Sunday, December 30, 2012

My New Year's Resolution

I always write my New Year's Resolution annually. At kailanman hindi ako nagtatagumpay sa halos lahat ng items sa list ko. At heto na naman ako, gagawa na naman ako ng listahan. Good luck to me, and before the year 2013 ends, I'll go back to this post and let's see if nagawa ko ang lahat ng nakalista dito.



My 2013 Resolution:

1. Read at least 2 books per month and will write review on it. Well, I read many books din naman this 2012 kaso hindi ko naman nililista. And super tamad ko mag review lately, obvious ba na ang konti lang ng post ko nitong 2nd half ng 2012. 

2. Will watch at least 2 movies in cinemas every month and try to write a "matinong" review. Lately, nahilig kaming mag watch ng movies ng mga friends ko kaso tamad akong mag document. This year I will write reviews sa mga napanood kong films. I minimize ko na rin ang pagiging bakla ko sa mga review post ko. Sana magawa ko.

3. Be on time in ALL engagements. And I mean ALL talaga. Mapa-work, meeting with friends, personal ganap and lakads. Dati naman best in being early bird ako, kaso nakakawalang gana din if most of the people around you is best in late naman. Nonetheless, it should not be the reason for my tardiness kasi paano na lang tayo aasenso niyan if ganyan ang thinking ng lahat ng tao. 

4. Keep a personal diary and diligently write an entry everyday. Nagawa ko naman to for the past 3 years, kaso wala akong planner this year so tinamad na akong bumili. Since my 2 akong planner ngayong taon, kailangan mapuno ko ito ng memories.  

5. Save, save, SAVE. I have so many plans starting this year and I need a lots of moolah. 

6. Blog more often. Bilang tamad-tamaran ako this past few years, I will try my best to blog at least 5 post every month. Seryoso po ako ditey.

7. Greet my special love ones on their special day. Sign of aging yata pero medyo nakakalimutan ko ang mga birthday ng mga friends ko. Kung hindi pa dahil sa FB na naka-sync sa phone ko, hindi ko pa malalaman na malapit na pala ang mga special day nila. So this year, I will see to it na magiging extra special ang birthday nila.

8. Be more organize sa work. Medyo toxic sa work lately but this coming 2013, I will be more organize with the help of my planner and OneNote.

9. Treat my family at least once a month. I want to be extra sweet and close to my family this coming 2013. Feel ko lang magpa-sweet this year.

10. Learn how to cook complicated dishes. Napansin ko lang na lately, bati na kami ng kutsiyo kasi hindi na ako nasusugatan everytime I try to cook. So I will took it as a sign na matutong magluto. hehe And dahil ambisyosa ako, I will try to cook not the simple dishes but yung mga pang Master Chef levels. 

11. Be good. This includes the following: 
a. Not swearing especially in front of Nigel and Manu (Napakasaklap na ginagaya ni Nigel ang mga sinasabi ko like: "Aba! and Ito kasi kasi eh!"); 
b. If I'm angry I will not speak things that I will regret in the end; 
c. Avoid gossiping;
d. Mellow down my voice especially when I'm mad; and lastly
e. Avoid having a fight with my sister Charina (LOL)

12. Start to write a book. Though hindi pa naman siya priority for this year, at least I should think of what would be my first book be all about.

13. Visit at least 2 places that I haven't been to, preferably outside Manila. I just want to explore new places and enjoy life. In short, gala lang talaga ako. hehe


Hmm.. more on career, personal growth ang resolution ko for 2013. How about a love life?

Grace asked me 3 days ago if kamusta na daw love life ko. I answered: "Love life is not a priority for the next 5 years." Sa totoo lang, I don't want to look for love. If the right time comes for me to fall in love, so be it. But I won't be like others na can't live without it. Besides, I am full of love from my family, friends and my nephew(s), Nigel and soon Manu.



Love,
Cherry

Friday, December 21, 2012

Sharing: I'd Date Me by Jessica Zafra

(Note: Flo posted this in FB some time in September. I just want to share it to you girls. I repeat, this essay is not mine. How I wish!)


I'd Date Me 


I am intelligent, independent, semi-famous, well-read, responsible, and I have a good sense of humor. I can talk about anything, and I can also talk about nothing and make it sound like something. And as you can glean from the previous statements, I do not have a problem with self-confidence.

If I were a guy, women would be launching themselves at me in great numbers. They would be camping out on my doorstep, begging me to father their children. However, I am a girl, and the exact same qualities that would make me an attractive man cause guys to run screaming in the opposite direction. 

Apparently there is something about me that causes their testosterone secretions to dry up and their facial hair, among other body parts, to retract or fall off. When I was younger I thought it was because of my looks. I went through agonies of self-loathing. I couldn’t look at mirrors: I was too fat, too ugly, too repulsive. Cosmetic surgery would not begin to address my woes-I wanted my brain transplanted to another body, preferably Michelle Pfeiffer’s or Kim Basinger’s.

As I grew older I realized that not only did the problem lie elsewhere, but it wasn’t even my problem.There are women out there with more unprepossessing features, more prodigious butts, and bigger thighs than I do, and they get guys. I would be the last person on earth to mock the members of my gender-well, maybe not the last-but some of those women are ugly. They have no trouble finding boyfriends because they know how to treat guys. They make men feel like men.

I make the average man feel like a worm. I make him feel like an inadequate mass of protoplasm that I’m going to slice up and use as compost.

The problem is not that I’m intelligent, independent, semi-famous, well-read, funny and confident. The problem is that I’m more intelligent, independent, semi-famous, etcetera than the average guy.(oo na feeling na) Let’s not pull our punches here-than most guys.

Yes, the women’s liberation movement has helped produce more enlightened men. Yes, men are becoming more attuned to their feminine side and dealing with their true feelings. But the fact remains that guys still want to rule. It’s the way they were made and the way they were brought up, and if you don’t cooperate, you’re an emasculating bitch. Men want to feel that they’re running the show, and the funny thing is, they don’t have to actually run the show, they just have to feel like they are.

It’s really quite touching. Men are more fragile than they’re allowed to show. Aww, wook at the poor wittle boys. If I weren’t destined to dominate the universe, I’m sure I would be more sympathetic.

Oh, and I acknowledge that there are guys who reject me purely on the basis-of looks. They have ceased to bother me. I understand their need for beauty, as I myself tend to lose IQ points in the presence of gorgeousness. Besides, we’re talking about the kind of guys who would have fulfilling relationships with inflatable dolls. When I see these guys preening at the side of their starlet-slash-model trophy girlfriends, I know there is symmetry in the universe, and I hope they have a fun time memorizing the alphabet together. (Hint: C comes after B.)

The simple fact of the matter is that men have an easier time finding women than women have finding men. Exhibit A: Woody Allen. A brilliant filmmaker who happens to be a funny-looking, deeply neurotic man. Woody Allen has long been considered a sexy man. I know women who would jump his bones if they had a chance, and dammit, Woody, if you wanted an Asian woman, why didn’t you just come here?

If you think I’m being lookist, try Exhibit B: Salman Rushdie. For many years he’s had a fatwa on his head and Muslim extremists are out to kill him, but while moving from one safehouse to the next, evading potential assa
ssins and living constantly under guard, Salman Rushdie has managed to find a wife.

You may argue that living in the shadow of death (Aren’t we all?) is an aphrodisiac, so I submit Exhibit C: Stephen Hawking. The genius physicist, today’s Isaac Newton, the author of the bestselling A Brief History of Time, Hawking is wheelchair-bound, shrivelled, and requires a synthesizer in order to speak. And yet this man left his wife and ran off with his nurse, who by the way was the wife of the man who designed his synthesizer.

Okay, an extraordinary brain is deeply attractive, and don’t forget that many women are suckers for men who need looking after (and they all do), but honestly, do you think that if Stephen Hawking were a girl… The answer is no, not because she’s paralyzed, but because her brain is too big.

  
Jessica Zafra (1998). Confessions of a b*llbreaker. Pasig City: Anvil Publishing, Inc.




Love,
Cherry





Hope Springs

(Note: Here is a super quicjie review of the movies I watched this year. Super late post na ito pero for the sake of documentation, deadma na! hehe)



August 28, 2012


I just watched Hope Springs with Flo and Kuya Choc. Kapag sila ang kasama ko, expect na kung ano-ano ang maiisipang gawin agad-agad. That day was supposed to be our chika afternoon since its been a month nung last time kaming magkita-kita. So we were in Figaro Gateway Cubao then suddenly gusto na namang panoorin ni Flo ang Hope Springs with me. Take note that they already watched it, silang 2 pa ang magkasama pero gusto daw ni Flo makita reaction ko. Wala na akong nagawa, so gora na! We checked if it was still showing in Gateway but wala na. Akala ko hindi na matutuloy, pero pag may ginusto si Flo, kailangan matuloy so we searched for malls na showing pa ang Hope Springs. And guess what? May mall pang showing - sa Eastwood. Wow! It was my first time pumunta dun and in fairness ah, super layo niya. Muntik pa kaming ma-late sa movie and yun na yung last showing. The movie was fun, I like the story and I want to watch it again with my future other half. It is perfect film for couples. Yung mga type na medyo wala ng trill ang relationship. I was wondering kung may same place din ba dito sa atin na ala Great Hope Spring Village. Hmm...





Food Trip: Bannapple


August 25, 2012

After my class, nagtext ang aking mga gala friends na mag meet daw sa SM Manila. Since ta-tumbling lang naman ako papunta dun, go naman ako. So nag ikot-ikot lang kami nina Kien, Jomar and Dianne sa buong mall. And after ng window shopping, tom jones na kaming lahat, and super arte ng mga friends ko. Asensado na kami kasi ayaw na nila sa mga fast food. Matagal ng nag crave si Dianne sa Bannapple but the nearest branch within the metro is in Ayala Triangle! Of course, for the love of food, we traveled from Malate, Manila to Ayala Triangle, Makati just to eat. 

The gang. (L-R: Dianne, Jomar, Me and Kien)


Honestly at first, medyo hesitant pa ako kasi baka super mahal. But no, super affordable naman pala kasi per serving nila is good for 2-4 persons. Ang bongga lang! Ang mga orders namin: Lasagna, Baked Mac, Blueberry Pancake and a Blueberry cake. The foods are great! Super delicious and really worth the price. Imagine, we only spent P 150.00 each but super busog kaming apat sa mga kinain namin. You may think na simple lang naman yung menu nila but I swear ang bigat sa tyan lahat ng food nila especially the pancakes. And to prove na super love namin ang Bannapple, we even dine again there to celebrate my birthday last November, but this time, sa Market Market branch kami.

The foodie

The only thing na I don't like sa Bannapple is the space. Medyo maliit yung place nila sa Makati compared sa Taguig but nonetheless, if you want a sulit and delicious meal, it is worth all the wait.


Friday, November 2, 2012

Rant: Why I am fat?

Everytime I meet old acquiantances, unang sentence na bubungad sa akin:
"Bakit ang taba mo na?"
At gusto kong sabihin sa kanila: $%^&*@!

Kairita lang diba? Ikaw itong super excited kasi after 2 or more years, nagkita uli kayo. Magkamustahan man lang kahit mga 30 minutes (Alam niyo naman ako, Queen of Talk.) Pero dahil sa pangbungad nila sa akin, I just want to punch them, straight on their faces, then flip my hair and walk as if nothing happend. Ano ba gusto nila makita, na I still have my body when I was in highschool? Duh?! Di ba dapat mas maloka sila pag ganun kasi baka minamaltrato na ako ng mga magulang ko nun?


From tumblr.com



Siguro kapag nabasa ko uli itong post ko mga 8-10 years from now, masasabunutan ko ang sarili ko kasi baka super lobo na ako at that time. Yun na yung desperate time to diet. Yung bang masasabi ko sa past version of me: "What happend to you? Ang takaw mo kasi kaya yan! Ang justify ka pa ng kalokohan mo."

But I want this post to be my proof that I had lived my life to the fullest. Without restrictions. That I enjoyed every single day when I was young. Na level-up na ako kasi hindi na kami sa fastfood kumakain. Na we get to try other sosyal restaurants. Why you have to deprived yourself of something na afford mo naman.

From tumblr.com

So next time na may makasalubong akong ang bungad sa akin ay: "Ang taba mo na!" I prepared a very courteous reply for him/her:

"Hi! Eh bakit ikaw, ang panget mo pa rin ?!"


Sunday, October 14, 2012

I'm Back!

I'm back!

Alam kong super tagal na nung last akong nag post. At tulad ng mga dahilan ng mga pro-writers, ako ay dinapuan ng matinding writer's block. Tapos sumunod pa ang ang daming requirements sa school and  pagiging busy sa work. Ako na ang masipag. Pero sa totoo lang, ang dami kong gustong i-share sa inyo, kaso hindi ko na nalista sa sobrang dami. 

I try my best na magpost sa darating na araw ng mga ganap sa akin noong ako ay nag hiatus. I miss blogging!


Monday, July 9, 2012

Review-Reviewhan: MNL 143 (2012)


I love this film.


Kung gusto mong kiligin, watch this movie. This film is a story of a FX driver searching for his long lost love, romantic isn't it?


Honestly, one of my motivations to watch this movie is because of my curiosity sa movie itself. It's not a secret naman na nataggal sila sa list ng New Breed category ng Cinemalaya 2012 (na start na this July 21), because di bet ng Cinemalaya ang casting choice ng director. So what's with Alan Paule and Joy Viado na hindi sila gusto and they wanted to be replaced with Victor Neri and Francine Prieto?


The whole movie focused on the last day of Ramil (Paule) as a driver. Mapapansin ang kalungkutan sa kanyang huling pagbyahe. Sa pagpapatuloy ng pelikula, malalaman na siya ay pautngo na ng Saudi matapos ng 5 taong paghahanap sa dating katipan sa Maynila.



Tama lamang ang direktor na si Emerson Reyes na ipaglaban ang kanyang casting. Angkop si Paule sa pagganap bilang si Ramil, dating OFW at isang drayber. For a while akala ko siya si John Llyod dahil sa kanyang 2-3 minutes na close shot na nagmo-moment. Damang-dama ko ang kanyang kalungkutan at kabiguan dahil sa kanyang hindi matagumpay na paghahanap kay Mila. Dumagdag pa sa kalungkutang ito ang mga karanasan ng kanyang mga pasahero na medyo emo din. Lahat ng kanyang mga pasahero ay may kanya-kanyang istoryang na kahit papaano ay may patama sa kanya.

Usually, boring ang mga long shots. Pero in this film, hindi ako na-bore. Nacurious kasi ako kung paano ba sila mahkikita ni Mila. Bigla na lang ba itong susulpot sa kanyang harapan? Pati ang mga manonood ay tinutulungan si Ramil na hanapin si Mila. Gusto kong sabihin, pwede bang pahabaan pa yung shots, sakaling mahagip ng camera si Mila.

What will you do if nakita mo ang matagal mo nang hinahanap? At may pahabol pa.. Kasama niya ang kanyang "asawa". Nakikinita ko na if bagets yun, mag tweet yun kaagad ng "That awkward moment…" Sa totoo lang hindi o rin alam kung ano ang gagawin ko. AWKWARD!

I love Joy Viado. She possessed the aura needed in  Mila's character, mataray at matatag. I super her dialogues. Pak na pak lang, lalo na sa pagtataray niya kay Ramil. Pero hindi lang iyon simpleng pambabara. Lahat ng linya niya may patama tulad nito:

Ramil: Masaya ka ba?Mila: Bakit kailangan ba?

BOOM.

Gusto kong i-quote ang buong exchange of dialogues ni Ramil and Mila. Ramdam ang mga naipong emosyon sa 13 years na hindi pagkikita.

Mila: Bayad. Dalawa. Galing Philcoa.Ramil: 13 years Mila. Tapos "Dalawa. Galing Philcoa" lang ans sasabihin mo sa akin?


BOOM.

Another thing that I like in the movie are the pasaheros. Like what one of the audience said in the open forum, the movie is a ensemble. Aside from Ramil's character, lahat ng mga characters ay pantay-pantay. Lahat may dahilan kung bakit sila nandoon, I am thinking of my fave pasahero but wala akong magsingle out. Well, I love Ramon Bautista. Wala talaga siyang kupas. I like the 2 student na gumagawa ng thesis. Naalala ko tuloy yung paggawa namin ng thesis 2 years ago. "Manong lagay na lang namin pangalan mo sa credits." Ang mga beking nagpapacute sa driver at kala mo e sila ang may-ari ng sasakyan. At si Manang Government Employee na birthday noong araw na iyon pero nakalimutan ng kanyang anak.

The movie is all about leaving, waiting and searching.  Tulad ng araw-araw nating pagbyahe. Tayo ay umaalis, naghihintay at naghahanap. Umalis si Ramil. Naghintay si Mila. Hinanap ni Ramil si Mila. Ngunit paano kung huli na ang lahat. Nakita mo nga ngunit hindi ka naman hinintay.

Ramil: Mahal mo ba siya?Mila: Hindi ko alam. Hindi naman siya mahirap mahalin.Ramil: Sapat na ba yun?Mila: Hindi niya ako iiwan.Ramil: Paano ka nakakasiguro?Mila: Basta alam ko di niya ako iiwan. Saka kung iwan niya man ako, okay lang. Sanay na ako.

Aww.

What would you do to search for a lost love? Follow Ramil, drive an FX. Malay mo maging pasahero mo siya.



Friday, July 6, 2012

Review-Reviewhan: The Graduate


Log over due na ang review ko na ito kasi last year ko pa ito napanood.. Hindi na muna pormal-pormalan ang review ko ah. Marami na akong backlags e. ktnxbye.

***





Set in 1960s, The Graduate is about Benjamin (Dustin Hoffman, na super pogi pa dito) na literal na kakagraduate lang from college and like other newly graduates, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya.

After his graduation, nagpa-party ang parents niya kasi super proud sila sa kanilang unico hijo. Invited ang mga ka-close nilang family friends. Medyo napresure naman si Benjamin kasi halos lahat ng tao sa party na yun e tinatanong kung ano na ang susunod niyang gagawin. Kaloka. But na lang e very supportive ang paernts niya at binigyan siya ng time to think for his next step.

At para makaiwas sa tanong ng iba pang bisita, nag-emo muna siya sa kanyang kwarto. Hindi pa man nagtatagal e bigla namang sumulpot si Mrs. Robinson, na asawa ni Mr. Robinson ng business partner ng kanyang parents. Binulabog nito ang kanyang pananahimik at nagpahatid pa sa kanya pauwi. At para hindi masabihang ungentleman, napilitan si bagets na itigal muna ang pag-e-emo at ihatid ang friend ng parents niya,

Pagdating sa bahay ng mga Robinson, syempre inaya siya na pumasok muna, Kahit na pipilitan, out of courtesy, pumayag siya na pumasok muna sa bahay. At dito na nagsimula ang pagkagulo ng kanyang magulong buhay-- nagpakita ng interest si Mrs. Robinson sa kanya and then dun nagstart ang kanilang "affair.'

Naipakita ng pelikula ang mga emosyon na nadarama ng mga nagsipaganap sa pamamagitan ng pag-pan at zoom ng camera. Mararamdaman mo na ang gulo nga ng pag-iisip ni Benjamin kasi pati ikaw na nanonood e nahihilo sa camera. Pero that trick was effective kasi nadama din ng audience ang pinagdadaanan ni Benjamin.

Back to the story, siyempre may hangganan din ang pasensiya ng mga magulang, so kinompronta na si Benjamin ng kanyang parents kasi lagi siya umaalis ng gabi at umaga na umuuwi tapos langoy ng langoy sa kanilang swimming pool, in short isa na siyang BUM. At para hindi na sila makonsumi sa kanya, pinilit nila na makipagdate ang kanilang anak sa anak ng mga Robinson na si Elaine. Wala ng nagawa si Benjamin kundi sundin ang kanyang mga magulang. Nagalit naman sa kanya si Mrs. Robinson kasi naman mag-two timing si Benjamin, pero wala naman siyang magawa. Parents pressure.

May bright idea si Benjamin para hindi matuloy ang pag matchmake sa kanila  ni Elaine. Nagpakita siya ng hindi kaaya-ayang ugali sa dalaga. Of course nawindang si girl. Medyo rude naman kasi si Benjamin. Crayola ang lola niyo to the max. Agad naman nakonsensiya si Benjamin at sinundan agad si Elaine at inayos na ang pagtrato sa dalaga. Dito na nagstart ang pagkakamabutihan ng dalawa. Very delighted ang parents ni Benjamin at Mr. Robinson sa ganap sa dalawa except Mrs. Robinson. Binalaan niya ang binata na sasabihin  kay Elaine ang kanilang affair . Pero hindi nagpasindak si Benjamin, inunahan niya si Elaine sa pagsasabi sa relasyon nila  ni Mrs. Robinson. Syempre nawindang si girl sa mga pangyayari at bumalik sa Berkeley to continue ang kanyang pag-aaral… Hanggang dito na lang ang i-spill ko. Ang hirap ikwento ng 2nd part. Hehe..

For me, kaya The Graduate ang title ng movie na ito, well bukod sa literal na graduate na siya at grumaduate siya sa kamusmusan with the help of Mrs. Robinson, e dahil sa wakas nakagraduate si Benjamin sa pagmamanipula o pagdikta ng mga tao sa kanyang paligid. 21 years ng kanyang buhay e sinunod niya ang gusto ng mga tao- he became a perfect son, model student, pero after college, naramdaman niyang hindi niya alam kung ano ang susunod na niyang gawin.

I recommend this film sa mga newly graduates. This film will tell them to be spontaneous. Don’t be afraid to try new things, malay mo, isa sa mga gagawin mo ang talagang gusto mo.
 
 

Mis-Load


Someone send me a load today (June 15).

I just woke up from my power nap in office when I noticed that the led of my BB is flashing-- an indication that I received a text message. Still in blurry sight, I opened my inbox just to be surprised that someone sent me a load- P50. Actually my suki na ako kung saan ako nagpapaload, ang aking sisterrette. Alam na niya kapag nag text ako ng "Loadan mo ako. Now na.", after 2 minutes, may load na ako ng 100. Minsan lang ako mag load ng 50 kasi madaling maubos yun lalo na sa katulad kong mahilig mag-reply kahit from other network ang ka-text, not even bothering to register for an unli-all text promo. If my load is below 50, super panic na kasi kasi I fee that it is not sufficient enough if ever an emergency comes. Super paranoid lang. Saka my phone is one of the latest model, ang pangit naman kung wala akong load. Nag-cellphone pa ako. Duh!

I'm wondering why m sister would sent me a load e unang-una, hindi naman ako nagpapaload sa kanya. Kakaload ko lang ng 100 the other day kasi I registered to BB Max and Super Unli, and kaninang umaga naman 300 kasi nagregister ako sa BB Social. Hmm. I checked the number who sent the load and I noticed that it is not my sister's number. Hmm… someone missent a load.

My theory was confirmed when I noticed that I missed a call from unknown number. Dahil medyo snobbish ako sa mga strangers na natumatawag or nagte-text sa akin, I sent a message on the unknown number: "Who's this?" Not even a minute passed when the unknown number call me again. Fresh from a power nap, I answer the call with a husky voice, "Hello?"

Stranger: Madam?
Pretty Me: Yes? Who's this?
S: Babae po ba ito?
PM: Yes?
S: Madam, ano po kasi namali po yung send ng load, pwede po bang pakibalik
Evil PM: (To myself) Wha!? Kasalanan ko ba? Kung ipapasa ko yung load, ako naman ang magagastusan dahil sa charge sa pag share ng load. Wow ah!
S: Kahit po 40 na lang po ang isend niyo.
PM: Okay, text me the number.
S: Salamat po Madam.

While waiting for the number, I can't help but to remember the time when I was in the same situation as to the stranger way way back in high school days. While I was in a neighborhood store to load P50  to register to an unlimited promo for 1 week (yes, ganun ka-affordable ang unli noon) I stupidly key in a wrong number, put 5 instead of 6 in the last number. Ganun na lang ang frustration ko. At that time super hirap na hirap ako na makapag-ipon ng P50 mula sa aking P20 na baon araw-araw, makapagregister lang sa unli for a week. I texted the lucky bastard who received my load, but no response. Huhuhu..

In short, I feel the frustration of the stranger because the same thing happened to me. Lucky her, ako ang nakareceived ng load niya. If iba yun, wala na. At mas maswerte siya kasi nasa good mood ako dahil galing ako sa power nap. So it's decision time...

I received the number. The stranger had 4 instead of 5 in the last number. On the  Send To field,  I placed the number excluding 0 and replaced it with 2,  after that typed 47 in the Message field, then clicked Enter. Well, that’s the most kind thing to do since ayokong magastusan ng P2 dahil sa slight "stupidity" ng iba and at the same time I got P1 as a…  well, dayos perwisiyo. I can't believed that I'm that good. 0:)

Moral of the story: Be careful next time. Double check you number para walang maabala. Buti sana kung kasing bait ko ang nakatanggap ng load. 




Back to School


I'm back to school again.
  
After a year ng pahinga, heto na naman ako-- nagdagdag ng sakit sa ulo. Siguro na miss ko lang yung super busy routine noong college. Yung aligaga ka na sa kung ano ang uunahin- AP o acads. Yung times kung saan nagsabay ang pagle-layout and kinabukasan may paper na dapat ipasa at may presentation pa. Ganun na ang yata ako ka-bless kasi minsan kung may biglaang walang pasok, e cancel ang presentation.

Unlike noong nasa PLM pa ako, super na culture shock ako sa way ng enrollment sa PNU. Susko, papayat ka kasi hindi lang basta maglalakad ka, aakyat ka ng mga building at maghihintay sa mga mahahabang pila. Sa totoo lang, first time kong pumila sa cashier , kasi wala naman akong binabayaran noon. I had to go to 4 different buildings for me to finish the enrollment process. Unlike noon  na it took me 3 hours (super tagal na nun) to get my registration form and classcards, kailangan mong maglaan ng 1 whole day para makapag enroll. Well, I enjoyed it naman kasi new experience pero super exhausting lang. Ang natuwa lang ako e nakuha ko agad ang aking ID (yey!) at medyo hindi naman ako haggard dun. Hehe.

First day of class.

Everytime mag start ang class feeling ko palagi nasa grade 1 ako. Yung feeling na totally wala kang kakilala. Every year yan ang pakiramdam ko. Good thing, unlike nung medyo bagets pa na ang tagal makipagbond sa ibang classmates, mas madali na lang ngayon na makipag friends. Siguro dahil lahat naman kami e matured na (I supposed), nevertheless, magkatinginan at magkangitian lang, alam mo na magki-click kayo. And immediately, I got 2 friends sa first meeting pa lang namin. Actually yung isa nakasabay ko na noong enrollment. Yung isa naman e seatmate ko na nalate kaya tanong ng tanong sa akin kung ano yung mga pinapagawa ng prof namin.

Just like a typical first day of class, overview ng mga gagawin sa buong semester, election of officers (yes may ganito pa pero President, Secretary and Treasurer n a lang) assigning of reports and of course, ang walang kamatayang "getting to know each other". But instead na typical na pagpapakilala lang, nilagyan ng prof namin ng twist. Kailangan banggitin mo muna ang name ng mga naunang speaker pago ka mag start magsalita. Kawawa yung nasa huli kasi kailangan memorize na niya name naming lahat. Buti na lang nasa gitna ako, mga 10 lang yung mga kailangan kong i-memorize. Ang result, halos kilala na namin ang isa't isa.  Nagulat nga si Grace (na kumukuha naman ng master's sa PNU) kasi parang ang tagal na daw naming magkakailala ng mga  classmates ko, unlike sa kanya na puro indifferent ang mga classmates.

So far naman na-e-enjoy ko naman ang  back to school ko. So far, cooperative naman ang mga classmmates ko though alam mo na agad kung sino ang mga GC based sa mga aura nila. Aura talaga ah.

Wish me luck na lang sa aking upcoming report dahil medyo maswerte ako dahil kami ang unang reporter. But ok lang naman kasi sa group namin, ako ang second to the last na magre-report so hindi naman rush ang paggawa ko ng report.


P.S.

Yey suspended class last Tuesday, so malamang sa end pa ako ng July makakapagreport. Love it! The perks of being a student, class suspension hahaha <3



2012 Recap 1/2


Wow, July na! Ang bilis matapos ng June. Hindi ko man lang naramdaman ang summer, bukod sa super init, wala na. Di man lang ako nakapag swimming, heto nag-uulan na. Bad trip.

Ayon nga sa title ng post na ito, here's the recap ng mga pinaggagawa ko for the first-half of 2012:


January

1. Got my Black Berry Phoney na medyo pasaway dahil sa loser na battery nito.

2. Nag EK kami ng buong family- ang pinakabonggang one-time bigtime bonding namin ng buong family. As in kasama ang pudang ko.

3. Watched Simple Plan concert- buti na lang napilit ako ni Gracey. One of my happiest memory of my life so far.

4. 1st birthday ng aking Bebeng Nigel. Grabe big boy na siya. Naiiyak ako.

5. 50th birthday ng aking pudang. I'm so happy kasi somehow we were able to celebrate it with him.


February

1. Celebrated the birthday ng aking super BFF na si Kien. Nagkaraoke kami, watched chipipay movie sa SM then kumain ng one to sawa.

2. Valentine's date with family. Hindi porket wala kang jowa, di na pwedeng mag celebrate ng Valentine's Day.

3. I'm ate again to a twin girls. And ako ang nag bigay ng pangalan nila, Yey! I named them Jack and Jill (Jackielyn and Jillianne).


March

1. Take the PNU Entrance Exam  to pursue my dream to become a teacher.

2. Two weeks after, the results came and yey, magiging student na uli akey!

3. My first (and hopefully not the last) swimming sa taong ito with my beloved bffs- F8


April

1. Tambay sa bahay ng one week. Pasarap buhay.

2. One year graduate na ako and one year na  rin ako sa work ko!


May

1. Enrollment for the 1st sem. Yes certified student na me uli. Kaso butas naman ang aking bulsa.

2. Biglaang trip sa Antipolo with AP Pips. Nagbuhay baboy lang naman kami doon. hehe


June

The most stressing month so far. Explain ko na lang sa ibang mga blog ang explanation. Buti na lang meron akong bagong pinagkakaabalahan kundi nabaliw na ako.

1. First day of class. Met new set of friends. They are the ones that keep me sane. God still loves me.

2. Birthday of my dear friend sa PLM, Ma'am Ludz. Pasabog ang celebration namin kasi tlagang sinulit namin ang 24 hours sa McDo. 32 hours akong straight na gising, wala kahit power nap.

  

To sum it up, super colorful naman ang first half ng 2012 para sa kin. May mga nakakawindang na moments but at the same time super sayang times.




Tuesday, May 15, 2012

Side Comment: FO


When I was in Grade 5, may mga pausong song ang teacher ko nun sa English. Round song ang tawag niya dito. Uso kasi noong elementary ang grouping according to rows, so yung row 1 mag start sa pagkanta tapos after ng first line, saka lang magsisimula kumanta ang row two mula sa simula ng kanta, then susundan ng row 3 at row 4. Nakakahilo diba? Lagi naming kinakanta kapag trip niya start ng class at may activity. Until now, LSS pa rin ako sa kanta namin na yun.


"Make new friends, but keep the old.
One is silver and the other's gold."


Kung matagal ka ng avid fan ng blog ko na ito, hindi na ligid sa iyong kaalaman na marami akong set of friends. I have friends from elementary days, highschool, college, AP, at kung saan -saan pa. Minsan nga e kulang na lang hatiin ko ang aking katawan kapag nagsabay-sabay ang mga ganap sa bawat set of friends ko, Yung mga ganung times nararamdaman ko ang disadvantage ng pagiging friendly.


Hindi naman ako basta-basta nakikipagfriends kung kani-kanino lang, For me kasi, investment din ang pakikipagkaibigan. You have to be careful in choosing them kasi ikaw rin ang magiging kawawa in the end. I have few kababata na unfortunately ay naligaw ng landas dahil sa wrong choice of friends. Nakakalungkot kasi mostly sa kanila e may mga anak na. Yung kasing edad ko, she's on her third baby.


I am lucky to have friends na super tagal  na. A great example for this is Kien na super BFF ko na since Grade 1. I still remember yung first encounter naming dalawa. Nakaupo ako sa unahan (halatang noon pa man ay batang biba na ako), while nasa likod ko naman siya. Recess noon, habang nilalantakan ko ang aking super fave na Cheese Sticks nang napansin ko na may uma-aray sa likod ko. Lumingin ako para hanapin kung sino yun at nakita kong si Kien pala ang umaaray dahil may dalawang impaktang humuhila ng buhok niya. Naawa naman ako kaagad and at the same time e naimbyerna kasi tuwang tuwa pa ang dalawang bruha at wala namang magawa si Kien. Dali-dali akong nagshift to my superwoman mode at mataray na nagsalita, "Bitawan niyo nga siya, kayo ang sabunutan ko dyan e!", habang pinipilit na palakihin ang aking mata (medyo effort ako dun ah!) At dahil ako ang pinakamatangakad sa buong klase, initiwan ng dalawang bruhilda si Kien and lumipat ng upuan. Naging close kami nang pinatabi ako sa kanya ng teacher namin para daw tumahimik ako. Kaso wa-epek, naging madaldal din siya, hahaha. Nawindang na lang si Ma'am sa sobrang kulit ko. Mula Grade 1 hanggang high school e classmates kami ni Kien. Though hindi kami pareho ng course, we also went to same university.


Sa 15 years naming magkakilala, never, as in NEVER kaming nag-away. Nasanay na siya sa pagiging luka-luka ko and sa totoo lang talaga, walang masamang tinapay sa kanya. She is the living proof on how much I value friendship.


However, gaano ko man i-treasure ang friends, kapag sa tingin mo ay ikasasama mo na, just like an investment na malulugi ka na, you should know when to get what you have invested back. Take note that this is not about the monetary investments ah. It could be the time, stories, experience, faith, loyalty and most especially the love. The respect would remain but as a person na lang. Lahat ng kaakibat na privileges ng pagrespeto mo sa kanya bilang iyong kaibigan e mawawala na lang.


How to end a friendship?


Didn’t I mentioned that I have different sets of friends? From the elementary friends, I have different kinds of friends pa doon. Kumbaga, may cluster-cluster pa. Though super bff ko si Kien, I have another circle of friends na hindi siya kasama. In reference sa gradeschool song namin, I "make new friends" and the the same time, "keep the old" ones.  I met so many people but only few I considered as friends. Hindi uso ang selos-selos sa amin kasi we know na magkaiba ang interest and personalities namin. We both know na in time that we need each other, we will always be there. Ganyan kami ka-secure sa isa't isa.


Some of them, sadly, e wala na akong balita  after graduation(wala pa naman kasi uso ang cellphone and  internet noon). Pero kapag nagkakaroon kami ng mini-get together, like sa birthday isa sa classmate namin, saka lang uli kami nagkikita. At ang nakakatuwa nito ay parang hindi lumipas ang panahon. Marami ang mga nangyari pero mararamdaman mo na parang 1 day lang kayong hindi nagkita kasi pareho pa rin yung trato niyo sa isa't isa.


But then there some instances that I have to let go of some friends. It's not because of distance or difference on interest. But because of lost of trust.


Trust is one of the important element in any kind of relationship, either be romantic or platonic. And I really treasured that. Kahit na ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa iyo, as long as I believed and trusted you, I'll be at your back. 


Honestly, ending a friendship is the most heart-breaking moments of my life. Higit pa ito sa pakikipag break sa boyfriend mo. At least kapag nakipagbreak ka sa bf mo, may mga friends kang matatakbuhan. Kakampi mo sila anumang mangyari. But if you an end in friendship, hindi mo alam kung matatakbuhan mo ang iba mong friends kasi malamang, hindi sila sasang-ayon sa iyo or ayaw nilang may kampihan (if hindi ka masydong friendly).


Paano ba ako bilang kaibigan? I treat my friends as my siblings. Kung paano ako sa dalawa kong kapatid, ganun din ang trato ko sa mga kaibigan ko. No pretentions. They know kung kelan ako masaya, malungkot at galit. And in return, I make sure na alam ko rin ang mga gusto at topak nila. That's my secret to have a long lasting friendship. Ganyan kami ni Kien, Kasi kung hindi niya tanggap kung ano ako, wala ring mangyayari. It doesn't mean na kaaway mo na siya kaagad. You may quality them as mere acquaintance.


So if they pass the qualifications to be one of my friends, I give all the priviledges kahit hindi naman nila hingiin. I laways make sure that they will feel that I am a good friend. Kasama sa kung saan-saan, kawentuhan sa lahat-lahat, kakampi sa lahat at kukunsintihin kita. I will cover all your flaws, kahit mali ka. I-avail mo yan. Kahit minsan na-ba-badtrip ako sayo. Go large lang,


But don’t push your luck too much. I know when I'm  being abused. And that is the most scary part. I know how to play my cards. All the privileges will slowly be discontinued without you noticing it. The exchange og text messages, chats and calls ay dadalang. Nevertheless, the respect will remain. Tulad ng sinabi ko kanina, I will still respect you as a person. I won't say anything bad about you. Hindi ako mag e-effort na siraan ka sa iba.


Of course I'll cry. Hindi man tumulo ang luha ko sa aking mga mata, in my heart super duguan na.  Sana hindi na lang kita naging kaibigan para kahit na nangyayari ito hindi masakit. Kung iba lang ang gumawa nito kiber na lang, Deadma. You say sorry. It's okay with me. But don't expect me to forget. Marunong naman akong madala. Gaano man kahaba ng pasensiya ko, hindi naman ito unlimited. One time bigtime lang. I hate to play a martyr role. Duh! Di bagay.


Tulad nga ng gradeschool song namin noon, maybe these kind of friends are silver o baka nga tanso lang. Makikita kung saan saan. Madaling makuha. Keep the gold, mas malaki ang value. Pwedeng masangla. LOL



Saturday, April 21, 2012

Review-Reviewhan: Dream High


Hindi muna ito kasing hardcore ng dati kong reviews na super spoiler. Yung musical-drama naman na Dream High ang aking post.  

Bago ipalabas tong Kdrama na ito, heto yung moment na talagang kapag 9:00 pm e nasa KBS channel na ang TV namin. Nag start to sa Accidental Couple na super naiiyak ako every episode kahit romantic comedy naman ang genre nito. Then nagkaroon ng Gumiho, medyo horror-triller ang peg (1st time kong manood ng ganitong Kdrama, I kasi ako mahilig sa horror, que barbaridad!) at Cinderella's Step Sister. Then ang aking super fave na Sungkyungkwan Scandal (hay Mickey Yoochun). Tapos Marry me, Mary. Hindi ba halata na buong 2010 at 2011, e ang adik ko lang sa Kdrama. Then here comes Dream High, ang pinang tapat ng KBS sa Secret Gargen, staring Yun Bin and Ha Ji Won, ng SBS. At dahil wala naman kaming SBS, no choice kundi loyal viewer kami ng KBS.

First of all, hindi po copy cat ng Glee ang Dream High. Hindi sila kumakanta bigla-bigla out of nowhere.  Para silang Star Magic Telents na  hino-hone para maging next super stars. Ang bongga lang diba. By agency kasi ang mga talents sa Korea, unlike dito na by network.

The story of Dream High is about batch of student na gustong maging Korea's next Superstar someday. Huwag na kayong magtaka, totoo ito, at super dami ng schools na nag oofer ng ganitong opportunity sa mga bagets dun. So bago makapasok sa Kirin,yung school for the next super star, kailangan mag audition muna at ang mga top 100 auditionees ang siyang papayagang makapasok. It was manage by Bae Yong-joon (hindi ko alam name niya sa ABS dub hehehe and yes, siya yung sa Winter Sonata. Siya ang dahilan kung bakit ko to pinanood, first comeback niya after niya makabalik form military service. Pero langya, hanggang episode 2 lang siya, nagkaroon kasi siya ng facture sa balikat. Ang sabi bago matapos ng Dream High, babalik yung character niya, sus, natapos na ang lahat, hindi pa rin siya bumalik. My gulay) ang siya ang may 'eye' para makita ang mga potential superstars. Marami na siyang mga pinasikat na superstars sa Korea kaya super respected siya dito.

At syempre, ang dami naman ng 100 para maging bida so nagfocus ang story sa 6 na superstar wanna-be. Lahat sila may gustong patunaya. At dhail currently ay pinapalabas na ito sa ABS, panoorin niyo na lang . Mabait muna ako ngayon, Hindi ako spoiler. haha

Here are the things I learned in Dream High:

  1. Believe in yourself. Kahit walang tiwala ang ibang tao sayo, basta alam mong kaya go large lang.- Si Angelie lang ang peg nito. Lahat kasi walang tiwala sa kanya, even her own mother. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya tuparin ang kanayang gusto.

  1. Sometimes you have to pretend you are strong to inspire other people.- Si Kelly naman ang peg dito. Kahit na medyo Diva siya dito, she cares sa mga taong nasa paligid niya.

  1. Maging mapag kumbaba palagi. - Si Kelly pa rin ang peg. Yabang niya kasi e. parang Myrtle and Claire lang. Kahit ano pang talent (ganda) mo, mas gusto pa rin ng nakakarami ang mabuting kalooban.

  1. Balewala ang talent kung may attitude problem ka. Same ng explaination sa number 3.

  1. Dream High!- Lahat sila. Syempre ito ang title ng palabas nila. Lol. Pero seriously, You have to dream first para may guide ka. At kung mangangarap ka man lang, e taas-taasan mo na.


May mga quotes ako napulot dito sa Dream High na nakainspire sa akin:

Do you know what a break shot is? It's the first shot you take to break the rack of balls in a billiards game. It is the shot that starts every game.You can hit the ball at the same angle with the same force but it always break the rack in a different way. That's how it is with life and changes. Life break shots, changes can come at us from nowhere and that completely disrupt our normal life. Don't be scared and enjoy the game.
at

They say that in this world there are two kinds of happiness. One kind of happiness you only know after the moment has passed and the other is a happiness you feel in the moment. That happiness you feel in the moment is so precious, that they say the memories of this kind of happiness can stay with you and enlighten your life.


Ayam super effort pa ako sa pag play at pause para makopya ko lang yan mula sa subtitles. Grabe.

Last week lang e natapos ang Dream High 2 sa KBS. Hindi ko makwento sa inyo kung ano naman yung story kasi hindi ko naman napanood yun. Diba nga ABS Prime Time ang peg ko ngayon. Sabi ng kapatid ko, hindi daw ito continuation ng Dream high 1 at medyo nag-iba yung story. Kaso hindi masyadong winner ang rating sa Korea kasi mas bet nila ang the Rooftop Prince starring Mickey Yoochun.