Sunday, August 14, 2011

Epic Fail



August 12, 2011

Epic Fail talaga itong araw na ito.

Don’t worry, hindi naman ito nagsimula sa pag-gising ko. Nagsimula ito nung ng after lunch.

Sipag-sipagan si watashi sa office kasi nakakahiya na one week ko ng ginagawa ang trabahong na naka-assign sa akin. Hindi naman na masyadong mahirap ang aking gagawin kasi konting edit na lang sa script at pindot ng print screen at konting edit sa pic, then insert sa word document lang naman ang gagawin, inabot pa ako ng one week and still counting. Paano ba naman kasi, ang dami kong "extra-curricular activities". Next time ko na lang ikukwento kung ano ang mga "extra-curricular activities" na ito.
Habang nagmumulti-tasking ako: sipag-sipagan kunwari sa work and at the same time busy sa aking "extra-curricular activities", smooth-sailing naman ang mga pangyayari… yun ang akala ko...

Hanggang sa nagchat sa akin si Kuya Choc sa YM,bandang 10 am, nagyayaya para gumala. Literal na gala kasi mapapadpad ako sa Trinoma- ang super layo na mall. Feeling ko nga nasa 3 hours ang layo ng Glorietta sa amin kahit malapit ako sa Makati, sa Trinoma pa kaya na nasa QC, super nalalayuan ako. Pero dahil nakakahiya naman kay Florence na nagrereklamo na na palaging lugi dahil laging sa SM Manila o Robinson's Ermita nagpupunta, e sa QC pa siya nakatira. Okay pagbigyan. Pumayag akong magkita kami ngayon sa Trinoma after office. Si watashi, excited naman kasi ang dami naming pagchi-chikahan…. So bago mag-lunch break, nagpaalam muna si Kuya Choc na magte-text na lang siya sa aking mamaya. Okay. Back to multi-tasking...

Side Story: Kinatatamaran kong magpunta ng CR pag nandito ako sa office. Dati, sa mga araw na wala talaga akong ginagawa, naisipan kong ilista ang bawat punta ko ng CR, dahil isang tumbling lang, nasa CR na ako, pero nung lumipat kami dito sa likuran, na ang perks ay nakatalikod kami sa lahat , kitang kita ang view sa labas at malapit sa pantry, (ito ang next story), nakakatamad ng tumayo kasi kakailanganin pang rumampa sa aisle (oo, aisle talaga) para lamang makalabas. Nakakahiya na tuloy tumayo-tayo.

Back to the story: Pero ngayong araw na ito, no choice ako kasi nagwawala na ang pantog ko kasi ang lamig (marami na rin yata akong nainom na tubig) tumambling na ako papunta ng CR. Sa wakas, nakaraos na rin. Pabalik na ako sa aking pwesto ng may napansin ako sa aking sandalyas.  Dinedma ko na lang muna. Pasok na na ako sa lood ng office. Pero something is wrong. Feeling ko may naaapakan akong something sa aking sandals habang nasa aisle ako. My gulay!  Dineadma ko na lang muna hanggang makarating ako sa table ko. Pagka-upo ko pa lang, tiningnan ko na kung anu mero sa sandals ko at guess kung ano: lumabas ang kanyang dila. To be specific, nawa yung dikit ng swelas. My gulay talaga! Paano ako rarampa ngayon sa Trinoma!!! Maglalakad pa ako, mag MRT pa ako, maliligaw pa ako sa Trinoma, maghahanapan pa kami sa Trinoma, blah, blah, blah… wah!!!! Naisip ko tuloy kung ano ang disadvantage pag nasa Makati: bawal tumawid sa hindi tawiran, Walang sari-sari store! How I miss Manila!

Dahil prinsesa ako ng diskarte, dinikit ko muna ng tape ang swelas ng sapatos ko. Pero siyempre hindi ito pwedeng pangrampa. Ang balak ko na lang bibili ako ng flip-flops (pasosyal pa akong nalalaman) sa Mini Stop. Yes my Banana Peel sa Mini Stop worth almost  P 120. Wah! Mauubbos ang pera ko pamasahe papunta ng Trinoma. So para maaga pa lang makapaghanda na sina Florence, tinext ko na siya sa epic-fail moment ko at baka di na ako tumuloy sa Trinoma. Sayang nemen. Excited pa naman ako. Pinaasa lang ako. Hmmp!

Akala ko sa sandals lang ang epic fail moment ko ngayon. Hindi lang pala yun. Tinuloy ko na alng muna ang aking pag mu-multi-task. Dahil sinipag na akong magtrabaho, gpinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. Nasa kasagsagan na ako ng pag eedit ng pic ng biglang di ko na ma-zoom ang ginagawa ko gamit ang Ctrl key at scroll ng mouse. Akala ko yun na yung pinakaka-zoom ng picture (Imagine ko gaano ako mag zoom ng pic). Pero noong mag tatype na ako, wala namang lumalabas sa screen. Nakailaw naman yung Num Lock, subalit, nung pinidot ko naman ito, hindi namamatay yung ilaw. Naghang ba ang PC ko? Ginalaw ko naman ang mouse, gumagalaw naman. Nag open ako ng folder, nag open naman. Isa lang ang ibig sabihin nito: sira na na rin pati keyboard ko? Hindi muna ako nagpanic, nagrestart na lang muna ako. Pero hindi pa rin ako makapagtype.


Relax lang muna ako, pinalitan ko ang aking keyboard dahil may extra pa sa conference room namin. So gumana na. Ang catch: dahil sa kalumaan, bura na ang mga letters. ANU BE! Kawindang talaga. Buti na lang, may extrang brand new keyboard sa kabilang office. YEHEY! Pero hindi pa rin dyan natatapos ang disaster day...


Excited na ako sa uwian. Pagka-out ko, Nag-CR muna ako. Inayos ko muna ang aking mga gamit sa bag.. at heto na nga, nung isasara ko na ang aking pinakamamahal na bag, umipit ang shawl ko sa zipper!!! Grabe na talaga to! Kahit anong hila ang aking gawin, wala talaga, ayaw matanggal. Kainis. At dahil sa desperado na ako, hinila ko ang aking shawl. Natanggal naman ang shawl sa pagkakaipit...kasama nga lang ang zipper. WAH!!! Grabe na 'to. 


Wala na. Wala na akong nagawa. Nag-text na lang ako kay Florence na hindi na ako tutuloy. Grabe, ayaw talaga akong pagalain ng tadhana.


Such an Epic Fail! 




<fun,fun,fun>


No comments: