Natapos na ang holiday feels. Yung tipong dapat default na masaya ka. Kasi lahat ng nasa paligid mo, feel mo ang kasiyahan. Kahit na ikaw deep inside hindi magawang magsaya. Ika nga ng sa status sa FB: "Cherry is feeling :) - happy," pero feeling lang. Hindi "Cherry is happy." See the difference?
Sometime in highschool, habang waiting sa teacher namin for the next subject, one classmate asked me randomly: "Cherry bakit parang wala kang problema?" Sabi ko na lang, "huh?". Chill-chill lang daw kasi ako. Sabi ko na lang, "Ano ka ba, meron din naman, di lang halata." Pero napaisip na lang ako, ano ba ang dapat pinoproblema ng mga ka-edad ko noon? Boyfriend? Well, technically, may nagpapakilig sa akin noon, di ko naman masyadong inidibdib. Pera? Hindi man kami mayaman, sapat naman na yung pera namin para sa aming pamilya. Studies? Pwede dahil dito kasi kailangan ma-maintain ang grades kasi strict ang parents. Hindi e. Sa totoo lang wala. Until makagraduate ng ako at magsimulang magtrabaho, steady lang talaga.
Fast forward to my 25th birthday. I'm still in denial na I reached the quarter life assuming na I will live for 100 years. Another milestone na dapat. Pero bakit ganun, wala man lang akong na-achieved? Yung mga ka-age ko, kung hindi nakapag travel around the world, married na (yung iba with kids pa), or nakagraduate na ng MA. For 2 months, I immediately dismissed the thinking all of that. Kung baga sa Sims 3 (na currently kinaadikan ko ngayon), nagawa ko yung isa sa goals ko kaya ecstatic ang mood ko for 2 months. And now, wala na yung effect ng ecstatic mood, kaya I'm feeling sad. Nagiging matampuhin ako agad. I seek attention. Bakit ako wala nun? :( Bat di niyo ako niyaya. Sa mga naka mute sa FB Message and di ko nirereplyan, now you know.
Sana like Sims, 48 hours lang ang effect ng "feeling sad mood" ko. At para maging happy uli ang Sims kailangan may ma-achieve na Lifetime Goals. And one of my lifetime goals is to maintain my blog. Hay nako, ang drama much ng post na ito. Give niyo na ito sa akin.
Looking forward for more good vibes year. I won't list promises or resolutions para hindi na naman ako mabigo. I don’t know, pero pag I failed something I feel brokenhearted. Parang nakipag break lang sa jowa. </3. I'll just embrace this new year with open arms. GV and Love, love, love lang.
Love,
Cherry