Monday, January 30, 2012

Review-Reviewhan: My Cactus Heart


I always believe na ang love is not as complicated as what we see on movies, read on books or as we hear on FM radios every night. Its just us who makes it complicated kaya feeling natin complicated nga talaga ito.  Hindi ba pwedeng ikaw lang talaga ang nag-iinarte kaya nagkakaroon ng complications?


The movie poster

My favorite movie producer (as what Kuya Macky say),  Star Cinema's latest movie  My Cactus Heart shows the other side of love. This movie is a proof sa cliché na pang-basag o break-up line na "It's not you, it's me", at dahil iyon sa pag iinarte ng lead character sa movie.

The MCH is about Sandy (Maja Salvador) who is tagged as Miss Cactus Heart dahil sa hindi na mabilang na kanyang binasted at hindi paniniwala sa happy ending. At dahil nanganganip na hindi nila makuha ang kanilang project, inintriga ng boss ni Sandy kung bakit ba hindi siya naniniwala sa happy ending. And here goes the signature Star Cinema format: the flashback.

It's a typical reason for the people na nahihirapan magmahal dahil na-trauma sila sa nangyari sa parents nila. And like them, yan ang reason ni Sandy. Naging duwag siya na magmahal kasi ayaw niyang maiwan din tulad ng kanyang ina na si Margarette (Rossana Roces).

However, nanggulo na naman si Destiny at gumawa ng paraan para magkalapit sina Sandy at Carlo (Matteo Guidicelli) *insert the tilian here* At siyempre hindi lang naman si Sandy ang may pinagdadaanan. May emo moments din si Matteo, but he always sees the rainbow after the rain. Medyo awkward nga ang set-up nila ni Sandy kasi isa lamang siyang hamak na waiter cum singer while si Sandy ay may kaya at may stable na work.

Top-billed by the real life sweethearts, kitang-kita ang chemistry sa 2 lead characters na sina Maja and Matteo. Unlike sa trailer, hindi masyadong "maingay" ang character ni Maja dito. She portrayed the character well and very realistic. However, on Matteo medyo hindi diya halatang mahirap dahil maputi siya, though najustify naman kasi si Ramon Christopher naman ang kanyang ama sa movie. The only thing na dapat i-enhance ni Matteo is yung pagsasalita niya ng tagalog. Hindi kapani-paniwala na mahirap lang siya then may slang ang pagtatagalog niya. Dapat magpaturo siya kay Sam Milby.

I also love the character of my super idol, Osang, na ang cool maging nanay. Sayang nga lang kasi di masyadong memorable ang kanyang character unlike sa character ni Joey de Leon sa Wont Last a Day, kung saan father siya ni Sarah… in short, nakulangan ako sa exposure ni Osang sa movie.

Siyempre hindi lang naman si Matteo ang tinilian sa movie, kasi nandyan din si Xian Lim, as Benedict, the Boss of Maja. Infairness, hindi naman kawawa ang character dito ni Xian, unlike kay Matteo sa first movie nina Sarah and Gerald na nakalimutan na siya. Yun kais yung napapansin kong sakit ng isang Star Cinema movie, laging may nakakalimutang characters na parang napadaan lang. Hindi tinatapos. Laging may question ang mga audience (ako yun) na anong nangyari sa third-party? O bakit di man lang nagkaroon ng reconciliation ang  mag-ama, mag-ina, mag-kapatid, magkapit-bahay at kung sino-sino pang isinamang extra sa movie.

Thumbs-up din sa mga supporting cast sa movie like Sandy's brother and best friend.  Pati na rin pala yung tita ni Matteo na si Joy Viado. Nakakaloka lang siya, super cool na Tita. Nakadagdag sila sa funny moments ng movie.

Honestly, I like the story because it is more realistic than the Sarah-Gerald movie showed last month. Unlike sa claim na nakakarelate ang mga movie-goers sa Wont Last A Day because of mala Love Notes, Wild Confessions or Talk to Papa- format na peg, I think My Cactus Heart is the one who can relate to ordinary people. Sa movie kasi na ito, walang epal na other woman, walang OA na third party na ipaglalaban ang mali, walang wicked kontrabida na wala ng ginawa kundi ang maghiganti, walang kataas-taas na kilay na mga eksena. In short, posible itong mangyari sa totoong buhay.

Maybe, additional factor na rin na I'm with my jologs friends na mahilig din sa romantic movies and everytime may sweet moments sina Maja and Matteo, e super kinikilig at feeling ko alam na alam iyon ng buong sinehan sa ingay ba naman namin. Hahaha.


Here are some of my epiphanies after watching this movie:

1. Lahat tayo may issues, and it depends on how we handle those issues, kung tulad ni Sandy na dinibdib ang lahat at hindi maka-move on, or kung mala-Carlo lang ang peg, always positive in life. For him kasi, nangyari na kasi yun e, at least you learned from that experience and dapat hindi na uli mangyari ang mga ganap na iyon.

2. To support my claims sa simula ng post na ito, we sometimes overthink, to the point na hindi pa nga nangyayari, assumera na tayo na alam na natin ang kakahinatnan nito. Like the character of Sandy na she assumes na hindi mag wo-work ang long distance relationship, e hindi pa naman sila ni Carlo. Pwede bang maging kayo muna bago mamroblema?


Clap-clap din pala sa gumawa ng trailer nito. Infainress hindi spoiler ang triler nila.

I know lalaitin na naman ako ni Kuya Macky pag nabasa niya itong post na ito.  But what the heck? This movie is worth watching for.


Saturday, January 28, 2012

Review-Reviewhan: Same Time Next Year


Nalaman ko lang ang movie na ito dahil kay Florence kasi gusto kong mapanood yung One Day. Kung nabasa or napanood mo na yung One Day, same lang sila ng peg. Actually, I still haven't seen One Day, but based on its trailer, ang unang difference ng movie na ito is the age ng mga characters. Kung sina Anne Anne Hathaway and Jim Sturgess ay after graduation nag meet, meaning mga nasa 20s pa sila; ang mga characters naman dito sa Same Time Next Year, married na sila.

The plot:

Some time in 1951, Dorris and George met in restaurant, they talk and then woke up in each others arms and naked. They felt guilty on what they did but as what they said, what happened to them feels right. Love at first sight? Well, maybe. But they have to face the reality, they are both married with kids- 4 for Dorris and 2 for George. However they don’t want to ruined their family just because of their selfishness. So before they part ways, they both agree to meet on the same place, same time, next year, hence, the title of the movie.


The movie focused on the 7 different years as Dorris and George meet.  There had a confrontation on their 5th "anniversary"; some years later, there were births, death and marital problems that they were able to share and solved together. 

I'm not supporting infidelity, adultery, 2 timing or any other synonyms nito. Pero as I watch STNY, I cant help to think that what if, that same scenario happens to me, mala- Bakit Ngayon ka lang ang drama. Though isang araw lang sila every year nagkikita, I can't describe their setup as simple lust. For me, it is a different category of a relationship na mahirap bigyan ng pangalan. There's friendship, trust, and love which for me, are very essential in every relationship

Their relationship as narrated in the movie, lasted for 24 years. So they only just see each other 24 times, less than a month but they proved na wala sa haba ng pagsasama or sa dalas ng pagkikita masusukat ang pagmamahal. Siguro, nagtataksil sila sa kanilang mga asawa at anak pero hindi naman masasabing mali kasi alam naman nila ang kanilang limitations. 

Another thing I like in the movie is the theme song The Last Time I Felt Like This... Super nakaka-in love ang song na ito. Here's the lyrics:


The Last Time I Felt Like This- Johnny Mathis and Jane Olivor

Hello, I don't even know your name
But I'm hopin' all the same
This is more than just a simple hello?

Hello, do I smile and look away
Yes, I think I'd smile and stay to see
Where this might go

`Cause the last time I felt like this
I was falling in love
Falling and feeling
I'd never fall in love again
Yes the last time I felt like this
Was long before I knew
What I'm feeling now with you

Hello, I can't wait 'til we're alone
Somewhere quite on your own
So that we could fall the rest of the way
I know that before the night is through
I'll be talking love to you
Meaning every word I say

`Cause the last time I felt like this
I was falling in love
Falling and feeling
I'd never fall in love again
Yes, the last time I felt like this
Was long before I knew
What I'm feeling now with you
Oh, the last time I felt like this
I was falling in love
Falling and feeling
I'd never fall in love again
Yes, the last time I felt like this
Was long before I knew
What I'm feeling now with you


So if you like unconventional romantic movie, I recommend this one. This movie is not recommending or encouraging elicit affairs, but this is the other side of the story. Siguro, totoo nga talagang alapin tayo ng pag-ibig. 


(Side note: Yung theme song pala nito, ginamit din sa movie ni Ding Dong and Marian... eww... lol =))




Playlist: Pinoy Rock Part 2- Kamikazee


I love rock music, Hindi pa ba obvious na super love ko ang PNE and Simple Plan? Pero syempre hindi lang naman sila ang mga love ko. So this post is dedicated sa pinaka "crazy" na OPM band, ang Kamikazee.

Ganyan sila kakulet!

The band is composed of Jay Contreras as the lead vocals; Jomal Linao, as Lead and Rhythm guitarist and Backing vocals;  Led Tuyay, as lead and Rhythm guitarist;  Puto Astete, Bass guitar and Bords Burdeos in Drums.  High school pa lang ako when I started to love them. Mahilig talaga ako sa mga loud songs. At kung loud music lang ang pag-uusapan, ang best band to defined loud music is Kamikazee.

First time kong napanood ang Kamikazee na kumanta ng live sa concert ng Simple Plan, kung saan sila ang opening act ng concert. At siyempre hindi sila ang Kamikazee kung hindi sila kasing lilikot ng mga kiti-kiti lalo na si Jay na ilang beses nagpupumilit na maghead stand.

Kung ang akala niyo ay puro kalokohan lang ang alam ng band na ito, pwes nagkakamali kayo. One thing na nakakatuwa sa kanila is kapag love song ang kanta nila, lyrics pa lang mararamdaman mo talaga ang seriousness sa song nila.

Favorte lines from my fave Kamikazee Songs:

Narda: Pinaka una kong napakingggan na matinong song ng Kamikazee.. Sumikat ang song na ito noong inagawa ang Darna, the version of Angel Locsin.  Pag-ibig na palaisipan, sa kanta na lang idadaan

Director's Cut: This is my super fave song of Kamikazee. Super ouch lang… At kung hindi na babalik. Sana sa pag gising ay wala na ang nadaramang sakit. At kung hindi na babalik. Ipilit sa sarili na hindi ako nagkamali...

Martyr Nyebera: This is a song for the battered husbands. Pero mahal kita, walang nang hahanapin pang iba. Handa aking mag tiis kahit na away-away na to.

Chiksilog: Once upon a time, nauso ang pakikipagtextmate. And this is song is for those na nalinlang ng kanilang mga naka-eyeball.  Kaya pala ang husay mo sa espada, si Maldita ay lalake pala

Ambisyoso: Everyone of us have a dream. And in this song, Kamikzee enumerates their fantasies.  Di tulad sa tindahan, walang utang, walang listahan. Managinip at mangarap, wala kang babayaran.


And from their crazy songs, Kamikazee shifted from being rockers to a love song rockers in their new album which is full of love rock songs- Romantico.


Ang bonggang album cover nila. Super serious kunwari. 


Super love ko ang album na ito. Love songs na rock pa rin ang dating. Maginoo pero may medyo pagkabastos or pagka-astig. For me heto na ang pinaka seryosong album so far ng Kamikazee.

Halik - This song is about a person na iniwan.  He then realizes na he/she cant live without her/him, pero huli na ang lahat…  Ngayon ko lang natutuhan, masubukang mamuhay na parang bang may kulang. 'Pag nawala doon lang ma-mi-miss. Paalam sa halik mong matamis

Kislap-  the new alternative song ng mga nagbabalak manligaw. Super sweet song, Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, Kahit ano ang dumating, pag-ibig ang sasagip sa atin.

Paano- This song is for the torpe out there, shy to court someone because he is afraid he might ruin their friendship.  O kay hirap aminin, baka kaagad mag-iba, ayaw ko lang na ikaw ay mawala.

Sana- The sweetest song in the album. For sure this song is dedicated to the wife of Jay. Ibahin mo ang mga awaitin  na ito, dahil ang aking mga na isulat ay para lang sayo.

Sobrang Lungkot- Pinakamadamdaming track ng album. Super haba ng lyrics, ang hirap kabisaduhin…  Sobrang lungkot gusto ng mamatay…

TNT- This song is for the guys na super presko, lol. Sa tingin ko ito yung theme song nila. Kanina ko pa napapansin, buong gabi ka sa akin natingin. Malakas ba ang aking dating, parang alak nakakalasing.

Tagpuan- For me, this song is for the couples who have elicit love affair. Parang Same Time, Next Year lang ang peg.  Parang batang kinikilig, hindi mapakali at nasasabik na mahawakan kang muli...

Teka Teka- Kung may song sila para sa mga lalaking presko, ito naman ay para sa mga girls na mga assumera. Teka, teka ako ay may sasabihin, mga halik sa akin huwag masyadong seryosohin. Saling pusa lang ang mga puso. Relaks ka lang baby, naglalaro lang tayo.



For sure, like me, you'll love this album. Sayang nga lang, hindi kami nagkaroon ngchance makipag agawan ni Grace nung nagpamigay sila sa Simple Plan Concert. 


Sunday, January 15, 2012

Get Your Heart On! Tour Manila


Thursday, January 12, 2011
8:00 pm


Siguro habang sinusulat ko ang post ko na ito, nagsisimula na sila. Hay, kahirapan nga naman…  Pinalampas ko na naman ang isang pambihirang pagkakataon na makita sila. Heto na naman ako, pilit na kinukumbinsi ang aking sarili na "Okay lang yan, may next time pa naman. One day, you'll be able to see them face to face. Higit pa sa iilang oras na panonood mo sa kanila." Pero sa totoo lang naghuhumiyaw ang aking puso: HINDI OKAY!

Nakilala ko sila noong high school pa lang ako. Agad nilang nakuha ang aking atensyon dahil na rin siguro sa kanilang mga likha na talaga naman nakakarelate ako. Hindi naman ako rebellious at hindi magiging kelanman. Pero sa kanta nilang Addicted and God Must Hate Me, nakuha na nila agad ang teenager kong puso. Minsan, iniisip ko nga na ako na lang ang "My Allien" ni Pierre.

Noong 2004, muli silang nagbalik para sa kanilang ikalawang album. At lima sa mga ito ang nagustuhan ko kaagad:  Shut Up, Welcome To My Life, Me Against The World, Crazy at Untitled na tumagal sa hit charts.

Lumipas uli ang apat na taon bago nila nilabas ang kanilang self-titled album. Ilang beses ko itong pinapatgtog sa aking mp3 (Your love is a Lie, Save You at Generation)…

At nitong nakaraang taon lang, nilabas nila ang kanilang latest album na Get Your Heart On! At heto lang ang masasabi ko: mahal na mahal ko ang album na ito!

October pa lang alam ko na na darating sila dito. OMG! Heto na ang aking pagkakataon! Kaso heto, kasalukuyan kong ginagawa ang post na ito imbes na nakikijamming ako sa kanila doon sa Araneta. Nagkasya na lang ako sa pagsabay na pagkanta sa album niyo Hayzzz….. Simple Plan, kelan ko kaya kayo makikita?

-------

Ok fine, enough of this drama.. Syempre gagawin ko pa ba ang post na ito kung mag e-emo lang ako, of course not! Thanks sa persistence ni Grace, na pi-nush talaga na makapanood kami, at last natuloy nga ang aming "simple" plan… I'm so happy.

As I metioned earlier, October pa lang nalaman ko na may concert ang Simple Plan dito… Get Your Heart On Manila Tour, through my BF, Vberni. So nagplan na kami ng bibili kami ng ticket as early as December. Nalaman ko rin na like din pala ni Grace manood so inaya ko rin siya… Yes, push na talaga ang plan na ito. Nagulat na nga lang ako one-time, nag pareserve na ng ticket si Grace, mga last week ng October yun, nawindang na lang ako, "Gracey, purita pa watashi, kumalma ka, sa December na lang tayo bumili." I even memorized all of their songs sa kanilang new album bilang isa sa aking mga preparations.



Pero siyempre may handlang pa rin. November ng nalaman ko na may concert si Katy Perry! Kelangan talaga naka-exclamation point! Si Katy yun e! Okay na sana, super saya ng new year na darating dahil ang aking 2 fave artist ang darating for a concert. Kaso same month ang concert nila. Jan 12 for Simple Plan while Jan 22 naman yung kay Katy.. Hay super kahirapan talaga…. I need to watch them both! Ang nangyari tuloy, matulin na lumipas ang November and December na walang nangyari.

Nakalimutan ko na ang mga concert na iyon ng sumaoit ang January, nasa vacation mode pa kasi ako, So habang nag iinternet ako, nabasa ko ang post ni Grace, dated January 11:

OMG! Concert na pala ng Simple Plan bukas! Agad akong nagcomment sa kayang post:

So iyon,  check pa namin if may available pang ticket kahit General Admission lang. Sabi ni Grace, doon na mismo sa Araneta dapat bumili ng ticket. Sumapit na ang gabi, dumating na sa Pilipinas ang Simple Plan.  Di pa rin kami sure kung mapapanood namin sila.

Jan 12 na, so this is it! Text ako ng text kay Grace if may ticket kami. Wala pa rin, inform niya na lang daw ako by lunch time. Wala na nga siguro kaming pag-asa..

Pero mga bandang 3 pm, nagtext si Grace, may tickets na kami! Yehey! This is really is it na talaga! Wala ng makakahadlang sa aming panonood ng concert.

Buti naman walang mga masasamang elemento na pumigil sa akin on my way to Araneta. Himalang nakasakay ako kaagad sa MRT Guadalupe. Arte kasi ni ate e, ayaw pang pumasok, siniksik ko na lang sarili ko. Halos sabay lang din kami ni Grace dumating.  Pagpasok namin, nakakuha naman kami kaagad ng good spot, nasa pinaka taas kami, pinakagitna din, so kitang kitang kita namin ang stage.

I observed the audience na kasama namin. Infairness, mga baget pa ang karamihan. I was 10 or 11 noong nag start ang Simple Plan pero talagang namaintain nila ang kanilang audience, ang youth. Ang bongga lang talaga. Dami kasing mga bagets na nakakarelate sa mga kanta nila.

One of my favorite Pinoy band opened the program, Kamikazee. As always, Kamikazee's lead vocalist, Jay ignite the audience's energy through his crazy antics. Ilang beses niyang pinagpipilitang mag headstand, kaloka siya. Ipinakita din niya ang kanyang "macho-dancer" moves, kala mo kay ganda talaga ng katawan niya. Syempre tinugtog nila ang kanilang mga hit songs, Martir Nyibera, Narda, Halik, Ambisyoso, tsinelas…  isiningit pa nga ni Jay ang poem na "Foot prints in the sand" sa kanta niya e. Siya na ang may kabisado. Syempre mahahalata ang mga perks ng nasa baba, nagpaagaw sila ng kanilang cds. Sila na.

After ng first act, we waited for another 30 minutes dahil nag-ayos uli ng stage. Saktong 9 pm lumabas na ang Simple Plan… Syempre tilian na ang mga tao… Energy din talaga ang mga bagets. First song nila ang Shut Up. Infairness katuwa yung manong na katabi ko, feeling bagets din, alam niya yung ibang kanta ng Simple Plan. Hindi lang din puro songs from their new album ang kanilang kinanta. They also paly song like my alien,  Im just a kid, Addicted, welcome to my life. Jump, when im gone, and your love is just a lie. Meron pa yatang iba, hindi ko na matandaan (coerrect mo na lang to Grace). Syempre hindi ko na matandaan yung pag kakasunod dahil busy ako sa pagsabay sa pagkanta ni Pierre. Syempre as requested ang last song is Perfect. Katuwa si manong na katabi ko, alam niya ang Perfect at naki-kanta din siya.

Here are some pics sa concert. Sorry naman kung malabo, yan lang ang kinaya ng BB ko.

Ang gwapo ni Pierre no?






Im so happy kasi nagawa ko na ang una sa aking to do list for 2012: to watch  concert/s. This is my first time to watch a concert, kung hindi counted ang free concert sa PLM noon. Nonetheless, it was a great experience. I've got the chance to see my fave band singing live in front of me. I can't wait for Katy this Jan 22.

After ng concert, Pierre said that the will definitely come back again soon. Sa isip namin ni Grace, after 4 years na uli for their new album. We promised din na it that day comes, nasa harapan na talaga kami.

PS: 
Spacial thanks to Grace's father na siyang bumili ng ticket namin…



Wednesday, January 11, 2012

Random #supershortpostforthesakeofhavinganewentrythis2012

Nagulat ako ngayon-ngayon lang ng biglang may nag text sa akin na he got my resume in JobStreet and he is inviting me in an exam/interview tomorrow at Salcedo Village, Makati. Okay, ilang tambling lang sa office namin, medyo hindi ako maliligaw. Kaso I have to be in office attire (And in my mind I say, "Duh? Naka T-Shirt and Pants nga lang ako pag pumapasok sa office,wala na akong mga pang formal outfit") 



Pero bago ko problemahin ang akoing outfit, inalala ko kung kelan ako nag-apply sa company nila? At in what position? So binasa ko uli ang text message and tumaas ang aking kilay sa  nabasa ko: for HR Post. What? Does he read my resume? Mass Comm graduate po ako, hindi HR Management (May course na ganito sa PLM).  So I immidiately check my email to check if may na-apply-an ako na John Clements. Wala naman. I search the company for profile, kasi if I apply or send resume to companies, I make sure na I read their profile or anything about them para hindi ako magmukhang tanga if ever they invite me for exam or interview. Nawindang lang ako kasi hindi ko magets ang kanilang profile. Hindi ko malaman kung recruitment firm sila, or out-sourcing. Iat the back of my mind, sabi ko heto na naman, may mga nangti-trip na tao na walang magawa. Malas lang nila, wais ako at hindi madaling mauto. Hindi niyo na maitatanong, hindi lang ito first time na nangyari sa akin... 


Dear Ate Charo,
Itago niyo na lang po ako sa alias na Employed Gurl. Newly graduate (last April 2011 lang po ako grumadweyt). So ayun nga po, swerte naman pong natanggap po ako kaagad bago pa man ako mag-martsa. Hindi pa man po ako nakakapag-sang buwan sa aking trabaho, saka naman po nagsulputan ang mga kompanyang nauna ko pong pinadalhan ng resume. Kung baga po sa chat options ng yahoo messenger, In-ignore all ko na lang po sila kasi po hindi naman dalawa ang katawan ko na tulad ni Amapola. So ayun nga po uli lumipas ang anim na buwan na may nagsusulputan pa rin na tumatag o mga nagtetext, pero deadma na lang po and I moved on. 


Kaso po, one day, isang araw, may tumawag po sa akin. Akala ko po mga taong pinagkaka-utangan ko na po, buti na lang po ng sinagot ko yung tawag, hindi naman pala. Nagpakilala po siya pero hindi ko na po maalala ang kanyang pangalan kasi nga po hindi naman po katanda-tanda ang name niya. May inaalok po siya. Sabi ko, "hay naku po,, hindi po ako interesado sa hulugan, nababaon na nga po ako sa utang e." Sabi niya, "Hindi naman hulugan ang inaalok ko e, trabaho." Nanlaki po ang aking mata (I know hindi niyo maimagine kung paano nanlaki dahil todo na ang pagdilat ng mata ko, tingnan niyo pa sa picture ko), kasi Trabaho = Money. 


Hindi ko naman kaagad pinahalata na interesado ako sa kanyang sinabi. Tinanong ko muna kung paano niya nakuha ang aking number. Sabi niya sa PLM daw. After nun nagsalita na siya ng kung anu-ano na hindi ko naman naintindihan. Hanggang sa tinanong niya kung working na ako. Oo sabi ko, Saan? Sa makati. Anong posisition? Technical Writer. Ganito, gagawan ko na lang ng paraan, magkiita tayo. Are you available on Saturday, 3 pm, sa office ko sa ortigas. Hindi ako pwede e (Naalala ko kasi na may ganap ako sa darating na sabado.) So ganito na lang, bukas na lang (Tuesday noong tumawag siya).  Sige (wala akong nagawa). What time are you available? After office hours. Ok so meet me at 6:30 pm at Valero. Okay.


Bago pa po matapos ang aming pag-uusap, tinanong ko siya kung anong position ang kanyang iniaalok. Dito na siya hindi nakasagot ka agad. It took him 10 seconds before maka-sagot at mag buckle pa ang loko. Dito na ako naghinala, pero siyempre hindi ko pa rin pinahalata. Sabi niya, dahil nga daw Mass Comm grad ako, hanapan pa daw niya ako ng pwedeng paglagyan at  depende na rin sa aming mapag uusapan kinabikasan. 
Sa isip ko, nagdesisyon na ako na hindi na lang ako puipunta, ng biglang nagsabi siya nito: "I hope you'll be professional and pupunta ka since taga PLM ka." Nyeta, nangblackmail pa ang gago. Sabi ko na lang, "ok."


Nagpadal siya ng text message na may directions kung paano pumunta sa office na sinabi niya. Sabi niya, he'll text me na lang gain for the room number on the day of our meeting kasi hindi pa siya sure sa room number. Huh? Office niya pero hindi niya alam ang room number? So deadma na lang uli. 


Saktong ngatext ng same time si Florence asking if anyone knows that company. Nagtaka ako. So something is really fishy. Nagreply ako: Tumawag sa akin kanina, may appointment kami bukas, bakit mo natanong? 
Flo: Heto kasi yung sinasabi ni Ate Lai na scammer.
Me: Sabi ko na nga ba e. Kaya hindi siya nakasagot kung anong position ang available sa company nila. When and where ka niya pinapapunta?
Flo: Sat. sa ortigas. Check mo nga yung site nila.
Me: Wala akong magets sa site nila. Walang laman. Ang vague pa ng mga nakalagay. 
Flo: heto nga yung sinasabi ni Ate Lai, May iaalok lang na kung anu-ano or something. 
Me: Ah. Puntahan ko pa rin bukas. Malapit lang naman sa office e.
Flo: Sige. Balitaan mo na lang ako.
Me: Sige. 


Sumapit po ang Wednesday, Ate Charo.  Tinatamad po akong pumunta kasi may ganap din sa bahay ng araw na iyon. At para suportahan ang aking gut feeling na huwag ng pumunta, nagseacrch ako sa internet about sa kanila. Hanggang sa may nakita akong site na nagsasabi na hoax ang company na yun and nag aalok lang sila ng kung anu-ano. At 4 hours daw ang duration ng meeting na iyon. Ay sus, magsasayang lang pala ako ng time, talagang ayoko na nga. 


Nagtext uli ang guy na iyon confirming my attendance sa appointment. I replied: Im sorry hindi po ako pwede kasi mag over-time po ako sa office. Marami pong pinapagawa. He replied, Ok. Good Luck. (which for me, he expected na talaga na hindi ako susupot.) I asked him kung paano niya nakukuha ang detail ng mga graduates sa school. And he replied: I think it's not your business since  it's between us and your school. Nyeta! Gusto kong replayan: I think it is my business since its our personal information they were giving! Umaatitude ang gago porket nabawasan ng maloloko. Pwes, for your information, uso na po ang internet. Madali ng mabisto ang mga manloloko. 


Pasensiya na kung hindi ko malagay ang name, number at company daw ng damuhong iyon kasi binaon ko na sa limot ang lahat. Naalala ko na lang uli ng may nagtext na naman sa akin ngayon. 


At para naman may silbi ang post ko na ito, here are the tips para hindi magoyo ng mga kung sino-sino:


1. Make a list ng mga pinasahan ng mga resume. Mas madali ang monitoring kung through email kasi nakasave sa sent items ang mga company na pinasahan mo. 
2. Think not only twice, thrice but 100 times before believing a text message from someone from nooneknowstheresuchthing company. 
3. Teh, uso na ang internet, kahit saan pwede kang maki internet, matutong mga search ng profile ng company bago maniwala.
4. Wag masilaw sa malaking offer, kung gusto mong malaki ang datung, mag call center ka, at least sure ka na ligitimate.
5. Huwag maniwala sa pasimpleng blackmail tulad ng ginawa sa akin (though hindi naman totally blackmail un). Ayon sa aking konting natatandaan sa logic, logical fallacy ang paglalahat  sa mga ginawa ng tao. You should know better since nagkapag-aral ka. 
6. Itext broadcast ang mga tao kung knows nila ang company na yun. Naka-unli ka namn teh e. 


I know mahirap maghanap ng trabaho ngayon at dahil dito naglipana ang mga mapagsamantalang mga nilalang na RANDOM lang kung mag send ng invites for interview (ayun o, naisingit ang title). We should be careful sa mga ididisclose na mga information. Buti na lang may pagkasuplada ako. 


PS:
Sorry naman sa super short post ko noh? Hindi ko pala keri magpaikli ng mga sinasabi kaya dapat...


#superhabapostforthesakeofhavinganentrythis2012