Friday, December 21, 2012

Food Trip: Bannapple


August 25, 2012

After my class, nagtext ang aking mga gala friends na mag meet daw sa SM Manila. Since ta-tumbling lang naman ako papunta dun, go naman ako. So nag ikot-ikot lang kami nina Kien, Jomar and Dianne sa buong mall. And after ng window shopping, tom jones na kaming lahat, and super arte ng mga friends ko. Asensado na kami kasi ayaw na nila sa mga fast food. Matagal ng nag crave si Dianne sa Bannapple but the nearest branch within the metro is in Ayala Triangle! Of course, for the love of food, we traveled from Malate, Manila to Ayala Triangle, Makati just to eat. 

The gang. (L-R: Dianne, Jomar, Me and Kien)


Honestly at first, medyo hesitant pa ako kasi baka super mahal. But no, super affordable naman pala kasi per serving nila is good for 2-4 persons. Ang bongga lang! Ang mga orders namin: Lasagna, Baked Mac, Blueberry Pancake and a Blueberry cake. The foods are great! Super delicious and really worth the price. Imagine, we only spent P 150.00 each but super busog kaming apat sa mga kinain namin. You may think na simple lang naman yung menu nila but I swear ang bigat sa tyan lahat ng food nila especially the pancakes. And to prove na super love namin ang Bannapple, we even dine again there to celebrate my birthday last November, but this time, sa Market Market branch kami.

The foodie

The only thing na I don't like sa Bannapple is the space. Medyo maliit yung place nila sa Makati compared sa Taguig but nonetheless, if you want a sulit and delicious meal, it is worth all the wait.


No comments: