Here are the things I love about my baby Nigel:
1. Everytime he calls me TITA. - right after naka-upo na siya, excited na kaming pasalitain siya. Mga 6 months na yata siya nun ng nagpipilit na rin siyang magsalita, indications na madaldal siya. So timuruan namin siyang bigkasin ang MAMA. Super tuwang tuwa kami ng mabigkas niya yun. Parang super achievement na namin yun hehe. So lahat ng kakilala niya, ang tawag niya ay Mama. Dahil doon, ang naging next lesson niya is ang pagbigkas naman ng TITA. Medyo effort nga lang kami sa pagtuturo sa kanya. But super bright ng baby namin, nasabi naman niya ang Tita, pronounced as TEE-TAH.
2. Power Hug niya everytime masayang-masaya siya. - Last Sunday sinama ko siya sa SM then we ate sa Jollibee. Tuwang tuwa kasi nakita niya yung mascot ni Jollibee. Sakto kasing may birthday celebration sa Jollibee ng pumunta kami. Naglalakad pa lang kami, Jabee na ng Jabee si Nigel. At ng nagpakita na ang mascot, nagpakarga na siya sa akin and tuwang tuwa ng makitang sumasayaw si Jollibee. Kaya ayun, hindi na ako makahinga sa kanyang power hug.
3. Kanyang random sentences - such as Aba! (Kapag ayaw niya yung ginagawa sa kanya.); Eto naman kasi eh! (Kapag pinapagalitan ko siya at sisihin niya ang tunay na may kasalanan); Wag lipat (Siya na may-ari ng TV namin. Ayaw palipat ng channel pag nanonood siya.) at marami pang ibang spur of the moment words niya,
4. Future Singer - Fave niya yung theme song ng Two Wives at Be Careful With My Heart. At pag narining niya yun, kukuhain niya yung remote control then tatayo siya saka kakanta with matching pikit ng mata. One time nanood kami ng My Cactus Heart sa Cinema One, then sa scene ni Matteo na kumakanta ng Kaba, ayun, kinuha ang remote then sumasayaw sayaw pa. Suddenly narealized ko na fave nga niya pala yung kanta ni Maya.
For now, yan pa lang ang mga i-list ko sa hundreds of reasons why I love Nigel.
To my baby, your Tita will love you forever. Pakabait ka ah para lagi tayong punta sa Jollibee! :) Mwuah!
Love,
Cherry