Monday, July 9, 2012

Review-Reviewhan: MNL 143 (2012)


I love this film.


Kung gusto mong kiligin, watch this movie. This film is a story of a FX driver searching for his long lost love, romantic isn't it?


Honestly, one of my motivations to watch this movie is because of my curiosity sa movie itself. It's not a secret naman na nataggal sila sa list ng New Breed category ng Cinemalaya 2012 (na start na this July 21), because di bet ng Cinemalaya ang casting choice ng director. So what's with Alan Paule and Joy Viado na hindi sila gusto and they wanted to be replaced with Victor Neri and Francine Prieto?


The whole movie focused on the last day of Ramil (Paule) as a driver. Mapapansin ang kalungkutan sa kanyang huling pagbyahe. Sa pagpapatuloy ng pelikula, malalaman na siya ay pautngo na ng Saudi matapos ng 5 taong paghahanap sa dating katipan sa Maynila.



Tama lamang ang direktor na si Emerson Reyes na ipaglaban ang kanyang casting. Angkop si Paule sa pagganap bilang si Ramil, dating OFW at isang drayber. For a while akala ko siya si John Llyod dahil sa kanyang 2-3 minutes na close shot na nagmo-moment. Damang-dama ko ang kanyang kalungkutan at kabiguan dahil sa kanyang hindi matagumpay na paghahanap kay Mila. Dumagdag pa sa kalungkutang ito ang mga karanasan ng kanyang mga pasahero na medyo emo din. Lahat ng kanyang mga pasahero ay may kanya-kanyang istoryang na kahit papaano ay may patama sa kanya.

Usually, boring ang mga long shots. Pero in this film, hindi ako na-bore. Nacurious kasi ako kung paano ba sila mahkikita ni Mila. Bigla na lang ba itong susulpot sa kanyang harapan? Pati ang mga manonood ay tinutulungan si Ramil na hanapin si Mila. Gusto kong sabihin, pwede bang pahabaan pa yung shots, sakaling mahagip ng camera si Mila.

What will you do if nakita mo ang matagal mo nang hinahanap? At may pahabol pa.. Kasama niya ang kanyang "asawa". Nakikinita ko na if bagets yun, mag tweet yun kaagad ng "That awkward moment…" Sa totoo lang hindi o rin alam kung ano ang gagawin ko. AWKWARD!

I love Joy Viado. She possessed the aura needed in  Mila's character, mataray at matatag. I super her dialogues. Pak na pak lang, lalo na sa pagtataray niya kay Ramil. Pero hindi lang iyon simpleng pambabara. Lahat ng linya niya may patama tulad nito:

Ramil: Masaya ka ba?Mila: Bakit kailangan ba?

BOOM.

Gusto kong i-quote ang buong exchange of dialogues ni Ramil and Mila. Ramdam ang mga naipong emosyon sa 13 years na hindi pagkikita.

Mila: Bayad. Dalawa. Galing Philcoa.Ramil: 13 years Mila. Tapos "Dalawa. Galing Philcoa" lang ans sasabihin mo sa akin?


BOOM.

Another thing that I like in the movie are the pasaheros. Like what one of the audience said in the open forum, the movie is a ensemble. Aside from Ramil's character, lahat ng mga characters ay pantay-pantay. Lahat may dahilan kung bakit sila nandoon, I am thinking of my fave pasahero but wala akong magsingle out. Well, I love Ramon Bautista. Wala talaga siyang kupas. I like the 2 student na gumagawa ng thesis. Naalala ko tuloy yung paggawa namin ng thesis 2 years ago. "Manong lagay na lang namin pangalan mo sa credits." Ang mga beking nagpapacute sa driver at kala mo e sila ang may-ari ng sasakyan. At si Manang Government Employee na birthday noong araw na iyon pero nakalimutan ng kanyang anak.

The movie is all about leaving, waiting and searching.  Tulad ng araw-araw nating pagbyahe. Tayo ay umaalis, naghihintay at naghahanap. Umalis si Ramil. Naghintay si Mila. Hinanap ni Ramil si Mila. Ngunit paano kung huli na ang lahat. Nakita mo nga ngunit hindi ka naman hinintay.

Ramil: Mahal mo ba siya?Mila: Hindi ko alam. Hindi naman siya mahirap mahalin.Ramil: Sapat na ba yun?Mila: Hindi niya ako iiwan.Ramil: Paano ka nakakasiguro?Mila: Basta alam ko di niya ako iiwan. Saka kung iwan niya man ako, okay lang. Sanay na ako.

Aww.

What would you do to search for a lost love? Follow Ramil, drive an FX. Malay mo maging pasahero mo siya.



Friday, July 6, 2012

Review-Reviewhan: The Graduate


Log over due na ang review ko na ito kasi last year ko pa ito napanood.. Hindi na muna pormal-pormalan ang review ko ah. Marami na akong backlags e. ktnxbye.

***





Set in 1960s, The Graduate is about Benjamin (Dustin Hoffman, na super pogi pa dito) na literal na kakagraduate lang from college and like other newly graduates, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya.

After his graduation, nagpa-party ang parents niya kasi super proud sila sa kanilang unico hijo. Invited ang mga ka-close nilang family friends. Medyo napresure naman si Benjamin kasi halos lahat ng tao sa party na yun e tinatanong kung ano na ang susunod niyang gagawin. Kaloka. But na lang e very supportive ang paernts niya at binigyan siya ng time to think for his next step.

At para makaiwas sa tanong ng iba pang bisita, nag-emo muna siya sa kanyang kwarto. Hindi pa man nagtatagal e bigla namang sumulpot si Mrs. Robinson, na asawa ni Mr. Robinson ng business partner ng kanyang parents. Binulabog nito ang kanyang pananahimik at nagpahatid pa sa kanya pauwi. At para hindi masabihang ungentleman, napilitan si bagets na itigal muna ang pag-e-emo at ihatid ang friend ng parents niya,

Pagdating sa bahay ng mga Robinson, syempre inaya siya na pumasok muna, Kahit na pipilitan, out of courtesy, pumayag siya na pumasok muna sa bahay. At dito na nagsimula ang pagkagulo ng kanyang magulong buhay-- nagpakita ng interest si Mrs. Robinson sa kanya and then dun nagstart ang kanilang "affair.'

Naipakita ng pelikula ang mga emosyon na nadarama ng mga nagsipaganap sa pamamagitan ng pag-pan at zoom ng camera. Mararamdaman mo na ang gulo nga ng pag-iisip ni Benjamin kasi pati ikaw na nanonood e nahihilo sa camera. Pero that trick was effective kasi nadama din ng audience ang pinagdadaanan ni Benjamin.

Back to the story, siyempre may hangganan din ang pasensiya ng mga magulang, so kinompronta na si Benjamin ng kanyang parents kasi lagi siya umaalis ng gabi at umaga na umuuwi tapos langoy ng langoy sa kanilang swimming pool, in short isa na siyang BUM. At para hindi na sila makonsumi sa kanya, pinilit nila na makipagdate ang kanilang anak sa anak ng mga Robinson na si Elaine. Wala ng nagawa si Benjamin kundi sundin ang kanyang mga magulang. Nagalit naman sa kanya si Mrs. Robinson kasi naman mag-two timing si Benjamin, pero wala naman siyang magawa. Parents pressure.

May bright idea si Benjamin para hindi matuloy ang pag matchmake sa kanila  ni Elaine. Nagpakita siya ng hindi kaaya-ayang ugali sa dalaga. Of course nawindang si girl. Medyo rude naman kasi si Benjamin. Crayola ang lola niyo to the max. Agad naman nakonsensiya si Benjamin at sinundan agad si Elaine at inayos na ang pagtrato sa dalaga. Dito na nagstart ang pagkakamabutihan ng dalawa. Very delighted ang parents ni Benjamin at Mr. Robinson sa ganap sa dalawa except Mrs. Robinson. Binalaan niya ang binata na sasabihin  kay Elaine ang kanilang affair . Pero hindi nagpasindak si Benjamin, inunahan niya si Elaine sa pagsasabi sa relasyon nila  ni Mrs. Robinson. Syempre nawindang si girl sa mga pangyayari at bumalik sa Berkeley to continue ang kanyang pag-aaral… Hanggang dito na lang ang i-spill ko. Ang hirap ikwento ng 2nd part. Hehe..

For me, kaya The Graduate ang title ng movie na ito, well bukod sa literal na graduate na siya at grumaduate siya sa kamusmusan with the help of Mrs. Robinson, e dahil sa wakas nakagraduate si Benjamin sa pagmamanipula o pagdikta ng mga tao sa kanyang paligid. 21 years ng kanyang buhay e sinunod niya ang gusto ng mga tao- he became a perfect son, model student, pero after college, naramdaman niyang hindi niya alam kung ano ang susunod na niyang gawin.

I recommend this film sa mga newly graduates. This film will tell them to be spontaneous. Don’t be afraid to try new things, malay mo, isa sa mga gagawin mo ang talagang gusto mo.
 
 

Mis-Load


Someone send me a load today (June 15).

I just woke up from my power nap in office when I noticed that the led of my BB is flashing-- an indication that I received a text message. Still in blurry sight, I opened my inbox just to be surprised that someone sent me a load- P50. Actually my suki na ako kung saan ako nagpapaload, ang aking sisterrette. Alam na niya kapag nag text ako ng "Loadan mo ako. Now na.", after 2 minutes, may load na ako ng 100. Minsan lang ako mag load ng 50 kasi madaling maubos yun lalo na sa katulad kong mahilig mag-reply kahit from other network ang ka-text, not even bothering to register for an unli-all text promo. If my load is below 50, super panic na kasi kasi I fee that it is not sufficient enough if ever an emergency comes. Super paranoid lang. Saka my phone is one of the latest model, ang pangit naman kung wala akong load. Nag-cellphone pa ako. Duh!

I'm wondering why m sister would sent me a load e unang-una, hindi naman ako nagpapaload sa kanya. Kakaload ko lang ng 100 the other day kasi I registered to BB Max and Super Unli, and kaninang umaga naman 300 kasi nagregister ako sa BB Social. Hmm. I checked the number who sent the load and I noticed that it is not my sister's number. Hmm… someone missent a load.

My theory was confirmed when I noticed that I missed a call from unknown number. Dahil medyo snobbish ako sa mga strangers na natumatawag or nagte-text sa akin, I sent a message on the unknown number: "Who's this?" Not even a minute passed when the unknown number call me again. Fresh from a power nap, I answer the call with a husky voice, "Hello?"

Stranger: Madam?
Pretty Me: Yes? Who's this?
S: Babae po ba ito?
PM: Yes?
S: Madam, ano po kasi namali po yung send ng load, pwede po bang pakibalik
Evil PM: (To myself) Wha!? Kasalanan ko ba? Kung ipapasa ko yung load, ako naman ang magagastusan dahil sa charge sa pag share ng load. Wow ah!
S: Kahit po 40 na lang po ang isend niyo.
PM: Okay, text me the number.
S: Salamat po Madam.

While waiting for the number, I can't help but to remember the time when I was in the same situation as to the stranger way way back in high school days. While I was in a neighborhood store to load P50  to register to an unlimited promo for 1 week (yes, ganun ka-affordable ang unli noon) I stupidly key in a wrong number, put 5 instead of 6 in the last number. Ganun na lang ang frustration ko. At that time super hirap na hirap ako na makapag-ipon ng P50 mula sa aking P20 na baon araw-araw, makapagregister lang sa unli for a week. I texted the lucky bastard who received my load, but no response. Huhuhu..

In short, I feel the frustration of the stranger because the same thing happened to me. Lucky her, ako ang nakareceived ng load niya. If iba yun, wala na. At mas maswerte siya kasi nasa good mood ako dahil galing ako sa power nap. So it's decision time...

I received the number. The stranger had 4 instead of 5 in the last number. On the  Send To field,  I placed the number excluding 0 and replaced it with 2,  after that typed 47 in the Message field, then clicked Enter. Well, that’s the most kind thing to do since ayokong magastusan ng P2 dahil sa slight "stupidity" ng iba and at the same time I got P1 as a…  well, dayos perwisiyo. I can't believed that I'm that good. 0:)

Moral of the story: Be careful next time. Double check you number para walang maabala. Buti sana kung kasing bait ko ang nakatanggap ng load. 




Back to School


I'm back to school again.
  
After a year ng pahinga, heto na naman ako-- nagdagdag ng sakit sa ulo. Siguro na miss ko lang yung super busy routine noong college. Yung aligaga ka na sa kung ano ang uunahin- AP o acads. Yung times kung saan nagsabay ang pagle-layout and kinabukasan may paper na dapat ipasa at may presentation pa. Ganun na ang yata ako ka-bless kasi minsan kung may biglaang walang pasok, e cancel ang presentation.

Unlike noong nasa PLM pa ako, super na culture shock ako sa way ng enrollment sa PNU. Susko, papayat ka kasi hindi lang basta maglalakad ka, aakyat ka ng mga building at maghihintay sa mga mahahabang pila. Sa totoo lang, first time kong pumila sa cashier , kasi wala naman akong binabayaran noon. I had to go to 4 different buildings for me to finish the enrollment process. Unlike noon  na it took me 3 hours (super tagal na nun) to get my registration form and classcards, kailangan mong maglaan ng 1 whole day para makapag enroll. Well, I enjoyed it naman kasi new experience pero super exhausting lang. Ang natuwa lang ako e nakuha ko agad ang aking ID (yey!) at medyo hindi naman ako haggard dun. Hehe.

First day of class.

Everytime mag start ang class feeling ko palagi nasa grade 1 ako. Yung feeling na totally wala kang kakilala. Every year yan ang pakiramdam ko. Good thing, unlike nung medyo bagets pa na ang tagal makipagbond sa ibang classmates, mas madali na lang ngayon na makipag friends. Siguro dahil lahat naman kami e matured na (I supposed), nevertheless, magkatinginan at magkangitian lang, alam mo na magki-click kayo. And immediately, I got 2 friends sa first meeting pa lang namin. Actually yung isa nakasabay ko na noong enrollment. Yung isa naman e seatmate ko na nalate kaya tanong ng tanong sa akin kung ano yung mga pinapagawa ng prof namin.

Just like a typical first day of class, overview ng mga gagawin sa buong semester, election of officers (yes may ganito pa pero President, Secretary and Treasurer n a lang) assigning of reports and of course, ang walang kamatayang "getting to know each other". But instead na typical na pagpapakilala lang, nilagyan ng prof namin ng twist. Kailangan banggitin mo muna ang name ng mga naunang speaker pago ka mag start magsalita. Kawawa yung nasa huli kasi kailangan memorize na niya name naming lahat. Buti na lang nasa gitna ako, mga 10 lang yung mga kailangan kong i-memorize. Ang result, halos kilala na namin ang isa't isa.  Nagulat nga si Grace (na kumukuha naman ng master's sa PNU) kasi parang ang tagal na daw naming magkakailala ng mga  classmates ko, unlike sa kanya na puro indifferent ang mga classmates.

So far naman na-e-enjoy ko naman ang  back to school ko. So far, cooperative naman ang mga classmmates ko though alam mo na agad kung sino ang mga GC based sa mga aura nila. Aura talaga ah.

Wish me luck na lang sa aking upcoming report dahil medyo maswerte ako dahil kami ang unang reporter. But ok lang naman kasi sa group namin, ako ang second to the last na magre-report so hindi naman rush ang paggawa ko ng report.


P.S.

Yey suspended class last Tuesday, so malamang sa end pa ako ng July makakapagreport. Love it! The perks of being a student, class suspension hahaha <3



2012 Recap 1/2


Wow, July na! Ang bilis matapos ng June. Hindi ko man lang naramdaman ang summer, bukod sa super init, wala na. Di man lang ako nakapag swimming, heto nag-uulan na. Bad trip.

Ayon nga sa title ng post na ito, here's the recap ng mga pinaggagawa ko for the first-half of 2012:


January

1. Got my Black Berry Phoney na medyo pasaway dahil sa loser na battery nito.

2. Nag EK kami ng buong family- ang pinakabonggang one-time bigtime bonding namin ng buong family. As in kasama ang pudang ko.

3. Watched Simple Plan concert- buti na lang napilit ako ni Gracey. One of my happiest memory of my life so far.

4. 1st birthday ng aking Bebeng Nigel. Grabe big boy na siya. Naiiyak ako.

5. 50th birthday ng aking pudang. I'm so happy kasi somehow we were able to celebrate it with him.


February

1. Celebrated the birthday ng aking super BFF na si Kien. Nagkaraoke kami, watched chipipay movie sa SM then kumain ng one to sawa.

2. Valentine's date with family. Hindi porket wala kang jowa, di na pwedeng mag celebrate ng Valentine's Day.

3. I'm ate again to a twin girls. And ako ang nag bigay ng pangalan nila, Yey! I named them Jack and Jill (Jackielyn and Jillianne).


March

1. Take the PNU Entrance Exam  to pursue my dream to become a teacher.

2. Two weeks after, the results came and yey, magiging student na uli akey!

3. My first (and hopefully not the last) swimming sa taong ito with my beloved bffs- F8


April

1. Tambay sa bahay ng one week. Pasarap buhay.

2. One year graduate na ako and one year na  rin ako sa work ko!


May

1. Enrollment for the 1st sem. Yes certified student na me uli. Kaso butas naman ang aking bulsa.

2. Biglaang trip sa Antipolo with AP Pips. Nagbuhay baboy lang naman kami doon. hehe


June

The most stressing month so far. Explain ko na lang sa ibang mga blog ang explanation. Buti na lang meron akong bagong pinagkakaabalahan kundi nabaliw na ako.

1. First day of class. Met new set of friends. They are the ones that keep me sane. God still loves me.

2. Birthday of my dear friend sa PLM, Ma'am Ludz. Pasabog ang celebration namin kasi tlagang sinulit namin ang 24 hours sa McDo. 32 hours akong straight na gising, wala kahit power nap.

  

To sum it up, super colorful naman ang first half ng 2012 para sa kin. May mga nakakawindang na moments but at the same time super sayang times.