Friday, August 26, 2011

Side Comments: Wikang Filipino- Wika para sa mga Mangmang?


Language, learning, identity, privilege
Ithink
By JAMES SORIANO
August 24, 2011, 4:06am

MANILA, Philippines — English is the language of learning. I’ve known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet.

My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English.

In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English.

Filipino, on the other hand, was always the ‘other’ subject — almost a special subject like PE or Home Economics, except that it was graded the same way as Science, Math, Religion, and English. My classmates and I used to complain about Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes.

We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”

These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino.

That being said though, I was proud of my proficiency with the language. Filipino was the language I used to speak with my cousins and uncles and grandparents in the province, so I never had much trouble reciting.

It was the reading and writing that was tedious and difficult. I spoke Filipino, but only when I was in a different world like the streets or the province; it did not come naturally to me. English was more natural; I read, wrote and thought in English. And so, in much of the same way that I learned German later on, I learned Filipino in terms of English. In this way I survived Filipino in high school, albeit with too many sentences that had the preposition ‘ay.’

It was really only in university that I began to grasp Filipino in terms of language and not just dialect. Filipino was not merely a peculiar variety of language, derived and continuously borrowing from the English and Spanish alphabets; it was its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols.

But more significantly, it was its own way of reading, writing, and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino that can never be translated into another. Try translating bayanihan, tagay, kilig or diskarte.

Only recently have I begun to grasp Filipino as the language of identity: the language of emotion, experience, and even of learning. And with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda.

My own language is foreign to me: I speak, think, read and write primarily in English. To borrow the terminology of Fr. Bulatao, I am a split-level Filipino.

But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned.

It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections.

So I have my education to thank for making English my mother language.





Ang nasaitaas ay  ang  artikulong sinulat ni James Soriano at nailathala sa Manila Bulletin noong Agosto 24, 2011.

Una kong nakita ang link na ibinahagi ng kaibigan ko sa kanyang Facebook Account. Sa mga naunang talata, isinalaysay ng may akda na mula pagkabata ay wikang Ingles na ang kanyang "opisyal" na lenguahe. Hindi ko na napigilan ang magtaas ng kilay habang patuloy ako sa aking pagbabasa dahil sa mga sumusunod na mga pangungusap: "For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned."
 
Tama naman si Ginoong Soriano sa kanyang isinulat na tanda ng pagkakakilanlan ang wika. Katumbas ng pagkakaroon natin ng kalayaan ay ang pagkakaroon ng sarili nating pagkakakilanlan. Kasama ito sa mga ipinaglaban ng ating mga bayani. Hindi ka matatawag na Filipino kung hindi ka marunong magtagalog. Hindi ba't maging mga half-Filipinos, nagsusumikap din na matutuhan ang ating wika?

Pero, isnt it ironic na ngayong Agosto ay ating ipinagdiriwang ang buwan ng wika?

"It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”

These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino."


Oo nga naman, pano ka na naman magbabayad at hihingi ng sukli sa jeep ng nag-i-ingles? "Manong, where's the change for my P500?" Kung ako ang driver, baka nahagis na kita palabas ng jeep. Sandali lang, akala ko ba you have manong to text when you need sundo na? How come you ride a jeep?

Para sa aking nag-aral sa pampublikong paaralan mula sa elementarya hanggang kolehiyo, parehong binigyan ng importansiya ng aking mga guro ang matuto ng Filipino at Ingles.

May mga kaibigan naman din naman ako na hindi din ganoon ka fluent magsalita ng Filipino. Ngunit hindi naman naging haldlang iyon para hindi kami magkaintindihan. Komportable silang nakikipag-usap sa wikang Ingles at ako naman ay sa Filipino. Hindi ako naaartehan sa kanila dahil sa kanilang mal-conyong pagsasalita at hindi naman nila ako hinahamak dahil sanay ako sa salitang pang-kanto. Bagkus, pareho naming natutulungan ang isa't isa-- siya ay natututuhan ang wikang Filipino at ako naman ay nahahasa sa wikang Ingles.

Malimit ikwento ng mga conyo friends ko ang kanilang karanasan sa kanilang asignaturang Filipino. Mas nanaisin pa nilang mag compute ng mga komplikadong Math Problems kesa pagbasahin ng mga nobela ni Jose Rizal at Francisco Balagtas. Naging hell ang buhay nila nitong kolehiyo dahil sa 12 units namin sa Filipino. Pero ni minsan, hindi nila hinamak ng ganito ang wikang Filipino. Kahit nahihirapan sila, matiyaga pa rin nilang inaaral ito.

Isa lamang nag naisip ko pagkatapos kong basahin ang kanyang artikulo-- wala pala talaga akong alam dahil mas ginagamit ko ang sarili kong wika sa pang-araw-araw na pakikisakamuha sa mga tao. Sumusulat ako gamit ang wikang pilipino.  Na sa dalawangpung taon ko ng pag-aaral at patuloy na pagkatuto ay nabaliwala lamang. Dahil ang wikang Filipino "It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned."

Malaking insulto ito sa ating educational system: ano nga ba talaga ang dapat gamitin sa pagtuturo sa mga paaralan-- Filipino o Ingles? Isa itong kalituhan sa mga batang pinipilit na magsalita sa wikang Ingles samantang salitang pang-kanto ang ginagamit ng kanyang mga kalaro. Mahaba-habang debate ito, kung ito ay pagtutuunan ng pansin ng mga kinauukulan.

Pero dahil iyon ang kanyang opinyon, kailangan pa rin natin iyong irespeto tulad ng kailangan din niyang irespeto ang ating opinyon na may halong galit sa kanyang isinulat. Isa na lamang ang masasabi ko...



At least hindi ako amoy malansa. =p





PS: Inalis ng Manila Bulletin Online ngayong araw na ito, August 26, 2011 ang artikulo sa kanilang website.










Thursday, August 25, 2011

Like this...Please Please *wink*

Friend: Cherry!!!
Me: Yes?
Friend: Pa-like naman po ng post ko! Please! =) Please! =-)
Me: *sign-out*
 

Naranasan niyo na ba yan? Nasa kasagsagan ka ng pag-aayos mo ng iyong city at pagkubra ng mga kita sa mga business mo sa City Ville, isabay mo na ang pagstalk mo sa iyong crush at pakikipagkulitan sa mga friends mo at ginawang chatbox ang comment box, ng biglang may magpapop-out na chat from some of your acquaintance, asking to like their post or the fan page of the whatever company/product or ng post ng rant na hindi mo naman gusto, never heard at higit sa lahat wala kang pakialam kung nag-e-exist pala ito sa totoong buhay. Kung kayo, mabait at super supportive, pwes ako, imbyerna!



Hindi ako nagpopost ng kahit ano- mapa-status man o note o link- sa Facebook para i-please ang ibang tao. Okay lang sa akin kahit hindi pansinin ang mga status at links (mas mahilig akong magpost ng links) just to be liked by other person. Kahit makapal ang mukha ko, hindi ko pa naman nasubukan na magchat sa mga naka online kong FB fiends at isa-isa silang i-chat para i-like ang status ko. Mas na-a-aapreciate ko pa yung mga 2 o isang nagla-like ng post ko sa fb na alam kong hindi ko pinilit na i-click ang like button for the sake na maraming nag-like sa post ko.



Marami kayong maaaring maitawag sa akin: KJ,OC,Suplada, Maarte, etc. Ang I will answer in three words: I DON’T CARE! Ayoko ng maraming notifications ng kung anu-ano na na flood na ang wall ko. Di ko na tuloy makita ang post ng crush ko. Kainis! Buti sana kung sa ikakabuti ng pamumuhay ko o ng sambayanan ang mga nakapost, e puro kakagastusan naman ang mga makikita mo. Ano naman pakialam ko sa company fan page niyo, e hindi naman yan related sa course ko, sa line of work ko o sa interest ko. Illogical na siguro ako o napakakitid ng pang-unawa ko pero BAKIT KAILANGAN IPAGPILITAN NA I-LIKE KO ANG ISANG BAGAY NA HINDI KO NAMAN GUSTO?



Here is my example scenario na talagang nangyari sa akin:



Habang nasa work ako, nagchat si frienemy. Sa totoo lang, hindi ko naman siya enemy, lalo namang hindi ko siya friend. He/She/It? (Joke!) Is one of my acquaintance. Wala akong maisip na codename para sa kanya, pero in case na mabasa niya ito, o ng ibang pang mga fans friends ko, kilala niya/nila kung sino ito.



Scenario: Sometime in August 2011, nasa office ako around 3 pm, busi-busihan si watashi.


Frienemy: hi
Me: *deadma* ?
Frienemy: palike naman po ng blah blah blah
(Link)
Please po need lang po sa work
Please! please!
Me: K (kahit sa totoo naman hindi ko gagawin)
Frienemy: Thanks!



Napansin ko na may ilan-ilan sa nga supportive na commom fb friends niya ang naglike ng page at sinare pa nila. After 1 hour, napansin niyang hindi ko naman ni-like ang company fan page nila na hindi ko naman knows kung ano at wala akong balak alamin.


Frienemy: (patay-malisya, kunwari hindi pa niya ako nachat a while ago) palike naman po ng blah blah blah
                 (Link)
                 Please po need lang po sa work
                 Please! please!
Me: *deadma, close chat box*



Akala ko hindi na niya ako guguluhin ever. I was wrong. Pag-uwi ko, habang net surfing si watshi gamit ang aking baby corby 2 (hindi naman masyadong mayabang di ba?), nang mapansin ko na nag-comment si frienemy sa isang post ko (link ng movie review ko ng Liberation). Aba, sabi ng aking konsensya, ano kaya pinost niya. Click ko naman ang wall ko, napa-tumbling ako sa imbyerna.  Ang nakalagay na comment:


palike naman po ng blah blah blah
                  Please po need lang po sa work
Please! please! (Link)



Wah!!! Ang gaganda ng mga naunang comment tapos makaka-kita ako ng SPAM! Walang pagdadalawang isip akong nag-click ng delere. Kairita!


Hindi pa dyan na tapos ang ginawako, nagpost ako sa wall ko, stating:

This is my first and last warning: Pwede ba, pag magko-comment, sana yung related sa post. nyeta! puro pa-like ng pa-like buti sana kung ikakayaman ko yan! iba-block ko kayo forever pag may nagflood ng comment box ko. ginagambala n nga yung inbox ko, pati ba naman sa comments box.


Ang taray much di ba?



Pero ano nga ba ang sense ng pag-like ? For Prestige? For self-fullfilment? Ipagmalaki sa buong FB friends mo na magaling ka, marami kang fans? Nyeta. Hindi pa naman ako desperado.

May nagcomment sa post kong iyon.


Ang bait ng mga friends ko di ba. So far, wala pa naman nagbalak mag pa like ng kung anu-anong ek-ek nila. Hanggang kaninang umaga....

Friend: Cherry!!!
Me: Yes?
Friend: Pa-like naman po ng post ko! Please!b =) Please! =)
Me: *sign-out*

Nyeta much!

up next: FB Etiquette by Cherry.

not <fun,fun,fun>



Wednesday, August 17, 2011

Dear Diary: Mango (Shake) Part 1

This post is moved to another site for security reasons (what?!).

You can read this post in this site: http://cherry-list.tumblr.com/ and enter password. Thanks.


Sunday, August 14, 2011

Epic Fail



August 12, 2011

Epic Fail talaga itong araw na ito.

Don’t worry, hindi naman ito nagsimula sa pag-gising ko. Nagsimula ito nung ng after lunch.

Sipag-sipagan si watashi sa office kasi nakakahiya na one week ko ng ginagawa ang trabahong na naka-assign sa akin. Hindi naman na masyadong mahirap ang aking gagawin kasi konting edit na lang sa script at pindot ng print screen at konting edit sa pic, then insert sa word document lang naman ang gagawin, inabot pa ako ng one week and still counting. Paano ba naman kasi, ang dami kong "extra-curricular activities". Next time ko na lang ikukwento kung ano ang mga "extra-curricular activities" na ito.
Habang nagmumulti-tasking ako: sipag-sipagan kunwari sa work and at the same time busy sa aking "extra-curricular activities", smooth-sailing naman ang mga pangyayari… yun ang akala ko...

Hanggang sa nagchat sa akin si Kuya Choc sa YM,bandang 10 am, nagyayaya para gumala. Literal na gala kasi mapapadpad ako sa Trinoma- ang super layo na mall. Feeling ko nga nasa 3 hours ang layo ng Glorietta sa amin kahit malapit ako sa Makati, sa Trinoma pa kaya na nasa QC, super nalalayuan ako. Pero dahil nakakahiya naman kay Florence na nagrereklamo na na palaging lugi dahil laging sa SM Manila o Robinson's Ermita nagpupunta, e sa QC pa siya nakatira. Okay pagbigyan. Pumayag akong magkita kami ngayon sa Trinoma after office. Si watashi, excited naman kasi ang dami naming pagchi-chikahan…. So bago mag-lunch break, nagpaalam muna si Kuya Choc na magte-text na lang siya sa aking mamaya. Okay. Back to multi-tasking...

Side Story: Kinatatamaran kong magpunta ng CR pag nandito ako sa office. Dati, sa mga araw na wala talaga akong ginagawa, naisipan kong ilista ang bawat punta ko ng CR, dahil isang tumbling lang, nasa CR na ako, pero nung lumipat kami dito sa likuran, na ang perks ay nakatalikod kami sa lahat , kitang kita ang view sa labas at malapit sa pantry, (ito ang next story), nakakatamad ng tumayo kasi kakailanganin pang rumampa sa aisle (oo, aisle talaga) para lamang makalabas. Nakakahiya na tuloy tumayo-tayo.

Back to the story: Pero ngayong araw na ito, no choice ako kasi nagwawala na ang pantog ko kasi ang lamig (marami na rin yata akong nainom na tubig) tumambling na ako papunta ng CR. Sa wakas, nakaraos na rin. Pabalik na ako sa aking pwesto ng may napansin ako sa aking sandalyas.  Dinedma ko na lang muna. Pasok na na ako sa lood ng office. Pero something is wrong. Feeling ko may naaapakan akong something sa aking sandals habang nasa aisle ako. My gulay!  Dineadma ko na lang muna hanggang makarating ako sa table ko. Pagka-upo ko pa lang, tiningnan ko na kung anu mero sa sandals ko at guess kung ano: lumabas ang kanyang dila. To be specific, nawa yung dikit ng swelas. My gulay talaga! Paano ako rarampa ngayon sa Trinoma!!! Maglalakad pa ako, mag MRT pa ako, maliligaw pa ako sa Trinoma, maghahanapan pa kami sa Trinoma, blah, blah, blah… wah!!!! Naisip ko tuloy kung ano ang disadvantage pag nasa Makati: bawal tumawid sa hindi tawiran, Walang sari-sari store! How I miss Manila!

Dahil prinsesa ako ng diskarte, dinikit ko muna ng tape ang swelas ng sapatos ko. Pero siyempre hindi ito pwedeng pangrampa. Ang balak ko na lang bibili ako ng flip-flops (pasosyal pa akong nalalaman) sa Mini Stop. Yes my Banana Peel sa Mini Stop worth almost  P 120. Wah! Mauubbos ang pera ko pamasahe papunta ng Trinoma. So para maaga pa lang makapaghanda na sina Florence, tinext ko na siya sa epic-fail moment ko at baka di na ako tumuloy sa Trinoma. Sayang nemen. Excited pa naman ako. Pinaasa lang ako. Hmmp!

Akala ko sa sandals lang ang epic fail moment ko ngayon. Hindi lang pala yun. Tinuloy ko na alng muna ang aking pag mu-multi-task. Dahil sinipag na akong magtrabaho, gpinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. Nasa kasagsagan na ako ng pag eedit ng pic ng biglang di ko na ma-zoom ang ginagawa ko gamit ang Ctrl key at scroll ng mouse. Akala ko yun na yung pinakaka-zoom ng picture (Imagine ko gaano ako mag zoom ng pic). Pero noong mag tatype na ako, wala namang lumalabas sa screen. Nakailaw naman yung Num Lock, subalit, nung pinidot ko naman ito, hindi namamatay yung ilaw. Naghang ba ang PC ko? Ginalaw ko naman ang mouse, gumagalaw naman. Nag open ako ng folder, nag open naman. Isa lang ang ibig sabihin nito: sira na na rin pati keyboard ko? Hindi muna ako nagpanic, nagrestart na lang muna ako. Pero hindi pa rin ako makapagtype.


Relax lang muna ako, pinalitan ko ang aking keyboard dahil may extra pa sa conference room namin. So gumana na. Ang catch: dahil sa kalumaan, bura na ang mga letters. ANU BE! Kawindang talaga. Buti na lang, may extrang brand new keyboard sa kabilang office. YEHEY! Pero hindi pa rin dyan natatapos ang disaster day...


Excited na ako sa uwian. Pagka-out ko, Nag-CR muna ako. Inayos ko muna ang aking mga gamit sa bag.. at heto na nga, nung isasara ko na ang aking pinakamamahal na bag, umipit ang shawl ko sa zipper!!! Grabe na talaga to! Kahit anong hila ang aking gawin, wala talaga, ayaw matanggal. Kainis. At dahil sa desperado na ako, hinila ko ang aking shawl. Natanggal naman ang shawl sa pagkakaipit...kasama nga lang ang zipper. WAH!!! Grabe na 'to. 


Wala na. Wala na akong nagawa. Nag-text na lang ako kay Florence na hindi na ako tutuloy. Grabe, ayaw talaga akong pagalain ng tadhana.


Such an Epic Fail! 




<fun,fun,fun>


Google +

I have my Google + Account.
Feel Free to add me to your circle!


xoxo,
Cherry















Monday, August 8, 2011

A story of love in three perspectives


Emotera lang muna. 

***

We could be the tree, the leaf or the wind once in our lives for all we know...a good read...

TREE


People call me "Tree" .


I had dated 5 girls when I was in Pre-U. There's one girl who I love a lot but never dared to go after. She didn't have a pretty face, or good figure, nor an outstanding charm. She was just an ordinary girl.I liked her. I really liked her.I liked her innocence, her frankness, her intelligence and her fragility. Reason for not going after her was because I felt somebody so ordinary like her was not a good match for me. I was also afraid that after we were together, all the feelings would vanish. I was also afraid other's gossip would hurt her. I felt that if she were my girl, she'd be mine ultimately and I didn't have to give up everything just for her.The last reason, made her accompanying me for 3 years. She watched me chase other girls, and I have made her heart cry for 3years. She was a good actress and me a demanding director. When I kissed my 2nd girlfriend, she bumped into us. She was embarrassed but smiled and said, "Go on!" before running off. The next day, her eyes were swollen like a walnut. I didn't want to know what caused her to cry.Later that day, I returned from soccer training to get something and watched her cry in the classroom for an hour or so.My 4th girlfriend didn't like her. There was once when both of them quarreled. I know that based on her character, she's not the type that will start off the quarrel. But I still sided my girlfriend. I shouted at her and ignored her feelings then walked off with my girlfriend. The next day, she was laughing and joking with me like nothing happened. I know she was hurt but she didn't know deep down inside I was hurt too.When I broke up with my 5th girlfriend, I asked her out. Later that day,I told her I had something to tell her. I told her about my breakup. Coincidentally, she has something to tell me too, about her getting together. I knew who the guy was. His pursuit for her had been the talk of the school.I didn't show her my heartache, just smiles and best wishes. Once I reached home, I couldn't breathe. Tears rolled and I broke down. How many times have I seen her cry for the man who didn't acknowledge her presence?During graduation, I received a text message from her. It said, "Leaf's departure is because of Wind's pursuit. Or because the Tree didn't ask her to stay ..."


LEAF


People call me "Leaf".

During the 3 years of Pre-U, I was on very close terms with a guy as buddy kind. But when he had his 1st girlfriend, I learned a feeling I never should have learned - jealousy. Sourness to the extreme limit. They were only together for 2 months. When they broke up, I hid my happiness. But after a month, he got together with another girl.I liked him and I know he liked me. But why won't he pursue me? If he really loves me, why didn't he make the first move?Whenever he had a new girlfriend, my heart would hurt. After some time,I began to suspect that this was one sided love. If he didn't like me,why did he treat me so well? It's beyond what you will normally do for a friend. I know his likes, his habits. But his feelings towards me I can never figure out.You can't expect from a girl like me to ask him. Despite that, I still wanted to be by his side. Care for him, accompany him, love him. Hoping that one day, he will come to love me too. And because of this, I waited for him.Sometimes, I wondered if I should continue waiting. The pain, the dilemma accompanied me for 3 years. At the end of my 3rd year, a junior pursues me.He's like the cool and gentle wind, trying to blow off a leaf from a tree. In the end, I realized that I wanted to give this wind a small footing in my heart. I know the wind will bring the leaf to a better land.Finally leaf left the tree, but the tree only smiled and didn't ask the leaf to stay."Leaf's departure is because of Wind's pursuit. Or because the Tree didn't ask her to stay..."


WIND

People call me "Wind".

Because I like a girl called "Leaf".Because she's so dependent on the tree so I have to be a gust wind, a wind that will blow her away. When I first met her, it was 1 month after I transfer to the new school.I saw a petite person looking at my seniors and me playing soccer.During ECA time, she will always be sitting there. Be it alone or with her friends, looking at him. When he talks with girls, there's jealous in her eyes. When he looked at her, there's a smile in her eyes.Looking at her became my habit. Just like she likes to look at him. One day, she didn't appear. I felt something missed. I can't explain the feeling except it's a kind of uneasiness. The senior was not there as well. I went to their classroom, hid outside and saw my senior scolding her. Tears were in her eyes while he left.The next day, I saw her at her usual place, looking at him. I walked over and smiled at her, took out a note and gave it to her. She was surprised. She looked at me, smiled, and accepts the note.The day after, she appeared and passes me a note and left. "Leaf's heart is too heavy and the wind couldn't blow her away"."It's not that leaf's heart is too heavy. It's simply because leaf never wants to leave the tree". I replied her note with this statement and slowly she started to talk to me and accept my presents and phone calls. I know that the person she loves is not me. But I have this perseverance that one day, I will make her like me.Within 4 months, I have declared my love for her no less than 20 times.Every time, she will divert away from the topic. But I never give up. If I'm really decided for her to be mine, I will definitely use all means to win her over.I can't remember how many times I have declared my love to her. Although I know she will always try to change the topic, I still bear a small ray of hope deep within me, that she will agree to be my girlfriend. And so I asked her again.I didn't hear any reply from her over the phone. I asked, "What are you doing? How come you didn't want to reply?""I'm nodding my head", she said."Huh?" I couldn't believe my ears."I'm nodding my head", she replied loudly. I hang up the phone, quickly changed, took a taxi and rushed to her place. My hands were trembling when I press the doorbell.I hugged her tightly as she opened the door."Leaf's departure is because of Wind's pursuit. Or because the Tree didn't ask her to stay..."



SIDE COMMENT 1: MRT

Actually, hindi pa ito dapat ang gagawan ko ng blog. Pang-16 dapat ito sa list ko. Yes, may listahan ako ng mga iba-blog ko, mahilig kasi ako maglista. Sa kakalista, ayan, walang nagagawa kahit isa. For the sake na may ma ipost lang dahil 3 months lang din ako nag-emo at inggit me much kay Florence at kay Kuya Choc dahil dami na daw nilang fans, sisikapin kong mag-blog regularly. Take note: SISIKAPIN.
Related ito sa aking naunang post na Review ng Liberacion. Kung napansin niyo, ang haba ng Side Notes ko sa review ko ng Liberacion. Pero, don't worry, hindi ko na uulitin yung post ko dun. I-li-list ko na lang ang mga memorable moments/realizations namin ni Kuya Choc sa MRT.
Realization Number 1: Mas masaya sa tren na tren na panglahat (di ko alam ang term) kesa sa Female Area. Mas daig pa ang mga lalaki magbalyahan sa Female Area. Buti pa sa Unisex Area (mag-iimbento na ako ng tawag), may mga gentleman na lalaki na bibigyan ka ng personal space. Yung pwede ka pang umikot ng 360 degrees pero sa totoong buhay, siksik na siksik na sila.
Realization Number 2: Feel ko lang, enjoy na enjoy ang mga beki friends ni Kuya Choc sa kabilang tren (Nakasabay namin sila sa MRT pero hindi kami tumabi sa kanila (Ayaw ni Kuya Choc). Si Kuya Choc lang yata ang beki na hindi natuwa.
Realization 3: Kung may kasama kang beki at hindi niya feel ang may mga boys sa paligid, magpanggap na lang na dyontis at siya ang ama, Sinagest ko to sa kanya, mas nandiri siya na ama ang kanyang papel, ayun,pag pasok namin sa tren, sabi niya "Dapat talaga nagpanggap ka ng buntis." (Note: Maluwag kasi sa female are ng mga oras na iyon. Pwedeng magtubling sa loob ng tren.
Realization 4: Dahil nga feel na feel ko sa Unisex Area, mas madaling umupo dito kesa sa Female Area. Sa female Area kasi, kesehodang jontis o matanda ka, keber, paunahan sa pag-upo. Sa Unisex Area, ipipilit pa na umupo ka.
Realization 5: May libreng shower sa MRT Train.
Ayan, wala na akong maisip na mga realizations. Mas masaya talagang mag MRT pagkasama mo mga friends. Pero mas masaya pag may kahawig ni Ejay Falcon na matangkad. Diba Kuya Choc?
PS: Chineck ko ang aking list: Hindi lang pala 16 ang mga listahan ko, 23 pala. Ako na.





Review-Review-Han 1: Liberacion (Adolfo Alix)

Side Story:

Hindi ko na enjoy personally ang Cinemalaya sa CCP ngayong taon dahil sa dalawang dahilan: WORK  and MONEY. Hindi na ako masyadong mag-elaborate dahil obvious naman na ang explaination dyan.

Cinemalayagoes to UP Diliman. Kung sa CCP nga di ako makapunta, sa UP-D pa kaya. Ngunit dahil tinotoo nga ni Kuya Macky ang magyaya ng manood ng film ng biglaan, para matuloy na daw, kasi pagmaaga kaming nagse-set ng date for movie, hindi natutuloy. So nagyaya siya noong Tuesday to watch Liberacion at UP-D na ipapalabas ng August 6. At dahil biglaan nga, marami pa ring nagback-out, gaya ng  aming butihing Prof. na nagreserve ng aming ticket, at ni Florence na may rehersals "daw". Kaya kaming apat nina Kuya Macky, Kuya Choc at Kuya Dean ang sumugod sa UP-D para mapanood ang Liberacion.

Pero bago pa kami makapunta sa UP-D, marami na kaming adventure ni Kuya Choc habang kami ay naglakbay patungo sa GMA Network (may paimportante kasi na pinapunta pa kami doon, nakita tuloy namin si Kuya Germs) lalo na sa MRT. Pero baka gawan ko na lang ng separate na blog. Isama na rin ang aming makikipagpatintero sa mga bus sa East Avenue. At paglalakad sa UP-D campus mahanap lang ang misteryosong tapsilogan.


***

Hindi masyadong mataas ang expectations ko sa Liberacion. Hindi naman ako bago sa panonood ng mga indipendent films o mas kilala sa tawag na indie, lalo na sa mga gawa ni Direk Aldolf Alix (Chasis, Presa). Wala talaga akong idea kung ano ang aming papanoorin ng araw na iyon, salamat kay Florence na nagbigay ng link ng teaser ng Liberacion, nagkaroon ako ng konding idea na si Jackie Woo pala ang bida sa film at nasa Post World War II ang setting,


Ang Liberacion ay isang istorya ng isang Japanese Soldier na si Makoto, na ayaw umalis sa kagubatan sa Pilipinas sa paniniwala na hindi pa tapos ng giyera. Para sa kanya, aalis lamang siya sa kagubatan kung ito ay ipag-uutos ng kanyang heneral. Kahit na may mga hakbang na ginawa ang mga tao sa labas ng kagubatan na hanapin siya, tulad ngpaghahanap sa kanya ng kaniyang kapatid mula sa Japan at pagpapalipad ng mga litrato at mga sulat mula sa kanilang mga pamilya gamit ang mga helicopter, hindi pa rin natinag si Makoto at inisip na isa lamabng ito sa mga istratehiya ng Amerika para mapasuko sila. Umabot ang kanyang pakikibaka sa kagubatan ng Pilipinas ng dalawapung taon.

Nagsimula ang pelikula sa eksena kung saan naglalakad sina Makoto, na ginanapan ni Jackie Woo, kasama ng kanyang 2 kasamahang sundalo, na kalaunan ay nawala, sa lood ng isang tunnel. Naipahayag sa pamamagitan ng mga kuha ng kamera ang "struggle" na nararanasan nina Makoto: madilim, nakakahilo, nakakainip.

Umakma sa pelikula na kununan sa black and white para mas lalong madama ang setting ng pelikula na Post World War II.

Kahanga-hanga ang pagganap ni Jackie Woo bilang isang sundalo. Ayon sa aking mga nabasa sa internet, bumibisita na pala siya sa ating bansa, sa Bubble Gang, at marami na rin siyang mga nagawang mga pelikula dito sa Pilipinas. Sa pelikula na ito naipakita naman ni Woo na hindi lamang siya pang-comedy, na maaari rin siyang gumanap sa mga seryosong mga role. Natatangi rin ang pagganap ni Mercedes Cabral bilang Liway. Dahil sa kanyang aking ganda, hindi na kataka-taka na nabighani sa kanya si Makoto. Akma lamang ang kanyang pag-arte bilang isang Pilipina sa panahon na iyon: simple at mahinhin.

Ang Liberacion ay isang "war" film subalit hindi lamang sa literal na paraan. Ito ay isang palabas na kung saan nakikipagdigma ang mga tauhan sa pelikula ngunit pati maging ang mga manonood. Digmaan sa pagitan ng mga Hapon, Filipino at Amerikano. Pakikipaglaban ng mga sundalo laban sa alaala ng kanilang mga mahal sa buhay. Pakikipagdigma ni Makoto sa kanyang isip na hindi pa tapos ang laban; sa kagubatan sa paghahanap ng kanyang makakain; sa kanyang damdamin upang mapigilan ang kanyang puso na lumambot sa akala niyang pain ng mga sundalong Amerikano na si Liway. Pakikipagdigmaan ng mga manonood sa kanilang mga isip sa kung ano ang mga susunod na mangyayari sa palabas. Ika nga, digmaan sa ating mga pag-iisip. 

*Spoiler Alert*
 (Huwag ng ituloy ang pagbabasa kung hindi mo pa napapanood ngunit nais mongmapanood ang pelikula. Kung gusto mo ng konting spoiler, bahala ka.)

Maraming values ang matututunan sa pelikulang ito: pagmamahal sa bayan, pasensiya, diskarte at ang talagang hinangaan ko kay Makoto, ang pagiging matapat. Ang pinaka magandang bahagi ng pelikula para sa aking, bukod sa ending nito ay ang eksena kung saan pinuntaha mismo ng heneral si Makoto sa kagubatan at sa kanilang eksena, itinanong ni Makoto dito kung sino ang nanalo sa digmaan. (Kung hindi makukuilit yung mga kasama ko, naiyak na ako sa eksenang ito. Teary-eyed talaga ako sa scene na ito.)

Ang liberacion ay hindi lamang istorya ni Makoto, isinama din sa pelikula ang isang matandang kwento ng mga diwata at mga ligaw na kaluluwa nf mga sundalo sa mga kagubatan napupipigil sa mga tao na pumunta sa kagubatan satakot na hindi na sila makakalabas ng buhay. Isa ito marahil (hindi tuwirang ibinanggit sa pelikula) sa mga dahilan kung bakit umabot ng 20 taon si Makoto sa kagubatan.

Tulad ng ibang pelikula, may mga konting kwestionable na eksena sa Liberacion. Tulad ng hindi masyadong napakita na 20 taon na pala na nasa kagubatan si Makoto ngunit hindi man lang nahalata sa kanyang itsura ang pagtanda, maliban na lamang sa huling eksena na kung saan nagkaroon na ng puting buhok si Makoto at tumanda ang itsura ni Liway.

Kung mahilig ka sa mga fast-pacing movies, hindi para sa iyo ang pelikulang ito, Kakailanganin mo ng pasensiya sa panonood. Huwag kang mag-alala, hindi ka madidisapoint sa kabuuan ng pelikula. 

Pagkatapos ng pelikula, tunay nga na masasabi mo na angkop ang titulong Liberacion dito dahil isa  itong tunay na "liberating film."


***

AnOTHER Side Story:


Dahil feel namin nasa bahay lang kami na may malaking scren kasi wala pa yata kaming 15 sa loob ng Cine Adarna, nagpapalitan kami ng aming mga hula kung paano magtatapos ang pelikula. Naweirdohan na siguro sa amin ang iba pang mga kasabay naming nanood dahil tawa kami ng tawa sa mga version ng  kung ano ang ending ng palabas. Ngunit sa kasamaang palad, wala sa amin ang tama. Basta I love the ending!