Hindi muna ito kasing hardcore ng dati kong reviews na super spoiler. Yung musical-drama naman na Dream High ang aking post.
Bago ipalabas tong Kdrama na ito, heto yung moment na talagang kapag 9:00 pm e nasa KBS channel na ang TV namin. Nag start to sa Accidental Couple na super naiiyak ako every episode kahit romantic comedy naman ang genre nito. Then nagkaroon ng Gumiho, medyo horror-triller ang peg (1st time kong manood ng ganitong Kdrama, I kasi ako mahilig sa horror, que barbaridad!) at Cinderella's Step Sister. Then ang aking super fave na Sungkyungkwan Scandal (hay Mickey Yoochun). Tapos Marry me, Mary. Hindi ba halata na buong 2010 at 2011, e ang adik ko lang sa Kdrama. Then here comes Dream High, ang pinang tapat ng KBS sa Secret Gargen, staring Yun Bin and Ha Ji Won, ng SBS. At dahil wala naman kaming SBS, no choice kundi loyal viewer kami ng KBS.
First of all, hindi po copy cat ng Glee ang Dream High. Hindi sila kumakanta bigla-bigla out of nowhere. Para silang Star Magic Telents na hino-hone para maging next super stars. Ang bongga lang diba. By agency kasi ang mga talents sa Korea, unlike dito na by network.
The story of Dream High is about batch of student na gustong maging Korea's next Superstar someday. Huwag na kayong magtaka, totoo ito, at super dami ng schools na nag oofer ng ganitong opportunity sa mga bagets dun. So bago makapasok sa Kirin,yung school for the next super star, kailangan mag audition muna at ang mga top 100 auditionees ang siyang papayagang makapasok. It was manage by Bae Yong-joon (hindi ko alam name niya sa ABS dub hehehe and yes, siya yung sa Winter Sonata. Siya ang dahilan kung bakit ko to pinanood, first comeback niya after niya makabalik form military service. Pero langya, hanggang episode 2 lang siya, nagkaroon kasi siya ng facture sa balikat. Ang sabi bago matapos ng Dream High, babalik yung character niya, sus, natapos na ang lahat, hindi pa rin siya bumalik. My gulay) ang siya ang may 'eye' para makita ang mga potential superstars. Marami na siyang mga pinasikat na superstars sa Korea kaya super respected siya dito.
At syempre, ang dami naman ng 100 para maging bida so nagfocus ang story sa 6 na superstar wanna-be. Lahat sila may gustong patunaya. At dhail currently ay pinapalabas na ito sa ABS, panoorin niyo na lang . Mabait muna ako ngayon, Hindi ako spoiler. haha
Here are the things I learned in Dream High:
- Believe in yourself. Kahit walang tiwala ang ibang tao sayo, basta alam mong kaya go large lang.- Si Angelie lang ang peg nito. Lahat kasi walang tiwala sa kanya, even her own mother. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya tuparin ang kanayang gusto.
- Sometimes you have to pretend you are strong to inspire other people.- Si Kelly naman ang peg dito. Kahit na medyo Diva siya dito, she cares sa mga taong nasa paligid niya.
- Maging mapag kumbaba palagi. - Si Kelly pa rin ang peg. Yabang niya kasi e. parang Myrtle and Claire lang. Kahit ano pang talent (ganda) mo, mas gusto pa rin ng nakakarami ang mabuting kalooban.
- Balewala ang talent kung may attitude problem ka. Same ng explaination sa number 3.
- Dream High!- Lahat sila. Syempre ito ang title ng palabas nila. Lol. Pero seriously, You have to dream first para may guide ka. At kung mangangarap ka man lang, e taas-taasan mo na.
May mga quotes ako napulot dito sa Dream High na nakainspire sa akin:
Do you know what a break shot is? It's the first shot you take to break the rack of balls in a billiards game. It is the shot that starts every game.You can hit the ball at the same angle with the same force but it always break the rack in a different way. That's how it is with life and changes. Life break shots, changes can come at us from nowhere and that completely disrupt our normal life. Don't be scared and enjoy the game.
at
They say that in this world there are two kinds of happiness. One kind of happiness you only know after the moment has passed and the other is a happiness you feel in the moment. That happiness you feel in the moment is so precious, that they say the memories of this kind of happiness can stay with you and enlighten your life.
Ayam super effort pa ako sa pag play at pause para makopya ko lang yan mula sa subtitles. Grabe.
Last week lang e natapos ang Dream High 2 sa KBS. Hindi ko makwento sa inyo kung ano naman yung story kasi hindi ko naman napanood yun. Diba nga ABS Prime Time ang peg ko ngayon. Sabi ng kapatid ko, hindi daw ito continuation ng Dream high 1 at medyo nag-iba yung story. Kaso hindi masyadong winner ang rating sa Korea kasi mas bet nila ang the Rooftop Prince starring Mickey Yoochun.