Thursday, April 19, 2012

Side Comment: Generation Gap


Sa mga hindi nakakakilala sa akin ng personal, bata pa po ako. At mas bata pa ako sa personal. And I have 2 younger sisters and young cousins  kaya super updated pa ako sa mga' in' sa mga bagets. May mga bata din akong mga friends, lalo na sa AP, kaya maintain lang ang aking youthful spirits.

Last month e napansin kong nagbago na naman ang aking TV habits sa bahay. Unlike dati, laging nasa KBS ang channel, ngayon e nahumaling na ako sa Primetime Bida ng ABS (Yes Kapamilya ako since birth). Pagkauwi ko galing sa office, lilipat (or i-turn on) ko kaagad ang TV sa TV Patrol, then tuloy-tuloy na yun hanggang sa antukin ako. Minsan naman, kung hindi ko trip ang mga balita or walang controversial na mga ganap, nililipat ko sa Cinema One or sa GMA News TV. As of today, adik ako sa mga TV shows na ito: Walang Hanggan at Dahil sa Pag-ibig.  And last week lang ay may bago na naman akong kinaadikang panoorin, ang Pinoy Big Brother Teen Edition

Talagang sinusubaybayan ko na ang PBB since its season 1, yung batch nina Nene, Jason, Franzen and Uma. Sa lahat ng mga season sa season 1 and sa batch nina Keanna Reeves ang nagustuhan ko talaga. Super genuine silang lahat. Pinakita talaga nila ang pagiging totoong tao nila. Unlike the PBB Unlimited, aral na nila ang dapat nilang ikikilos,. Hindi na natural. And the most hated housemates ko last season was Biggel and Pamu. Isang first time palagi at isang simpleng lande.

Alam kong judgmental ako masyado kahit di naman ako judge, pero pwede ba, alam kong lahat tayo e may "first time" experiences, pero sana yung makatotohanan naman. For example is the first time kumain ng ice cream, honestly, isa ako sa mga naawa sa kanya na sa kanyang edad e hindi pa siya nakakatikim ng ice cream, to the point na gusto ko siyang padalhan ng 5 gallons ng ice cream. But lo and behold! Biglang naglabasan ng mga pics niya na hindi naman niya actually first time ang lahat ng sinabi niya. Langya, priceless yung reaction niya nung ipinakita sa kanya ni Big Brother ang mga pics na kumakalat sa net.

On Pamu naman, sa start pa lang e hindi ko na siya bet kasi trying hard siyang magpakabibo like Melay. Kahit na medyo nakakairita din yung OA expressions ni Melay nun, nagustuhan ko siya kasi consistent siya sa mga actions niya. Ganun lang talaga siya and walang pretentions. Kahit sa paglabas nila. Unlike Pamu, duh!

Ngayong bagong season ng PPB, mga bagets naman ang nasa loob ng bahay ni Kuya. Infairness, ang gwapo ng mga boys. Yung mga boys lang talaga yung gusto ko. Dapat palayasin na kaagad ang mga girls lol. Isa na ngayon ng PBB sa aking kinaadikang show. Dapat kasi mga 10 pm pa lang nagsleeping beauty na si wata pero grabe, super effort akong maghintay. Buti na lang sunod-sunod yung mga pinapanood ko kundi hindi ko na pag tya-tyagaan na hintayin pa ang PBB.

Here's a funny thing na nagawa ko dahil sa aking kaadikan sa PBB:  Im now following KrisaQUIinoSTD and Shutanginabeks on Twitter. Lagi kasi nilang bina-bash yung mga most hated housemates ko. Funny for me kasi sa dinami-dami ng mga reasons to follow them, yung PBB lang yung naging trigger talaga.

On their second week na ang mga bagets sa loob ng bahay at everyday e kulang pa ang salitang shock to describe yung mga pinaggagawa nila sa bahay, especially yung mga girls. Nakakaloka sila to the highest level.

Here are my preliminary comments sa mga bagets na ito:

The Boys

Kit- Typical teenage boy na pasaway. Kahit super kulit niya, he knows when to stop. Sana magtuloy tuloy ang kanyang ganitong attitude. Isa sa mga crush ko lol.  Masipag din pala siya infairness kasi siya ang taga-luto and taga-hugas sa kanila. Medyo may alam din sa pag budget.

Ryan- mas pasaway na version ni Kit. Hndi halata yung pagiging pasaway niya nung nakablind fold pa sila.  Wala pa akong masyadong macomment sa kanya ukod sa super playful niya.

Yves- Mr. Cutie Pie. Kahawig niya si Joshua Dionisio. Isa sa mga crush ng mga girls.

Alec- My crush. Lol I see Mikey (PBB Teens 1) and Robi (PBB Teen 2) sa kanya. Super sweet lang niya dun sa task nila na mag-ask sila sa mga girls na maging partner nila. Kung ako lang yun, wala pa siyang sinasabi, Yes na ako agad! Agad-agad talaga. I love him lalo ng si Jai ang pinili niya among the girls.

Roy- Kamukha ni Jeff (ng AP) hahaha… peace Jeff.  Tahimik pa and obviously siya yung less  fortunate sa mga boys. Sana huwag tularan si Biggel na laging paawa.

Tom- Cutie Pie din. Pero hindi ko pa masyadong bet.  Hindi ko pa masyadong kilala so no comment muna.

Vince- Cutie Pie din. Hindi din siya masyadong kilala so no comment muna.


The Girls

Jai and Joj- They are super adorable twins. Bet ko silang dalawa.

Karen- Hawig ni Barbie Fortesa. It must be the mole. Hindi ko siya masyadong bet, hindi ko rin naman siya hate. Though medyo bagay sila ni Kit.

Claire- Kahit na katokayo siya ng nanay ko, super hate ko tong babaita na to, Maganda ka lang te, pero sa kagandahang-asal super fail. Papansin masyado. Kailangan ma-evict siya kaagad. Isamana rin niya si...

Clodet- Pinakabata ang yet pinaka.. Well, pardon me for this, lande.For me hindi siya prangka, wala lang kasing kumukontra sa sinasabi niya. Ayun kaya laging trending sa twitter dahil sa ugali niya. Habulin daw siya ng mga lalaki. Nahiya naman ako bigla.

Myrtle- she's pretty thanks to concealer hahaha. Kahit siya pinakamatanda sa mga girls, super hinhin niya. Maria Clara lang ang peg except sa clothes. She is the living proof na hindi sa puti ng kutis at ganda nahuhumaling ang lahat ng lalaki, na pwedeng sa personality rin. Medyo naipamukha mo yun kina Claire at Clodet yun, girl. Though hindi ko siyang masyadong bet pero keri na rin.

Mariz- Super naloka ako sa babaitang ito. Engaged na raw siya at 16. My gulay! Super laugh trip talaga ako dito to the highest level. Yung mga katulad niya yung dapat ginagabayan, nakakaloka talaga. Simpleng lande rin siya,

Nika- sino po kayo teh? Hindi masyadong pansinin kasi wala pa siyang malaking pasabog.


Sa totoo lang, gusto kong mag aral uli at kumuha ng psychology tapos sila yung gagawin kong thesis. Grabe super shock ako sa mga ginagawa nila. Im just 3-4 years older sa kanila pero nakakawindang sila. Halos lahat ng mga nasa twitter tinatanong kung ganito na ba talaga ang mga teens sa generation na ito.  Basta magkaroon ng umpukan ang mga girls, alam ng boys ang lagi nilang pinagkukwentuhan. Nandyan yung nagpapamalakihan pa ng kanilang mga relationship experience. Lahat naman ng mga naging teenager e dumating sa ganyang stage but then super OA na sila. Wala na ba silang ibang pwedeng topic?

Isa pa sa nakakainit ng ulo is Claire. WTH! Makipag away daw ba dahil sa lallaki. Ito yung example ng mga naliligaw ng landas e. Hindi naman siya inaaway, siya ang gumagawa ng eksena. Im looking forward na matatanggal siya sa first eviction noght. Very much affected lang ako noh?

But kidding aside, it is a wake up call sa mga parents to guide your kids. No, guard them pala. Bakit ganyan na sila? I know hindi naman tamang isisi sa mga parents or sa mga nagpalaki sa mga bata kung bakit sila naging ganyan pero medyo fault din nila, partly. Like for us, tatlo kaming babae pero ok lang naman kami. Kahit istrikta ang mudang ko compared sa ibang tita ko, lumaki naman kaming maayos at hindi ko naisip na magrebelde, ever.

I always heard Nicolehyala ang Chris Tsuper sa kanilang radio show na Tambalan, reminding the kids to study. Yun lang naman kasi ang dapat nilang gawin. Pag naka graduate na sila, dun na nila gawin ang gusto nilang gawin. The same principle I mentioned here. Bakit mo kailangan mag rebelde kung pinapaaral ka naman? There's always a right time for everything. Hindi kailangan madaliin, Unless may lakad ka papunta sa after life. I will rephrase yung favorite line ni Lourd de Veyra:


"Umasal ayon sa ganda... at edad."







No comments: