Ang
bilis ng panahon. Parang kelan lang salitan ang nanay at tatay ko sa paghatid
at sundo sa akin patungo sa school. Parang kelan lang, naghihingi pa ako sa
nanay ko ng baon bago pumunta sa school. Parang kelan lang nagrereview ako para
sa test sa school. Parang kelan lang nagle-layout pa ako ng dyaryo at halos
tumira na sa school. Parang kelan lang…
Every
25th of the month is very significant to me dahil every December,
Christmas Day ito (Obviously). Every October, birthday ni Katy Perry at ng isa kong friend
na hindi ko nasasabihin kung sino pero may clue:
lagi ko siyang nababanggit dito, pero higit pa doon, mahalaga sa aking ang 25
dahil noong Abril ng kasalukuyang taon, ako nagsimula sa pagiging career woman.
Akalain
mo yun, 6 months na pala akong nagtatrabaho. 6 months na office-bahay lang ang
routine ko (though minsan may "Last Friday Night" thingy din). 6
months na walang report, test, recitation, presentation. interview, thesis, wtitten report, quiz, intermediate pad, yellow pad, 1/4, 1/2
crosswise/length wise, cartolina, manila paper. Pentel pen, text books,
introduce yourself at terror prof. Kung dati hanggang SM Manila at Robinson's
Place Ermita lang ako, level na, Shangri-la, Greenbelt and Glorietta na pinupuntahan namin. At last, I lost contact na sa mga biatch sa paligid, and at the same time I still
keep in touch with my precious bitches friends. I was able to meet new friends din.
There
are a lot of things na nagagawa ko na ngayon unlike noong nag-aaral pa ako and
vice versa. 30 minutes lang ang travel
time from house to office compared sa 1 hour- 1 hour and 30 minutes na travel
from house to PLM. Kung dati wala akong lunch box, ngayon meron na. Kung dati
dati kung saan-saan pa ako napapadpad/ nakakarating, ngayon diretso uwi na.
kung dati nakakabasa pa ako ng newspaper, ngayon sa internet na lang ako
nagbabasa. Kung dati hindi ako mapirmi, lakad doon, takbo dito ang peg, ngayon
sit down ang drama ko ngayon. Kung dati 8 am- to sawa ako sa labas ng bahay,
ngayon pag wal a pa ako ng 7pm sa bahay, asahan na may text flood with matching
missed calls pa. Take note: Missed CALLS, with emphasis sa letter S.
6
months = x, where x = ∞
Sa loob
ng 6 months maraming ng nangyari hindi lamang sa akin kundi maging sa mga nasa
paligid ko. For one, as of writing this, may 2nd issue na ang mga bagets na
naiwan namin sa AP. Ang yabang nila diba? Joke. I am very proud of them. Hindi
man ako laging nangangamusta sa kanila, pero I want them to know na masaya ako
para sa kanila. Na kahit hindi kami nagpaparamdam, rather nakikialam sa kanila
ni Flo pagdating sa mga matters regarding AP especially sa presswork, they
managed to work on their own, Ayan na nga e, may 2nd issue na sila. Well marami
pa rin silang mga palpak, nevetheless, wala naman perfect, noong time naman din
namin, may mga palpak din kami. Marunong lang siguro kaming magpalusot.
For
two, may mga work na ang mga F5 friends ko. Well, sila yung mga highschool best
friends ko. Take note: BEST Friends. BFFs. Actually, I treat them as my
siblings na talaga. Aside from my family, sila lang talaga ang nakakakilala sa
akin. So si Jomar/Jhaina/Johanna( sorry di ko alam spelling friend) , Cathy and
Czarlyn ay mga career woman na. RN na si Monica and CPA na si Dianne and
Michael. Si Kien, ayun, nag-aaral pa rin.
For
three, napapadalas ang mga movie/gala/chikahan namin ng other BFFs ko (Flo,
Kuya Macky, Kuya Choc). Well minsan with special guest such as Ma'am Ludz (ayaw
niyang nagpapatawag ng Dean) Sir Roy (oh yes, The Famous Scriptwriter) and
others na once in a blue moon lang magpakita: Kuya Dean, Ate April etc. Da
daming gustong gawin , ayun dukha/pulubi/destitute/purita na ako ngayon. So far
hindi pa naman ako baon sa utang.
As for
me naman, heto office girl. Un lang. Joke! Kidding aside, kaya ko ginawa ko
itong post na ito is to share my "epiphanies" sa 6 months na wala na
ako sa school.
1. Hindi naman harsh sa 'real world'. Parang normal na
mundo naman siya. Dapat nga lang malakas ang loob mo.
2. Based on my experience, hindi naman nangangagat ang
mga tao sa 'real world'. I am lucky siguro kasi mababait sila, not only my
officemates but my boss as well.
3. No work no pay. Late is late. Always be on time.
4. Napakabilis lumipas ng 15 minutes na break at
napakatagal ng 5 minutes to 6 pm.
5. Napaka-cliché na nga siguro ng saying na ito:Don’t
expect too much. Totoo talaga ito.
6. Piece of advice: Don’t be too idealistic. Sirain mo na
ito habang maaga pa. Mas masakit kapag ibang tao pa ang sisira nito para sayo.
7. Be nice sa office. Hindi mo alam kung kelan mo
kakailanganin ang tulong nila.
8. Wag magdali sa mga gawain kung wala ka namang lakad.
Mas masaya pa rin ang may ginagawa kesa sa wala.
9. Kung nagtitipid, you must scout for the most
affordable yet masarap na kainan.
10. Huwag mag kwento ng unnecessary things aside sa work.
Iba-iba ang meaning ng interesting sa bawat bawat tao. Lalo na kung hindi mo ka
age.hindi ka makakarelate sa kanila and the feeling is mutual.
6
months pa lang ako pero marami na akong mga realizations. Syempre mas dadami pa
yan as time pass by. Syempre walang puwang sa mundong ito ang hiya-hiya. So put
you thick face mask on.
2 comments:
Hi Che, madalas na rin naman ako ah..
Congrats! Gandang post
Happy birthday kay Flo!
Nagcomment ka pala Kuya! Oo nga, medyo nagiging active ka na rin sa mga Gala. =)
Post a Comment