Tuesday, October 11, 2011

Review-Reviewhan: No Other Woman ( with bonus Quotable Quotes)

Hanapin niyo na lang sa goole ang synopsis ng movie, nakakatamad ilagay. This is not a full review of the movie. I just want to share some insights/quotes I got from the movie.



But before that, I will first list down yung likes and dislikes ko about sa movie:




1. Nag bongga ni Carmi Martin dito. Sa trailer pa lang naintriga na ako sa mga lines niya.
Ang taray diba? Patikim pa lang yan.

   Pero I got disappointed…. (see below)

2. Bakit ganun, ang konti ng exposure ni Carmi. Siya ang pinakabongga sa kanilang lahat, lalo na yung scene na nangigigil siya sa asawa niya sa kabet-china nito.

3. Ang bongga ni Cristine at Anne. Pero mas bet ko si Cristine, super puti ni ate, lakas maka-tomboy.

4. I like the story as a whole but ang corni ng last scenes: Forgive and Forget. Duh!

5. Hindi dapat Now That You're Gone ang theme song ng movie. Dapat ang Kabet by Gagong Rapper. Heto Lyrics and mp3:








Kabet by Gagong Rapper



[Verse 1]

Kay sakit namang isipin na sa puso mo ako'y pangalawa sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko ang aking mga mata at sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay hanggang sumapit ang umaga nang muli kang makasama.



Ano ating lagay hindi mapalagay ako'y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay sa kanya ka sa tanghali akin ka sa gabi pagdilat sa umaga yo! wala ka na sa tabi meron kahati gusto kita na mapasaakin kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin at lagi mong iisipin kung hindi ka para sa akin wag mo lang makalimutin na ika'y mahal ko rin.



[Chorus]



Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya



[Verse 2]

It really hurts ang magmahal ng ganito kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo hanggang ganun na lang nga kailangan ko tong tanggapin na sa puso mo meron na ngang ibang umaangkin at alam ko na rin na mayroon nang nagmamayari sa pag ibig sa iyo ako itong nakikihati at ano man ang mangyari 'di ko kayang manumbat at kahit pa ilihim mo ako sa lahat gaano man kabigat sa puso ko itong aminin hindi dadaing wag ka lang mawalay sa akin masakit man na isipin na ako ang naghiram kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam at kahit hindi to tama ako ay sumugal kahit pa nga alam kong mayroon kang ibang mahal binigay ko ang lahat kahit ganto ang natamo sa pag-ibig nang iba ako ngayon nakikisalo



[Chorus]



Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya



[Verse 3]

Sa situwasyon natin na'to di ko alam kung san tutungo alam ko mahirap pag mali pero mahirap rin isuko paano ko masusuot sing-sing sayo na dala, kung sa paglalagyan nito meron na palang na unang nakilala mo ako di ko binalak mang-gulo gusto ko lang mapatunayan na ika'y mahal ko, yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit kahit ang tawag lang sa akin ay dihamak na kabit.

Oo nga ikay sa akin at ako'y sa iyo, at ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo, yun ay aking tinanggap para makasama ka lang pero sana wag sabihin na nakasama ka lang pero sana rin wag tayong dumating pa diyan tiisin ko ang lahat e basta wag lang yan kahit alam kong mahirap mong tanggapin na mas na una siya sa iyo kesa sa akin



[Chorus]



Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya





O diba mas bongga. Wala namang umalis/namatay sa movie e, saka sakto yung lyrics sa mga nadarama ng mga characters. Kaso dapat girl version itong rap. Close your eyes and imagine na si Anne ang rapper dito. 



6. Katulad ng sa mga nabasa kong mga reviews, what happened sa father ni Derek? Sa dad ni Cristine?

7. Bakit ganun, pag lalaki ang nagloko, okay lang. pero pagbabae, hindi katanggap-tanggap. In case of Anne and Derek's character, mas kawawa si Anne. Hmm…. I think this needs a separate post.

8. I don’t like the quality of video. Di man lang HD like A Very Spacial Love and other Star Cinema films.

9. Kaloka ang resort, tampisaw ng tampisaw si Anne at Derek sa dagat, puro dahon-dahon pa. Hindi man lang nilinis. Ahh… kaya pala sila "nangati". K.

10.          Katulad ng comment ng Prof ko (hindi ko na sasabihin kung sino) over scored ang movie. Kelangan ba talaga mas malakas ang BGM kesa sa pagsasalita ng mga actors. Pati rin yung sa moment na nag e-emote lang sila sa camera, kelangan lakasan ang BGM para mas feel ang scene kuno, kaso hindi talaga bagay ang Now That You're Gone sa movie. Hindi ko pakita yung connect ng meaning ng song sa story ng movie.

11.          I like the portrayal of the 3 main characters. Clap, clap, clap for Cristine and Anne. Kay Derek, nakukulangan pa ako sa acting niya. Nung sinabi ko itong comment ko na ito sa friend ko, sabi niya, "Ano gusto mong acting niya, wala naman ng iba na pwedeng i-cast for his role na kasing hot niya." Oo nga naman.



----



O siya, heto na ang mga bonggang quotable quotes sa movie. 


Disclaimer:  arranged in sequence yung mga quotes na ito, so kung gusto niyong wag ma i-spoil, itigil na ninyo ang pagbabasa. Pero kung ayaw niyo, deadma na lang. Para ito kay Kuya Macky na ayaw manood.



Kara on one of the board's member: “I don’t need to read your research report. I know the market because I am the market.”



Kara on while on the top of the rock: “No pressure! And kiss me and don’t you dare fall in love with me.”



Hipon-eating scene, Kara on Ram: “Paano mo naman malalaman na masarap pala pag di mo titikman? Kahit alam mong bawal, labanan mo cos’ eventually your body will just get used to it.”



Kara on her friends, “We’re just two consenting adults having fun, there’s no emotional attachment.”



Kara's friend on her: “Having fun? Ngayon yes fun!  Pero paano pag iniwan ka na niya? Paano pag pinili na niya ang asawa niya?  Paano pag na skandalao na ang pamilya mo?  Fun pa rin ba!”



Kara on her friends in the bar: “You will only be called a mistress when there’s an emotional attachment. I’m not a mistress.”



Charmaine's mother, consolling her upon seing the other woman of her dad, with her other daugther: "Kung ahas siya mas ahas ako! Tahimik pero kapag kinanti – nanunuklaw."



Tiange scene. Ram arrived late, Charmaine noticed the red marks on his neck. Charmaine's mother: Naku, ganyan talaga kapag galing sa makating dikya, nagmamarka.



Crying scene, Charmaine's mother while consoling her: “Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maagawan ka, lumaban ka!”



Crying scene with her mother, Charmaine: “Tsaka ano bang mahirap kalaban? Yung putang mahirap o yung putang mayaman?”



Her mother's answer: “Pareparehong puta lang yun! Ang mayaman bumibili ng hermes sa mall, ang mahirap bumibili ng hermes sa greenhills.”



The mose talked about line from Charmaine's mother: “I-pack up mo na si Lucy Torres mo. Ilabas mo na si Gretchen Baretto. Ako na bahala sa red stiletto mo.”



Charmaine's mother while consoling her: “Kapag ang lalaki, maya’t maya nagpapalit ng babae, Ok lang yun! Basta sayo lang umuuwi. Pero pag ang lalaki may suki nang kabit, dun ka na lumaban!”



Charmaine's friend upon seeing Kara wearing violet outfit like Charmaine: “Meron ba ditong paparty ni Barney na hindi ko alam?”



The bag scene:

Charmaine: You like nice things no?

Kara: Yeah. They’re my guilty pleasures. But I really don’t feel guilty ‘cause I deserve them.



Kara: We bought know we have something in common.



The invitation scene:

Charmaine: Why don’t you have dinner with us tonight, pa thank you ko na rin dahil kinuha mo ang asawa ko.

Kara: I’m sorry?

Charmaine: Bilang supplier ng furniture para sa resort niyo.



While cooking, Charmaine on Kara: “Sabi nila, a way to a man’s heart is through his stomach. Sa ganda mong yan, siguro madami kang alam na shortcuts.”



Another winner line:

While cooking,

Kara: Anything I can do to help you?

Charmaine: Naku. Huwag na. Baka Makita mo pang nilalagyan ko ng lason ang pagkain mo. Joke lang. Medyo off yung humor ko lately.



Dinner scene, Charmaine on Kara: “Mababaliw siguro ako kung malaman kong may babae siya.  Baka mapatay ko yung kabit, silang dalawa actually.”



After the dinner scene, Kara with her friends again in the bar: “Anong gagawin niyo if the only man that you love is unfortunately married!”



“I’m not gonna give up Ram without putting up a god damn fight!”



Lambingan scene, Ram on Charmaine: “I PROMISE YOU THERE’S NO OTHER WOMAN IN MY LIFE!”



Swimming pool scene,

Charmaine: Alam mo kasi ang marriage parang exclusive village. Kailangan mong bantayan para hindi makapasok ang mga squatters.



Kara: Dito din, bawal ang ugaling squatters, buti nakapasok ka?



Charmaine: Ano nga ba ulit ‘yung tawag sa katulad mo? Ahhh.. AHAS! Bikini mo ba ‘yan o balat mo? Kaya pala ang galing mong gumapang.



Kara: "Are you here to make a scene???

Charmaine: "Only if you have an affair with my husband, meron ba???”



Kara on Charmaine: “You can call me whatever you want,SNAKE, BITCH or OTHER WOMAN, but I promise you,I will never be a PATHETIC and BORING housewife.”



“THERE’S NO OTHER WOMAN BETTER THAN I AM!”



After the controversial swimming pool scene, Charmain on Ram: “Ayoko na! Ayoko na! Alam ko naman eh, ang sakit lang, ang sakit-sakit lang nung marinig ko. Hindi ko dapat ginagawa to pero ginagawa ko to dahil mahal na mahal kita!”



Kara on Ram before the jumbagan scene: “Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong iiwan!”



The emo scene, Ram on his friend: “Ang laki ng kasalanan ko, hindi ko na maayos to!”



Chapel scene, Kara on Charmaine: “Every day I’m trying to convince myself na mamahalin din nya ako, pero sayo pa din sya umuuwi.”






O diba, ang bongga-bongga ng mga lines. Naging forte na ng ABS ang mga kabog na lines ah.



2 comments:

Anonymous said...

amazing! the blogger is certified gangster and jejemon. disturbing yung disclaimer. PAKI-ARRENGED NGA! KASI MALI YUNG ARRENGEMENT! whaahaha!

Cher said...

Sorry naman. typo queen. lol makapag jejemon.