Monday, February 27, 2012

Review-Reviewhan: UnOfficially Yours


Miss Liberal meets Mr. Nice Guy.

Basically that’s the movie all about. For those who claim that this movie is like Friends With Benefits, NO. First, they are not friends. But yes, there's sex but I don’t think we can call that benefits since Mr. Nice Guy is not after the sex.


The movie poster

The story:

Ces (Angel Locsin) met Mackie (John Lloyd Cruz) in a beach then they had one night stand. Cess left  without giving any information about herself except her name. Back in Manila, Mackie moved on, and start his new life by changing his career: from being a dentist to writer (noticed the relation). Little did he know, he will meet Ces in his new job and to add in the coincidence, she was assigned to train him. The attraction between them continues. They sex but they both agreed that there's no obligations.

Malabo na kung malabo, but that's what their hearts has to offer. For Ces, hindi daw kaya ng puso niya, while Mackie is willing to settle for that set-up. That set-up seemed okay for a while but as the day goes by, they became more closer to the point that the suddenly realized they don’t have right to feel that way.

The malabong set-up becomes clear when Mackie delares his love for Ces. But Ces is still firm with her decision not to fall in love with him. Mackie respected her, declaring that he is willing to wait until she is ready to open her heart, Their situation becomes more clearer when Ces open up with Mackie. And this time the audience will witness the most dramatic part of the movie that will make them say, "Okeeyy, another first heartbreak-trauma story again."

I like the movie but not as much as I like My Cactus Heart. Okay the movie is far different because UnOfficially Yours is more mature than My Cactus Heart. But then they are telling the same thing rin naman, Love.

As usual, it is a John Lloyd Cruz' movie. Parang siya si Pierce Brosman while listening to Angel's monologue (And of course, I am not comparing Angel to Meryl Streep, ok?) It's like "Okay, I can feel you, but I  don’t know what to say, though I want to say something."  In this movie you will see a different JL, very far from the stiff, cold and demanding role he played before.  Makikita dito ang super kulit na John Lloyd and  at the same time, super matatawa ka sa kanya kasi kahit wala siyang sinasabing  lines, sa mata pa lang niya alam mo na na may kalokohan siyang binabalak. Fun, fun, fun lang siya.

Meanwhile, Angel improved her acting skills a lot better compared to her films noong nasa kabilang station siya. Though hindi ako masyadong nakiki-symphatized sa role niya because given that your heart was broken into pieces, you were traumatized to love again and insert all the cliché things we often heard why someone is afraid to love. My, move on girl. It's been what? 3 or 5 years ago. And you think engaging in a casual sex will be the best solution for those who are afraid to fall in love and to avoid get hurt again? You're lucky you did not get some disease because of that. Mas masakit yun.

Many people say that super nakakiyak ang movie. Well, for me no. It is a romantic-comedy movie, and I don’t see the point why the past loves of the two character should be so dramatic. Yes, super pilit ang mga drama scenes nina JL and Angel on the Manila Bulletin balcony. Even more on the monologue of Angel. Maiiyak pa siguro ako kung hindi monologue yun but a flashback or anything na hindi dapat nina-narrate lang. Hindi ko ma visualized yung "accident" na sinasabi niya. Hindi daw siya nakalakad noon, pero I don’t see any signs na may nangyaring something sa feet niya.

The movie is not as honest as it should be. There's sex but wala sa kalingkingan ng Angel- Piolo (Love Me Again), Angel- Aga (In The Name of Love) or John Lloyd-Bea (Miss You Like Crazy) love scenes. I bet kaya lang rated-13  ang movie na ito is because may mga mura sa lines. I can even bring my baby sister with me.

There are 3 most defining scene for me in the movie are the following:

  1. The hallway scene. JL, I love you talaga. Super sweet.
  2. The mom-daughter scene of Techie Agbayani and Angel. Girl talk.
  3. The last scene except the last 5 minutes before the credits. Medyo corny pero keri na.

In short, the movie is so cheesy. The only consolation here is that it is a John Lloyd film. We don’t see JL doing this cheesy thing often so keri na rin. Infairness ah, ang taba niya dito. Pero hindi naman niya kailangan ng perfect body para tilian. 

On the lighter side, infairness hindi na nakakabingi ang BGM like in No Other Woman, lalo na in "sex scenes" kuno. Walang "bed" (not the kama) kapag nagsasalita ang mga characters to add kuno sa "drama" or "kilig".


Hindi naman talaga nakakapanghinayang na I watched this movie in cinema because I bet super cut ito kapag sa Cinema One ko pa hinintay ito.



PS: 
If you want to see a positive review, read this.
if you want a sarcastic review of this movie, read here.






Tuesday, February 7, 2012

Review-Reviewhan: Nasaan ang Puso


Note: Kung sa other reviews ko puro side comments ako, expect na mas super daming side comment dito. Yun lang!

***


Florence and I planned to visit our dear alma mater last week.  As usual, super busy and gulo-gulo and mga katauhan sa CMC office kaya naisipan na lang namin na makigulo sa class ni Sir Roy. Sakto naman na tapos na siya sa kanyang lecture at may pinapanood siya sa kanyang mga students. Ang duga! Bakit noong time namin walang film showing! Buti pa ang mga bagets na ito, napanood na ang Sa Kabila ng Lahat  at Dahas.

So ang nangyari, habang inaayos pa ng mga staff ang player para sa film showing, nakipagchikahan muna kami kay Sir. At noong nagstart na ang movie, dineadma ko na lang silang dalawa, Ang featured film for that day is Nasaan ang Puso...


Isa lang naman ang gusto ni Joy, played by Maricel Soriano, ang magkaroon ng buong pamilya. Pero paano makakamit iyon kung nababalot ng puot ang kanilang mga puso. Paano niya masisimulan ito kung sa sarili niya hindi niya alam kung nasaan ang puso?

Nagsimula ang lahat sa pagtataksil ng ina ni Joy na si Elena, played by Gina Pareno sa kanyang itay na si Edgardo, starred by Ronaldo Valdez. At dahil dito, kinuha siya  kanyang itay at hindi knilala ang kanyang kapatid na si Ria, starred by Judy Ann Santos.

Lumipas ang maraming taon, umasenso ang kanyang itay at nakapag asawa ng isang abogado si Joy. Ngunit kahit tila wala na siyang mahihiling pa, para pa ring may malaking kulang sa kanyang pagkatao. Nais niyang mabuo muli ang kanyang pamilya.

Sa tulong ng kanyang asawa na si Dave, played by Christopher de Leon, nahanap niya ang kanyang ina at kapatid, At dahil dito, dali-dali siyang nag-set ng reunion ng kanyang parents.

Hindi siguro applicable para sa lahat ang kasabihang "time heals all wounds", dahil kahit lumipas na ang maraming panahon, sariwa pa rin kay Edgardo ang lahat. Hindi pa rin niya napapatawad ang dating asawa. At dahil sa karamdaman, namatay na lamang si Elena na hindi man lamang nakakamit ang kapatawaran ng dating asawa. Naiwang ulila si Ria at Angelito, played by Spencer Reyes.

Agad namang kinupkop ni Joy ang mga kapatid sa kabila ng pagtutol ng kanyang itay. At siyempre, hindi naging madali ang lahat para sa kanila, lalo na kay Angelito na laging napag-iinitan ng kanyang itay dahil siya ang naging produkto ng pagtataksil ng kanilang inay. Nakiusap si Joy na intindihin na lamang ng mga kapatid ang kanilang itay at darating din ang araw na matatanggap din sila nito.

Nasaan ang Puso is like a teleserye that roled into a two-hour movie. Halos hindi ka na makahinga dahil sa sunod-sunod ang mga maaksyong eksena. Hindi ka dapat malingat man lang. Maski nga si Florence ay naiwan sa bilis ng mga naganap sa movie. Nagulat na lamang siya na namatay si Edgardo matapos ang confrontation scene with Ria and Angelito.

At dahil sa takot na sisihin at palayasin ni Joy, nag-alsa balutan ang dalawang bagets at nagtungo sa kapatid ng ama ni Angelito.  Sa simula ay maayos pa ang kanilang kalagayan sa poder ng tiyahin ngunit dito nagsimula ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang lahat. Hindi ko na ikukuwento yung the rest kasi super haba pa, magiging nobela na tong blog ko.

Honestly, hindi ko nahulaan kung paano matatapos ang movie, o kung matatapos pa ito sa dami ng mga pangyayari. Rulad ng sa Liberacion, hindi ko inaasahan na sa ganoon matatapos ang movie, well except sa character ni Juday. Totoo nga ang sabi ni Sir Roy, na siyang sumulat ng script ng pelikulang ito, tearjerker daw ang movie na ito. Basta ang bongga ng ending. I love it!

This film is way back in 1997, and noong mga panahon na ito, nasa telebisyon pa ang Mara Clara the original version, kaya api-apihan pa ang peg ni Juday dito. Super kairita lang ang character niya dito kasi super ng iinarte. Pero siyempre naiintindihan ko naman siya dahil sa mga pinagdaanan niya so keri na rin.

Hindi ko man napanood ang other movies na kasama  noon, I think deserve ni Marya ang Best Actress Award ng Famas. Mula sa hospital scene hanggang sa scene bago matapos ang movie, mararamdaman mo ang nararamdaman ng character ni Angelito- naaawa na natatakot. Akala pa nga ng isang staff, exorcist ang movie na pinapanood dahil sa kakatili ni Marya.

Boyet, as usual, na-master na niya ang role ng asawa na medyo hindi nagpapakita ng affection sa partner pero deep inside, super love niya ang kanyang wife. In this movie, medyo support lang ang character niya pero since he is THE Christopher de Leon, evident pa rin ang kanyang galing sa acting.

As for Ronaldo Valdez, kahit half ng movie lang siya nakita, he portrayed the character well, kahit super bitter yet in the ending, revelation na naganap. Ang sweet lang!

Spencer Reyes, likewise is in character. Inaabangan namin ni Florence yung "moment" niya kasi siya lang yung parang walang moment sa movie. Pero okay na rin yung scene nila ni Marya na natamaan siya ng lampshade. Naloka kami ni Flo dun.





Wednesday, February 1, 2012

February Jitters


Napansin ko lang na kakaiba ang "lamig" ng hangin lately. At mas lalong kapansin-pansin ang lamig na ito ngayong araw na ito. Siguro, itong lamig ng panahon na nararamdaman ko ay dahil sa nakiki-klima tayo sa ating mga karatig-bansa. Kungbaga, nakikilamig lang tayo. Okay na din yun, at least hindi mainit.

Pero kanina sa aking paggising, I noticed na ang lamig na ito ay hindi lang dahil sa klima. Hindi naman dahil sa air-con kasi nakapatay naman ang air-con namin. So deadma na lang ako.

Simula pa lang noong Grade 1 ako, ritual na nakabukas ang TV sa paggising ko. At usually, Umagang Balita na ang segment sa UKG. Kasalukuyang binalbalita doon ang presyo ng mga bulaklak. WTH!  Napatanong ako sa isip ko, "Ano na bang petsa ngayon?" Wah February na pala. Super bilis ni January, lumipas na kaagad. So this explains the weird "coldness" I am feeling right now. K.

Kasi naman, Feb 1 pa lang, presyo ng bulaklak na ang pinag-uusapan. At syempre, umeksena na naman ang aking evil alte-ego: "Pwede bang dahil may Panagbenga Festival sa Baguio kaya yan ang balita? Asumeera!"  Nagsorry naman ako kaagad sa aking alter-ego (BTW, wala pa pala siyang name, pag-isipan ko nga to). 

Sigura nga ganito lang talaga ang mga single, medyo sensitive kapag February. I know naman na darating din ang araw na I'll meet that someone whom will be with me for the rest of our lives, not just every February. #bitter.

Akala ko, ako lang ang nakakaramdam ng ganitong "February Jitters". Sa Twitter pa lang, nakahanap na ako ng karamay:


  
Baka naman akalin niyo na hate na hate ko ang month na ito. Of course not! Wala naman akong favoritism sa mga month….well meron pala, for me kasi my super lucky month is November, my birth month. So to prove na I like february, here are the things I love forward this february:

  1. Ang daming birthday celebrators this month, umpisan na lang natin sa Tita ko and sa kanyang unica hija; ang aking super BFF na si Kien; si Grace; Kris Auino; Heart Evangelista; John Prats at kung sino-sino pa.
  2. It's National Arts Month! - ito ang moment ng mga maarte, lol. But kidding aside, ma-art din naman ako, di lang halata. Or ibang art ang talagang obvious, art-e.
  3. Showing ng UnOfficially Yours starring my BF John Lloyd Cruz and me in my past life, Angel Locisin (I really hope na may Phil ako ngayon diba?). Sa Feb 15 to.
  4. Showing the The Vow. Wala lang, na in-love ako sa trailer.
  5. Leap Year ngayon, medyo badtrip nga kasi sumabit pa si 29, pero okay na rin, medyo mapapaaga ang sweldo. =P
  6. Group date with my friends. At least hindi lang ako ang single.


By the way, don’t pity me too much, may date naman ako sa February 14, with

My Bebeng Nigel.