Friday, July 6, 2012

Review-Reviewhan: The Graduate


Log over due na ang review ko na ito kasi last year ko pa ito napanood.. Hindi na muna pormal-pormalan ang review ko ah. Marami na akong backlags e. ktnxbye.

***





Set in 1960s, The Graduate is about Benjamin (Dustin Hoffman, na super pogi pa dito) na literal na kakagraduate lang from college and like other newly graduates, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya.

After his graduation, nagpa-party ang parents niya kasi super proud sila sa kanilang unico hijo. Invited ang mga ka-close nilang family friends. Medyo napresure naman si Benjamin kasi halos lahat ng tao sa party na yun e tinatanong kung ano na ang susunod niyang gagawin. Kaloka. But na lang e very supportive ang paernts niya at binigyan siya ng time to think for his next step.

At para makaiwas sa tanong ng iba pang bisita, nag-emo muna siya sa kanyang kwarto. Hindi pa man nagtatagal e bigla namang sumulpot si Mrs. Robinson, na asawa ni Mr. Robinson ng business partner ng kanyang parents. Binulabog nito ang kanyang pananahimik at nagpahatid pa sa kanya pauwi. At para hindi masabihang ungentleman, napilitan si bagets na itigal muna ang pag-e-emo at ihatid ang friend ng parents niya,

Pagdating sa bahay ng mga Robinson, syempre inaya siya na pumasok muna, Kahit na pipilitan, out of courtesy, pumayag siya na pumasok muna sa bahay. At dito na nagsimula ang pagkagulo ng kanyang magulong buhay-- nagpakita ng interest si Mrs. Robinson sa kanya and then dun nagstart ang kanilang "affair.'

Naipakita ng pelikula ang mga emosyon na nadarama ng mga nagsipaganap sa pamamagitan ng pag-pan at zoom ng camera. Mararamdaman mo na ang gulo nga ng pag-iisip ni Benjamin kasi pati ikaw na nanonood e nahihilo sa camera. Pero that trick was effective kasi nadama din ng audience ang pinagdadaanan ni Benjamin.

Back to the story, siyempre may hangganan din ang pasensiya ng mga magulang, so kinompronta na si Benjamin ng kanyang parents kasi lagi siya umaalis ng gabi at umaga na umuuwi tapos langoy ng langoy sa kanilang swimming pool, in short isa na siyang BUM. At para hindi na sila makonsumi sa kanya, pinilit nila na makipagdate ang kanilang anak sa anak ng mga Robinson na si Elaine. Wala ng nagawa si Benjamin kundi sundin ang kanyang mga magulang. Nagalit naman sa kanya si Mrs. Robinson kasi naman mag-two timing si Benjamin, pero wala naman siyang magawa. Parents pressure.

May bright idea si Benjamin para hindi matuloy ang pag matchmake sa kanila  ni Elaine. Nagpakita siya ng hindi kaaya-ayang ugali sa dalaga. Of course nawindang si girl. Medyo rude naman kasi si Benjamin. Crayola ang lola niyo to the max. Agad naman nakonsensiya si Benjamin at sinundan agad si Elaine at inayos na ang pagtrato sa dalaga. Dito na nagstart ang pagkakamabutihan ng dalawa. Very delighted ang parents ni Benjamin at Mr. Robinson sa ganap sa dalawa except Mrs. Robinson. Binalaan niya ang binata na sasabihin  kay Elaine ang kanilang affair . Pero hindi nagpasindak si Benjamin, inunahan niya si Elaine sa pagsasabi sa relasyon nila  ni Mrs. Robinson. Syempre nawindang si girl sa mga pangyayari at bumalik sa Berkeley to continue ang kanyang pag-aaral… Hanggang dito na lang ang i-spill ko. Ang hirap ikwento ng 2nd part. Hehe..

For me, kaya The Graduate ang title ng movie na ito, well bukod sa literal na graduate na siya at grumaduate siya sa kamusmusan with the help of Mrs. Robinson, e dahil sa wakas nakagraduate si Benjamin sa pagmamanipula o pagdikta ng mga tao sa kanyang paligid. 21 years ng kanyang buhay e sinunod niya ang gusto ng mga tao- he became a perfect son, model student, pero after college, naramdaman niyang hindi niya alam kung ano ang susunod na niyang gawin.

I recommend this film sa mga newly graduates. This film will tell them to be spontaneous. Don’t be afraid to try new things, malay mo, isa sa mga gagawin mo ang talagang gusto mo.
 
 

No comments: