When I was in Grade 5, may mga pausong song ang teacher ko nun sa English. Round song ang tawag niya dito. Uso kasi noong elementary ang grouping according to rows, so yung row 1 mag start sa pagkanta tapos after ng first line, saka lang magsisimula kumanta ang row two mula sa simula ng kanta, then susundan ng row 3 at row 4. Nakakahilo diba? Lagi naming kinakanta kapag
"Make new friends, but keep the old.
One is silver and the other's gold."
Kung matagal ka ng avid fan ng blog ko na ito, hindi na ligid sa iyong kaalaman na marami akong set of friends. I have friends from elementary days, highschool, college, AP, at kung saan -saan pa. Minsan nga e kulang na lang hatiin ko ang aking katawan kapag nagsabay-sabay ang mga ganap sa bawat set of friends ko, Yung mga ganung times nararamdaman ko ang disadvantage ng pagiging friendly.
Hindi naman ako basta-basta nakikipagfriends kung kani-kanino lang, For me kasi, investment din ang pakikipagkaibigan. You have to be careful in choosing them kasi ikaw rin ang magiging kawawa in the end. I have few kababata na unfortunately ay naligaw ng landas dahil sa wrong choice of friends. Nakakalungkot kasi mostly sa kanila e may mga anak na. Yung kasing edad ko, she's on her third baby.
I am lucky to have friends na super tagal na. A great example for this is Kien na super BFF ko na since Grade 1. I still remember yung first encounter naming dalawa. Nakaupo ako sa unahan (halatang noon pa man ay batang biba na ako), while nasa likod ko naman siya. Recess noon, habang nilalantakan ko ang aking super fave na Cheese Sticks nang napansin ko na may uma-aray sa likod ko. Lumingin ako para hanapin kung sino yun at nakita kong si Kien pala ang umaaray dahil may dalawang impaktang humuhila ng buhok niya. Naawa naman ako kaagad and at the same time e naimbyerna kasi tuwang tuwa pa ang dalawang bruha at wala namang magawa si Kien. Dali-dali akong nagshift to my superwoman mode at mataray na nagsalita, "Bitawan niyo nga siya, kayo ang sabunutan ko dyan e!", habang pinipilit na palakihin ang aking mata (medyo effort ako dun ah!) At dahil ako ang pinakamatangakad sa buong klase, initiwan ng dalawang bruhilda si Kien and lumipat ng upuan. Naging close kami nang pinatabi ako sa kanya ng teacher namin para daw tumahimik ako. Kaso wa-epek, naging madaldal din siya, hahaha. Nawindang na lang si Ma'am sa sobrang kulit ko. Mula Grade 1 hanggang high school e classmates kami ni Kien. Though hindi kami pareho ng course, we also went to same university.
Sa 15 years naming magkakilala, never, as in NEVER kaming nag-away. Nasanay na siya sa pagiging luka-luka ko and sa totoo lang talaga, walang masamang tinapay sa kanya. She is the living proof on how much I value friendship.
However, gaano ko man i-treasure ang friends, kapag sa tingin mo ay ikasasama mo na, just like an investment na malulugi ka na, you should know when to get what you have invested back. Take note that this is not about the monetary investments ah. It could be the time, stories, experience, faith, loyalty and most especially the love. The respect would remain but as a person na lang. Lahat ng kaakibat na privileges ng pagrespeto mo sa kanya bilang iyong kaibigan e mawawala na lang.
How to end a friendship?
Didn’t I mentioned that I have different sets of friends? From the elementary friends, I have different kinds of friends pa doon. Kumbaga, may cluster-cluster pa. Though super bff ko si Kien, I have another circle of friends na hindi siya kasama. In reference sa gradeschool song namin, I "make new friends" and the the same time, "keep the old" ones. I met so many people but only few I considered as friends. Hindi uso ang selos-selos sa amin kasi we know na magkaiba ang interest and personalities namin. We both know na in time that we need each other, we will always be there. Ganyan kami ka-secure sa isa't isa.
Some of them, sadly, e wala na akong balita after graduation(wala pa naman kasi uso ang cellphone and internet noon). Pero kapag nagkakaroon kami ng mini-get together, like sa birthday isa sa classmate namin, saka lang uli kami nagkikita. At ang nakakatuwa nito ay parang hindi lumipas ang panahon. Marami ang mga nangyari pero mararamdaman mo na parang 1 day lang kayong hindi nagkita kasi pareho pa rin yung trato niyo sa isa't isa.
But then there some instances that I have to let go of some friends. It's not because of distance or difference on interest. But because of lost of trust.
Trust is one of the important element in any kind of relationship, either be romantic or platonic. And I really treasured that. Kahit na ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa iyo, as long as I believed and trusted you, I'll be at your back.
Honestly, ending a friendship is the most heart-breaking moments of my life. Higit pa ito sa pakikipag break sa boyfriend mo. At least kapag nakipagbreak ka sa bf mo, may mga friends kang matatakbuhan. Kakampi mo sila anumang mangyari. But if you an end in friendship, hindi mo alam kung matatakbuhan mo ang iba mong friends kasi malamang, hindi sila sasang-ayon sa iyo or ayaw nilang may kampihan (if hindi ka masydong friendly).
Paano ba ako bilang kaibigan? I treat my friends as my siblings. Kung paano ako sa dalawa kong kapatid, ganun din ang trato ko sa mga kaibigan ko. No pretentions. They know kung kelan ako masaya, malungkot at galit. And in return, I make sure na alam ko rin ang mga gusto at topak nila. That's my secret to have a long lasting friendship. Ganyan kami ni Kien, Kasi kung hindi niya tanggap kung ano ako, wala ring mangyayari. It doesn't mean na kaaway mo na siya kaagad. You may quality them as mere acquaintance.
So if they pass the qualifications to be one of my friends, I give all the priviledges kahit hindi naman nila hingiin. I laways make sure that they will feel that I am a good friend. Kasama sa kung saan-saan, kawentuhan sa lahat-lahat, kakampi sa lahat at kukunsintihin kita. I will cover all your flaws, kahit mali ka. I-avail mo yan. Kahit minsan na-ba-badtrip ako sayo. Go large lang,
But don’t push your luck too much. I know when I'm being abused. And that is the most scary part. I know how to play my cards. All the privileges will slowly be discontinued without you noticing it. The exchange og text messages, chats and calls ay dadalang. Nevertheless, the respect will remain. Tulad ng sinabi ko kanina, I will still respect you as a person. I won't say anything bad about you. Hindi ako mag e-effort na siraan ka sa iba.
Of course I'll cry. Hindi man tumulo ang luha ko sa aking mga mata, in my heart super duguan na. Sana hindi na lang kita naging kaibigan para kahit na nangyayari ito hindi masakit. Kung iba lang ang gumawa nito kiber na lang, Deadma. You say sorry. It's okay with me. But don't expect me to forget. Marunong naman akong madala. Gaano man kahaba ng pasensiya ko, hindi naman ito unlimited. One time bigtime lang. I hate to play a martyr role. Duh! Di bagay.
Tulad nga ng gradeschool song namin noon, maybe these kind of friends are silver o baka nga tanso lang. Makikita kung saan saan. Madaling makuha. Keep the gold, mas malaki ang value. Pwedeng masangla. LOL