Sunday, October 30, 2011

Review-Reviewhan: Sayaw ng dalawang Kaliwang Paa


Sa wakas napanood ko na rin.



Super fail ang plans ko for the Cinemalaya for this year. Akala ko dahil ng hindi na ako busy sa school, marami na akong time to watch "intelegent" films. I was wrong. Isa lang ang napanood ko sa Cinemalaya 7-- Ang Babae sa Septic Tank. Kung hindi pa ako pinilit manood ng Gala, at para na rin maita si JM at Kean sa personal, hindi pa ako makakapanood. Buti na lang at ipinalabas sa mainstream ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.


So ayun na nga, kagabi, I together with Kuya Macky, Ate April and Kuya Dean watched SDKP.

Unahan ko na lang uli kayo, kung gusto mo ng matinong review, heto ang basahin mo: Musings: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (2011)  at ANG SAYAW NG DALAWANG KALIWANG PAA (Alvin Yapan)
  

Another warning: Dahil Spoiler Queen ako, obvious ba sa mga nauna kong post. Expect this review as super spoiler review. Again better read the link above para sa matinong review, K?


----

Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa is a story of Karen, played by Jean Garcia, a Filipino Literature professor who also works as part-time dance instructor/choreographer. One of her students, Marlon, played by Paolo Avelino, was smitten by her beauty. To catch her attention, he enrolled in the dance class she teaches. But before enrolling, he hired Dennis, played by Rocco Nacino, assistant of Karen and his classmate in Karen's literature class, to teach him the dance steps beforehand so that he can impress Karen.

(Punas muna ako ng dugo sa ilong ko)

Yan ang pinakasummary ng story. Syempre dahil kasama ko na namang manood ang mga ma-okray kong mga friends namely, Kuya Macky, Kuya Dean at Ate April, sa panonood, kahit medyo dramatic ang scenes, tawa kami ng tawa. Kung ikaw ay nagkataoong nanood sa Glorietta bandang 8 pm, kami yung maiingay na ang daming comment sa buhay. At dahil nagtabi pa kami ni Kuya Dean, ang dami naming comment sa bawat scenes. At dahil mabait ako, i-share ko sa inyo ang mga comment namin…

Comment 1:
Scene: After ng Fil Lit clas, nag dialogue si Karen, "Okay class, don’t forget you're assignments for next week."

Me: Hala, Filipino ang tinuturo niya nag-english siya.
Kuya Dean: Ano ka ba modern na ngayon, pwede namang mag-english dahil tapos na yung class.
Me: (hindi papatalo) e syempre, tagalog yung tinuturo niya tapos may ganyang dialogie, nasaan ang consistency!
Kuya Dean: Hayan mo na siya.
Tawanan.

Comment 2:
The first day of class ni Marlon. Pinapakita sa screen na late pumasok si Dennis, mag bibihis ng kanyang dance outfit. Pagkasuot niya ng kanyang doll shoes (for male) umapak muna siya sa portion an may putting polbo sa sahig bago lumapit sa mga kasama niya sa dance class.

Kuya Dean: Ano yun (referring sa white powder)
Me: Harina
Kuya Dean: (Nakataas ang kilay) bakit may ganun pa?
Me: para madulas
Tawanan part 2.

Comment 3:
Nabuko si Marlon sa pagpaturo kay Dennis beforehand para maging magaling sa dance class. Dahil dito, nagwalk-out ang lolo mo. Syempre may habol effect si Dennis kay Marlon. Wala kaming comment dito kundi, OMG! Tawanan part 3.

Comment 4:
Cotillion scene. Dahil napansin ni Karen ang deadmahan nina Marlon at Dennis, niyaya niya ang mga ito na tulungan siyang magturo ng choreograph na cotillion steps. 

Me: Ang taray oh, jan pa sila nag-away. Kaloka tong mga kasama nila sa cotillion, deadma lang sa kanila. hahahaha

Kuya Dean: Ang galing naman ng steps nila...
Me: Ano ka ba kuya, lahat naman ng cotillion ganyan yung steps. Kakaattend ko lang kaya ng debut last Sunday.
Kuya Dean: Hindi nga?
Tawanan part 4.

Comment 5:
Paghatid kay Karen scene. Pagparada ng kotse ni Marlon:

Me: Kaloka, dun talaga sa "Don't block the drive way" sign pumarada.

Comment 6:
Announcement of Humadapnon audition. Friends na uli si Marlon and Dennis. Lumapit si Marlon kay Dennis para magtanong about sa auditions. May nakakalokang dialogue si Marlon: "Pwede bang maki-angkas sa iyo?" Kawindang talaga.

Comment 7:
Auditions. Naiyak si Karen sa audition dance nina Marlon at Dennis. 

Kuya Dean: Ang OA naman ni Jean, naiyak na siya dyan. 
Me: Ano ka ba kuya, syempre dancer siya. May emotions siyang na feel sa sayaw ng 2 kaya siya na iyak.

Hindi pa diyan nagtatapos ang comment tungkol sa mysterious na pag-iyak ni Karen. Noong mag simula na ang actual performance, may napansin na naman kami ni Kuya Dean...

Me: Parang yan din yung steps nila sa audition kanina ah.
Kuya Dean: Ah, kaya pala na iyak si Jean kanina kasi konti na lang ang ituturo niyang steps. 

---

Hindi ba halata na kami na ang ingay namin ni Kuya Dean?

Syempre naman, hindi naman puro okray ang nakita namin sa movie. Sa totoo lang, nagustuhan ko yung film. Kung isa ang feminist na tulad ko, this film is for us. Kung feeling girl ka, sige na nga, sama ka na rin. 

Hands down ko sa acting ni Jean. Grabe, hindi lang siya magaling as Madam Cladia at Ms. Minchin, sa mga scenes na walang line, syet, lakas maka- Nora. Nangungusap din ang kanyang mga mata. Bumabato pa din ng mga linyang hindi na kailangan gamitan ng boses. Infairness, ang galing din niyang sumayaw. Comment nga ng fan ko, "Sinasayang lang niya talent niya sa 'Time of my Life', which is true. 

Since naging Kapamilya si Paulo, nacurious na ako sa kanya. May pagka-Jake Cuenca ang aura niya. At dahil may LJ na siya, deadma na lang ako sa kanya. Sayang...

Si Rocco naman, honestly wala akong show na napanood na kung saan kasama siya. Pero ang galing din pala niya. Medyo may hawig sila ni Paulo, maputi at matangkad lang si Paulo. 


This movie proves na hindi kailangan ng todo-todo na mala-Day Break na eksenahan (though iba naman din kasi yung sa Day Break). Tulad nga ng mga linya sa mga tula, ang mga karakter ay animo'y nakikipagsiping sa pamamagitan lamang ng pagtitig. Ang bongga lang.   


Gusto ko rin ng mga ginamit na tula sa pelikula. Na-miss ko tuloy bigla ang aming Media Crit class. I bet gagamitin itong material nina Ma'am Ludz kapag na release na yung vcd/dvd copy nito. 


Siyempre nagkaroon ng mini discussion. Hindi makaget over si Kuya Macky, obvious ba sa post niya. 


Ang part lang na hindi ko na lang i-i-spoil is the ending. Striking ang ending, parang Liberacion lang, no too much talking needed to convey emotions... Ansave?!





5 comments:

Implied said...

Sayang di natin kasama si Kuya Choc dito...

Vberni Regalado said...

Kahit wala ako dun, natatawa ako sa inyo! HAHAHA!

Macky Macarayan said...

at bakit biglang nasama si chok sa eksena? hahahaha

Cher said...

@Kuya Macky, sorry naman... don't worry, na-edit ko na. wag ka ng umiyak.
@BF Vberni, diba kalurkey kami?!
@Kuya Dean, oo nga e. kailangan mag watch tayo ng film na magkakasama, windang na naman ang mga kasabay natin sa sinehan nito sa dami nating side-comments.. hahaha

realkesha said...

Hi Cherry, were from Mabuhay Restop here in Manila near Rizal Park and Ocean Park, Grandstand. We just checked your blog and we think that you might be interested to be a member of the Sine Mabuhay Club (SMC) - no worries its free for all film enthusiast. You're a film enthusiast right? Sine Mabuhay Club is a regular screening of Indie Films here in Mabuhay Restop. If you want to know more about it, you can check our album in our facebook page or you can PM us thru fb. https://www.facebook.com/media/set/?set=a.829321670461363.1073741887.425927120800822&type=1