Tuesday, October 25, 2011

Side Comment: 6 months

Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang salitan ang nanay at tatay ko sa paghatid at sundo sa akin patungo sa school. Parang kelan lang, naghihingi pa ako sa nanay ko ng baon bago pumunta sa school. Parang kelan lang nagrereview ako para sa test sa school. Parang kelan lang nagle-layout pa ako ng dyaryo at halos tumira na sa school. Parang kelan lang…

Every 25th of the month is very significant to me dahil every December, Christmas Day ito (Obviously). Every October, birthday ni Katy Perry at ng isa kong friend na hindi ko nasasabihin kung sino pero may  clue: lagi ko siyang nababanggit dito, pero higit pa doon, mahalaga sa aking ang 25 dahil noong Abril ng kasalukuyang taon, ako nagsimula sa pagiging career woman.

Akalain mo yun, 6 months na pala akong nagtatrabaho. 6 months na office-bahay lang ang routine ko (though minsan may "Last Friday Night" thingy din). 6 months na walang report, test, recitation, presentation. interview,   thesis, wtitten report,  quiz, intermediate pad, yellow pad, 1/4, 1/2 crosswise/length wise, cartolina, manila paper. Pentel pen, text books, introduce yourself at terror prof. Kung dati hanggang SM Manila at Robinson's Place Ermita lang ako, level na, Shangri-la, Greenbelt and Glorietta na  pinupuntahan namin. At last, I lost contact na  sa mga biatch sa paligid, and at the same time I still keep in touch with my precious bitches friends. I was able to meet new friends din.

There are a lot of things na nagagawa ko na ngayon unlike noong nag-aaral pa ako and vice versa. 30 minutes lang ang  travel time from house to office compared sa 1 hour- 1 hour and 30 minutes na travel from house to PLM. Kung dati wala akong lunch box, ngayon meron na. Kung dati dati kung saan-saan pa ako napapadpad/ nakakarating, ngayon diretso uwi na. kung dati nakakabasa pa ako ng newspaper, ngayon sa internet na lang ako nagbabasa. Kung dati hindi ako mapirmi, lakad doon, takbo dito ang peg, ngayon sit down ang drama ko ngayon. Kung dati 8 am- to sawa ako sa labas ng bahay, ngayon pag wal a pa ako ng 7pm sa bahay, asahan na may text flood with matching missed calls pa. Take note: Missed CALLS, with emphasis sa letter S.

6 months = x, where x = 

Sa loob ng 6 months maraming ng nangyari hindi lamang sa akin kundi maging sa mga nasa paligid ko. For one, as of writing this, may 2nd issue na ang mga bagets na naiwan namin sa AP. Ang yabang nila diba? Joke. I am very proud of them. Hindi man ako laging nangangamusta sa kanila, pero I want them to know na masaya ako para sa kanila. Na kahit hindi kami nagpaparamdam, rather nakikialam sa kanila ni Flo pagdating sa mga matters regarding AP especially sa presswork, they managed to work on their own, Ayan na nga e, may 2nd issue na sila. Well marami pa rin silang mga palpak, nevetheless, wala naman perfect, noong time naman din namin, may mga palpak din kami. Marunong lang siguro kaming magpalusot.

For two, may mga work na ang mga F5 friends ko. Well, sila yung mga highschool best friends ko. Take note: BEST Friends. BFFs. Actually, I treat them as my siblings na talaga. Aside from my family, sila lang talaga ang nakakakilala sa akin. So si Jomar/Jhaina/Johanna( sorry di ko alam spelling friend) , Cathy and Czarlyn ay mga career woman na. RN na si Monica and CPA na si Dianne and Michael. Si Kien, ayun, nag-aaral pa rin.

For three, napapadalas ang mga movie/gala/chikahan namin ng other BFFs ko (Flo, Kuya Macky, Kuya Choc). Well minsan with special guest such as Ma'am Ludz (ayaw niyang nagpapatawag ng Dean) Sir Roy (oh yes, The Famous Scriptwriter) and others na once in a blue moon lang magpakita: Kuya Dean, Ate April etc. Da daming gustong gawin , ayun dukha/pulubi/destitute/purita na ako ngayon. So far hindi pa naman ako baon sa utang.

As for me naman, heto office girl. Un lang. Joke! Kidding aside, kaya ko ginawa ko itong post na ito is to share my "epiphanies" sa 6 months na wala na ako sa school.


1. Hindi naman harsh sa 'real world'. Parang normal na mundo naman siya. Dapat nga lang malakas ang loob mo.
2. Based on my experience, hindi naman nangangagat ang mga tao sa 'real world'. I am lucky siguro kasi mababait sila, not only my officemates but my boss as well.
3. No work no pay. Late is late. Always be on time.
4. Napakabilis lumipas ng 15 minutes na break at napakatagal ng 5 minutes to 6 pm.
5. Napaka-cliché na nga siguro ng saying na ito:Don’t expect too much. Totoo talaga ito.
6. Piece of advice: Don’t be too idealistic. Sirain mo na ito habang maaga pa. Mas masakit kapag ibang tao pa ang sisira nito para sayo.
7. Be nice sa office. Hindi mo alam kung kelan mo kakailanganin ang tulong nila.
8. Wag magdali sa mga gawain kung wala ka namang lakad. Mas masaya pa rin ang may ginagawa kesa sa wala.
9. Kung nagtitipid, you must scout for the most affordable yet masarap na kainan.
10.   Huwag mag kwento ng unnecessary things aside sa work. Iba-iba ang meaning ng interesting sa bawat bawat tao. Lalo na kung hindi mo ka age.hindi ka makakarelate sa kanila and the feeling is mutual.

6 months pa lang ako pero marami na akong mga realizations. Syempre mas dadami pa yan as time pass by. Syempre walang puwang sa mundong ito ang hiya-hiya. So put you thick face mask on.


2 comments:

Implied said...

Hi Che, madalas na rin naman ako ah..
Congrats! Gandang post

Happy birthday kay Flo!

Cher said...

Nagcomment ka pala Kuya! Oo nga, medyo nagiging active ka na rin sa mga Gala. =)