all about leaving, waiting and searching. Tulad ng araw-araw nating pagbyahe. Tayo ay umaalis, naghihintay at naghahanap. Umalis si Ramil. Naghintay si Mila. Hinanap ni Ramil si Mila. Ngunit paano kung huli na ang lahat. Nakita mo nga ngunit hindi ka naman hinintay.
Ramil: Mahal mo ba siya?Mila: Hindi ko alam. Hindi naman siya mahirap mahalin.Ramil: Sapat na ba yun?Mila: Hindi niya ako iiwan.Ramil: Paano ka nakakasiguro?Mila: Basta alam ko di niya ako iiwan. Saka kung iwan niya man ako, okay lang. Sanay na ako.
Aww.
What would you do to search for a lost love? Follow Ramil, drive an FX. Malay mo maging pasahero mo siya.
No comments:
Post a Comment