Tuesday, November 22, 2011

Playlist: Pinoy Rock part 1- Parokya ni Edgar

    Rocker ako. Hindi lang halata.
     
    Trip ko ang mga maiingay na kanta, impluwensya na marahil ng aking mga pinsan at mga kapitbahay na mahilig magpatugtog ng nakakatanggal ng tulili na sounds.
     
    Nasabi ko na sa post na ito na kung may magustuhan man akong artist, buong album niya/nila ay namanhal ko. This rule also applies with Parokya ni Edgar. Love na love ko silang lahat. Hindi pwedeng walang PNE songs sa aking playlist. So ang first feature dito sa Cherry's List:: the Parokya Band, Parokya ni Edgar.

    Nagtabaan na sila dito.

     
    According sa song nilang One Hit Combo, they started in 1993. the band is composed of Chito Miranda in vocals, Vinci Montaner, 2nd vocalist; Gab Chee Kee- guitars, 2nd vocalist; Darius SemaƱa, lead guitar; Dindin Moreno, drums; and Buwi Meneses, bass guitar. Naging front act ng fave nilang banda, ang Eraserheads, and the rest is history. They now have 11 albums which includes a  Christmas album, a live-recorded album and a compilation album. They also collaborated with other artist such as Kamikazee, Gloc 9 and the Master Rapper, Francis M
     
    Kung ang mga 80s baby na mga teenagers noong 90s, ay lumaki sa kanta ng mga Eraserheads, ako, bilang 90s baby at teen pa rin hanggang ngayon, lumaki naman sa mga kalokohan ng PNE. Actually noong high school lang talaga ako naging super fan, though may alam na akong mga kanta nila. Na upgrade lang ang pagiging fan ko noong nagbakasyon ako sa Isabela, kung saan mga PNE din ang mga kamag-anakan ko and dahil sa mga classmates kong boys na mahilig mag jamming. They even named their group as Parokya ni Ernesto. Huwag kayong mag-alala, hindi kasing mysterious ni Edgar si Ernesto, classmate ko siya. 
     
    The first thing I like sa Parokya is that they are vocal na hindi sila magsplit. Please refer to Yes Yes Show. Syempre, sino bang fan ang gustong madisband ang kanilang fave band? Katulad nga ng nasa name ng kanilang compilation album, SOLID sila. Nakakatuwa ang kanilang barkadahan, kung naka-like ka sa fan page ng PNE sa FB, nababasa mo ang kanilang kakulitan… which leads to the second thing that I like about them. Masipag silang makipag interact sa kanilang mga fans, especially si Chito. And lastly, super nakakarelate ako sa mga kanta nila. Idagdag pa ang garalgal na boses ni Chito, ika ng ng isa kong classmate, wasak na!
     
    Here are the list of PNE Songs na hindi ako nagsasawang pakinggan araw-araw kahit na feeling ko nabibingi na ako  and the reason why I love them. Halo-halo na ito, naka shuffle kasi yung playlist ko, hehehe.

    Ang taray ng playlist ko diba?

     
    1. Alumni Homecoming- kung ikaw ay nag high school, I bet may ganito ka ring eksena. Wag ka ng magpakaplastic, syempre meron ka rin naman naging crush na classmate or schoolmate, though hindi mo naman inamin sa kanya ang iyong damdamin, like what was in the song, Im sure, you want to see him/her in your alumni homecoming. Yun nga lang, manalangin ka na lang na wag maging tulad ng sa ending ng song ang itong tadhana. 
     
    1. Silvertoes- nabasa ko ang trivia ni Chito about this song sa FB fan page nila. At naloka ako sa history ng song na ito. Ramdam sa song na ito ang pagka-irita ni Dindin sa babaeng may silvertoes.
     
    1. Wag mo na sana- kapag naririnig ko ang song na ito, unang naaalala ko yung movie nina John Llyd, Baron and Marco, yung Mahal na kung mahal. Well obviously, ito yung theme song sa movie na iyon. Kasama din pala sa movie yung ex-gf ni Chito, si Kaye. Kapartmer siya ni JL dun.
     
    1. Buloy- ito at ang Harana ang una kong naging fave sa PNE way back in late 90s. I always love songs na may kwento e. Sino ba naman ang hindi diba?
      
    1. Harana- Kung may maglalakas loob na mangharana sa akin, ito ang gusto kong kantahin niya. Ang sweet ng kanta na ito. Super cheesy pa ng lyrics. Tapos heartfelt pa ang pagkanta, sino pa ba ang hindi ma-i-in love sa nang ha-harana?
     
    1. Paki-usap lang- Kahit ano pa ang paliwanag ni Chito na hindi ito for Kaye, hindi ko pa rin mapigilan na isipin na ginawa niya ang song na ito dahil sa break-up nila.  Hindi ba obvious ang bitterness sa lyrics ng kanta. Although kaye and Chito say na friends sila.
     
    1. One hit combo- nandito na anman sila. Ang nakakamiss lang sa collaboration nila, wala na si Francis M. It's a tribute to him and to Eheads, their mentors. Chill chill lang itong song na ito kaya I like it.
     
    1. Picha Pie- Sino ba aamn ang ayaw ng Picha Pie, aber? Infairness, ganda ng boses dito ni Vinci
     
    1. Muli- emo time. Ayon kay Chito, sinulat daw ito ni Dar para sa ex-gf niya na ex PBB housemate. Kung sino siya, di ko knows.
     
    1. Halaga- I love this song because as a woman, napaka flattering na may someone na magtreat sa yo ng maayos. Yung ginagalang ka. And for the parokya, sa song na ito nila na-express na they respect women so much. At nasa title na nga, kailangan alam natin ang ating tunay na halaga. 
     
    1. Yes Yes Show- This song is very special for me kasi… basta.. Secret ko na lang yun. 
     
    1. The Ordertaker- kung gusto mo lang mabingi for 3 minutes, listen to this track. Lol. Pero seriously, I like this song kasi may mga moment na trip ko lang talaga ang mga maiingay na kanta at kapag napapakinggan ko ang kanta na ito, nakaka enrgized lang. Minsan pinapakinggan ko rin ito kapag galit na galit na ako pero kailangan kontrolin ko ang aking temper.
     
    1. Pangarap lang kita- lahat nga siguro tayo, okay a few na lang kung hindi lahat, may ganitong moment… Pangarap lang kita. Lumilevel lang sa The one that got away.
     
    1. Papa Cologne- chill chill lang din ang song na ito. Nakaktuwa yung Music Video.  Feel na feel ni Empoy na papable siya.
     
    1. Gitara- another romantic song. Pwede na rin itong kantahin na pang harana...chill-chill lang din.
     
    1. Para Sayo-  another proof na PNE have high respect to women. Di ba, nakakatuwa lang. may disclaimer muna bago ma-in love sa kanila. Sino ba ang hindi ma-i-in love dito?
     
    1. Bagsakan- Astig ang collaboration ng PNE, Gloc 9 at Francis M para sa song na ito. Parang ito yung part 1 and yung One Hit COmbo ang part 2. 
     
    1. Sorry Na- Kung ganito ang way ng pag-sorry. Kahit ilang kasalanan, mapapatawad mo talaga agad.
     
    1. Please  Don't Touch My Birdie-  medyo may pagka double meaning ang kanta na ito, nonetheless, cathy ang song. At least marunong siyang makiusap… Please don’t touch his bird. May naalala tuloy akong birdie… si Tweety Bird...ie. Waley.
     
    1. Tatlong Araw- kung pa-emohan lang talaga, wala ng mas tatalo pa sa kantang tatlong araw. Nabaso ko sa Fan page ng PNE na isinulat ito ni Chito dahil akala niya may girlfriends na siya, yung pala April Fools Day lang pala yun. Ayan tuloy, nakagawa siya ng kanta.
     
    May pahabol na song:
     
    1. Iwanan mo na siya- kaloka lang ang lyrics. I think si Vinci ang kumanta nito. Tama ba?
     
    As closing, I love PNE kasi nakakarelate ako sa mga kanta nila, chill lang ang kanilang mga songs and hindi matalinghaga ang kanilang mga kanta. Hindi mo na kailangan mag isip. And lastly, lahat ng songs nila ay  heartfelt. Yun na.

V-Post: Cool break-up song- All About Me by Far East Movement


Naadik na naman ako sa mga Youtube videos. Next na kinaadikan ko, ang WongFu Productions. Binubuo ng mga Asian-Americans na based sa...where else? sa US. Ang taray lang nila kasi sila na lahat- mula sa conceptualization, script, shooting, post prod. Sila na. Kung papanoorin yung mga behind the scenes nila, hindi basta-basta ang mga equipment nila. Hay.. sila na. 

Anyway, nalalayo na naman ang post ko sa title. Napanood ko kasi itong video na ito: Break Up Back Up. Heto ang  Part 1,  heto naman ang Part 2. Nakakatuwa yung last song nila. Pakinggan niyo below.




Hindi niya na maitatanong na magkakakilala ang taga WongFu Productions and Far East Movement, ang kumanta ng song na nasa itaas. Astog lang diba. Sino pa ba ang magdadamayan kundi sila-sila din na mga Asians. 

Anyway uli, ang cute lang ng kanta. Kung lahat ba naman ng mga break-up song ganito, edi masaya diba? Syempre, LSS na uli ako, sayang wala akong mahanap na lyricss. Kaya...


Nananawagan po ako sa kung sinoman ang may mabuting loob, hanapan niyo naman po ako ng lyrics. Thank you po. Mwuah Mwuah Tsup Tsup...

Wednesday, November 16, 2011

Playlist: My Mp3 Players

Kung avid reader ka ng blog na ito, malamang hindi na lingid sa iyong kaalaman na fave ko sina Katy, Pink ant Lady Gaga. Hindi pa ba obvious sa post ko na ito. At para naman maiba ang mga ni-re-review ko, mga songs that I love naman aking featured post. Para hindi maging nobela ang aking post, hatiin ko na lang ito by part.
 
Pero bago ang lahat, background muna. Parte na ng routine ko ang makinig ng music simula ng magkaroon ako ng mp3 player.  No, bago pa duimating sa aking piling ang aking beloved Ipod shuffle, ang kaisa-isang Apple product na meron ako.
 
Tyaran! Ang  aking unanag mp3 player: Creative Labs MuVo TX FM MP3 Player
 

May beloved mp3



Ang cute di ba?  Actually, yan talaga ang color niyan. Hulaan niyo kung ilan, 1 gb? Lower. 250 mb? Lower. 32 mb? Higher naman, wala namang ganung memory. 128 mb? Yes! Korek, Tumpak, Check na Ckeck!  Yes, ganayan ka loser ang mp3 ko. Mga 24 songs naman ang keri nyan, keri na rin. Pero wait, hindi pa diyan natatapos ang pagiging loser ko, bukod sa maliit na memory, battery operated ang mp3 ko na ito.  Kailangan ng isang AAA battery. Laging nauubos ang mga kurakot savings ko kabibili ng battery na Energizer para mas matagal ang play time. At last naisipan namin na bumili ng rechargeable battery. Nakamenos na ako sa pagbili ng battery.
 
Nonetheless, love ko pa rin ang mp3 ko na ito. 3rd year high school ako ng ibinigay ito sa akin ng aking itay. Bukod sa pwede akong magstore ng mga fave music ko dito, pwede rin akong mag makinig ng FM dito, obvious naman sa picture diba. Noong nagkaroon ng bagyo na hindi ko na maremember ang name at nag brown out ng bongga, ito ang aking naging kapiling. Tumagal naman ito hanggang college, yung mga time na natuklasan ko na na pwede pala itong gawing usb. Hindi pa naman kasi uso sa amin ng usb noong high school, disket pa yung mga uso nun.
 
Hindi ko na matandaan kung a year o 2 years ko rin nakapiling si Creative mp3 bago ko siya palitan. Again, thanks so much sa aking sponsor, ang aking itay, naglevel up ang aking mp3, binigyan ako ng mp4. mga 4th year high school na ako nito. Kapiling ko pa rin si Creative  mp3 pero hindi na masyadong pinapansin. At dahil sinabing kong level up na ito, hindi na ito loser na 128 mb lang, 1 gb na ang aking mp4! Ang bongga diba? Hindi ko na rin kailangan bumili ng battery dahil may charger na ito. Mega download ng mga kanta gallore ako nito. Pero ayon sa aking pagkakatanda, halos wala pang 1 year ko nagamit ang mp4 ko na ito dahil hindi nga loser ang memory, loser naman ang charger. Hindi ko na nga maconnect sa computer, hindi pa mag-charge… so balik uli ako kay Creative.
 
A year later, ipinamana ko na sa aking kapatid si Creative dahil dumating na sa buhay ko si Ipod Shuffle. Mga February 2008 ito, courtesy of, again, my itay. Katyulad ng aking loser ng mp4, 1 gb din ito at umaasa sa laptop to charge, keri na rin. Needless to say, ang aking Ipod shuffle ang akinng kasama sa buong college life ko. Until now laging nasa bag ko ang aking ipod. Kahit minsan, nagiging pamato ko ito kapag nababagsak ko, buhay pa rin siya. At nasasayahan ako sa battery life niya, once a month lang ako nagcha-charge. Ang bongga lang. 
 
Namention ko na sa post ko na ito ang laman ng aking ipod. Pero hindi ko na ito nagagamit masyado, though hindi ko ito ipamimigay dahil mahal na mahal ko ito, hindi na na rin ito updated sa mga latest na kanta. Feeling ko kasi nabibingi na ako kasi maghapon akong naka-headset at nakikinig ng mga kanta sa office, kaya minsan ko na lng siya magamit. Uulitin ko, love ko anf ipod ko. So sa mga nagbabalak na mang-arbor dyan, back-off.
 
So ngayong nag-work na ako, ang windows media player sa aking pc ang nagsisilbing mp3 ko. Bukod sa malaking size nito physically, malaki din ang memory nito, hehehe. Kung gusto niyong malaman kung ako ang mga songs dito, abangan ang next post...







Tuesday, November 8, 2011

Review-Reviewhan: Praybeyt Benjamin (With Trivia)



Alam ko na  may panglalait na naman akong matatanggap mula sa akin no. 1 fan na si Kuya Macky, hindi lamang dahil sa post na ito pero dahil pinanood ko ito. I broke his 10 film manifesto. Lol
 
Pero ganun talaga, kanya-kanyang trip lang yan.  I just wanna have fun and have a break sa mga intellegent films para marelax naman.
 
So first things first: don’t expect so much "kalaliman" on the film. Kaya nga comedy e. so habang pumipila kayo sa NFA ng bigas  sinehan which by the way, palong-palo sa haba, kaloka lang, huwag muang magpaka-GC and ihanda ang inyong mga panga dahil tatawa lang kayo sa buong movie.
 

 


*SPOILER ALERT*

Nagstart ang Praybeyt Benjamin sa history ng pamilyang Benjamin Santos. Ika nga ni General Benjamin Santos, played by Eddie Garcia, "laging may Benjamin Santos sa mga digmaan sa Pilipinas." Kaso si Ben Santos (Jimmy Santos), walang hilig sa pagsusundalo at bagkus mas gusto niyang maging scientist. Sa madaling sabi, napalayas sila sa bahay at namuhay ng simple lamang.
 
Kahit itinakwil sila ng kanyang ama, namuhay naman sina Ben ng masaya. Patuloy pa rin siya sa pag-i-imbento ng mga kung anu-anong bagay na maaaring magamit sa pandirigma (so nasa dugo pa rin niya ang pakikidigma).  Tanggap niya na beki ang kanyang panganay na anak na si Benjamin (Vice Ganda). Kahit hindi na sila kasing yaman noon, okay lang naman sila.
 
Trivia: Ang bahay nila Benjamin ay super lapit lang sa amin. Sabi ng ng friend ko while watching, "Ang taray, dinadaanan lang natin yan, hindi natin alam na may shooting na pala dyan." Super gamit na damit ang bahay na iyon. Ito yung bahay nila Claudine sa FLAMES The Movie at nina Assunta sa Pinay Pie.
 
So para maging pelikula ang istorya na ito, kailangan ng conflict. Natuklasan ng kanyang lolo na siya ay beki. Natural nagalit ito at sinabing "You are a disgrace in the family." So kahit ganun, move on na lang sa buhay sina Benjamin.
 
Hindi pa naman yan ang conflict talaga. Nagkaroon ng civil war sa Pilipinas dahil sa pagkakadakip ni Billy Allen, lider ng mga terorista. Lahat ng mga general sa bansa ay nadakip. So lahat ng mga lalaki sa bawat pamilya ay dapat sumama at mgasanay bilang sundala bilang paghahanda sa digmaan, At dahil nga walang lalaki sa pamilya ni Benjamin, ang tatay niyang si Ben ang magiging kinatawan ng kanilang pamilya.  Dito na magsisismula ang mala-Mulan na kwento ni Benjamin.
 
Trulaloo! Mulan ang peg ng PB. Nagsacrifice si Benjamin  alang-alang sa kanyang amang may kung anu-anong sakit. Sa kampo, naging friends sila ni Lucresia (Nikki Valdez), ang tanging babae sa kanilang platoon at ang unang nakapuna ng pagiging beki ni Benjie. Naging katropa din niya sina Emerson (Kean Cipriano), Dondi (DJ Durano), Buhawi (Vandolph Quizon) Big Boy (Ricky Rivero), Jojit Lorenzo (shet nakalimutan ko yung name niya sa movie) at isang non-showbiz (means hindi ko kilala). Ang grupo nila ang bumubuo sa mga weak. Dahil dito i-di-disolve na ang kanilang platoon.
 
But wait! Using their platoon commander (Derek Ramsey)  as inspiration , pinabutihan ni Benjie ang pagsasanay, and in return, na inspire din ang kanyang friends and they live happily ever after kaya hindi sila na-evict sa camp. Pero tulad nga sa Mulan, natuklasan na isa siya beki so ayun, forced evicted siya sa camp. At dahil friends forever sila, kasama pa rin niya na umalis sa camp ang kanyang mga tropa.
 
The Hilda Coronel scene.
Naalimpungatan sila sa ingay ng mga sasakyan habang sila ay nasa kagubatan. So sinundan nila ito para makahingi ng tulong. Kaso natuklasan nila na iyon pala ang kuta ng mga rebelde. Kung nagtataka kayo kung ano ang Hilda Coronel scene, just watch the movie.
 
At dahil nga Mulan ang peg niyo (3 times ko ng inuulit ito ah!) Hindi sila pinaniwalaan na alam na nila ang kampo ng mga rebelde. At dahil dito, sila na lang ang sumugod sa kampo. Gamit ang mga armas na imbento ni Ben, napagtagumpayan nilang lipunin ang mga kaaway at mailigtas ang kanyang lolo.
 
 
Suma tutal, nakwento ko na naman ang buong movie minus the banatan,
 
I love the moview because:
 
  1. Super hilarious ang movie na ito. Bentang-benta ang mga jokes/barahan sa movie na ito.
  2. This movie shows na hindi naman lahat ng ama ay itinatakwil ang kanilang mga anak. I have beki friends na tanggap sila ng kanilang mga ama kahit beki sila. Nakakatuwa si Jimmy Santos as father ni Vice.
  3. Kakawindang ang scene na kung saan nagbekimese si Eddie Garcia!
  4. Infairness, ang galing ng acting ni Kean dito.
  5. Syempre nakakatuwa rin yung the rest of the tropa ni Benjie.
  6. Infairness walang beach scene
 
Syempre kung may love ako about this movie, may kapuna-puna din naman kahit na hindi ka na dapat mag-expect too much:
 
  1. Bakit ganun, kapag comedy ang movie keilangan may action (Kimmy Dora, Habadaba doo, and other Pinoy comedies) kailangan may action scene, at ang mga bidang comediante ay laging marunong gumamit ng baril.
  1. Ang taba uli ni Ricky Rivero.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, don't expect too much sa movie. Siguro maaari ko itong i-categorized as a "feel-good movie". Pero hindi ba, isa naman sa dahilan why we watch movie is because we just want to entertain? 


P.S

Ayan, kung nag expect kayo ng maraming trivia, isa lang ang masasabi ko…
 
 
Hala!

Sunday, November 6, 2011

Review-Reviewhan: The Princess Man (The Spoiler Review)

Aside form Sungkyunkwan Scandal, The Princess Man is another historical love drama from, where else? From Korea. Unlike SKKS na napanood ko simula episode 1, honestly hindi ko pinansin itong TPM. Noong mga panahon siguro na nagsimula ito, it's either nasa galaan ako, rumampa ako or masyado akong na-overwhelmed sa dami ng Kdramas na napanood ko lately. So nasa pahinga mode muna ako sa panonood ng KDramas. Naalala ko pa na may moments pa na nag-aaway kami ng kapatid kong bunso (which is so normal na sa amin) dahil gusto kong mapanood ang ending ng Minsan Lang Kita Iibigin. Ayun hindi ako nanalo kasi hindi ko naman napanood yung ending.
 
At dahil alam ko naman na wala na akong magagawa at wala na akong choice, pinanood ko na lang yung show na pinapanood ng kapatid ko sa TV. E nagkataoon pa na puro patayan--- arrows, swords and all, hindi ako mahilig sa violence… may gulay. Ayun lalo kong hindi pinanood. Pero one time, ako na ang kusang naglpat sa KBS (Ako na ang mabait na ate). Ang scene na nito…
 
*SPOILER ALERT*
 
SPOILER QUEEN: Heto na naman ako, hindi ko mapigilan magkwento ng hindi nagsasabi ng actual na mga eksena. Kung ayaw mong ma spoil, go watch it na lang sa Youtube kaagad: 
 
Ayun na nga, yung scene na napanood ko, si bidang girl nakatutok ang espada sa kanyang leeg. Yung tipong magpapakamatay sa pamamagitan ng pag-gilit ng leeg. So ang kanyang mother, nagmamakaawa na siya na lang ang patayin kesa ang sarili niya. Deadma pa rin si girl. May dugo-dugo effect na sa leeg niya. Nawiwindang na rin yung mga kapatid niya. Hanggang sa dumating ang kanyang ama at sinabi na hindi pinatay ang love of her life, imbes ito ay i-e-exile sa kabilang island. Nang marinig niya iyon, binitiwan na niya yung espada and makikita ang relief sa kanyang mukha. Next scene, makikita na may mga preso na isinasakay sa isang barko na kahawig ng Galleon trade.
 
So nawindang din kayo di ba? Ano pa ako. So kailangan kong magtanong."Anong ganap?" Syempre, ayaw ng kapatid ko ng tanong ng tanong lalo na kung nanonood siya, hindi niya ako sinagot… Langya, wala akong choice kundi panoorin ang sumunod na episode.
 
Nasa Galleon na si bidang guy. Syempre nabo-boringan pa rin ako, deadma na sa mga dialogue sa barko. Basta may kabuddy sa posas si bidang guy. Nasa gitna na sila ng dagat ng biglang napansin ng mga sundalo na nasa barko na may mga sumusunod sa kanila at pinapana sila. Kawawang mga preso, walang kamalay-malay na matitigok na sila. Patuloy pa rin ang pag-ulan ng mga pana, Ate Charo. Naging shaky na ang Galleon, naisip ng mga preso na sinadyang palubigin ang barko para mateggy na silang lahat. At dahil mga kriminal ang kasama ni bidang guy, madiskarte ang mga ito. So binutas nila ang barko and doon lumabas. Si bidang guy parang wala sa sarili, mas gusto na lang mateggy, hindi gumagalaw. E yung ka-buddy niya sa posas gustong mabuhay, ayung hinila siya at pareho silang sumisid sa dagat….
 
Hinga muna ako.. Nakakahingal talaga ang mga kaganapan. Kahit nawiwindang ako sa mga pangyayari, pinagpatuloy ko pa rin ang panonood…
 
Nakalabas ng barko ang mga preso, including bidang guy and his buddy. Umangat sila sa dagat para makakuha ng hangin.. May nakita silang sundalo na nasa bangka. So kaway naman sila para tulungan sila, not knowing na sila ang dahilan kung bakit lumubog ang barkong sinasakyan nila. Nakita sila, with other nakaligtas na preso. Pinaulanan na naman sila ng pana… Dito nagtatapos ang isang buong episode.
 
Nang dumating ang next week, ako na ang nagkusa uling maglipat sa KBS. Na-curious ako sa mangyayari kay bidang guy. So dito nagsimula ang aking addiction sa TPM.
 
Dahil hindi ko pa makausap ng matino ang kapatid ko regarding sa Kdrama na ito, nagkusa na akong nagresearch. So ayon sa teaser ng KBS every gap ng SPY Myeongwol, it is the story of Romeo and Juliet version of the Chosun Dynasty… The most beautiful yet the most tragic love story. Sa teaser naman after ng TPM, pinakita na nagpaplano ang tatay ni bidang girl na kuhain ang trono sa kanyang pamangkin. "Ah, kaya pala The Princess Man," sabi ng kapatid ko. Syempre hindi ko na gets kasi hindi ko nga nasimulan.
 
Syempre hindi naman ako ganun ka-loser… ano pa nga ba ang silbi ng aking BFF Google. So nag search ako. Ayon sa DramaWiki: A tragic love story between the daughter of Prince Suyang and son of Kim Jong Seo. The son of Kim Jongseo, Seungyoo, is a handsome and wise man who carries a noble quality. Princess Seryeong, a daughter of King Sejo, aka prince Sooyang, is a cheerful, lively lady with a strong curiosity and bold personality. They fall in love instantly but later they find out that their parents are sworn enemies. It's a Chosun dynasty version of “Romeo and Juliet”. Katamad mag translate.
 
The Princess Man


Syempre makakaloka pa rin ang mga kaganapan, pinagpatuloy ko pa rin ang panonood kahit hindi ko pa rin maintindihan… Grabe yung episode ng sumunod na linggo, naka-focused sa pangyayari kay bidang guy na si Seung Yu (SY). Super ganda ng episode na ito, at hindi ka makakahinga sa suspense dahil siya pala ang target talaga ng mga nang-ambush sa barko. Hindi ko na lang ikukwento ang mga kaganapan. Just watch this sa Youtube.
 
A week after the SY episode, syempre, hindi naman papahuli si bidang girl na si Seryeong (SR). Siya naman yung naging focused ng sumunod na episode. Siya naman, while mending a broken heart and hurt neck, naging at peace na siya kasi sa pagkakaalam niya na buhay pa ang love of her life. Ang next naman niyang naging assignment is hanapin ang sister -in- law and niece ni SY dahil in a way, nakonsensiya siya sa sinapit ng family ni SY in behalf of her father. Yung sumunod na episode, preparation sa wedding naman ang ganap. Ikakasal si SR kay Myun, ang ex-bff ni SY.  

 
Ayan na kwento ko na naman ang pinakamagandang part ng drama. I can't help it, lol. Para sa ikakalinaw ng story ng drama na ito, heto ang mga tidbits ng mga kaganapan:
 
1. Si SR ay anak ng kapatid ng King ng Korea at that time, so Prince ang kanyang ama in short. Hindi masasabing princess si SR, pero isa siya sa royal family.

2. May ambisyon ang father ni SR na maging hari, to do this, kailangan niya makipag-ally sa mga maiimpluwensiyang offcials. Nagplano siyang ipakasal si SR sa anak ng kanyang archenemy, ang adviser ng King na si Kim Jongseo. Si SY ang anak na ito. Isa siyang professor. Siya ang nagtuturo sa princess.

3. Ang princess ang pinakamaganda sa buong Korea. May pagkamaldita siya. Si SR, ang kanyang pinsan, ang nagsisilbing friend niya.

Ang ganda naman niya diba?


4. Nalaman ni SR na siya ay nakatakdang magpakasal at ang magiging professor ng princess ang kanyang husband-to-be. Dahil dito, naisipan ng princess na magpagkap si SR na siya para makilala niya ang kanyang future husband.

5. *SPOILER ALERT!!!* Ayun na nga, nagpanggap si SR na princess, at ayon sa aking research, episode 8 or 9 lang nalaman ni SY na siya ang anak ng taong pumatay sa kanyang pamilya.

6. Sumunod na dito yung galleon scene… bahala na kayo mag figure out kung ano nangyari sa kanya.
 
Hanggang dyan na lang yung ikukwento ko, half na naman ng series ang nakwento ko. Pero I promise na mas exciting ang 2nd half ng TPM.
 
The things I like about this series:

1. This is my second historical drama I watched and it is one of my favorite series. Astig ang story line, great actors and it is not as boring as what I expected

2. I also love the new love story here. Hindi siya typical na love story or talagang Romeo Loves Juliet na peg al through out. Teaser pa lang may warning na, A beautiful and yet the most tragic love story, so hindi ka na pinapaasa na happy ending ito.


Sila na ang may ganitong ganap


3. Besides SY and SR's love story, ang ganda din ng love story ng princess at ng kanyang prince consort. Nakakatuwa lang sila.

Hindi pa sila sweet-sweetan dito


4. Like ko rin yung mga supporting actors dito: yung assistant ni Myun at assistant ni SR. super loyal sila sa mga masters nila. Sila na.

5. Aside from SY and SR, bidang-bida sa drama na ito ang Queen, the mother of SR. Grabe, she will do anything para sa kanyang mga anak. 

Ayan i love technology talaga! May site akong nakita na may anything about TPM. Just explore na lang ito: http://www.squidoo.com/the-princess-man

So if you want to watch a love story/ historical drama na kakaiba naman, you should really watch this series. promise di kayo magsisisi. At dahil masyado akong nainspire sa drama na ito, gagawa ako ng separate post about sa things/ lessons in life that i learned/ realized while watching this drama. 

Abangan.


Friday, November 4, 2011

Dear Diary: My Birthday Wish

Honestly, I started writing this post a month before my birthday and I scheduled to post this on my birthday. At dahil birthday ko, serious post muna ito.  Just like in the title, this post is my birthday wish.

------
Ano kaya ako kung naging lalaki ako?
Kung nakapunta na kayo sa bahay namin, makikita niyo dun yung Grad Pic ko nung kinder ako. Nakahilera yung grad pic na yun kasama ng sa mga kapatid ko. Everytime na may nakakakita nun, ang laging sabi ay "Sino yang lalaking yan?" o kaya naman, "May kapatid pala kayong lalaki. Nasaan na siya?"  Magtatawanan kaming lahat, kami ng nanay ko at mga kapatid ko.  "Ako yan, ano ka ba," ayan ang lagi kong sinasabi. Kung tatanungin niyo kung nasaan ang picture ko na iyon, sinunog ko na lahat ng kopya...joke! Syempre hindi naman. Itinabi ko naman. And as for the laminated picture, ayun nakadisplay pa rin, hindi nga lang sa sala/dinning area namin, nasa kwarto na nakadisplay, yung sa hindi na nakikita ng mga tao.
Bata pa lang ako, gala na ako. Kapag may pasok sa school, 2 pm to 5 pm lang ako sa labas. Pero kapag bakasyon, mula 8 am hanggang 12 noon tapos 2 pm hanggang 6 pm nasa labas ako. Lahat ng laro sa kalsada nalaro ko: langit-lupa, taguan, bang-sack, jolens, chinese garter, luksung baka, etc. Name it, nalaro ko na yan. Imbes na barbie doll o kung anong laruang pambabae, hindi ko type. Kawawa lang sa akin si Barbie, kung hindi nakakalbo, chop-chop Barbie siya. Mas gusto kong maglaro ng doll house kesa sa Barbie. Dumadayo pa ako sa kapit-bahay namin na may doll house kaso  hindi naman kami makapaglaro nun kasi hindi pwedeng ilabas sa box yung doll house. May nilalaro naman akong doll-- paper doll. Pero hindi para magbahay-bahay, kundi para gamitin sa kalog, yung mga pinitpit na tansan ng bote ng softdrinks, tapos yung paper dolls yung kapalit.  Puro lalaki ang kalaro ko pero may mga babae rin, mga boyish. Mas okay kalaro ang mga lalaki at mga boyish na girls kesa sa mga pa-demure na girls. Nakakainis naman kasing kalaro ang mga pa-sweet na girls. Saka walang trill ang mga laro kapag mga babae ang kasama. Nakakasawa rin naman kasi ang chinese garter.  Saka isang factor na rin siguro na wala akong masyadong ka-age na babae. Kung meron man, limited ng kanilang time para maglaro sa labas.
Kung hindi ako naglalaro sa labas, lagi akong nasa Alba, ito yung paradahan/talyer ng kapitbahay namin. Isa sa drayber ng jeep niya ang tatay ko. Lagi ako run pumupunta, para pauwiin ang tatay ko o para manghingi ng piso. Minsan nga, sa kakabuntot ko sa tatay ko, sinama niya ako sa pinagpapaayusan nila ng truck, ayun hindi ako nakapasok sa school. Kinder pa lang ako nun.
Mahilig magbutingting ng kung anu-ano ang tatay ko. Mapa-sirang electric fan, switch, ilaw, pagkukumpuni ng lamesa, silya, at cabinet. Imagine yung electric fan mula sa kapitbahay namin, sira na yun ng binigay sa kanya. Inayos niya, ayun umandar naman. 16 years old na ako nung binigay namin iyon sa kapitbahay din namin. Sa tuwing nagkukutingting siya, nanonood ako. Noong inaayos ang bahay namin, nakiki-usyoso ako sa mga naghahalo ng simento at buhangin, nag lalagari ng kahoy at nagpapalatada. Ayun, noong nag-abroad ang tatay ko, ako na ang gumagawa ng mga gawaing dati siya ang gumagawa.
Noong elementary at highschool ako, halos pantay lang ang dami ng mga kaibigan kong lalaki at babae. Noong first year college ako, mas ka-close ko pa ang mga classmates kong lalaki kesa sa mga babae. Sa ugali kong ito, mas okay kasama ang mga lalaki kasi hindi sila magdaramdam sa kaprangkahan ko. Isa siguro sa mga dahilan kung bakit maayos naman ang nagyari sa aking buhay ay dahil na rin sa mga pinili kong kaibigan na samahan. Siguro, ganoon din ang naging papel ko sa kanila.

 
Bakit ko gustong maging lalaki?
Sigurado, mapagkakamalan akong isa sa mga F4. Naalala ko noong 3rd year high school ako, nagpagupit uli ako ng buhok tulad ng sa grad pic ko noong kinder ako. Sabi ng classmate ko na beki nung nakita ako, lakas ko raw maka-tomboy. 
Noong nag-aaral pa ako, gustong-gusto kong sumama sa mga field trip at camping. Pero dahil babae ako, hindi ako nakaranas ng mga iyon. Kahit mag-iiyak ako maghapon, hindi pa rin ako pinapayagan. Kahit libre ang dadaluhan kong seminar, hindi pa rin ako nakakasama. Ang katwiran ng tatay ko, "kung lalaki ka, papayagan kita."
Mahilig bumili ang tatay ko ng mga laruang kotse at robot. Natatawa na lang kami ng mga kapatid ko at sasabihin na, "sino naman ang maglalaro nito, e puro naman tayo babae." kaya hayun, ang mga nakababata kong mga pinsan na lalaki ang nakikinabang sa mga laruan na iyon.
Gusto kong pumunta kung saan-saan, pero kalimitan, ako ay napapagalitan. "Daig mo pa ang mga lalaki, lagi kang nasa galaan."
Ano kaya kung nakita ko ang lalaking ako? 
Lahat naman tayo ay mag ideal: mapa-someone man yan o something, at natural, mayroon din akong ideal somebody…
Tulad ng tipikal na babae, gusto ko rin naman na ang buhay ko ay tulad ng isang fairy tale, isa akong prinsesa na may prince charming at happy ending. O kaya maaaring sa mga teleserye, ako ang damsel in distress na may knight in shining armour at happy ending.
Kaya ko love na love ang Meteor Garden, Hana Yori Dango at Boys Over Flower, bukod sa mga F4, pangrap ko kasing maging si San Chai/Makino/Jandi. Mabuti pa sila may Dao Ming Si/Domyuji/Jun Pyo. Ang kwentong ito ang maituturing kong modern fairytale. Close to reality. Mas madali ng paniwalaan kasi hindi na kailangan si Fairy Godmother. Walang magic kalabasa. Pero meron pa ring wicked Step Mother. Okay lang, kung may pag-iibigan naman na tulad sa kanila na handang ipaglaban anumang mangyari, why not? Ang importante naman ay happy ending pa rin naman diba?
Nakikita ko ang sarili ko kay Domyouji, maliit sa pangkaraniwang lalaki, pero matanggakad sa  pangkaraniwang babae. Mainitin ang ulo, check. Suplado, check. Madiskarte, check. Matapang, check. Medyo seryoso pero may sense og humor naman, check na check. Ngunit isang katangian lang niya ang wala siguro sa akin, bukod sa yaman, hindi ako kasing tapang niya pagdating sa pag-ibig.
Dahil kung matapang ako hindi siguro ako nag-iisa ngayon. ..
 
So, ano nga ba ang birthday wish ko?
Alam ko naman na hindi naman na ako bata. Hindi na bagay sa edad ko ang mga ganitong bagay. Kinailangan pang umabot sa ganitong moment bago ko ma-realized kung ano ang gusto ko all along…
(Para may suspense ng konti, read the rest of this post here. Enter password)