Time flies so fast. It’s been a year after my graduation and next week will be my first year in my job. Sa dati kong post, I shared the things I learned during my first 6 months sa real world. As of today, hindi pa naman nagbabago ang mga iyon, at actually, nadagdagan pa nga.
Last month I had a heart-to-heart talk sa aking BF Vberni. Super tagal naming nagchikahan tungkol sa kung anu-ano lang. Well, may advice segment ako na halos umubos sa airtime namin.
I met VB sa Ang Pamantasan. Nung nag pass siya ng application form for APEX, ang daming naintriga sa kanya kasi lakas maka-lalaki ang pic niya. Pero nung dumating siya nung examination, nawindang na lang kami kasi yung akala naming lalaki, girly pala at take note, naka pekpek shorts siya nung dumating sa exam. Kaloka lang, Magaling din naman siguro siyang writer kasi nakapasa naman siya sa written exam and interview. He (She) was one of the staff writers while I am the News Editor at that time.
As NE, lahat ng staff ay under sa akin technically kasi required ang lahat nagumawa ng news article. Including him. Medyo maraming bagong bagets nung time namin ni Flo kaya pinapakiramdaman namin silang lahat at kinilala. May mga staff na sa start pa lang e alam mo ng hindi aabot sa 2nd sem ng school year.
Nagstart ang closeness namin ni VB sa unang presswork namin. Infairness nakapuntos siya sa akin nung nag overnight din siya with us. I never expect kasi na sasama kaagad sa overnight ang mga newbies kasi usually hindi pinapayagan ng parent but then nandun siya. As I remember, konti lang yata yung mga newbies na pumunta nung time na yun. Habang nagbreak muna ako sa pagle-layout, syempre ininterview ko siya. Well, I have gay friends and mga kakilala and mostly hindi sila tanggap sa kanila, sa madaling salita mga closeta. Kaya ng first question ko sa kanya e kung tanggap ba na isa siyang sirena sa kanila. And just like ng mga gay friends ko, sa start ay hindi daw most especially sa kanyang father. Naturamente. Pero ngayon naman daw ay keri na ng kanyang father na may anak iyang babae.
Habang tumatagal, mas lao ko siyang nakilala. She is smart, dependable and funny (uy bayad ko dito ah!) Kaladkarin din ang beki na ito kasi kapag may biglaan kaming overnight e go large siya. Super naappreciate ko siya, well kasama na yung mga newbie staff, nung kasagsagan ng paggawa namin ng thesis ni Florence. A for effort silang lahat.
Super haba na ng background info for VB. Huwag kayong mag-aalala, alive and kicking pa naman siya. Huwag nyo na lang usisain kung bakit BF/GF ang tawagan namin. Mas hahaba pa ang post ko na ito.
Back to the topic, yung heart-to-heart chikahan namin, hiningan niya ako ng advice regarding sa mga plans niya sa buhay. Sa sobrang active niya kasi na parang kiti-kiti, nawi-windang na siya sa kung ano ang mga gagawin niya sa mga buhay niya.
Ang first concern niya is yung sa studies niya. She's thinking and considers to take up the PR major over the General Masscomm. I told her the same thing na sinabi ko kina Tyne, Lyka and Jeff nung ganun din ang scenario dati. Sabi ko choose General Masscomm para mas lumawak ang knowledge niya sa Mass Media. And beside, kasama pa rin naman sa General Masscomm ang PR subjects.
Second and super tagal na pag-uusap namin, she want to quit to AP.
I know and understand that she's young and foolish wanted to do other things aside AP. There are certain things na gusto niyang gawin pero hindi pwede kasi member siya ng student publication. Hindi siya nag-iisa
Ako man din ay nag-isip na mag quit sa AP. And I bet even the past members of AP thought of that too. Sino ba naman ang ayaw makauwi ng maaga, makipagbonding sa mga classmates, makapanood ng movies, makapunta kung saan-saan at makasali sa iba't ibang organizations. Super kinakain ng AP pati ang personal time ko. Masyadong possessive at kapag hindi maingat, hindi mo alam kung makakagraduate ka.
Pero naisip ko, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makasali sa ganitong organisasyon. Ang pag interview sa mga bigating personalidad, pagkakaroon ng VIP treatment sa mga activities, ang pag overnight ng biglaan sa school, pagtakbo sa Intramuros ng madaling araw para humabol sa imprenta, makakita ng pag gawa ng plates, makta ang actual na paggawa ng dyaryo, pagligo sa gym kahit di ka naman nag PE at sa pag buena-mano sa UTMT para sa almusal.
Tinanong ko siya kung ano ang kanyang gustong gawin talaga. Napansin ko kasing ang dami pa niyang gustong gawin, to think na 18 years old pa lang siya. I know she is talented but if hindi niya nagamit ito sa tamang paraan, balewala lang din ito.
I asked her to think of her short-term plans. Noong kasing eded lang niya ako, AP at studies lang ang naging focus ko, wala nang iba. I always think na there's always a perfect time for anything. While waiting for our graduation day, I started looking for work. After one week of rest, I started in my first job. When I got my first paycheck, binili ko ang ang mga gusto kong bilhin noong nag aaral pa ako. Sinabi ko sa sarili ko, ito na ang perfect time. I have now all the time para magawa ang mga gusto kong gawin. Though hindi gaanong kalaki ang pera ko, at least I have enough. Sa unang taon, I did the things na hindi ko magawa noon. Wala ng restrictions. Lahat ng gusto mong gawin, gawin mo na sa 1 year period na yun. Kahit sabihan ka na parang walang direksyon ang buhay mo, wag ka ng mag effort magpaliwanag kung bakit mo ginagawa yun. Hindi ka rin naman nila maiintindihan. Just do what you want to do, basta legal at nasa tama, go large lang yan.
Of course hindi naman pwedeng hindi isipin ang future. Then here comes the long-term plans. Two months bago matapos ang aking pasarap-buhay period, I thought of the things I want to accomplish before I turn 25 or 26. I will plan the next 5 years sa aking buhay. The most crucial part ng pa iisip ng long-term plans is the planning. Ano ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Naalala ko ang sinabi ng nanay ko, "hindi naman kailangang maging mayaman kayo, basta nabubuhay niyo sarili niyo, okay na yun."
The first thing na naisip kong pwedeng isama sa long-term plans ko is to go back to school. Pero I'm not ready for masteral yet. Ni wala nga ako sa media e. Nag-isip uli ako ng paraan para makabalik sa school.
Kung hindi ako natanggap sa CMC, baka isa akong guro ngayon. I took the entrance exam in PNU for Professional Education and passed it. And now I plan to enrol this coming school year. Ipon muna ako ng pangtuition. I target to finish this for 2 years. I don’t have to pressure myself to finish it immediately kasi ako naman na ang magpapaaral sa sarili ko.
May plan na ako for first 2 years, what will happen sa next 3 years. Here, I still have different options:
- Take the LET and pass it. After that, I will pursue my new career in teaching profession. Actually, I want to teach in my former high school. More of sentimental stuff.
- Take the LET and pass it. Take masteral in Journalism or Creative Writing. Pursue a career on the media profession. After 20 years, change my career path to teaching.
- Take LET, pass it, then marry.
- Take LET, won't pass it, then marry.
Pero syempre chos lang yung option 3 and 4.
I know, along the way, may mangyayaring hindi kasama sa mga long-term plans ko. But, keri lang yun kasi flexible naman ako. As long as gusto ko naman ang gagawin ko, go large lang.
I told VB to know herself more. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya. She don’t have to do my advise. Hindi naman ako siya. Ang punto lang naman ng litanya ko sa kanya is to prioritized. Given na marami siyang gawin, wala naman akong say dun kasi siya naman ang mapapagod. But she have to consider the people na maapektuhan ng kanyang mga decisions.
We met again last week. Hindi niya sinunod ang payo ko. She will pursue PR major and will quit in AP. Yes, I'm disappointed, pero ano naman ang magagawa ko? Its her life. Basta Im always here for her na handang sabunutan siya pag naligaw siya ng landas.
PS:
'She' na ang ginamit kong pronoun sa kanya kahit everytime e natatawa ako kapag nakikita ko sa notifications sa FB na nababasa ko yung 'her'.
No comments:
Post a Comment