Monday, May 23, 2011

Epiphany: Manhid

(Author's note: Super napapanahon ang entry kong ito, hindi lamang para sa aking sarili kundi pati na rinsa aking mga close friends. Sige na nga, pati na rin sa iyo. Para sa ating lahat. Nitong mga nakaraang araw, parang maraming tao ang "namanhid" sa kanilang kapaligiran. sana sa pagbabasa mo nito, bumalik ang iyong pagmmahal este pakiramdam.) 




Huli ka!


Malakas akong makiramdam, lalo na kung bago pa lang ako sa isang lugar. Maraming akong nalilinlang na tahimik ako. Maituturing ko itong isa sa aking mga skills. Marami tuloy nag-aakalang napakabait ko, kahit na kabaligtaran naman niyon ang totoo. 


Marahil na acquire ko ang skill na ito dahil isa akong campus journalist. Kung gusto mong makakuha ng impormasyon, kailangan mong maging tila isang sundalo na naka-camouflage bago sumabak sa giyera o kaya naman ay isang detective na naka-disguise tuwing may minamanmanan. 


Hindi lang minsan ko napakinabangan ang skill na ito. Maraming beses ko na iyong nagamit noong ako ay nagkocover ng mga balita noong ako ay nasa kolehiyo pa. Nagagamit ko din ang pakikiramdam lalo na kung may napapansin akong kakaiba sa aking paligid, tulad na lamang sa aming block. Nalalaman ko kung sino ang mga "friends" na nagkaaway kahit hindi naman sila nag-aaway o nagpaparinigan sa harap ng aming klase. Kapag sinamahan ko pa ng mga "pasimpleng" mga tanong sa mga taong malalapit sa kanila, nakukumpirma ko nga na tama ang aking obserbasyon.


Alam kong iisipin mong hindi ito skill, na sadyang tsismosa lamang ako, Pero sa aking palagay, malaki naman ang pinagkaibahan ko sa mga tsimosa. Wala akong panahon makialam kung ano ang nagayayari sa buhay mo, maliban na lamang kung si Katy Perry ka o si Gael Garcia Bernal. Hindi ko naman ikakayaman kung malalaman ko kung sino ang bago mong gf/bf. At keber ko sa bago mong gadgets (na nakaw o pinaglumaan na).


Ngunit dahil sa skill ko na ito nalalaman ko ang ugali ng bawat kasama ko. Nakikilala ko sila base  lamang sa hindi nila direktang pakikipagcommunicate sa akin. Nababalaan ko ang aking sarili kung dapat ba o hindi pagkatiwalaan ang isang tao. Ang trust me: super proven ito. Nasurvive ko ang aking college life ng bilang lang ang aking super close friends kumpara noong high school ako. (Obvious ba na mas gusto ko ang high school kesa sa college?) Nagagamit ko ang skill na iyon para makakuha ng impormasyong hindi mo basta-basta malalaman kung isa ka lamang estudyante. Nakakaya kong paikutin ang aking mga tanong lalo na kung "pakipot" pa ang aking kinakausap. (Warning! Brag ito) Nakakaya kong bang mag expose at makapagsulat ng mga kontrobersyal na mga balita na pubnlish sa aming dyaryo.


Higit sa lahat nakakaya kong malaman kung may namis magparamdam na mga multo o "elemento" sa akin. Kaso nga lang, once na nakumpirma ko na iyon, sorry na lang siya, iiiwasan ko talaga siya ng bongga. hindi ako paasa, sasabihin ko naman kung gusto kita o hindi basta kausapin mo ako ng diretsahan. pero kung nagtry kang padalhan ako ng text message  ako, di ako magrereply. Naexperience ko na ang breakan ng hindi ako hinarap dahil natakot daw siya na magalit ako, as if naman nakakatuwa yung ginawa niya. Para sa akin, gawain ng isang duwag ang sumulat, magtext o kahit na sa tawag makipagkilala, magparamdam lalo na ang makipagbreak. tapos after nun magpefeeling close at parang walang nangyari! asa siya (hindi naman ako bitter nito).


Walang available na course para dito. Wala ring workshop, kaya kung meron ka man nagsabi sayo, niloloko ka lang niyan. Hindi ito base sa kurso iyong tinapos, hindi rin dahil sa natural na tsismosa ka. Lalo hindi dahil lamang sa tahimik ka lang. may mga tahimik na sadyang walang pakialam sa mundo at may mga tahimik nagpipilit magoberba para makakuha ng latest chika. Hindi porket Mass Comm ang iyong kurso, malakas na ang pakiramdam mo. Trust me, may mga insensitive na tao at nanghahawa sila para lalo pang dumami, 


Kung sa tingin mo, isa ka ring pinagpala katulad ko, dapat alamin mo kung saan mas magiging kapakipakinabang ang 'powers' na iyan. Huwag mong hayaang masayang iyan, Iilan lang tayong mga dyosa ang biniyayaan niyan, isama mo na ang mga journalists sa buong mundo. Don't get me wrong, hindi lang journalist ang dapat magtaglay ng ganitong katangian. Magagamit mo rin ito lalo na kung gusto mong manghingi ng dagdag allowance kay mommy o daddy or kung walangyang anak ka, both. Siyempre makikiramdam ka muna para makapaghanda ka ng script mo.Alangan naman na makisabay ka sa init ng ulo nila, lalo kang walang napala.


Okay para walang away, matuto dapat tayong lahat na makiramdam, hindi lang para sa pansarili mong kapakanan kundi para na rin sa ikakaligaya ng mga taong nasa paligid mo. Bakit? Makiramdam ka kaya. Manhid.







No comments: